Chapter 56: THE DAY ALLA MIA AMATA PLAYED AGAIN

ALA-SINGKO PA LAMANG NG UMAGA ay umuugong na ang buong villa. The scent of food, combined with flowers, was lingering in the air. Daan-daang lamesang binalutan ng puting linen ang pumupuno sa kabuuan ng bakuran. Nagmistulang mga bubuyog na nagkakagulo ang mga katulong sa pagbubuhat ng mga pinggan at kubyertos.

Mayroon ding isang grupo ng mga musikero na pinatawag ng dis-oras ng gabi. Nagkukumahog ang mga ito sa kasalukuyan habang pag-aralan ang pinakamasalimuot na musikang kanilang tutugtugin sa kanilang tanang-buhay — ang Alla Mia Amata.

“Tandaan mo. Kapag nagkamali ka nang isang beses ay magbabago ang kahulugan ng piyesa.” Sa gitna ng kaguluhan ay nakatayo ang Panginoon. Pailalim itong nakatitig sa isang pobrerong kaluluwang may hawak ng violin.

“S-Señor—”

“Para sa nag-iisang anak ko 'yan...” Alejandro nodded his head as his amber eyes pierced through the trembling violinist’s face. Hindi man ito magsalita ay madali namang hulaan na huling piyesa ng kaawa-awang musikero ang Alla Mia Amata kung hindi nito masusunod ang utos dito. “Perpektohin mo ang pagtugtog kung may mga mahal ka pa at kinatatakutang maiiwan sa buhay mo...”

“O-Opo, señor.” The musician barely opened his mouth. Halos hindi nito mahawakan ng maayos ang hawak na papel dahil sa panginginig ng mga kamay. Sa ika- isang daang ulit ay muli nitong binasa ang patong-patong na notang bumubuo sa piyesa ng Panginoon. At makalipas nga ang ilang tensyunadong segundo ay muli nang narinig ang klasikong musikang pandigma na mismong sinulat ng Don para sa kanyang yumaong minamahal.

‘Ang aking Oropeza...’ The Mafioso closed his eyes as he mentally read the Morse code he wrote. ‘Natagpuan ko na ang ating anak. Pauwi na siya para kitlin ang buhay ko. Nagustuhan mo ba ang dekorasyon ng ating bahay? Pumasa ba sa panlasa mo ang pagsalubong na inihanda ko para kay Romano? Sana oo, aking esposa—’

“Nagkamali ka!” Biglang sumabog ang galit na sigaw ni Alejandro kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Agad na nasundan ‘yon ng pagtaob ng lamesa, pagkabasag ng mga mamahaling porselana, at pagkagimbal ng lahat... sunod-sunod na putok ng mga baril mula sa hindi kalayuan.

“S-Señor. H-Hindi ko na po k-kayang tumugtog—”

“Manatili kang nakaupo,” Alejandro’s voice was back to being calm when he cut those words off. Pagkatapos, tulad ng isang mabuting ama na nagpapakalma ng kanyang anak, tinapik-tapik niya ang balikat ng humahagulgol na musikero. “Uupo ka diyan hanggang marinig mong utusan kitang tumayo.”

“P-Pero—”

“Sumunod ka!”

The violinist swallowed hard, but then didn’t say more. Mayamaya pa ay nahihintakutang dinampot nito mula sa lupa ang instumentong naihagis nito. Understanding that any wrong move would cost him his life, the poor musician clipped the violin between his cold shoulder and trembling chin before playing the war music again.

Bumalik sa magiliw na pakikinig ang Don. Swaying his head to the tune, as he calmly shut his eyes for the second time. Naalala niya kasi ang kanyang unang Amati.

‘Narinig mo ang mga baril na ‘yon, Oropeza?’ Another bitter-sweet smile cracked the old man’s lips. ‘Malapit na rito ang nag-iisang anak natin... Magkikita na tayo sa wakas, aking mahal.’

“PAPA! “

Malakas ang sigaw ni Margaux. Ni hindi niya na mahawakan nang maayos ang manibela dahil sa takot na lumulukob sa kanya. Mariin ang pagkakapikit ng kanyang lumuluhang mga mata habang bulag na nagmamaneho pasuong kakahuyan.

‘Papa, tulungan mo ‘ko...’ she mentally cried as she forced herself to open her swollen eyes. Kahit ang kanyang binti ay nanigas na sa pagkakaapak sa gas-pedal.

Iba pala ang pakiramdam ng hilakbot. Malayong-malayo ‘yon sa simpleng takot. Wala nang malinaw kay Margaux kung hindi ang malalakas na pagtama ng mga sanga sa kanyang windshield. Napatili siya ulit nang bumunggo ang kanyang windshield sa isa pang sanga at tuluyang naglamat ‘yon.

Frightened to her hilt, she grabbed the phone on the dashboard one more time.

“PAPA!” she screamed again when four consecutive gunshots shot her car. Isa sa mga ‘yon ang bumasag sa kanyang side-mirror habang ang isa naman ay tumagos mula sa likod ng kanyang sasakyan at tuluyang dumurog sa kanyang windshield.

“Pa...” she begged on her phone. Daig niya pa ang debotong nagmamakaawang mabuhay sa hawak niyang aparato. “Papa, saklolo... Papa—ugh!”

Then there was that short stabbing pain in her tummy that made her gawk. Napakasakit niyon kaya bigla siyang kinapos ng hininga. Nalaglag ang kanyang cellphone kasabay ng suot niyang singsing nang madakot niya ang kanyang puson.

She closed her eyes as she painfully dragged her breath. She couldn’t thank heaven more when the murderous pain didn’t last long. Agad ding nawala ‘yon kasimbilis ng pagdating. A split second to recover and she was back to blindly driving.

‘Tulungan ninyo ko... Kahit sino...’

Anim na putok agad ng baril ang sumagot sa mga humahabol sa kanya kasabay ng pagbundol ng kanyang kotse sa huling barikada ng talahib sa daan.

Breaking out of the dark woods, her whole world got swallowed by lights even more blinding than the sun.

Nasilaw siya kaya hindi niya agad nakilala ang mga unipormadong lalaki at dose-dosenang itim na kotseng naghihintay sa kanya. Bawat isa sa mga maginoong naroon ay may hawak na de-kalibreng baril na nakatutok sa pinanggalingan niyang direksyon. Bawat isa ay tila mga sundalong gawa sa bato habang inaabangan ang paglabas ng mga kalaban nito.

“Papa...” naiiyak niya ang pangalan ng nagligtas sa kanya nang bahain siya ng ginahawa. Kaso hindi nagtagal ang pagkakampante niyang ‘yon nang biglang sabay-sabay na magpaulan ng bala ang mga tauhan ng Don at mapuno muli ng nakamamatay na ingay ang buong paligid.

Needless to say, the God had sent his army to crush those who had hurt her.

“Madam, ayos lang ba kayo?” One of the uniformed men rushed to open the door as soon as the gunshots stopped. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito kahit pa nga nananatiling matigas ang ekspresyon. “Madam—”

“Nasaan ang papa?” she sobbed silently like a child. Then weakly, she looked at the soldier before her. “Iuwi ninyo ko kay P-papa.”

ROME’S BLOOD WAS BUBBLING. Narinig niya ang sagutan ng mga baril—lahat ng ‘yon. Dose-dosenang nakamamatay na putok na nanggaling sa lokasyon ng kayang cara. Saglit na pinahinto niyon ang tibok ng kanyang puso habang nakatulala siya sa kanyang tracker.

His mouth gaped when the red dot on his screen stopped moving.

‘Cara?’ He silently begged for the red dot to move again. Kaso hindi na nangyari ‘yon. Hindi na muling nagbago ang lokasyon ni Margaux matapos ang malalakas na putok ng baril kanina. Nahuli na siya.

“Galaw...” His voice barely made it out of his chest. Mas matindi pa ang sakit na kinalunuran niya ngayon kumpara sa kagabi. His tears fell and burned its way down his cheeks.

“Galaw,” he repeated as if he already lost his mind while begging the tracker. “Hindi ka ba gagalaw? Sige na. Kaya mo 'yan, cara. Sige na, parang awa mo na...”

Hindi siya humihinga. Hindi na rin siya sigurado kung tumitibok pa ba ang puso niya habang nagmamakaawa siya sa kanyang gadget.

“GUMALAW KA!” he screamed in pain before pulling a gun from his jacket and firing the monitor before him. He blasted his phone to pieces when he realized that it wouldn’t be of any use anymore.

Ang maliit na tuldok na lang na ‘yon ang nagbubuklod sa katinuan ni Rome. It was the only remaining sign that his cara was still breathing, moving, and fighting for her life.

Kaso...

‘Mamatay tayong lahat sa araw na’to.’ he gritted his teeth. His hand was gripping the stirring wheel with all the pent-up anger in it.

“Isasama kita. Kakaladkarin kita sa pupuntahan ko, Alejandro.”

BY THE TIME THE SUN WAS RISING, the violinist finally perfected the Alla Mia Amata.

Nakaupo ang Don sa isa sa mga upuan sa hardin habang pinanonood ang pagkalat ng liwanag na dala ng umaga. Calmly, he picked up the cup of coffee before him.

Bakas sa mukha nito ang kapayapaan na tila ba hinihintay na lang nitong matapos ang buhay nito at ine-enjoy ang mga natitirang mga sandali.

Walang kumbidado sa kanyang engrandeng piging kung hindi siya lang.

‘Kaunting minuto na lang, Oropeza.’ His shoulders mildly shook when he laughed. Isa kasing alaala ang bumalik sa kanya dahil sa kanyang naisip. Pambihira, 'yon din ang ang kaparehong mga salita na sinabi niya sa kanyang minamahal ilang segundo bago dumating sa kanilang buhay ang kanilang paslit na si Romano. Hawak niya ang mga nanginginig na kamay ni Oropeza noon at pareho sila ng nararamdaman— natatakot pero ubod ng saya dahil isisilang na ang bunga ng pagmamahalan nila.

Thirty years after and the feeling was still the same. Ang kaibahan lang, tasa na lang ng kape ang hawak niya at hindi na ang mga kamay ng kanyang napakagandang si Oropeza.

Nasa Reiti Paso sila nang isilang ang kanyang Romano. Inakala niyang iyon ang pinakaligtas na lugar para sa kanyang unico figlio. Tama naman siya kahit paano, naging napakasaya ng mga sumunod na taon. Ano pa ba naman ang kanyang mahihiling? May masayahin siyang anak na pinag-aalayan niya ng kanyang buong mundo at kapiling niya ang nag-iisang babaeng nagmamay-ari ng kanyang puso.

Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maitago sa kanyang mga kalaban ang kanyang mag-ina. Umabot 'yon sa puntong pinakasalan at ipinain niya sa kalaban si Alicia Scota —isang papasikat na ballerina. Si Alicia ang nakilala ng lahat bilang kanyang esposa. Kadalasan, ito rin ang hinahabol ng mga bala at baril na dapat ay nakatutok sa kanyang pinakamamahal na si Oropeza.

He was a Mafioso after all. Every demon in hell wanted his crown. Napakahusay ng kanyang plano hanggang sa umamin ang babaeng ginamit niya na mahal na siya nito. Ang sumunod na lang na naalala niya ay ang pagkawala sa kanya ng lahat dahil nagtraydor si Alicia. Itinuro nito sa mga kalaban ang kinaroroonan ng kanyang tunay na mag-ina.

“Ito na ba ang tamang panahon para papatawarin natin siya, Oropeza—”

“Papa!”

That was when a loud scream dragged the Don's attention back to the present. Maingat na ibinaba niya ang kanyang kape kasunod ng paglingon sa kanyang likuran.

He saw the girl Alicia tried to force on him, telling him that the baby girl could be equal to his missing son and that she herself could be equal to Oropeza. Nakakalungkot mang isipin pero pawang kalokohan ang mga 'yon. Hindi matutumbasan ng kahit sino ang kanyang dalawang 'amati'.

Nawalan ng pagkakataong umiwas si Alejandro nang sabik siyang yakapin ni Margaux mula sa likuran. Ilang taon na rin pala ang lumipas at nagdalaga na ang kanyang ampon.

He felt the girl bury her face in his back. Nadama niya rin ang pagyugyog ng katawan nito dahil sa pag-iyak. Walang nagbago. Ganitong-ganito rin ang gawain nito mula noong maliit pa ito. Tatakbo, lulundag, pagkatapos ay yayakap na animo ito ang kanyang tunay na anak.

“Papa, tulungan mo ‘ko...” Her cold arms tightened around him. Nagmamakaawa ito. Sa huli ay napabilang din pala ang kanyang ampon sa madugong buhay niya bilang Panginoon ng mga Mafioso. He tried his best not to include her in it, kaya nga lagi niya itong iniiwan at hindi pinapansin.

“Papa, kailangan ka namin.”

Heavily, Alejandro lifted his hand to tap the head of that child. Pagkatapos niyon ay salat sa emosyon siyang bumulong, “Kumain ka na ng agahan, Margaux. Inutusan ko ang iyong ina na ipagluto ka.”