CHAPTER 55: THE GOD FATHER’S CHILD

NAGLALARO ANG MGA DAGA kapag wala ang pusa. Sa kaparehong paraan, naglalaro rin ang mababang klase ng diyos kapag wala ang Panginoon.

“Nagpakita na ang batang Montenegro.” Maingat na inusog ng nakakabatang lalaki ang itim na pyesang hawak nito sa chessboard. Ilang saglit pa ay hininto nito sa harap ng puting reyna - isang nakapagandang babaeng nililok sa salamin - ang hawak nito.

“Oh, siya nga ba?” Sumagot ng atake ang kalaro nitong matanda. Ginalaw nito ang puting reyna upang sakupin ang kaawa-awang itim na kawal.

That made the young man chuckle. Patamad na sinandal nito ang likuran sa mamahaling upuan bago nag-anunsyo, “Yes, Papa. Natagpuan na siya ng mga kawal.”

“Molto bien...” Binaha ng galak ang boses ng matanda. Pagkatapos ay ginaya nito ang ginawa ng anak at sinandal ang sarili sa upuan. Bakas ang saya sa kilos nito nang kunin ang kopita sa lamesa at sumimsim ng mamahaling alak. “Kumusta naman ang Panginoon? Nagpakita na ba?”

“Hindi pa," the younger man answered while giving his father a short look. Pagkatapos ay binalik nito ang tingin sa chessboard. "Hintayin natin ang batang Montenegro na dalhin tayo sa kanya.”

A desperate sigh burst from the old man’s chest. Biglang naging iritable ang itsura nito nang ibaba ang hawak na kopita. He was already losing patience. Hindi pa ba sapat ang tatlong dekada para talunin ang kanilang kalaban?

“Katulad pa rin ng dati si Alejandro. Napakahirap patayin." He shook his head dismissively, as if he wanted to forget about the years. "Kumusta naman ang ‘Amati’? Lumabas na ba siya?”

“Ang Amati ay...” the younger paused as if thinking deeply. Pagkaraan ay dumampot ulit ito ng isang itim na opisyal at tila nag-isip kung saan ilalapag ang hawak nito. “Ang Amati ay hindi pa nagpapakita magpasahanggang ngayon—”

"Hindi pa?!"

Kaysa matinag sa sigaw ng ama ay ngumiti ang batang manlalaro. Then, he put the chess piece in his hand down and began dragging it against the squares of the board. “Wag kang mainip, Papa. Ang ‘Amati’ ay papalabas na ano mang oras. Lubos niyang minamahal ang batang Montenegro." He let out a short laugh. "At nasisigurado kong tutuparin niya ang pinangako niya sa’yo bago siya lumabas ng bahay na ito.”

“Bien! Hindi ko siya pinalaki para sa wala,” sagot ng matandang lalaki sa mas seryosong boses. Pinagpatuloy nito ang pakikipaglaro sa anak. Itinaas nito ang kulubot na kamay. Balak sana nitong galawin muli ang puting reyna upang ipagtanggol ang puting hari. Kaso ay hindi na ito nakakilos. Kumurap ito nang paulit-ulit na tila hindi makapaniwala sa nakikita sa harap nito. “Isang itim na kabalyero, eh?”

“Opo.” The younger man chuckled triumphantly while looking down at the piece he had just moved.

On the furthest corner of the board was the black glass knight. Isang matikas na lalaking nakasakay sa kanyang nakadambang kabayo. He was an eerie warrior holding a sword in the air. Despite him being delicately carved from black glass, his personality shone through with every strong edge he had. Isa siyang tahimik na halimaw, walang-takot, at handang pumatay habang nakaumang ang espada sa pinakamahalagang piyesa ng laro—ang puting hari.

“Bakit kayo natahimik, Papa? May naaalala ka ba sa kanya?” Binuhat ng nakakabatang manlalaro ang itim na kabalyero sa huling pagkakataon. Then, without any ado, he tipped the white king off the board mercilessly, using the murderous black knight. Humagis ang puting hari dahil sa kanyang ginawa bago walang-laban na nabasag sa sahig.

“Checkmate na ang Panginoon, Papa," sabi ng nagwagi bago inangat ang kanyang paa at sa gulat ng matanda ay inapakan ang nabasag na hari. There was anger on his face when he crashed the white king more, grinding the piece using his expensive shoes. "Maghintay ka lang. Tinuruan natin nang mabuti ang Amati. Nagpupuyos siya sa galit ngayon kaya panoorin mo kung paano niya papatayin ang Panginoon." He grinned. "Your Black Knight would kill your enemy today, Papa.”

AND THE BLACK KNIGHT WAS ROARING IN FURY, INDEED.

Umaalulong sa galit ang sinasakyan niyang Ducati habang matuling binabagtas ang madilim na kalsada. He was cutting through the dark like a ghost. Lumiliyab ang munhi sa kanyang mga mata—gusto niya ng dugo.

‘Subukan mo silang hawakan, Alejandro...’ He gritted his teeth while tightening his hand on the stir. It propelled him at an unimaginable speed, but then he couldn’t feel the wind punching him. Kamamatay niya lang din kasi kanina.

Makapal ang ulap ng alikabok na iniiwan ng nagwawala niyang mga gulong. He was extreme behind the stirring wheel, and just his speed alone was deadly.

‘Makikita mo ang hinahanap mo oras na umiyak ang mag-ina ko.’ He went even faster, murdering the road more when he made that wild turn without even slowing down. His wheels screeched, spatting burning sparks behind him when the metal part of it scratched the floor.

Minsan niya lang tiningnan ang pumipintig na tuldok sa tracker ng kanyang cellphone bago muling binalik ang kanyang atensyon sa kalsada.

'Buhay pa ang aking cara pero kapag hinawakan mo `yan... papatayin kita.'

MABINI ANG HANGIN na gumugulo sa mahabang buhok ni Margaux. Kabalitaran ‘yon sa malakas na pintig ng kanyang puso habang takot na nagmamaneho.

‘Diyos ko!’ Bigla siyang napasiyap nang mapalingon sa side mirror. Twisting her lips distastefully, she focused her eyes back on the street and pretended not to see the black cars tailing her.

Tamihik siya habang pilit iniisip kung kailan nagsimulang sumunod ang mga kotse sa kanyang likod. Sigurado siyang mag-isa lang siya nang tumakas siya mula sa convenience store kanina. Patawid na siya ng tulay papunta sa kanilang villa nang mapansin niya ang patraydor at ubod ng tahimik na ginagawa ng mga ito.

"Damn it!" she cursed under her breath when her fear kicked her chest. Sinimplehan niya lang ang kanyang kilos nang kabigin niya ang manibela paliko sa ibang direksyon.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling, pero tila may mahinang boses na nagsasabi sa kanyang huwag agad ituloy sa villa ang kanyang pagmamaneho.

Despite the fear eating her up, she managed to grab her phone from the dashboard while driving. Nagmamadali siyang tumipa para magpadala ng mensahe sa nag-iisang taong alam niyang makakatulong sa kanya.

Ayaw niyang umiyak pero nang makita niya ang pangalan nito sa kanyang phonebook ay nagsunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga nahihintakutang luha. Kalabisan bang hingin muli sa malalakas na bisig na ‘yon na buhatin siya tulad noong munti pa siyang bata?

‘Tulungan mo ‘ko. Parang awa mo na, alisin mo ‘ko rito...’she begged before shakily pressing the send button. Ni hindi na niya pinagkaabalahang patayin ang backlight ng telepono nang ilapag niya iyon sa dashboard.

FROM: margaux. montenegro@gy. com

TO: alejandro. montenegro@montcorp. com

SUBJECT: PAPA, NATATAKOT AKO

No message to show.

“HINAHABOL NG MGA DEMONYO ANG ANAK MO, ALBERTA.”

“Señor?”

The bottle in Alejandro’s silently popped as he skillfully removed its cork. Nakatalikod siya sa matandang babaeng tila tuod na nakatayo sa pintuan.

Graceful as he had always been, his majestic hand reached for the line of goblets arranged neatly on his table. Alam kasi ng bawat kasambahay ang kanyang hilig sa mamahaling alak kaya naman hinanda ng mga ito ang kanyang paborito— Dom Perignon.

An immediate flight from Santorini wasn’t easy for his age. Matanda na siya. Despite his unfading aristocracy, it was evident in his face that the years had already weathered the ‘unbeatable man’ he was. Hindi man nagbago ang kanyang kulay apoy na mga mata ay kumulubot naman ang balat na nakapaligid doon. His hair was now a combination of white and grey. Hindi na rin kayang itago ng kanyang mamahaling suit ang katunayan na nilipasan na siya ng panahon.

“Sandali na lang at makakarating na ang anak mo.”

“Hindi ba’t siya ang nag-iisang legal na anak ninyo, señor?” Yumukod si Alberta pagkatapos magsalita. Umaapaw ang respeto sa tinig nito habang pinipigil ang sariling lumuha.“P-Pakiusap, gawin ninyo ang lahat para maligtas ang inyong anak—”

“Anak ko?” Alejandro let out an insulting chuckle. Mayamaya pa ay nilipat niya ang kanyang tingin mula sa hawak na alak papunta sa gintong kwadrong nasa lamesa. Bukod sa hilig niya sa alak ay alam din ng mga kasambahay kung gaano siya kasabik na makita ang munting larawan na ‘yon sa bawat niyang pag-uwi.

Dahan-dahan ang naging pag-abot ng Don sa gintong kwadro. Pagkatapos, tulad nang dati, ay mapagmahal na humaplos ang mga daliri niya sa malabong mukha ng babaeng naroon. Kasunod niyang hinaplos ang mukha ng munting batang kalong nito. Ito ang kaparehong larawan na nasira noong na mamatay si Alicia Scota. Aksidente itong nababad sa alak noong araw na magpatiwakal ang nasirang ballerina. Halos hindi na tuloy makilala ng Don ang mga mukhang pinapangarap niyang makita muli. “Pero isa lang ang anak ko. Il mio unco figlio. Nakalimutan mo na ba?”

Noon tuluyang pumatak ang mga pinipigil na luha ng katulong. Wala pa rin kasing pinagbago ang lambing sa boses ng Panginoon sa tuwing mababanggit ang anak nito. Kahit natupad ang pangarap niyang lumaking mayaman si Margaux ay hindi naman maitatagong kahit kailan ay hindi ito minahal bilyonaryong umampon dito. Nabigo si Margaux na palitan ang tunay nitong anak sa puso ng Don.

“Utang na loob, señor...”

“Ano ang pinagmamakaawa mo, Alberta? Hindi ba’t ikaw ang kanyang ina? Ikaw ang magligtas kay Margaux.”

Lalong lumakas ang hagulgol ng matandang babae dahil sa hindi intresadong boses kanyang kaharap. Malayo ‘yon sa pinangakong pagmamahal ni Alicia nang hingin nito ang kanyang munting sanggol.

Mali ba ang pangarapin niyang magkaroon ng mabuting buhay ang niluwal niyang sanggol kumpara sa kaya niyang ibigay bilang disgrasyada?

"Pakiusap iligtas ninyo po ang ‘anak ko’, señor," her voice shook as she corrected herself. "Parang awa ninyo na... Tulungan ninyo po ang aking Margaux."

Napanood ng magarbong kwartong yon ang unti-unting pagkaupos at pagluhod ni Alberta. Humahagulgol siyang lumakad nang nakaluhod na tila aliping humihingi ng limos habang iniiyakan ang kaligtasan ng isang anak na kahit kailan ay hindi siya natawag na ‘ina’.

“Patawarin ninyo ko, señor! Iligtas ninyo po ang anak ko...” she repeatedly prayed to the God who was not even looking at her. Nang sa wakas ay maabot niya ang palad nito ay nagmamadali siyang humalik sa diyamanteng singsing doon. Isang paraan para ipakita ang kanyang walang-kamatayang debosyon sa pinakamakapangyarihang mafioso ng buong bansa.

“Kaawaan mo kami. Kaawaan mo si Margaux." She buried her cold cheek in his hand, hoping for the man to at least look down at her. " Parang awa... magsalita kayo, Panginoon. Nagmamakawa ako. Magsalita kayo—”

“Palabasin mo ang mga sundalo para protektahan ang iyong anak, Alberta.” The Godfather finally remarked, putting the picture frame down before tapping the head of the poor soul crying on his hand. Matigas pa rin ang ekspresyon nito pero nagkaroon ng lambing ang boses nang muling magsalita. “Ayusin mo ang kwarto ng aking nag-iisang bambino. Siguraduhin mong puti at napakalinis ng sapin ng kanyang kama. Paborito ng kanyang ina ang mga linen at ikakagalit ni Oropeza ang ano mang mas mababa ang kalidad doon.”

“O-Opo, señor...”

“Naging maginhawa ba ang kabuuan ng maikling bakasyon ng aking bambino rito?"

"Opo, señor!" Alberta sobbed, lifting her agonized face."Sinigurado ko po. Sinunod ko po ang bawat utos ninyo."

"Mabuti naman." The Godfather sadly smiled. "Gusto kong ipagdiwang ang muling pag-uwi ng aking anak. Maghanda ka ng malaking piging kasabay ng bukang liwayway. Bubuksan natin ang aking bahay para sa pagbabalik ni Romano— ang aking natitirang 'Amati' at pinakamamahal.”