Chapter 45

Chandee's Pov

"Nakatulog ka naba ng maayos kagabi?" Tanong ni Hailey sakin habang kumakain kami ng lunch

"Mm" tumatangong sagot ko.

"Mabuti naman, huwag mo nalang isipin ulit ang lugar na iyon ang weird kaya" Sabi pa niya

Pilit akong ngumiti at tumango para hindi narin sila mag alala pa.

"Narinig mo naman yung sinabi ng Lola ni Mariel kalimutan mo na iyon. Wala rin naman kasing tsansa makabalik ka doon. Yung boyfriend mo malilimutan mo rin masyado lang kasing sariwa pa sayo kaya nahihirapan ka pa" Sabi naman ni Patricia

"Paano niya makakalimutan kung binabanggit niyo pa, palitan niyo nalang ang topic" Sabi naman ni Mariel

"Mabuti pa nga kapag naaalala ko rin kasi kinikilabutan ako" Sabi naman ni Patricia

"E kung mag shopping tayo mamaya? Tapos magkaraoke tayo" suhestiyon ni Hailey

Tahimik lang akong nakikinig sa mga plano nila at sumasang ayon nalang ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin alam ang gagawin ko. Sa ngayon sasang ayunan ko muna ang mga kaibigan ko para hindi na sila mag alala pa sa'kin.

Bantay sarado ako sa mga kaibigan ko after naming mag lunch. Dati kasi pumupunta ako sa library para maghalungkat ng maari kong malaman tungkol sa Dalya. Ngayon ko napatunayan na sobrang mahal nila ako at ganoon din naman ako sa kanila.

Pagkatapos naman ng klase namin ay pumunta kami sa mall. Wala naman talaga kaming bibilhin mahilig lang talagang gumala ang mga kaibigan ko. Nang magsawa na sila kakalakad ay pumunta naman kami sa paborito naming lugar. Ang ktv bar and cafe malapit lang din sa Mall.

Okay na sana, pansamantalang nalimutan ko na ang Dalya ngunit ng pauwi na kami may nadaanan kaming matandang nanlilimos sa parking lot.

"Sige mauna na kayo sa sasakyan bigyan ko lang ng barya si Lola" nakangiting sabi ko sa mga kaibigan ko na nauna ng maglakad. Malapit nalang naman kasi ang kotse ni Hailey mga nasa limang hakbang nalang.

"Nababalutan ka ng liwanag" sabi ng matanda na ikinatingin ko sa kanya at ikinatigil ng mga kamay ko sa pagkuha ng coin purse ko

"Po?" Nagawa ko pang itanong habang nagtataasan ang mga balahibo ko

"Maari kang bumalik ngunit kailangan mong mamili. Ang mga taong mahal mo dito o ang mga taong mahal mo doon" Sabi nito

Bigla akong nanlambot sa mga sinabi niya. Nanginginig ako at baka mabuwal ako kung hindi ako kakalma.

"Kapag pinili mong manatili dito ay magiging normal parin ang buhay mo, maaalala mo parin ang lahat. Kung pipillin mo na bumalik doon ay mabubura ang mga alala ng mga taong mahal mo sa'yo. Wala silang matatandaan ng kahit ano sayo na para bang hindi ka nabuhay sa mundo" Sabi nito

"Chandee! Ang tagal mo!" Sigaw ni Patricia na dumungaw pa sa bintana ng kotse ni Hailey

"Ha? Oo hayan na" Sabi ko. Aabutan ko na sana ng barya ang matandang pulubi ngunit tinalikuran na niya ako.

"Pag isipan mong mabuti" habol na sabi pa niya at tuluyan ng umalis

Kinakabahan na pumasok nalang ako sa kotse ni Hailey. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maka upo ako. Sinandal ko ang likod ko at pumikit.

"Okay ka lang? Nahihilo ka?" Nag aalalang tanong ni Mariel na katabi ko ngayon sa backseat

"Hindi okay lang ako" pilit akong ngumiti at tinago ang panginginig

Habang nagmamaneho si Hailey ay sinasabayan namin ang kanta sa stereo niya. Unti unting kumalma ako at inenjoy nalang ang company ng mga kaibigan ko. Dahil ako ang pinaka malapit ang bahay sa aming apat ako ang naunang inihatid nila. Inaya ko pa silang pumasok sa bahay at nag hi naman sila sa Mama at kapatid ko. Hindi rin sila nagtagal at nagpaalam na rin.

"Ingat kayo sa pag-uwi" bilin ko pa sa kanila at niyakap sila isa isa.

"Okay sige babye na" paalam pa nila at nag flying kiss pa.

Hindi ako umalis sa tapat ng bahay namin hanggat di nawawala ang kotseng sinasakyan nila. Pagpasok ko sa bahay ay busy naman sina Mama at Yvone sa panonood ng tv.

"Alam ko kumain kana pero kung magutom ka merong pagkain doon sa kusina" Sabi ni Mama na hindi maalis ang mga mata sa tv

Pilit ko naman siniksik ang katawan ko sa gitna nila Mama at Yvone at todo reklamo naman ang kapatid ko. Bahala siya wala akong pake.

"Naglalambing ang dalaga ko ah" natutuwang sabi ni Mama na niyakap din ako

"Baka may gusto lang ipabili" kontra naman ni Yvone

"Ugali mo kasi e no?" Sagot ko naman sa kapatid ko at binelatan siya

"Ang bilis ng panahon ang lalaki niyo na, soon mag aasawa kayo at iiwan niyo na ako dito mag isa" pagdadrama ni Mama

"Si Mama parang ewan, grade 10 palang kaya ako. Tsaka hindi kita iiwan kahit mag asawa ako" Sabi naman ni Yvone

"Anong sinasabi mo diyan, kapag nag asawa kayo sumama kayo sa mga asawa niyo kahit saan pa nila kayo dalhin. Magpasakop kayo sa inyong mga asawa katulad ng habilin ng Lola niyo sa'kin" Sabi ni Mama

"Kung sakali mag asawa na nga kami at sumama sa mga asawa namin paano ka?" Seryosong tanong ko sa kanya

"Kapag nangyari iyon kasama ko na ang Papa niyo pwede na siyang umuwi dito sa atin at ienjoy ang buhay na magkasama kami" sagot niya

"Alam naman namin ni Ate na kaya ayaw pang umuwi ni Papa at mag stay nalang dito sa'tin kasi pinapag aral niyo pa kami. Promise Ma pagnatapos ako ng pag aaral hindi muna ako mag aasawa at tutulong muna sa inyo ni Papa" napangiti ako sa sinabi ni Yvone

"Sure ka? Baka mauna ka pang mag asawa sa'kin ah!" Pagbibiro ko

"Malamang mauuna ako kasi tatanda kang dalaga" sagot naman niya kaya pinalo ko siya ng throw pillow sa ulo.

"Itigil niyo yan baka magkapikunan kayo" bawal ni Mama samin habang nag hahampasan kami ng throw pillow ni Yvone

Napuno ng halakhakan ang buong bahay namin dahil sa paghaharutan at paghahabulan na nangyari. Nang mapagod kami ay pinagitnaan namin si Mama at walang salitang niyakap namin siya. Alam namin kung gaano kalaki ang sakripisyo nila ni Papa saming magkapatid.

Pagkatapos ng pinapanood namin ay nagpaalam na akong aakyat sa aking kwarto. Pagkarating ko sa kwarto ay kinuha ko ang tuwalya ko at bumaba ulit para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay umakyat na ulit ako sa aking kwarto at nagsuot ng panjama. Blinower ko ang buhok ko at pinatuyong mabuti bago nagpasyang humiga.

Pabaling baling ako sa pagkakahiga at kinukuha ang posisyon para makatulog ngunit hindi parin ako dalawin ng antok. Umalis nalang ako sa aking higaan at pumunta sa study stable. Sigurado makakatulong kung manonood nalang ako ng pelikula.

Tumunog ang notification ng cellphone ko at chineck ko kung sino ang nag chat. Napangiti ako ng makitang nag chat si Hailey at sinend sa gc namin ang mga pictures at videos namin kanina. Sinave ko naman lahat ng mga iyon at nakipag chikahan pa ng kaunti sa kanila. Nang mag goodnight ang mga ito ay nag goodnight narin ako. Nakakainis lang hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Hating gabi na pero gising parin ako. Natapos ko na yung Luck at Purple Hearts pero hindi parin ako dalawin ng antok. Hindi ko na alam kung ilang minuto akong nakatulala sa laptop ko hanggang sa humikab ako. Tumayo na ako para pumunta na sa aking kama at matulog ng mapansing kong umiilaw ang drawer ko.

Lumakas ang kabog ng puso ko. Ganito rin kasi ang liwanag na nakita ko noon dito sa aking kwarto ng higupin ako papunta sa Dalya. Ganito rin ang liwanag na humigop sakin pabalik dito.

Hinawakan ko ang hawakan ng drawer ko. Hindi ako sigurado kung ano ba ang gagawin ko. Ilang araw palang ang nakalipas noong pilit kong inaalam kung paano makabalik sa Dalya pero ngayong may pagkakataon na ako na pwedeng bumalik doon bakit nagdadalawang isip ako.

Naalala ko ang Diary ng Lola ni Mariel at ang matandang pulubi na nakita ko kanina. Pinagtugma tugma ko ang mga nabasa ko sa Diary at ang sinabi ng matandang pulubi.

"Kung babalik ako sa Dalya ay makakasama ko ang lalaking minamahal ko ngunit makakalimutan ako ng mga tao sa lugar na iiwanan ko." Sambit ko.

Gulong gulo ako at hindi makapag desisyon. Wala akong magawa kundi umiyak nalang sa Isang sulok habang nakatingin sa drawer na umiilaw. Kung bubuksan ko iyon maari akong makabalik sa Dalya at kung hindi naman ay hindi ko na kailanman makikita si Kapitan at ang iba pang tao doon.

Pumikit ako at nakita ko ang nakangiting mukha nina Mama at Papa pati narin si Yvone. Kung babalik ako sa Dalya hindi ko na sila makikita. Lumabas din ang imahe ng mga kaibigan ko at ang ginawa namin kanina. Hindi ko sila kayang iwanan.

Pagmulat ko ng mga mata ay nakita kong pawala na ang liwanag sa loob ng drawer. Nataranta ako at napatayo bigla at lumapit ulit sa drawer at nakapikit na binuksan ito.

Pagmulat ko ng mata ay narito parin ako sa aking silid. Wala na ang liwanag sa drawer ngunit kapansin pansin parin ang pagliwanag ng pulang singsing na binigay sa'kin ni Kapitan. Parang inaanyayahan niya akong isuot ko iyon.

Ang dami na naman pumapasok na tanong sa isipan ko ngunit binura ko lahat iyon. Mabilis kong inilabas ang trolley sa cabinet ko at halo halong inilagay ang mga damit ko doon. Dahil sa pag aalala na baka mawala rin ang liwanag sa singsing ay sinuot ko na iyon.

*****