CHAPTER 53: HIS LIFE

KADILIMAN. Wala kahit isang liwanag sa langit. Walang buwan o ni isang bituin. Pawang katahimikan lang ang namamayani sa gabi. at mahihinang boses.

“Napansin niya na pa lang pinanonood natin siya.”

[Ganoon nga, Panginoon. Mas matalino siya kaysa iniisip ko.]

“Natural!” Napuno ng pagyayabang ang mas nakakatandang boses sa dalawang nag-uusap. Pagkatapos niyon ay humagikgik ito na tila siyang-siya sa nakikita. “Siya ang bukod-tangi at nag-iisang Romano, hindi ba?”

[Siya nga... May isusunod ka pa bang utos?]

“Kaladkarin mo siya pabalik.” Naghikab ang Diyos na tila naiinip sa mga susunod na mangyayari. “Siguraduhin mong makakauwi ang Amati sa lalong madaling panahon.”

TUMATAWAG SI ALBERTA.

Hindi. Mas tamang sabihing binobomba ni Alberta ng tawag ang kanyang telepono. Daan-daang missed calls sa nakalipas na labing-dalawang oras ang ginawa nito na tila wala itong kapaguran.

‘Sasabihin ko ba kay, Rome?’ Mabagal na inangat ni Margaux ang tingin mula sa nagba-vibrate na telepono sa kanyang kamay. Sandali niyang pinasadahan ng tingin ang hindi pamilyar na kwartong kaharap. Napakalungkot ng naturang lugar. Halos walang gamit. Wala ring pintura ang mga dingding. Kabaligtaran sa kung gaano kakulay ang balat at kung gaano kamasayahin ang nagmamay-ari ng bahay— ang nasirang si Tats.

“Bakit nakatayo ka lang diyan?”

Napaigtad si Margaux nang sa wakas ay magsalita ang nag-iisang tao sa loob ng kwarto. He was sitting on a couch and was facing the floor to ceiling glass window opposite the door where she was. Kulay kahel ang paglulubog na araw na minasadan ng kanyang caro. Malakas ang amoy ng alak sa paligid, at mayroon ding basag na bote sa paanan nito.

It was easy to tell that he wasn’t okay. Nagluluksa ang kanyang minamal...

“Ayaw mo ba ‘kong lapitan, cara?”

“Akala ko kailangan mo pa ng mas maraming oras.”

“Wala na akong oras.” Rome cut her off with the saddest voice she had ever heard. Pagkatapos niyon ay bigla itong tumawa nang malakas na para bang isang malaking kalokohan ang nangyari sa harapan nito. Isang napakaldilim at lungkot na halakhak na para bang may kamay na dumakot sa puso nito bago walang-awa piniga ‘yon.

“Lumapit kayo rito, cara.” He laid his hand, leveraging his elbow against the armrest, but didn’t turn to her at all. Nanatili lang itong nakatitig sa papalubog na araw. “Dito kayo sa tabi ko.”

“Lasing ka.”

“Talaga?”

“Yes, you are.” She gripped the phone in her hand harder. Mabagal ang kanyang mga hakbang nang unti-unti siyang lumayo sa hamba ng pinto. Ayaw niyang nakikitang ganito ang kanyang napakalakas at tikas na minamahal. Nasasaktan siya. “I’ll get you coffee. Tawagin mo ‘ko ‘pag okay ka na.”

Pumailanglang pa nang isang beses ang halos umiiyak na tawa ni Rome. At sa totoo lang ay hindi na rin kaya pang tiisin ni Margaux ang makirot na tunog niyon. Naririnig niya ang pagkabasag ng kaluluwa ng kanyang caro sa bawat pagbagsak ng boses nito.

“Natatakot ka na ba sa ‘kin?”

Her steps immediately stopped. Napakabigat kasi ng sinabi nito at nagmistulang mga bolang baka ‘yon sa kanyang mga paa.

“P-Pinagsisihan mo na bang nakilala mo ‘ko, Margaux?”

Umawang ang mga labi ni Margaux pero hindi para magsalita.

“Nagsisisi ka ba?” Inulit ni Rome ang tanong pero pakiramdam ni Margaux ay mas sa sarili nito sinasabi ang mga bagay na iyon. “Sobrang sakit na ba?”

“Lasing ka lang.” She took a deep breath to control herself from crying. Hindi ito ang oras para sabayan niya ang panghihina ng kanyang minamahal. Napakaraming bagay ang nangyayari sa paligid nila at ni isa ay wala na siyang maintindihan. “Mag-uusap tayo mamaya—shit!”

Hindi niya natapos ang kanyang mga sinasabi nang sumabay sa paglingon niya ang paglaylay ng kamay ni Rome sa armrest ng silya. Instantly, she forgot the sadness ripping through her chest when her eyes landed on the señorita gun dangling on his finger.

“Tumakas ka na, Margaux.”

“A-Anong sinasabi mo?”

“Isang bala lang sa ulo ko. Pangako ko sa’yo, hindi ako iiwas o gagalaw.” His voice was soft when he spoke again, na para bang desidido na ito sa mga sinasabi. “Iyong susi ng kotse, nasa taas ng aparador ni Tats. Mamili ka sa mga baril sa kabilang kwarto. Kunin mo ‘yong pinakamagaan para hindi ka mangalay agad kung sakaling kailangan mong gamitin. Iyong pera nasa loob ng aparador ni Tats. Take as much as you can. Inayos ko na ‘yong navigator ng kotse kaninang umaga. Ride the first flight out of this country. Pagkatapos, palitan mo ‘yong pangalan mo kapag nakarating ka na sa gusto mong puntahan. Live your dreams there. Pumili ka ng ligtas na lugar para sa inyong dalawa.”

He laid his head on the couch. Nakapikit ang kanyang caro at ni walang bahid ng kahit anong ekspresyon ang mukha. “Isang bala lang kailangan mong ibaon sa ulo ko, cara. Hindi ako gagalaw—”

“Alam mo pa ba ang sinasabi mo?!”

“Ako ang demonyo sa kwento natin. Hindi mo pa ba nakikita?” Huminga nang malalim si Rome bago muling tumawa. And then, to her absolute horror, he lifted the gun in his hand and pointed it against his own head before calmly speaking again. “Bakit ba hindi ko agad naisip noong una? Hindi ka makakawala sa impyernong ito hanggat buhay ako. Kasi ako 'yong demonyo, cara.”

“C-Caro, huwag...”

“Walang hitman. Wala ring Amati. Mawawala ang koneksyon mo sa kahit sino.” He sadly chuckled at his own realization. “Ang simple lang pala ng solusyon para iligtas ka.”

“CARO!”

BANG!

Diyos na lang ang nakakaalam kung paanong nalundag ni Margaux ang distansya ng pintuan at inuupuan ni Rome.

Ganoon din ay hindi niya na alam kung papaanong nahawakan niya ang braso nito kasabay nang malakas na pagputok ng baril.

Everything just felt surreal.

Slow motion.

Like the whole world melted except for him and her until the glass window before them broke just in time a gold bullet hit it.

Napakahigpit ng pagkakasara ng kanyang mga mata nang bumagsak ang kalahati ng salaming bintana sa harapan nila. Ganoon pa man ay hindi na umabot sa pandinig ni Margaux ang malakas na ingay nang yakapin niya ang kanyang caro at buong pagmamahal na sakupin ang malalamig na labi nito.

THE TEARS IN HIS MOUTH WERE A WAKE-UP CALL. At masakit ang pagkakagising ni Rome nang maulinigan niyang lumuluha si Margaux— ulit.

“Nasaktan ka ba?” Her sweet voice echoed in his ears. So gentle as she cradled his stupefied face in her hands. Nakalapat ang noo nito sa kanya, napakalapit na halos nagiging isa na ang kanilang hininga.

“Caro... magsalita ka.” Her soft lips brushed his. Pagkatapos ay kung saan-saan na napunta ang maiinit at tarantang kamay ni Margaux. Nandiyang suklayin ang kanyang buhok para tanggalin ang ang mga bubog na nandoon. Nandiyang kabigin ang kanyang mukha pakaliwa’t-kanan para tingnan kung nasugatan siya ng salamin. Bago muli ay buong pagmamahal na sasakupin ang kanyang mga pisngi at pipiliting tumingin sa pabalik sa mga lumuluhang mata nito.

“Naririnig mo pa ba ako, Rome?” She tapped his cheek, a bit harder but then not painful. Nang hindi siya kumibo ay paulit-ulit nitong ginawa ‘yon. “Utang na loob, caro. Si Margaux ‘to. Nakikilala mo pa ba ko? Ako si Margaux! Ako ang esposa mo!”

‘Margaux...’ his mind repeated her name amid the feeling of floating into nothingness. ‘Anong mabuting nagawa ko para mapasakin ka?’

“Look at me! Come on! Mag-focus ka. Tapos, titigan mo ‘ko.” Humigpit ang mga kamay ng kanyang minamahal sa kanyang mukha. Nadama ni Rome ‘yon pero... “Caro, gumising ka — umph!”

He swallowed her anxious screams when he finally found the energy to move. Nagmadali ang buong pagkatao niya na kabigin si Margaux at buong pananabik na halikan ito—na patigilin ang pag-iyak nito ng dahil sa kanya.

He kissed her hard, wanting her to know that he recognized her. Damn it. Paano ba naman niya makakalimutan ang nag-iisang babaeng kanyang iniibig nang higit pa kanyang sarili? She was the only one he was willing to sacrifice his life for. Paano ba ang kalimutan mahalin ang isang Margaux?

“Ayos ka na ba?” she gasped, breaking off from him and worriedly staring at him again. “Sigurado ka bang ayos ka na?”

Napalunok siya para pigilin ang sariling mapaiyak. Ayaw niyang lumuha sa harap ng kanyang cara. Thus instead, he gently pushed the stubborn hairs covering the most beautiful face he accidentally dragged to hell with him.

‘Anong nagawa ko, cara?’

“Sumagot ka, Romano!”

‘Hindi ko alam ang ginawa ko.’

“Rome, pakiusap...”

“Cara mia,” was his only reply, unable to say anythinjg louder than just a whisper.

"Damn it!" Lalong nataranta si Margaux. Hindi ito kumbinsido na gising na sya at ramdam ni Rome ‘yon sa bawat kalabog ng kamao nito sa kanyang dibdib. "Magsalita ka pa. Pagkatapos ano pa? Nakilala mo ba talaga ako?!"

“Oo." A sad smile cracked his lips. His eyes were growing heavier. Pagod na siya—sobra na. Kaso hindi naman niya pwedeng sabihin dito ‘yon, di ba?

Maiintindihan ba nito at ng kanilang anak ang nararamdaman niya? Ni hindi niya nga alam kung paano sasabihin sa mga ito kung gaano niya kamahal ang mga ito dahil pakiramdam niya ay siya ang naglagay sa delikado sa mga ito!

“Rome, please. Nakakaalala ka na ba?”

"Oo nga..." He faked a smile for her. Pagkatapos ay tuluyan na niyang pinikit ang kanyang mga mata kasabay ng paghihikab. "Paano kita makakalimutan, eh ikaw ang buhay ko.”

‘... kayong dalawa ng anak natin.’

TUMATAWAG PA RIN SI ALBERTA. Pero wala nang interes si Margaux na pansinin o tingnan man lang ‘yon.

Nasa nahihimbing na mukha ni Rome ang kanyang buong atensyon. Magkasalo sila sa unan habang nakadantay ang isang braso nito sa kanya.

‘Ako ang buhay mo...' Hindi napigil ni Margaux ang paghikbi nang maalala ang huling sinabi ng binata. 'Ako pala ang buhay mo pero gusto mo nang kitlin ang buhay mo kanina, caro.'

Napakabagal ng kanyang naging pagkilos nang umusog pa siya papalapit dito. She stopped when the tip of his perfect nose touched hers.

Nag-iinit muli ang kanyang mga mata. Alam niyang ayaw ng kanyang caro na umiiyak siya pero paano ba niya ‘yon pipigilan?

Bakit ba kasi hindi niya agad napansin na nag-uumapaw na ang paghihirap ni Rome? He looked less alive than she remembered. Bakas na bakas ang pagod sa bawat anggulo ng mukha nito, nangingitim ang mga mata, nabawasan din ng timbang, at ang mga labi nito— hindi na kasing pula noon.

“Tanga-tanga mo, ‘no? Alam mo ba ‘yon, caro?” she murmured to his sleeping face as if he was hearing her. Mayamaya pa ay hinaplos niya ang humpak na pisngi nito. "Alam mong mahal na mahal kita, 'di ba? Kaya natin ito, okay? Hindi ko alam kung nasaan tayo at ano ang nangyayari, pero kakayanin 'di ba?”

Then, although she didn’t want to, her eyes betrayed her, and she cried again. “H-hindi mo na gagawin ‘yong ginawa mo kanina, ha? Huwag mo nang gagawin ‘yon ha?”

Hinalikan niya ang mga nakaawang na labi ni Rome. She did it so gently that it was no more than just putting her trembling lips against his. Wala namang pinagbago ang epekto niyon, lumakas pa rin ang tibok ng kanyang puso. Lalo pa nang inosenteng kumilos ang natutulog na si Rome papalapit sa kanya na tila ba hanggang sa panaginip ay kinasasabikan nito ang kanyang init.

‘Ang tanga mo, Rome. Sobrang tanga mo para isipin na kakayanin kong wala ka...’ She closed her eyes to savor the most innocent kiss they had shared. Sa loob ng madilim na kwartong ‘yon kung saan liwanag lang buwan na tumatagos sa basag na salamin ang nagsisilbing ilaw.

Nang hindi na makuntento si Margaux sa kanilang pinagsasaluhan ay ibinuka niya ang kanyang mga labi at sabik na sinakop ang kanyang minamahal.

‘Mahal kita. Mahal na mahal — ’

Then there was that sound that made her open her eyes wide in shock.

Iba ‘yon sa mabining tunog ng pag-vibrate ng kanyang cellphone sa ibabaw ng bedside table ni Tats. Message tone ‘yon ng kanyang email. Iyong eksaktong ringtone na inilagay niya sa pangalan nito para makilala niya agad kung sino ang nagpadala ng mensahe.

‘Oh my God!’

Her back immediately sprung out of the bed. She felt Rome reflexively throw his arms aound her, and for some seconds, it made her pause.

Humigpit ang hawak ng kanyang caro sa suot niyang damit na para bang natakot itong mapag-isa. Nadama yata nito ang pagkawala niya sa tabi nito.

That made her smile. Slowly, she bent down to him and kissed his temple until he relaxed again.

“Babalik ako,” bulong niya rito bago ubod nang ingat na tinulak ang braso nito palayo sa kanyang kandungan.

“Pangako babalik ako.” Then she kissed him again before crawling to the side of the bed and reaching for her phone.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan para kalmahin ang kanyang sarili. Napakatagal niyang hinintay ang mapansin man lang ng taong nagpadala ng mensahe at walang makakapigil sa kanyang sabik na buksan ‘yon.

FROM: alejandro. montenegro@montcorp. com

TO: margaux. montenegro@gy. com

SUBJECT: SA VILLA. ALAS-OTSO NG UMAGA

No message to show.