CHAPTER 57: BLOOD MORNING

“MARGAUX.” HINDI UMABOT SA PANDINIG ni Margaux ang pagtawag ni Alberta. Tulad kanina ay awtomatikong kumilos ang kanyang kamay para dakutin ang kanyang puson nang kumirot iyon.

The drop of sweat that fell on her fist resting on her lap looked blurry. Sobrang sakit ng kanyang nadarama at kinakapos siya ng hininga kahit nakaupo lang siya roon.

“Ayos ka lang ba, anak?”

“Tapos ka na bang magsalita?” Mariing naipikit ni Margaux ang kanyang mga mata nang magdoble ang tingin niya sa kaharap. Getting this dizzy and in this much pain weren't what she needed.

“Patawarin mo ‘ko...”

Hindi siya sumagot. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng matandang babaeng nakaluhod sa kanyang paanan, pero hindi na ‘yon rumerehistro sa kanyang isip. Isang bagay na lang kasi ang nanatili roon — ang kanyang caro.

Sa dami-dami ng sinabi Alberta, ang natatandaan niya lang ay ang mga katagang 'tunay na anak ng Don’ at ‘tunay mong ina'. Ewan na ni Margaux kung tama pa ba ang pakikirinig niya sa iba pa. Hindi na rin naman mahalaga sa kanya ‘yon.

Masakit ang kanyang tainga ang mga sinasabi ng kaharap pero walang-wala ‘yon sa pisikal na kirot na tinitiis niya habang hindi gumagalaw sa pagkakaupo.

‘Ang aking caro...’ her mind whispered, overpowering Alberta’s sobs. ‘Papatayin nila ang aking caro...’

“Margaux! Saan ka pupunta?”

She didn’t look back at Alberta when she walked to the door. Nanginginig ang bawat mabuway na hakbang niya pero sigurado ang mga ‘yon. Unti-unting kumupas ang hapdi sa kanyang puson kaya nakatayo siya nang tuwid bago niya mabuksan ang engrandeng pinto.

“Margaux—”

“Kailangan kong makausap si Pa—” her voice halted when she choked on the word. Tama pa ba na angkinin niya ang Don ganoong isinampal na sa kanya ni Alberta ang totoo? Heaving a deep sigh, she swallowed before bitterly correcting herself. “K-Kailangan kong kausapin ang Papa ni Romano.”

“Hindi ka dapat lumabas! Ilang ulit ko nang nasaksihan ang mga umagang ganito!” Nagmadali sa pagtayo ang matandan para habulin siya. Her wrinkled hand tried to grab onto her daughter’s dress but then it came too late. Nakahakbang na si Margaux habang hawak sa magkabilang kamay ang bawat dahon ng engrandeng pinto at gulantang na nakakatitig sa napakanipis na pulang ilaw na nakatutok sa mismong ulo ng Don!

Margaux felt more horror flood her, realizing that someone was going to kill the Don.

Maaring ang mga nangyari nang nakalipas na oras o ang kaalamang nanganganib silang lahat ang dahilan, pero tila kay talas ng kanyang pandama ngayon. Napaka-wirdo niyon dahil bukod sa kanya ay tila hindi nakikita ni Alberta ang nakaambang kamatayan sa kanilang harapan.

Nahihintakutang sinundan ni Margaux ng tingin ang pinagmumulan ng ilaw. Lumagpas ang kanyang tingin sa mga puno ng plantasyon, tumagos paakyat ng burol, hanggang sa manlaki ang kanyang mata nang makumpirmang nasa tree house ang gustong pumatay sa Don! Oo, doon mismo, sa kaparehong lugar kung saan niya natutunan ang ibig sabihin ng magmahal at umibig ng walang limitasyon.

'Ang bahay namin...’ She furrowed her brows confusedly for a second, analyzing who could be staying in their sacred place. Then, as if a tidal wave hit her, her feet moved on their own, making her walk slowly at first until her steps got faster and faster.

'Si Romano ‘yon!’ sigaw ng kanyang puso habang tuloy ang pagtakbo.'Papatayin ni caro ang Don!'

“Sabihan mo ang isa sa mga katulong na dalhan ng dyaryo si Don Alejandro!" she yelled on top of her lungs, unsure if Alberta could still hear her order from the distance. Nagpuputol ang kanyang boses dahil sa pagbabalik ng sakit sa kanyang puson. It didn’t matter at that time, though. Mamamatay ang taong nagpalaki sa kanya.

"Margaux!"

"G-Gawin mo!" She forced her shaking legs to run, ignoring the contractions that were killing her. Palala nang palala ang kanyang nararamdaman. Parang may kamay na dumudukot sa kanyang sinapupunan at pilit hinahatak ‘yon palabas.

‘Huwag ngayon. Maawa ka. Huwag kang sumabay...'

"Gawin mo! Gawin mo, Inay!" Napasigok siya sa kabila ng butil-butil na pawis sa kanyang balat. Ni hindi na nga niya alam ang pagtawag na namutawi sa kanyang mga labi nang utusan niya si Alberta. Dagdag pa roon hindi niya na rin nakita ang paglambong ng pinaghalong saya at lungkot sa mga mata nito habang pinanonood siyang tumakbo.

BINIBILANG NI ROME ang bawat tibok ng kanyang pulso habang nakatitig sa lente ng kanyang baril. Manhid na manhid na siya sa buong mundo habang tinututukan ng M82 Barret ang ulo ng kanyang kalaban.

Hindi na niya nakikita ang mabining pagsasayaw ng mga dahon na pumapalibot sa kanilang tree house. Wala na rin saysay ang manakanakang paggalaw ng mga sanga o ang musikang pandigma na pilit sumisiksik sa kanyang tainga.

Isa na lang ang natitira sa kanyang madilim na mundo— ang Don.

The old man was drinking coffee on that beautiful morning. Kakalabitin na sana niya ang gatilyo nang biglang may humarang na katulong sa kanyang target at binigyan ang matanda ng dyaryo.

Ang totoo pwede naman niyang patayin pareho ang dalawa, wala naman problema sa konsensya niya ‘yon. Kaya lang sigurado rin siya na isang putok lang ang kanyang magagawa bago siya matuklasan at paputukan din ng mga sundalo nang Don. Hindi siya pwedeng pumalya. Isang beses lang siya dapat tumira at hindi niya dapat sayangin ‘yon sa isang walang-silbing katulong.

He wouldn’t mind dying in that tree house once the soldier’s found him. Ang totoo, parte na ng plano niya ‘yon. Nangako na siya kay Margaux at sa kanilang anak na hindi man lang niya nayakap man lang...

‘Isasama ko siya sa impyerno, Margaux.’ Nahigit niya ang kanyang hininga nang maalala ang putok ng mga baril. Umiyak kaya sa takot ang kanyang cara kanina? Naging madali ba ang pagkamatay nito? O pinanood muna ng mga demonyong ‘yon ang paghihirap ng kanyang mahal habang nagmamakaawa ito?

‘Alejandro. Pagdating natin doon, papatayin kita ulit.’ Positioning his finger back on the trigger, he took another deep breath just in time the maid moved out of his target.

‘Tatlo...

Dalawa...

Isa...

BANG!│“CARO! HUWAG!”

Then, out of the blue, that familiar heavenly voice came screaming from his back.

Nanigas siya nang bigla siyang sakupin ng mainit na yakap na ‘yon. Hindi siya handa para sa muling pag-inog ng kanyang mundo. At mas lalong hindi naman siya nakapaghanda sa hirap na hirap na boses na nanuot sa kanyang utak nang humigpit pa nang husto ang mga braso nito sa kanya.

“Caro...”

He was caught so unguarded that he remained stupefied while watching the maids, uniformed soldiers of the Don, and everyone else in that decorated garden start running everywhere.

May ibang tumakbo papasok sa villa, mayroon ding mga nagkumahog para daluhan ang Don na tumilapon ng ilang dipa matapos niyang tamaan ang lamesang inuukopa nito. Mayroong mga papasugod na sundalo sa kanilang tree house. At ang pang huli... may isa pang grupo na biglang pumasok sa bakuran, winasak ang bakal na harang bago nagsimulang magpaulan ng bala sa kabuuan ng lugar.

In a flash, the beautiful garden in front of the villa became a battleground, exploding, burning, and covered with thick smoke.

Rome blinked his eyes in disbelief. He was barely holding his stance. Napalitan na ang malamlam na liwanag ng bukang liwaway. Kulay pula na ang liwanag na humahaplos sa kanyang mukha dahil sa malaking sunog na hindi niya man lang namalayan kung kailan nagsimula

"Cara mia?"

He heard her groan against his back, burying her face in him while clutching his jacket. Napakahina ng iyak nito kumpara sa sunod-sunod na pagsabog sa kanyang harapan pero sapat ‘yon pera maramdaman niya ulit kung nasaan ang kanyang puso.

"Cara, magsalita ka."

“DINUDUGO AKO, CARO!”

‘PAANO BA ITO LAHAT NAGSIMULA?’

Margaux’s eyes felt heavy. Unti-unti na ring lumabo ang napakatinding hapdi na nararamdaman niya simula pa kanina.

Napakagaan niya. Tulad ng isang dahon na lumulutang sa makapal na usok.

Ganito rin kaya ang naramdaman ni Alicia bago siya humugot ng huling hininga? Siguro.

Nasusunog ang kanyang tree house pero parang ang labo-labo na niyon. Kailan nga ba siya binalot ni Rome ng jacket nito? Ah, oo! Noong bago nga pala siya matumba, at tarantang itakbo nito palabas ng kanilang munting paraiso.

May mainit na likidong tuloy-tuloy sa pag-agos sa pagitan ng kanyang mga binti. Dinudugo ba siya talaga? Bakit kaya? Paano naman nangyari ‘yon?

Rome’s voice sounded far... so... so... far.

Paulit-ulit siyang tinatawag ng kanyang caro. Sinisigaw nito ang kanyang pangalan na para bang ito ang namamatay at hindi siya. Buhat siya nito pero ang kaya niya lang gawin ay manatiling nakasabit sa matigas nitong braso. Naririnig niya ang sagutan ng mga baril, malalakas at mararahas. Nadarama niya rin pati ang mabibilis na kilos ng kanyang mahal, mabangis ito at puno ng galit.

Bakit kaya parang napakaraming kalaban ng kanyang caro? Saka pulbura ba talaga ‘yong naamoy niya?

Kumusta kaya ang kanyang caro? Ayos pa ba ito?

Margaux bitterly smiled as a tear rolled down her cheek. ‘Mukhang hindi na.’

There was blood dripping on top of her. Eksaktong pumapatak ‘yon sa ibabaw ng kanyang dibdib kung saan hirap na hirap nang pumintig ang kanyang puso. Tinamaan yata ang kanyang caro habang tumatakbo ito. If so, then why wouldn’t he just let her go? Hindi ba mas madali ritong lumaban at iligtas ang sarili kung ilalapag na lang siya nito?

“Caro...”

“Kapit, Margaux.” She felt Rome’s chest clench against her shoulder. Nasundan ‘yon ng mas marami pang dugo na tumulo sa kanyang damit. “Hinga. Malapit na tayo. Basta huminga ka lang.”

As weak as she was, she groggily laughed, feeling her own heart tear apart. Mas mukha kasing kailangang huminga ng kanyang caro. How could he even advise her to breathe when he, himself, couldn’t?

“Mahal kita...” her weak voice trembled as she forced the words out. Mabuti nang masabi niya iyon kasi baka hindi niya na magawa mamaya. “Mahal na mahal kita—”

“Mahal na mahal din kita! Hindi ba pwedeng huminga ka muna para sa anak natin?” Caro's mad scream was followed by more gunshots. Pero siya? Hindi niya napigil ang mapangiti bago isara ang kanyang mga mata.

That curse did sound so much like the caro she first knew— edgy and rough.

"M-may baby tayo, caro?"

The sound of his gun answered her. He was firing again, swaying her in graceful moves to protect and cover her whenever a bullet fire in their direction. Mukha silang nagsasayaw at sa totoo lang ay pangarap niya sana ‘yon. Kaso hindi mahilig sumayaw ang kanyang caro.

“K-kung mayroon, sana kanukha mo siya ‘no?” she tried to joke between her heavy breaths, unsure if it was even making its way out of her mouth. Base sa pagkakakaladkad ng kanyang mabibigat na paa sa sahig ay napakabilis na ulit ng takbo ng kanyang caro. His breath was bursting. Alam niyang pagod na pagod na rin ang kanyang mahal pero ayaw siyang bitiwan nito.

He was taking her somewhere, but then her whole body was beginning to feel like a ton of brick. At kahit pa gustong-gusto niyang pagaanin ang kanyang sarili para bawasan ang paghihirap nito— hindi niya na magawa.

"Mahal pa rin kita," she managed to slur one last time before her soul sagged inside his arms.

'.. at mahahalin kita muli kapag nagkita tayo roon.'