CHAPTER 54: VOICES IN THE DARK
MAHIRAP SABIHIN KUNG ANO ba talaga itsura ng impyerno noong mga oras na ‘yon. At three in the morning, hell looked nothing like what the bible said. Madilim. Pagkatapos nagri-ring ‘yong telepono hanggang may sumagot boses.
[Hello? Parating na siya, Panginoon.]
“Mabuti.”
[Gusto mo bong ipasalubong ko siya sa ‘yong mga sundalo?]
“Huwag. Hintayin mo siyang makapasok sa teritoryo ko.”
[P-Pero...]
“Maghintay ka lang. Hindi maaring hindi siya sundan siya ni Romano.”
Pauwi ako sa villa.
Hihingi ako ng tulong kay Papa.
Mahal na mahal kita.
—Margaux :)
A THREE-SENTENCE NOTE, A LITTLE SMILEY AFTER IT, and her name written using her red lipstick. Iyon lang ang kinailangan para magunaw ang buong mundo ni Rome habang nakatulala sa harap ng salamin.
Pagod na pagod na siya. Ni hindi na nga niya alam kung humihinga pa ba ang kanyang kaluluwa. Napakalamig ng mundo, mainit ang mga braso ni Margaux nang yakapin siya nito kagabi. Damn it. Hindi niya sinasadyang makatulog!
That was a reckless move. He should not have given into that murderous fatigue. Sinuko na niya ang lahat ng karapatan niyang magpahinga mula nang mahalin niya si Margaux. Who would have thought that it would only take that short while for her to slip between his fingers? Nagmistulang buhangin ang kanyang cara na kahit anong higpit ng hawak niya ay nawala.
‘Alejandro...’ Sa unang pagkakataon ay naikurap niya ang kanyang mga mata nang haplusin niya ang pangalan ni Margaux. His fingers were trembling, hoping that it was her face instead. Gusto niyang magsisigaw pero kahit paghinga nang maayos ay nahihirapan siya. ‘You lured her!’
Pinagsisisihan niyang hindi niya sinabi sa kanyang cara ang lahat. But then, how would Margaux react to it if he did? Matatanggap ba nito ang katotohanang napadpad siya tabi nito dahil papatayin niya ang mismong ama nito? Mamahalin pa ba siya nito sakaling malaman nitong pinapapatay din ito ng organisasyong kinabibilangan niya?
Bago mamatay si Gustavo ay sinabi nitong hindi tunay na anak ng Don si Margaux. Inabot ng dalawang araw bago niya napatunayan ang sinabi ng espiya, siya mismo ang humanap ng adoption paper ni Margaux sa opisina ng Don. Kakayanin ba ng anak niyang nasa sinapupunan ni Margaux ang bigat ng ihahampas niya rito kung umamin siya? The answer was a screaming ‘NO!’, kaya tinikom niya ang kanyang bibig.
‘Pati ba naman sila kukunin mo sa ‘kin, Alejandro?’
A lone tear rolled down his cheek as he gritted his teeth. It was a far simpler reaction compared to the pain that tore through his chest. ‘Papatayin mo rin ba ang mag-ina ko tulad ng ginawa mo sa unang Amati? Kay Mama?’
Hindi na masabi ni Rome kung anong eksaktong nangyari. Nang sa wakas ay matagpuan niya ang kanyang lakas na isigaw ang hapdi na lumalatay sa kanya ay sumabay doon ang malakas na tunog nang nabasag na salamin.
The time he got his wits back— may nagbago na sa kanya.
Hindi niya na kilala ang kanyang sarili. At mas lalong hindi na niya nararamdaman ang mga bubog na nanatiling nakabaon sa kanyang kamao habang nakalusot sa butas ng dingding ang kanyang braso.
Manhid na manhid ang kanyang pakiramdam nang hatakin niya ang kanyang braso palabas ng salamin at mahiwa pa siya ng ilang ulit.
Hindi na rin ganoon kainit sa pakiradam niya ang sarili niyang dugo habang tumutulo ‘yon sa sahig.
Nothing felt real. Not even the shards under his bare feet. And right at that point, alam niya — namatay na siya.
‘Magkita na lang tayo sa impyerno, Alejandro.’ He chuckled despite the tears rolling down his face. His amber eyes were void as they focused on the broken reflection of a man staring back at him.
Nginitian muna niya nang huling beses ang kaawa-awang nilalang sa salamin bago siya kaswal na naglakad palabas ng banyo. Wala na siyang pakialam sa dugong kumakalat sa sahig habang papunta sa bodegang pinagtataguan ni Tats ng mga baril nito.
Malabo na ang lahat. Hindi niya na alam ang kaibahan ng madilim at maliwanag nang makapasok siya sa walang ilaw na kwarto at damputin ang pinakagamay niyang baril mula sa tokador.
‘Saktan mo sila, Alejandro,’ His soulless laughter echoed against the wall of that empty house. ‘Mas maaga tayong makakarating sa pupuntahan nating dalawa...’
“DALAWANG DAAN `YAN.”
Hindi narining ni Margaux ang babaeng kaharap niya sa counter. Kanina pa kasi siya nakatitig sa kisame, partikular sa CCTV na nakadikit doon. Unsure if what she was seeing was right, she winced her eyes to make her view clearer.
“Ma’am, ulitin ko, dalawang daan.”
‘This is weird. Dito ba talaga nakaharap ang CCTV na 'yan kanina?’
“Ma’am?”
‘Ako lang ba nakapansin na gumalaw ‘yong CCTV?’
“Ma’am!”
‘Bakit parang sinusundan ako ng galaw nong camera? Oh my God. Bakit ako eh ang daming tao rito?’
“Hoy babaeng nakabara sa pila! May taong sinusubukang magtrabaho rito!”
It was only when the woman’s voice rose a few notches that Margaux jerked out of her trance. Namamalikmatang napalingon siya rito bago gulo ang isip na sinuyod ng tingin ang mahabang pilang kinabibilangan niya.
Tinapik ng cashier ang paper bag na kaharap nito. Ilang minuto na rin ang nakakaraan nang matapos nitong mabalot ang mga pinamili ni Margaux. With one of her eyebrows raised, the woman glanced at the other customers behind her. “Nasa loob ka ng isang convenience store ng ala-singko ng umaga. Baka gusto mong gumalaw, Miss?”
Naikibit na lang ni Margaux ang mga balikat bago kinuha ang kanyang wallet. Malamig sa cabin house na pinagdalhan sa kanya ni Rome kaya napagdesisyunan niyang isuot ang jacket nito. Hindi naman siguro magagalit ang kanyang caro kung hihiramin niya sandali ang damit nito, 'di ba? Naging ugali naman din kasi nitong ilapag ang damit nito sa kanyang ulo.
‘Tulad ng araw na pinakasalan ka niya...’ She gulped when a familiar warmth washed over her. ‘At tulad din ng iba pang mga araw na mas pinili niyang protektahan ka. Pagkakataon mo nang bumawi, Margaux. You need to talk with your papa. Walang makakatulong sa inyo kung hindi ang isang taong kasing impluwensya ng iyong papa—’
“Tsk! Miss, naman—”
“D-Dito ba talaga nakaharap ‘yang camera na 'yan?” pinutol ni Margaux ang inis na litanya ng kahera habang pabalik-balik ang tingin niya sa pila at kisame. Pagkatapos niyon ay inilapag niya ang kanyang pera sa counter. “Para kasing nakita kong gumalaw...”
“Ma’am, ako po ang kahera at itong bagay na ito...” The woman hit the side of the drawer attached to the desk. “Cash register po ang tawag dito, lalagyan ng pera. Sa tingin ninyo po, saan dapat nakatapat ang camera na 'yan?”
“Oo nga naman.” Ilang ulit munang kumurap si Margaux bago napapahiyang nginitian ang babae. Nagmamadali na siya nang damputin ang paperbag ng kanyang pinamili at tumalikod dito.
“Sa’yo na ‘yong sukli,” she said while giving the other customers one last glimpse. Damang-dama niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi dahil sa sobrang pagkapahiya.
‘Ano bang nangyayari sa akin? Para na akong timang...’
Hindi niya alam kung bakit huminto siyang humakbang ilang dipa ang layo mula sa pinto. Ewan niya ba pero para kasing may nagmamanman talaga sa kanya
Triggered, she turned her head and looked at the suspicious camera near the cashier.
‘What the fuck?’ Napabuntong-hininga pa siya nang makitang hindi naman gumalaw iyon. Noon pa lang siya tuluyang lumabas ng convenient store.
Ilang minuto pa ang lumipas bago narating si Margaux ang parking lot. Naglalaro pa rin sa kanyang isip ang nangyari sa loob ng tindahan nang sa wakas ay buksan niya ang sinakyan niyang kotse.
Ang totoo ay wala naman talaga siyang balak huminto sa convenient store na iyon kung hindi lang kumalam ang kanyang tiyan. Nagugutom na pala siya. Ni hindi nga pala sila nakapaghapunan ni Rome kagabi.
Pressing her back against the driver’s seat, she opened the paper bag on her lap and took a huge bite of the cheeseburger she bought.
‘Bakit sobra naman yata ang gutom ko?’ naisip niya agad nang tumunog ang kanyang tiyan oras na kagatin niya ang hawak na pagkain. Innocently, her free hand found its way under Rome’s jacket. Pinaraan niya ang kanyang daliri sa kanyang puson. ‘Grabe ka naman kung magreklamo. Hindi ba nga nagda-diet tayo—SHIT?’
Bigla siyang napahinto sa pagnguya nang may marinig siyang napakahina pero napalinaw na lagutok mula sa kung saan. Kapareho ‘yon ng narinig niya bago siya napraning sa loob ng convenience store kanina.
Nataranta siyang suyurin ng tingin ang parking lot na kinaroroonan niya. Madaming kotse ang nakaparada kahilera ng kanyang sinaksakyan at may mangilan-ngilang poste sa paligid. Mayroon ding basurahan sa isang sulok, may maliit na rampa na pwede gamitin ng mga customer’s na naka-wheelchair, at may CCTV camera na nakalagay malapit sa saliming pintuan para panoorin kung sino ang mga naglalabas-masok sa tindahan.
Nanlaki ang mga mata ni Margaux nang unti-unting kumilos ang camera sa kanyang harapan na tila isang robot na may hinahanap. Bawat lagutok niyon ay tila segundero ng bombang malapit nang sumabog. It was careful as it scanned the place like an all-seeing eye, moving its godlike glare from the ramp, to the place she was terrifyingly yet subconsciously expecting – her shock face.
‘NO!’ Hindi na matandaan ni Margaux kung paano niya nakabig ang kanyang sasakyang nang ganoon kabilis. Her hand was automatic when she turned the ignition and knocked the gas pedal as hard as she could.
Hindi na siya pwede magkamali sa pagkakataong ito.
May nagmamanman talaga sa kanya.