Chapter 44

Chandee's Pov

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Joseph ng magkita kami sa canteen "sinabi ko naman nung isang araw na maghihintay ako kahit gaano katagal diba? Na wala sanang magbago sa pagkakaibigan natin" Sabi nito

"Uhm, excuse me lang girls ah" paalam ko sa mga kaibigan ko at hinila si Joseph palayo

Pumunta kami sa laging tinatambayan naming magkakaibigan at doon siya kinausap.

"Pasensiya ka na kung iniisip mong iniiwasan kita pero ang totoo niyan nagkakamali ka. Isa pa kaibigan kita at wala akong balak iwasan ka kahit nagtapat ka pa sa'kin. Magka ganoon paman gusto kong maging honest sayo, gusto kita pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay na pagtingin sa'yo" matapat na sabi ko

"Hindi mo naman kailangan sumagot agad, bigyan mo muna ako ng pagkakataon ipakita ang totoong hangarin ko. Seryoso ako sa'yo at kaya kong maghintay. Pasensiya kana kung may nasabi man ako na di mo nagustuhan. Akala ko lang kasi iniiwasan mo'ko dahil hindi kita makausap buhat ng magtapat ako sa'yo" sabi naman nito

Tipid akong ngumiti at umiling.

"Mas magandang sabihin ko na sayo ngayon kaysa umasa ka ng matagal. Hindi ko masusuklian ang pag ibig mo dahil may mahal na akong iba" matapat na sabi ko

Umiling siya. "Hindi totoo yan, sinasabi mo lang iyan para tigilan kita. Alam ko may pangarap ka hindi naman ako magiging hadlang sa pangarap mo susuportahan pa kita" sabi nito

"Totoo ang sinasabi ko, may mahal na ako at mahal din niya ako" Sabi ko

"Kung totoo nga ang sinasabi mo nasaan siya? Bakit wala akong nababalitaan na nanliligaw sa'yo? Bakit hindi mo siya ipakilala sa'min ng mga kaibigan mo?" Tanong niya

"Sinabi ko na sa'yo na may mahal na ako, hindi ko naman siguro kailangan sabihin sayo kung nasaan siya. Hindi dahil sa wala kang nababalitaan ay wala talaga. Hindi ko man siya maipakilala sa inyo pero totoong mahal na mahal ko siya at nagmamahalan kaming dalawa"

"Huwag mong sabihin pumasok ka sa maling relasyon? May girlfriend naba siya o asawa? Chandee! Niloloko ka lang niya huwag kang magpapauto sa kanya!" Yugyog pa niya sa dalawang balikat ko

May tumulong luha sa mga mata ko at pinunasan ko agad iyon. "Nagkakamali ka ng akala, ako lang ang babae sa buhay niya at hindi niya ako niloloko. Hindi ko lang siya maipakilala sa inyo dahil hindi ko alam kung paano. Nasabi ko naman na ang gusto kong sabihin kaya aalis na ako" Sabi ko at umalis agad. Tinawag pa nito ang pangalan ko ngunit hindi na nag abalang lumingon.

Dumiretyo ako sa library at inabala ang sarili sa pagbabasa ng mga libro. Umaasa ako na may mabasa tungkol sa Dalya.

Umupo ako sa isa sa mga mesa doon at imumpisahan ang pagbabasa. Sana lang sa pagkakataong ito ay mahanap na akong artikulo tungkol sa Dalya.

Tumunog ang cellphone ko at tinignan ang text message ko. Nag text si Mariel tinatanong kung nasaan ako. Nireplayan ko naman agad siya at sinabing nasa library ako. Sinabi nito na bumalik na ako sa classroom dahil ten minutes nalang mag s-start na ang klase.

Katulad kahapon nag absent din ako. Hindi ko alintana ang sermon ng mga kaibigan ko dahil sa pag cut ko ng klase. Tinanong pa nila ako kung may kinikita akong lalaki sa library. Hindi nalang ako nag reply sa kanila at tinuloy ang pagbabasa.

****

"Umamin ka nga samin may problema ka ba?" Tanong ni Patricia ng magbalik ako sa classroom namin.

"Ilang araw ka ng ganyan nag aalala na kami sa'yo" Sabi naman ni Mariel

"Ang sabi ni Joseph may jowa ka daw, kailan ka pa nagkaroon ng jowa?" Tanong naman ni Hailey

"Huwag kang magsisinungaling" Sabi pa ni Patricia

Huminga muna ako ng malalim at tinignan sila isa isa.

"Wala naman akong balak magsinungaling ang totoo gusto ko rin naman sabihin sa inyo to naghahanap lang ako ng tamang tyempo" simula ko. Nakita ko naman na seryosong nakikinig sila sakin. "umamin na ako kay Joseph na may boyfriend ako at totoo iyon. Gusto kong mag kwento pero hindi ko alam kung seseryosohin niyo ang sasabihin ko"

"Ano ka ba kaibigan mo kami e ano ngayon kung may boyfriend kana hindi ka naman namin pipigilan" Sabi ni Patricia

"Magkakaibigan tayo at alam naman namin na hindi lahat ng sikreto pwedeng sabihin, mahihintindihan naman namin kung mabigat yung sikreto mo na ayaw mong malaman ng iba maging samin. Pero kung ang sikreto mo ay ang pagtago mo mo sa pakikipag relasyon mo parang hindi tama" Sabi naman ni Hailey

"Ayokong isipin ang iniisip ni Joseph na baka kabit ka kaya mo tinatago ang boyfriend mo pero kung totoo man iyon wala akong karapatan para pigilin ka pero gusto kong payuhan ka sa kung anong tama" Sabi naman ni Mariel na parang maiiyak pa

"Mali ang iniisip niyo, hindi ako kabit. Sa sasabihin ko ngayon maaring pagtawanan niyo ako o sabihin nababaliw na ako pero gusto ko parin ikwento sa inyo" Sabi ko at sinimulan ko ng magkwento sa kanila.

Nang matapos akong mag kwento ay tahimik lang sila. Naiintindihan ko naman kung iniisip nilang nababaliw na ako.

"Sis baka panaginip lang talaga, I mean sabi mo dati tumira ka ng matagal doon sa Dalya diba? Never ka naman kasing nawala e. Baka nililinlang ka lang ng sarili mong panaginip" Sabi ni Hailey

"Ayaw mo bang magpatingin sa psychiatrist? Take note, hindi ibig sabihin nagpatingin ka sa psychiatrist ay baliw kana. Pwede ka kasing siya ang makapagsabi sayo kung bakit ka nagkakaroon ng panaginip na ganoon, pwede ka niyang payuhan at resetahan ng gamot" Sabi naman ni Patricia

Umiling ako.

"Ganyan din ang iniisip ko dati akala ko panaginip lang, akala ko guni-guni ko lang, akala ko nababaliw na ako pero hindi e. Lahat ay nangyari talaga, lahat totoo. Nagising nalang ako na bumalik na lahat ng alaala ko tungkol sa Dalya" Sabi ko

"Naniniwala ako sa'yo" napatingin kaming tatlo kay Mariel. Hindi ko maiwasan ang maiyak dahil may taong naniniwala sa'kin. "Sis kailangan mong sumama sa'kin" Sabi nito na ipinagtaka naming tatlo

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman

"Kanina hindi ako sigurado kung tama ba ang hinala ko, para kasing pamilyar ang ibang kwento mo. Nung inisip kong maigi kung saan ko narinig ang Alamat ng Dalya naalala ko ang Lola ko. May diary ang kapatid ni Lola na parang katulad ng sa iyo" Sabi nito Kinabahan na na e-excite naman ako sa sinabi niya.

"Gusto kong mabasa yung diary baka yun ang susi para malaman ko kung paano makabalik sa Dalya" Sabi ko

"Nasisiraan ka naba talaga? Anong sinasabi mong babalik ka doon? Kung totoo man ang Dalya na yan hindi kana ulit babalik doon. Paano kung hindi kana magising sa panaginip mo? Paano naman kaming maiiwan mo dito?!" Halata sa boses ni Patricia na naiinis at nag aalala ito.

Tumahimik nalang ako. May punto naman kasi siya pero kung hindi ako babalik paano naman ang iniwan ko sa Dalya.

"Gusto ko parin mabasa yung diary" nakayukong sambit ko

"Kung gusto mo talaga kailangan na nating umalis ngayon para hindi tayo gabihin sa pag-uwi. Sa Bulacan pa kasi tayo pupunta" Sabi naman ni Mariel

"Sige" mabilis na sabi ko at kinuha na ang bag ko

"Nasisiraan naba talaga kayo? May klase pa tayo" Sabi ni Hailey

"Pasensiya na gusto kong mabasa yung diary gusto kong maliwanagan at malaman ang totoo" Sabi ko

"Tama si Chandee, sumama nalang tayo sa kanila para malaman natin kung ano ba talaga ang nangyayari" sabi ni Patricia

Namaywang si Hailey at tila di sang ayon sa sinabi ni Patricia, pero sa huli ay pumayag din ito at nagsabi na gamitin nalang namin ang kotse niya.

****

Pagdating namin sa Bulacan ay sinalubong kami ng isang kasambahay at pinatuloy sa loob ng bahay. Tumawag na kanina si Mariel sa Lola niya at sinabi ang pakay namin dito. Pagpasok namin sa loob ay naroon sa sofa at nakaupo ang isang matandang babae. Nakangiting tumayo siya at pinaupo kami. Nagmano at nagbigay galang kami sa matanda.

"Sino ba sa inyo ang sinasabi ni Mariel na gustong mabasa ang diary ng kapatid ko?" Tanong nito

"Ako po Lola" mabilis na sagot ko. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko ngayon.

"Bakit nais mo itong mabasa?" Tanong nito

"Dahil po nakapunta rin ako sa Dalya. Gusto ko pong malaman kung totoo po ba talaga ang lahat o kathang isip lamang" sagot ko

Hinawakan ng matanda ang kamay ko at inilagay ang lumang notebook sa mga kamay ko.

"Ang librong ito ay naglalaman ng naging buhay ng kapatid ko noong nabubuhay pa siya. Natatandaan ko pa noon na may kinukwento siya na lugar na pinuntahan niya ngunit hindi namin pinaniniwalaan. Isinulat niya sa librong ito kung ano ang mga nangyari sa kanya sa ibang mundo na sinasabi niya" Sabi nito

Tumango naman ako at sinimulang buksan ang maliit na libro.

"May mga nakasulat na mga araw, buwan at taon diyan subukan mong hanapin ang taong 1957, sa pagkakaalam ko doon siya nagsimulang magsulat tungkol sa lugar na sinasabi niya" sabi nito

Mabilis ko namang hinanap yung taon na sinasabi niya. Binasa ko ang lahat ng pahina mula sa unang araw ng taon na iyon at nangilabot ako ng mabasa ang isinulat niya noong ika 14 ng Marso taong 1957. Katulad na katulad nito ang nangyari sa'kin. Hinigop din ako ng isang liwanag. Ang pagkakaiba lang namin ay hindi ito pumasok sa isang larawan kundi nahulog siya, isa pa ay may kasama itong kaibigan.

Tumutulo ang mga luha ko habang binabasa ang mga nakasulat doon. Kahit nag fade na ang kulay ng tintang pinagsulat malinaw parin na nababasa ko ito.

"Anong sa tingin mo? Magkatulad ba kayo ng karanasan ng kapatid ko?" Tanong ng matanda

Tumango naman ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Maari ko po bang itanong kung anong nangyari sa kapatid niyo?" Tanong ko sa Lola ni Mariel

"Bata pa ako noon nung kinukwento niya ang karanasan niya sa Dalya, ang sabi pa niya may kasama siyang kaibigan. Ang sabi niya matagal na niyang kaibigan si Marife at kilala din namin ito ngunit wala naman kaming kilalang Marife. Sinabi pa nito na anak ng kapitbahay namin yung tinutukoy niyang kaibigan ngunit walang Marife na anak ang kapitbahay namin. Pinipilit niyang totoo si Marife ngunit walang katunayan na totoong tao nga yung binabanggit niya. Akala ng lahat nababaliw na siya hanggang sa magpasya itong kalimutan nalang ang lahat. Isinulat nalang niya ito at sa nabasa mo sinabi niya sa sulat na iyon na ang huling babanggitin niya ang karanasan niya sa Dalya. Pagkalipas ng mga taon kinalimutan na niya nga ito at nag asawa siya. Sayang lang at maaga siyang kinuha ng Panginoon sila ng kanyang asawa at anak" pagkukwento nito sa kapatid niya

"May idea po kaya kayo kung ano ang nangyari doon sa kaibigan niya?" Tanong ko

Nakangiting umiling ito.

"Dahil sa hindi kami naniniwala sa sinabi niya patungkol sa kaibigan niya hindi na kami nag abalang alamin pa kung nasaan ito at kung ano ang nangyari sa kanya. Ang sabi ni Ate naiwan sa Dalya ang kaibigan niya at gumawa siya ng paraan para balikan ito ngunit hindi niya alam kung paano. Hanggang sa sumuko nalang siya" sagot niya

"Gusto ko rin pong makabalik sa Dalya ngunit hindi ko rin alam kung paano" matapat na sabi ko

"Ang mabuti pa ay kalimutan mo nalang din ang nangyari sa'yo sa mundong iyon. Naging masaya rin naman ang kapatid ko ngunit hindi lang biniyayaan ng mahabang buhay. Kalimutan mo nalang din ang Dalya at mamuhay ng payapa dito sa atin" payo nito

"Ngunit paano ko po magagawang kalimutan ang lahat kung bawat minuto naaalala ko ang lugar at ang mga taong iniwan ko doon" pinunasan ko ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo

Niyakap ako ng matanda at tinapik tapik sa likod. Nang kumalma ako ay nagpaalam na kaming umalis. Bago kami umalis ay pinakain na muna niya kami ng hapunan.

*******