CHAPTER 52: THE DAY GOD MOVED

GUMAGALAW ANG DIYOS, at gumagalaw siya sa paraang hindi kayang hulaan ng kahit sino.

“Sunugin ninyo,” utos nito bago sumisim ng wine sa hawak na goblet. Payapa ang kanyang boses, katulad ng napakalawak na karagatan sa kanyang harapan. Tulad ng sa mga nakaraang buwan ay napakaganda pa rin ng kanyang mansyon sa Santorini. Puti ang mga dingding nito habang matikas na nakatayo sa tuktok ng bundok at nakatunghay sa asul na tubig ng Aegan Sea.

Kawangis ng lugar na ‘yon ang langit— kaso may demonyo sa loob.

“Sunugin ninyo at...” humagikgik ang Diyos bago sinara ang kanyang mga mata at hinayaang laruin ng malamyos na hangin ang kanyang abuhing buhok. “Pilayin ninyo rin ang kabilang binti niya. Siguraduhin ninyong hindi na siya makakatakbo.”

‘CAZZATA!’ Rome’s cuss remained unspoken as he watched his headquarters, ‘The Romans’, burn through nine different TV screens. Kasalukuyan silang nasa isang grocery store, isang linggo matapos niyang malaman ang pagdadalang-tao ni Margaux.

Makapal ang usok na nagmumula sa lugar na pinagbuhusan niya ng kanyang buong buhay, oras, at panahon. From the aerial shot taken by the news channel, he could see the display showcase of his bar getting licked by fire. Napakaraming tao sa loob na nagmamakaawang makalabas at nanghihingi ng tulong– mga chefs, mga kitchen personnel, mga waitresses – Iyong mga inosenteng tao na nagtrabaho sa kanyang bar pero hindi nakakaalam kung sino at ano siya talaga.

Nang makabawi sa gulat ay agad niyang hinagilap ng tingin ang pintuan ng kanyang bar. He could feel his teeth cracking with how hard he was gritting. However, he couldn’t care less about it when he laid his gaze on the chaos that had formed in front of the building. Nagkaroon ng stampede palabas ng pintuan dahil nagkakagulo ang mga customers – which eventually made the situation worse. Nabarahan ang pinto!

‘Sei un diavolo, Alejandro! Sei un diavolo! ‘

“Nahanap ko na ‘yong lettuce—”

Hindi ang boses ni Margaux ang pumutol sa kanyang pagmumura kung hindi ang bilog na bagay na bumagsak sa kanyang paanan. When he turned to her, Rome saw his cara stiff on her feet while staring wide-eyed at the appliances showcased before him too. Bumaha ang rekognisyon sa maamong mukha nito habang pinanood ang balita.

“T-The Romans...”

“Umalis na tayo.”

“P-Pero, caro... ‘yong bar mo—”

“Cara, utang na loob huwag ka nang magsalita,” bulong niya agad rito bago hinablot ang braso ng kanyang minamahal. Then quickly, he scanned the grocery aisle they were in with his sharp eyes.

Napansin niyang ilang beses pang bumukas-sara ang mga labi ni Margaux pero binalewala na niya ang sinabi nito. His spy instinct was kicking in. Nararamdaman niyang may palihim na nanood sa kanilang dalawa. Probably, enjoying how shaken they were as they saw what was in the news.

“A-Anong nangyayari, caro?” Nanginginig na ang boses ng kanyang cara nang nagmamadaling hubarin niya ang kanyang suot na jacket. Nakita niya ang takot sa mga mata nito at nagmura pa siya nang isang beses bago italukbong dito ang kanyang damit— tactically covering her from whoever demon was watching them. “Natatakot na ko...”

“Huwag kang magsasalita,” ulit niya sa mas mahina pang boses. Pagkatapos niyon ay kinabig niya ito sa kanyang dibdib hanggang sa lumapat ang malambot na pisngi nito roon. Damn. How he regretted taking her with him on that late-night errand. Ano ba ang sumapi sa kanya?

‘Dahil hindi mo rin siya kayang iwanan mag-isa sa villa! Dahil alam mong ama niya ‘Ang Diyos’ at hindi mo kakayaning alisin ang mga mata mo sa kanya! Dahil alam mong siya ang Amati at alam mong kasama sa misyon mo ang patayin siya — Fuck!’

Huminto ang paghinga ni Rome nang sa wakas ay mahagip niya ng tingin ang kanyang hinahanap. There it was, moving and focusing on them discreetly. It was so secretive that he could have missed that mild click from the camera if he wasn’t a trained spy. Pinanood sila sa CCTV ng ‘Diyos’.

“Caro, ‘yong Romans—”

“Kumilos ka,” he ordered the woman inside his arms, strategically embracing her tighter as he maneuvered her to walk. Halos ingudngod niya ang mukha nito sa kanyang dibdib para masiguradong walang nakakakita ng mukha nito. “Huwag kang magsasalita. Sabayan mo ang galaw ko. Naintindihan mo?”

She sobbed on his chest, and the sound of it immediately turned into knives stabbing him. Nonetheless, he stayed collected as he pushed her out of that place, one step at a time. Ingat na ingat siyang may makapansin sa kanila.

“Cara, hindi ba inuutusan kitang gumalaw? Alam ko natatakot ka. Alam ko nanginginig ka pero utang na loob huwag kang mag-iingay...” He swallowed the lump in his throat before turning to the exit. “Aalis na tayong tatlo rito.”

SI ROME ANG NAGMAMANEHO NG KANYANG KOTSE.

And more to her terror, he was doing it like he was a mad beast raping the streets.

Natutunaw na lang sa paningin ni Margaux ang bawat establishmentong nadaanan nila. Ilegal ang bilis ng pagmamaneho ng kanyang caro pero ang tanging nagawa na lang ni Margaux ay kumapit nang maigi sa kanyang seatbelt at ibaon ang sarili sa shotgun seat.

Kanina pa nasa kanyang lalamunan ang tibok ng kanyang puso. Pero nang minsan siyang mag-angat ng tingin at makasalubong ng titig ang malaking kotse sa kanilang harapan ay hindi niya napigil ang mapahiyaw sa takot.

“R-Rome! Bubunggo tayo—Shit!”

Sumabog ang kanyang boses kasabay ng mas malakas na ingay ng gulong ng kotse. Kahit nakasuot siyang seatbelt ay humampas ang kanyang katawan sa direksyon ng matalas na pagkabig ni Rome sa manibela.

“Shit! Shit! Shit!” she screamed hysterically. Ni hindi niya masabi kung may kaluluwa pa ba siya habang tarantang nagtititili roon. Her eyes were tightly closed. Ayaw niyang makita kung paano sila mamamatay. Hindi pa siya handa para roon.

“Kumalma ka.”

Napilitang mapadilat si Margaux nang may mainit na bagay na lumapat sa kanyang puson. Still scared to the hilt, her teary gaze landed on the strong hand protectively covering her tummy. Pagkatapos niyon ay nahihintakutang napatingin siya sa kanyang katabi.

‘Caro ko...’ She swallowed her sob. Akala niya nakita na niya ang lahat ng parte ni Rome sa tagal nilang magkasama pero ibang parte nito muli ang nakikita niya.

He was beyond his usual freezing coldness — he was murderous!

“Rome...”

“Kumalma kayo,” he said in a solid voice. Pagkatapos niyon ay marahang humaplos ang palad nito sa kanyang tiyan na para bang may kinakausap ito sa loob niyon. His focused amber eyes were welded to the street. Nawala ang lahat ng lambing at saya sa mukha ng kanyang caro. Bagkus ay nagmukha itong isang mandirigmang gawa sa bato na handang sumugod sa isang madugong giyera— he was beautiful and deadly.

“I got this,” he tried to comfort her again but then all it did was make her cry more.

Bakit ganito na naman ang boses ng kanyang caro? Bakit tunog namamaalam na naman ito?

“Kalmado lang kayong dalawa. Hinding-hindi ko kayo iiwan nang ganito.”

TATLONG PALIT NG KOTSE, isang maliit na cabin house, at natagpuan ni Margaux ang sariling nakababad sa mumurahing bathtub.

The ruckus in her mind was worse than the vandals on the yellowish tiled wall behind her. Madilim at madumi ang loob ng banyo pero hindi niya na napapansin ‘yon habang pinanonood ang mga bulang nabubuo sa tubig galing sa gripo.

Napakagulo ng lahat ng bagay sa kanyang paligid at si Rome ang pinakamalaking gulo sa lahat.

Ni hindi niya naibuka ang kanyang bibig nang kabigin siya palabas ng kotse ng kanyang caro kanina at ipagpalit nito ang mamahalin niyang kotse sa isang lumang sasakyan. Pagkatapos ay ilang mahahabang milya pa ang minaneho nito nang sobrang bilis. Paulit-ulit nitong sinaway ang red lights at paulit-ulit din silang muntikang mabunggo sa kung kani-kaninong kotse. They made a second pit stop a few hours later. Pinalitan kasi ulit ni Rome ang kotse sa ikalawang pagkakataon bago pinagpatuloy ang nakamatay na pagmamaneho nito.

Bago sumikat ang araw, inihinto ni Rome ang sasakyan nila sa harap ng isang lumang bahay na gawa sa kahoy. Nasa gitna ng kawalan iyon at napapaligiran ng makakapal na puno.

‘Puno?’ Iningat niya ang kanyang paa mula sa tubig at pinanood ang paglagaslas ng tubig pabalik sa bathtub. ‘Saan mo ba ko dinala, caro—’

“Hindi ba kayo giniginaw diyan?”

Tunog ng bumukas na pinto ng banyo ang pumutol sa iniisip ni Margaux pero hindi siya lumingon. Bagkus ay mas pinili niyang titigan ang kumulubot na balat sa kanyang paa dahil sa tagal niyang nakababad.

Napagod siya, sobra na pati paglingon ay ayaw niya nang gawin.

Closing her eyes and letting her head fall back against the edge of the tub, she tried to lull herself to sleep. Malay niya ba kung nanaginip lang siya? Baka naman bangungot lang ang lahat, 'di ba? Mamaya gigising rin siya sa loob ng kanilang munting tree house habang yakap siya ng kanyang caro,'di ba?

Pantay na ang kanyang paghinga nang maramdaman niyang umapaw ang tubig sa bathtub. Gumawa iyon ng ingay sa sahig.

Opening her eyes languidly, she saw her caro joining her in the tub. Nakahubad na rin ito nang umupo sa kabilang dulo niyon at maingat na pwinesto ang mga binti para mapunta siya sa pagitan ng mga hita nito.

Napasinghap siya nang bigla nitong iangat ang kanyang paa mula sa tubig. He kissed her toes tenderly, one by one, making her feel how his warm lips lingered on each.

‘Oh, damn...’ Napasiyap siya. Especially when his lips traveled all the way up to her knees. She understood what he was targeting when one of his hands gently crawled between her open legs and then, without any ado, touched her under the water.

“Caro!” Napamulagat siya nang may sumagitsit na init sa kanyang pagkababae. Regaining herself from the hot-initial shock, she adjusted herself in the tub. Kagat-labing iniwas niya ang sarili sa hawak nito.

“Nagpapahinga ako! Pagod na pagod ako sa buong gabing biyahe. Ano bang iniisip mo—” Nabilaukan siya sa kanyang sariling sigaw nang mag-angat siya ng tingin at sa wakas ay matunghayan ang mukha nito.

His eyes, which were cold with anger earlier, were now red and brimming with pain.

Sandaling nakalimutan ni Margaux kung paano magsalita. Something was emotionally crushing her beloved and she suddenly hated herself for adding more to it.

Bakit nga ba ang damot niya kay Rome minsan? Nasunog ang ‘The Romans’, ano bang hindi niya naintindihan doon?

Unsure of what to say and at the same time feeling guilt eat her up, she slowly reached out to his cheek, cradling him in her palm. Kumirot ang kanyang dibdib nang walang-salitang isubsob ni Rome ang mukha nito sa kanyang palad na parang isang bata na nanlilimos ng init. He then closed his eyes...

"Anong masakit sa’yo, Rome?"

He didn't reply and just stayed leaning his cheek on her hand. It was like he didn’t want to see things around them anymore, but then, he wouldn’t say anything.

"'Hindi ba alam mo naman na pwede mong sabihin sa akin lahat?" Pinilit ni Margaux ang ngumiti kahit ang hirap-hirap na. She wasn’t used to seeing him this broken. Pakiramdam niya tuloy, nadadama na rin niya kung ano mang nakakasakit dito. "Esposa mo ko 'di ba—"

“Si Tats...”

"Iyong tauhan mo sa bar?" she recalled, cocking her head to the side to get a better look at him. "Ano nangyari sa kaibigan mo, caro?"

Margaux didn't have a word to describe how she felt exactly after she asked. Again, she regretted what she said when Rome flinched, burying his agonized face completely in her hand.

Mabigat ang katahimikan na namuo sa buong banyo. Then, just when Margaux thought that her caro would never talk again, he said, " ‘Yong Diyos..."

“’Iyong ano?"

"The God, Margaux." He gritted against her hand, grazing her skin with his teeth and making sure that she understood how furious he was. "Sinunog ng Diyos si Tats sa basement."