CHAPTER 51: ANYTIME SOON

“GUSTO KO MAKITANG SUOT NINYO ‘YON.” Rome felt his chest tighten. Could he tell his cara about the heavy things pressing him down on that bed? O kaya naman, maari niya bang sabihin dito kung anong sumasakal sa kanya habang nagmamakaawa siyang isuot nito ulit ang damit na ‘yon? He took a deep breath to lessen the pain eating him up. “Please...”

“Matagal nang wala ‘yong dress, caro.”

Bigong naipikit niya ang kanyang mga mata. Nagpalipas muna siya ng ilang segundo bago gumalaw at nilingon ulit ang nag-iisang babaeng kanyang minahal.

He saw his cara looking back at him over her beautiful shoulder. Unti-unti bumaba ang kanyang paningin sa likod nito at nagtagal sa dalawang dimples na nasa ibabang bahagi ng spine nito. Then, dotingly, his warm gaze lingered on her hips.

The corner of his lips lifted although his smile didn’t reach his sad amber eyes. ‘Nagmamadaling lumaki ang anak ko.’

“Huwag ka ngang ngumiti nang ganyan nagmumukha kang sira.” Iritableng boses ni Margaux ang nagpabalik ng paningin ni Rome sa mukha nito. It was the same face that he would love to kiss for the rest of his life. That is... kung susuwertehin siyang kahit paano ay humaba-haba pa ang buhay niya.

‘Suwerte? Ang nag-iisang panahon na naging suwerte ako ay noong nagpabaril ako para tatay mo at nakilala kita, Margaux.’

“Ano ba kasing problema mo?”

“Hindi ka mataba.” He faked a laugh, wishing that it sounded convincing enough for her to believe him. “Gumaganda ka nga eh.”

Huminto lang ang pekeng pagtawa niya nang bigla siyang batuhin ng damit ni Margaux. It seemed that his woman finally lost her temper with him because of what he said.

Sa pag-aakalang kahit paano ay napagaan na niya ang tensyon sa paligid, nginitian niya ulit ang dalaga. It was the fakest grin he’d made his entire life.

“Maganda ka. Ikaw ang pinakamaganda...” Then his voice faded upon meeting her serious stare. Her eyes were focused on his face, as if she could read what was inside his mind— kahit pa nga pilit niyang tinatago kung paanong namamaluktot na sa sakit ang kanyang puso.

His smile gradually melted away.

And just when he thought the situation couldn’t be harder, Margaux talked in the tenderest tone he had heard since he knew her. “Anong masakit sa’yo, caro?”

Napakurap siya. Her maternal instinct was beginning to show and it sent shivers down on his spine. Parang malambot na palad ‘yon na biglang dumakot sa kanyang puso para pakalmahin ito.

“Wala,.” he whispered, still blinking in disbelief. Then, taking in a deep sigh to control all the emotions inside him, he asked, “Nakadalaw ka na sa tree house?”

“Hindi pa. Bakit?”

“Wala.” He forced a grin while watching Margaux’s confusion grow deeper. “May gusto ka bang kainin? Gusto mo mag-take out?”

NAPAHINTO ANG PAGKAGAT NI MARGAUX sa hawak na cheese burger nang mapalingon kay Rome. Shaking her head slowly, binaba niya ang kanyang burger nang hindi inaalis ang tingin dito.

Hindi siya nakatanggi nang ayain siya nitong lumabas ng kwarto at alalayan palabas ng villa. She could still recall Alberta’s face when the old woman saw them walking out of the house. Hawak ni Rome ang isang kamay niya habang ang isang braso naman nito ay nakapalibot sa kanyang balakang na tila may iniingatan ito.

She knew that Alberta was heavily against her and Rome. She expected the old woman to attack her. Iniisip niya nga ring sasampalin siya nito sa harap mismo ng kanyang caro. Pero. Hindi. Nito. Ginawa.

Bukod sa pamumutla nito nang makitang yakap siya ng lalaki ay nanatili itong tahimik. Ni hindi ito lumapit habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanila.

At nang sa wakas ay nagtatakang lingunin ito ng kanyang caro dahil napahinto siya, mabilis na humakbang-paatras si Alberta, pinagsalikop ang mga kamay, at buong galang na yumukod sa...

‘... lalaking ito na parang tangang hinihimay ang kanyang cheeseburger habang nagda-drive. ‘Yong totoo? Ako ba talaga ang may gusto ng take-out o siya?’

“Rome...” tawag niya sa atensyon nito habang pinagpapalipat-lipat ang kanyang tingin sa seryoso nitong mukha at kaawa-awang pagkaing hinimay nito at pinatong sa dashboard. “Dapat hindi cheeseburger in-order mo kung kamatis at lettuce lang pala balak mong kainin.”

Rome didn’t say a word and just cocked his eyebrows. Pagkatapos ay balewalang sinubo nito ang hawak na lettuce nang hindi man lang tumitingin sa kanya. His eyes were focused on the dark street before them. Lumubog na kasi ang araw, madilim na rin ang buong siyudad, at tanging liwanag na lang mula sa mga poste at establisyemento ang nagbibigay liwanag sa daan.

It took them hours and hours of going around the city just to find that ‘take out’ he was talking about earlier. Mantakin naman niya na ang napaka-importanteng ‘take-out’ na binanggit nito ay isa pa lang mumurahing burger joint sa dulo ng kung-saan.

And take note, nagmamadaling pumasok ang kanyang caro roon na kala mo ay excited na batang mauubusan ng pagkain. Ni hindi man lang nito naisip na nakasuot pa ito ng labeled na polo, mamahaling trousers, at omega watch na puno ng diyamante ang dial.

How could she forget how the pool of customers divided as soon as Rome fell in line? Nagmukha tuloy itong hari nang biglang mahawi ang mga simpleng taong nakapila sa counter. From standing at the back, he ended up second in line, next to a granny.

“Sana hindi mo nirarampa ‘yong milyones na damit mo sa maling lugar ‘no, caro?”

“I usually don’t,” putol nito sa sinasabi niya bago sinubo ang isang hiwa ng kamatis. “Hindi ko lang maalis sa isip ko ‘tong pesteng burger na ‘to eh.”

“Baka ‘yong kawawang gulay ang ibig mong sabihin,” pagtatama niya rito bago inabot ang beef patty na hindi man lang ginalaw ni Rome. Since he was obviously not interested in it, kinuha na lang ‘yon ni Margaux at dinagdag sa kanyang pagkain. “Kung makaarte ka, para kang naglilihi. Ilang buwan ka na ba? First trimester mo?”

Hindi alam ni Margaux kung anong masama sa biro niya pero nang biglang manahimik ang kanyang caro ay nadama niyang may mali. The pressure was suddenly ear-breaking with nothing but the sound of Rome’s heavy breaths.

Nag-aalala na siya nang mag-angat siya ng tingin sa kasama kasabay ng pagkagat niya sa kanyang double-patty cheese burger.

She regretted doing that though. Because the moment she did, she saw his jaw clench hard. Kahit hindi ito nakatingin sa kanya ay napanood niya kung paanong umapaw ang emosyon sa mga mata nito. Isang saglit ay tila nasilip niya ang kabuuan ng kaluluwa ni Rome.

"Damn it! Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kung anong problema, caro!"

"Hindi ko rin sigurado eh, pero pakiramdam ko malalapit na yata ako sa second trimester."

"Ano raw?" na lang ang nasabi ni Margaux bago manigas ang kanyang panga habang nakakunot ang noo.

HEAVEN WAS STARRY THAT NIGHT. It was peaceful and silent. So much that it was almost deadly.

Pasado hating-gabi na. Mahimbing na ang tulog ni Margaux sa kanilang kama. Actually, it was already her fourth nap since they drove out of the burger joint. Nakalugay na rin ang buhok nito sa bagong unan na bigla niya na lang naisipang bilhin nang mapadaan sila sa isang bukas na maternity store.

He got her a huge boyfriend-pillow. The inverted “J” shape. Tamang-tama lang na kayakap ng kanyang mag-ina pagdating ng araw na wala na siya.

[Señor, tunog suicide mission ang inisip ninyo.]

Rome let out a low growl upon hearing Tats’ voice from his phone. Nakatayo siya malapit sa bintana ng tree house kung saan natatanaw niya ang bakuran ng villa. One of his hands was leaning against the window jamb as he clutched it hard. Nararamdaman niyang nasusugatan na ang dulo ng kanyang mga daliri, pero wala na siyang pakiramdam. “It’s an order.”

[Alam ko, señor,] sagot ng kanyang kausap kasunod ng pag-ubo. Nabulunan yata si Tats dahil sa mga sinasabi niya rito. [Pero kailangan din nating isipin na iniwan na tayo ni Lucille at iba na ang sitwasyon...]

FLASHBACK

WALA SI ROME SA VILLA dahil nasa sekretong pagtitipon siya buong umaga. Lucille, as always, was sitting next to him as she held the microphone and expertly handled the underground bidding. Madaming nasa listahan ng mga huhusgahang kaluluwa ngayong araw. Busy sila.

Rome was watching as his secretary worked diligently behind his mask. At sa unang pagkakataon, napapansin niya ang malaking pinagbago nito mula nang magkasama pa silang nagpapalaboy-laboy sa mga eskinita ng Reiti, Paso.

Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya nang mga oras na ‘yon. It could be the new level of emotional strain that Margaux had introduced to him. O maari ring dahil sa nalaman niyang malapit na siyang maging ama, pero nang magpahinga sila sandali mula sa ginagawa ay kusang bumukas ang kanyang bibig para kausapin ang dalaga. Abala ito noon sa pagta-type ng kung ano-anong codes sa computer.

“Lucille,” he called her in a tone he had never used on her before. It was soft. Kaya naman muntik nang mabitawan ni Lucille ang mikropono nang lingunin siya.

“M-Maestro?”

“Minsan ba... “ Sandali siyang napatigil sa pagsasalita. He was looking straight at the huge screen before them as he tried not to turn. Katulad pa rin ng dati, puno ng mga naka-maskrang demonyo ang buong monitor. Mga excited na bilyonaryong naghihintay ng buhay na bibilhin. “Kahit minsan ba nagsisi ka na sumama ka sa ‘kin?”

He saw Lucille’s jaw drop through his peripheral vision. A very rare event given that his secretary, who was also known as “Iron Woman”, wasn’t the type to show any emotions. Lumaki ito sa kaparehong paraan ng sa kanya. They were trained to be as hard as rocks, heartless, and cold.

Pero iba kasi ang umagang ‘yon... Nagbago na siya at ni sarili niya ay hindi na niya kilala.

Hindi na nabilang ni Rome kung ilang segundo ba bago napatikom ng bibig si Lucille. Makalipas ang ilang sandali, kumibot ang mga labi nito na parang may gustong sabihin ngunit hindi maisaboses.

“Masyado bang mahirap sagutin ang tanong ko?”

“Wala akong pinagsisisihan, Maestro,” she cut him off, raking her pixie hair once before looking back at the screen before them. “Desisyon ko ang manatili sa tabi ninyo. Hindi ninyo ko kahit kailan pinilit na pagsilbihan kayo.” Pagkatapos ang sagot na ‘yon ay binalik ni Lucille ang atensyon sa pagtipa sa keyboard. “’Bakit ninyo nga pala naitanong 'yan?“

“Wala.” He smiled behind his mask. “Nagtataka lang ako bakit pinili mong manatili sa ganitong klase ng buhay kasama ‘ko.”

“Mahal kasi kita...”

“Ano?” Napakunot ang kanyang noo kasabay ng paglingon dito. “Ulitin mo, Lucille. Hindi kita narinig.”

“Sabi ko, mahal kita,” she obliged in a low voice while removing her mask. Sa tagal ng panahon ay nanatiling boss-secretary ang kanilang relasyon. Rome hadn't really noticed how refreshing it was to see Lucille smiling genuinely. Mas madalas kasi ay pareho silang malamig ang ekspresyon. “O, 'di ba ikaw ang kapatid na hindi ako nagkaroon? Syempre mahal na mahal kita. Kaya tigil-tigilan mo ang kakatingin nang ganyan. Huwag kang mag-alala. Wala akong balak agawin ka sa walang ka-taste-taste mong cara.” She then raised an eyebrow before spatting, “Hindi kita type.”

“Anak ng—”

“Magtrabaho ka na!” The woman laughed, again, for the first time. “Hindi ka kasing gwapo ng iniisip mo, Maestro. Kaya utang na loob, ‘wag kang makalapit-lapit sa kama ko,” she even added while rolling her eyes.

'Nalito si Rome kung matatawa ba siya o bibigyan niya ng kutos ang kanyang tauhan. However, the new side of Lucille was making him curious to the hilt. Sa dami ng taong pinagsamahan nila, bakit nga ba hindi niya man lang pinagtuunan ng pansin na makilala ang kanyang sekretarya? “Kung hindi ako ang gwapo sa paningin mo, eh sino naman ang sa tingin mo gwapo?"

Kumindat muna ang babae bago nakangising sumagot." E ‘di si Gustavo—"

Then that was it. Ni hindi natapos ni Lucille ang sinasabi nang biglang may malakas na buzzer na pumailanglang sa paligid. Isang saglit ay nakangiti sila ni Lucille sa isa’t-isa at ang kasunod, pareho na silang gimbal na nakatulala sa malaking monitor.

Damn it! Mukha ni Lucille ang naroon. Worse? The shot was so raw and live that it captured how her eyes slowly widened in horror, recognizing herself being sold.

"Shit!"

It was reflex that made Rome remove his jacket as fast as he could. Sa unang pagkakataon ay nakadama siya ng matinding takot para sa ibang tao bukod kay Margaux. Someone obviously hacked on their system, and was playing deadly tricks on them. Hindi dapat nakatutok ang camera na ‘yon kay Lucille dahil para sa mga taong bini-bidding ‘yon. The button was supposed to prompt the camera on the other side of the room.

'Tangina! Nasaan na ang camera?!' Matalas ang kanyang mga mata nang suyurin ng tingin ang kwarto. Base sa anggulong ng kuha sa monitor ay nakatago sa kisame ang camera na nilagay ng trumaydor sa kanila. Babarilin niya sana ang direksyon ng camera kaso...

“Lucilla ‘Iron Lady’ Aguada..." an unfamiliar lady’s voice suddenly echoed through the speaker, introducing the item to the insane demons with them.

Napahinto sa paghahanap sa kisame si Rome. Para kasing kilala niya ang may-ari ng boses pero hindi niya maalala kung sino.

'Damn. Sino ka?!'

“Digital Iron Lady. Bidding starts at thirty billion."

Sunod-sunod na singhap ang naging tugon ng mga demonyo sa taas ng presyo na pinatong ng kung-sino-man ‘yon sa ulo ni Lucille. Kahit ang mga baliw na bilyonaryong kasama nila ay nagulat dahil parang kalokohan ang halagang sinabi nito.

"Going once... going twice... thrice...'"

Nagmadali si Rome na abutin ang buzzer na nasa ibabaw ng lamesa. He couldn't care less about the keyboard he broke or the other things he pushed out of Lucille's desk when he madly dove on it. He was suddenly rushing against time. Hindi siya makakapayag na may bumili sa buhay ni Lucille at wala na siyang pakialam sa kung magkano. Other than being his right hand, Lucille was his most trusted friend and person in the world.

Buong-buo ang kanyang galit nang ihampas ang kanyang kamao sa buton.

Kaso hindi gumana ang kanyang bidding buzzer. May ibang buzzer na tumunog, hudyat nang may bumili rito.

"Item sold." Biglang nagpalakpakan ang mga demonyo sa kanyang likuran nang matapos ang napaka-ikling bidding. Tuwang-tuwa ang mga ito sa napanood na palabas. Him, stunned to the core as he tried to save Lucille. And her, frozen in her seat as she watched her own life end.

"Lucilla 'Iron Lady' Aguada, premier hacker from the House of Saavedra, sold to 'The God'.'"

Nagpalakpakan ulit ang mga halimaw kasabay ng mga pagbati sa buyer. It was a flawless transaction after all. Planadong-planado ng nagpakilalang Diyos ang buong pangyayari.'

[MAY NAKAPASOK SA SYSTEM NATIN, SEÑOR. Isang diyos na gusto kang pilayan.] Seryosong boses ni Tats ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. [May hula na po ba kayo kung sino ang ‘God’ na ‘yon?]

Rome didn’t reply quickly. Bagkus ay matalas ang tingin na muli niyang sinipat ang villa na pag-aari ng mga Montenegro.

“I think I do,”sagot niya makalipas ang ilang segundo. Then, he raised his hand to the air, spreading his palm as if measuring the distance between the villa and the tree house he was in. Umaapoy sa kinikimkim na galit ang kanyang mga mata.

“Maghanda ka, Tats," he flatly said before turning to the woman who was sleeping quietly above the wooden bed.

Sandaling niyang pinagsawa ang sarili sa kalmadong mukha ng kanyang cara. Napakaganda pa rin nito kahit ilang buwan nang dinadala ang anak niya.

That thought pricked his heart painfully. More so, when his gaze moved down to the tiny bump that was starting to take shape under her floral dress. His face slowly softened just by the thought of their child.

'Il mio bambino ka ba? O ikaw ba ang napakaganda kong bambina?’ A bitter smile cracked his lips as he tried to swallow his tears back. ‘Makikita pa ba kita, mahal ko? Mahahawakan pa ba kita—'

[Uulitin ko, Señor. Suicide mission na itong balak n'yong gawin—]

"Wala na akong pakialam, Tats." putol niya agad dito bago nag-iwas ng tingin kay Margaux. "Kailangan nang matapos ang kalokohang ito sa lalong madaling panahon. Kailangan nang mamatay ang ‘God' na 'yan.”

‘Bago manganib ang buhay ng mag-ina ko,’ his mind added.