Chapter 58: THE LAST OF PAIN
IT WAS THE WORST BATTLE HE HAD FOUGHT. Isang labanan kung saan hindi niya man lang makilala kung sino ang kanyang kalaban. A battle where he had to keep firing his gun while staring at his cara’s dying face.
Nakalimutan na niya kung ilang bala ba ang bumaon sa kanyang katawan para kay Margaux. His whole body was numb, but then he just couldn’t let her go. Blangko na rin ang kanyang isip. Hindi niya na kayang kilalanin ang daan-daang mga duguang mukhang pumapaligid sa kanila.
Alejandro’s soldiers were fighting like they were a group of hungry beasts. But then, the group that broke through the gate minutes ago, whom he thought were Marco’s soldiers, were just as ferocious.
Napansin niyang isa sa mga grupo ang prumotekta sa kanya habang tinatakbo ang direksyon ng parking lot. Ilang unipurmadong sundalo rin ang sumalo ng bala para sa kanya. They were willingly giving their lives to him, assuring him that he would get where he needed to.
He was in pain— so much of it.
Pero hindi ‘yon dahil sa mga balang bumaon sa kanyang laman. Malabo man ang kanyang wisyo ay nakilala niya ang klase ng sakit na pumapatay sa kanya. Hindi para sa sarili niya ‘yon kung hindi para kay Margaux. Hindi siya naghihingalo dahil sa kanyang mga sugat kung hindi dahil sumasabay ang tibok ng kanyang puso sa munting anghel na halos hindi na kumakapit sa sinapupunan ng kanyang cara.
The whole world looked red from where he ran— crimson, to be exact.
‘Huminga ka... Utang na loob, huminga kayo.’ He held her closer to him, burying her cold face in his chest and ignoring the blood dripping from his shoulder. ‘Nagmamakaawa ako sa’yo, Margaux! Huminga ka!’
“Palabas na ang señorito! Protektahan ninyo ang parking lot!”
He heard a voice echo above the explosions and gunshots as soon as his blood-soaked footsteps reached the hollow place he was aiming to go.
Hindi naman espesyal ang pinagdalhan niya sa kanyang mag-ina. Parte lang din ‘yon ng impyernong kanyang ginagalawan na may mga bullet-proof cars. He silently thanked the uniformed men who immediately made a human barrier at the entrance.
“Papalabas ang señorito. Barikadahan ninyo ang parking lot! Protektahan ninyo ang parking lot!”
‘Narinig mo ‘yon, Margaux? Huwag ka bibitaw.’ He kissed her hair, not slowing down even with the short comfort that flooded him. Unti-unti nang humihina ang nakamamatay na ingay sa labas kasabay ng mas malalim na pagpasok niya sa lunggang ‘yon. Isa pang huling duguang hakbang ang ginawa niya bago tuluyang natahimik ang buong paligid.
‘Malapit na tayo, cara. Hinga. Tiisin mo lang. Ilalabas ko kayo ng anak natin dito—’
BANG!
Then there was that gunshot coming from nowhere that blasted the back of his leg. It immediately stopped his ghostly run and sent him crashing to the floor.
Kung nahuli siya ng pagkilos ay nadurog na niya sana ang tila babasaging kristal na katawan ni Margaux. Buti na lang at gumana bigla ang kanyang isip kaya naiikot niya pa ng huling beses ang kanilang posisyon. Naisalya niya ang kanyang likod bago sila humampas sa lupa. He disregarded the mad impact of the floor on his bleeding back and her thud on his barely heaving chest.
Did an enemy secretly get into the parking lot without the soldiers seeing him?
Oo naman dahil gyera ito. Lahat pwedeng manloko at gumawa ng paraan para mahanap ang kanilang kalaban. Walang batas. Walang ligtas na lugar sa gitna ng ganito kadugong araw.
Nanlaki ang mga mata ni Rome nang mapagtantong hindi na siya makabangon. Again, it wasn't because of the new level of physical pain that stabbed him, but of her. Madalas namang para sa kanyang cara ang lahat ng kanyang mga nadarama.
‘Cazzata!’
He groaned and forced his whole body to move. One painful turn, and he put her under him for cover. Pagkatapos niyon, gamit ang kanyang kamay na mahigpit pa rin ang hawak sa baril ay pinilit niyang gumapang. He wasn't able to make it further than just a few inches each time he pulled. Mahirap na kasing hatakin sa sahig ang katawan ng kanyang minamahal kung siya nga mismo ay hindi makumbinsi ang sariling buhay pa siya.
Nonetheless, he didn't care if he had to crawl for miles. Mahalagang madala niya sa bullet-proof na kotse ang kanyang cara. Kailangang-kailangan ng kanyang mag-ina ‘yon at mamamatay siyang pinipilit ibigay ang bagay na ‘yon sa dalawa.
‘Hindi ka bagay dito, cara. Hindi bagay sa mundong ginagalawan ko ang anak natin... Hindi rito... Tangina. Hindi pwedeng dito—’
BANG!
Yumugyog ang kanyang buong katawan nang isa na namang bala ang bumaon sa kanyang likuran. This time, collapsing one of his lungs and making him spat blood on Margaux’s beautiful hair.
Lalo siyang nanghina nang hindi na siya halos makakapit sa sahig. Ni hindi na niya mautusan ang kanyang mga daliri na gumalaw pa kahit kaunti.
‘Kailangan ni Margaux ‘yong kotse... Iyong kotse—’
“Ayaw mo talaga siyang isuko ‘no?”
That baritone voice echoed from somewhere. Mayamaya pa ay nasundan iyon ng mga yabag.
Kahit malabo na ang paningin ni Rome ay naramdaman pa rin niya ang paghinto ng mga sapatos na ‘yon sa kanilang harapan. Kilala niya rin ang nakakainsultong boses. Lumaki kasi siyang paulit-ulit na kinukutya at pinaalalahanang ampon ng nagmamay-ari niyon.
“I-Ikaw?”
“Ako, si Papa Marco, at syempre, ‘yong isa pang ampon ni Papa na namatay sa pagtatanggol sa'yo, si Escobar. Kami. Laging kami...” Tumawa si Adriano at nanatiling matigas sa pagtutok ng baril sa kanyang mukha. “Giyera ‘to, Romano. Walang pilian kung kanino ba ipuputok ang baril.”
‘Figlio de puttana!’
“You obviously failed to kill the Godfather. Nakita ko siya kaninang sumakay ng kotse.” Humalakhak ulit ng nakakaloko ang matangkad na lalaki. Then Adriano crouched, leveling himself so he could stare at Rome’s blood-drenched face. “You obviously didn’t find the Amati either. Nakita ko rin siyang lumalaban kanina. Mabangis. Matapang. Pero bigo sa pagpatay ng isang Panginoon. Aksaya lang siya ng pera at oras—”
“Umalis ka sa mukha ko...”
Making fun of what he said, Adriano cocked his head to the side and tsked. “Kaninong mukha ang buburahin, Fratello? Sa’yo ba?” Ibinaon nito ang dulo ng baril sa kanyang noo, pushing the nuzzle against his forehead hard and making his neck bend a little. “O mas masasaktan ba ang Amati kung sa kanya?“ Sa noo naman ni Margaux nito tinutok ang hawak na baril.
Hindi matatawaran ang libang na bumaha sa mukha ng kanyang kalaban nang mapangiwi si Rome kasabay ng pag-angat ng duguang kamay.
Kaso sobrang hina na niya. Ni hindi na niya maitulak palayo kay Margaux ang kalaban kaya itinakip na lang niya ang sariling palad niya roon.
Sa napaka-igisng panahon ay natitigan muli ni Rome ang kalmadong mukha ng kanyang cara. He sadly smiled as tears pooled in his eyes.
“Okay, nakapagdesisyon na ang Amati. He participated.”
Lumipat ang baril ni Adriano sa kanyang likod at napa-ubo siya ulit ng dugo nang sadyang ibaon nito ang dulo niyon sa kanyang sugat.
Rome felt the sharp pain that burst in his chest, but then he just closed his eyes to it. ‘Patawarin mo ko kung binigo kita. Ginawa ko lahat... Maniwala kang mas mahal kaysa sa sarili ko, Margaux—’
BANG! BANG! BANG!
Rome couldn’t recall what the new bullet that dug into his skin felt like anymore when his whole body gave up. Nag-alala siya na baka madaganan at masaktan niya ang kanyang mag-ina pero wala na siyang magawa. Naging napakabagal ng mga huling segundo.
He was falling. His sensory was deteriorating fast that he became oblivious of Adriano’s dead body hitting the floor even before his.
“ROMANO!”
May matandang sumigaw mula sa kung saan kasunod ng dose-dosenang yabag. There were more noises, but none of them registered to him anymore. Ni hindi na niya namalayan ang pares ng maiinit na bisig na nagmamadaling bumuhat sa kanya bago pa siya masubsob sa sahig.
Wala nang laman buong mundo. Kaguluhan na lang, dilim at —init?
Oo, iyong tipo ng init na kay tagal niyang hinintay na iparamdam sa kanya ni Don Marco. Iyong masarap na klaseng nadama niya noon galing sa lalaking walang mukha mula sa kanyang nakaraan.
Malambing ang walang mukhang lalaking iyon at palagi siyang niyayakap bago siya matulog. Hindi niya maalala kung sino ang lalaking taga Reiti, Paso, pero natatandaan niya ang pagtakbo nilang dalawa sa kanilang malawak sa salas. Araw-araw silang naglalaro at araw-araw ding biglang susulpot ang kanyang Mama Oropeza mula sa kung saan. Nakasimangot at gigil na gigil sa kanila lagi ang kanyang ina dahil nakabasag na naman sila ng isa sa mga plorerang koleksyon nito.
Iyon lagi ang oras kung kailan siya bubuhatin ng matipunong lalaki. Paulit-ulit na hihimasin nito ang kanyang likod kapag natatakot na siya sa kanyang mama. Nakakatawa pero oo, noong bata pa siya, nanginginig at umiiyak siya takot kapag sinasabi ng kanyang Mama Oropeza na walang merienda.
Laging naroon ang lalaking ‘yon noon para aluin siya. Parang ngayon habang natataranta itong punasan ang kanyang duguang mukha.
Nangungulila siya sa lalaking ‘yon— matagal na.
“Papa?” he called out through his faltering breath. Hirap na hirap na siyang huminga pero gusto niyang makasiguro. "P-Pa?"
“Romano... Nandito na si Papa."
He felt a strong hand lift his palm, making his fingers run over what seemed like a wrinkled wet cheek.
"Si Papa ‘to, " the voice talked to him just like before. It was warm and sweet, just like how his early life used to feel. "Nakabalik na si Papa. Romano? Romano, anak ko? R-Romano? ROMANO!”
But then he was gone. Hindi na niya narinig ang malakas at nangingipuspos na sigaw na ‘yon.
Pero higit sa lahat hindi niya na rin nadama ang pagkabiyak ng kanyang puso nang sa wakas ay makilala kung sino ba ang may kalong sa kanya — si Don Alejandro.