Chapter 43
Chandee's Pov
Hindi ko alam ang iisipin ng marinig ko ang sinabi ni Joseph kanina. Nag offer pa siyang ihatid ako pero tumanggi ako. Bigla kasi akong nailang sa sinabi niya.
"Matagal na akong may gusto sa'yo pero tinatago ko lang dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin" yan ang eksaktong sinabi ni Joseph kanina
Sinabi rin niya na ilang araw na niyang pinag iisipan na magtapat sa'kin at ngayong araw nga niya napagpasyahang sabihin. Sinabi rin nito na hindi naman siya nagmamadali na sagutin ko siya at kaya daw niyang maghintay kahit gaano pa katagal. Nag request pa siya na sana walang magbago kahit umamin siya na may gusto siya sa'kin.
"Saan ka galing te na late ka ng uwi?" Tanong ni Yvone
Hindi na ako sumagot at umakyat na sa taas. Pagkababa ko sa mga gamit ko ay humiga na ako sa kama ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman talaga akong ginawa. Pumikit nalang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako.
*****
Habol ang hininga na nagising ako. Pagtingin ko sa orasan ko ay alas diyes na pala ng gabi. Nakita siguro ni Mama na mahimbing na akong natutulog kaya hindi na ako ginising para mag hapunan.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tumayo. Nanlalagkit ang pakiramdam. ko kaya kinuha ko yung naka sabit na tuwalya ko sa likod ng pintuan ko at bumaba. Maliligo muna ako bago ulit ako matulog. Sana lang dalawin pa ako ng antok. Pero mukhang mas maganda nga kung hindi nalang ako makatulog. Kada natutulog kasi ako nananaginip ako. Katulad kanina, nanaginip na naman ako.
Sa panaginip ko kanina nagkulay dugo ang tubig kung saan nakalublob yung lalaking lagi kong nakikita. Lumapit ako sa kanya tinanong ko siya kung ayos lang ba siya pero nakatingin lang siya sa'kin. Naiyak ako sa itsura niya at awang awa sa kanya ngunit wala akong magawa kundi panoorin lang siya.
Hindi ko rin maintindihan ang mga panaginip ko. Minsan naririnig ko silang nagsasalita minsan naman ay hindi. Naririnig ko silang nagsasalita kapag pinapanood ko ang sarili ko na nakikihalubilo sa kanila. Hindi ko naman sila naririnig kapag ako ang lumalapit at kumakausap sa kanila. Minsan sumasagot sila pero wala akong boses na naririnig. Natatakot na ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa'kin. Kailangan ko na sigurong magpatingin sa doktor.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretyo na ako sa kwarto ko. Nagsuot lang ako ng damit pantulog at binuksan ang laptop ko at naghanap ng mapapanood. Sa dami ng napili kong panoorin na dinadownload ko ngayon sigurado aabutin ako ng isang buwan bago matapos ang mga iyon. Madalas kasi hindi ko natatapos ang mga pinapanood ko at nakakatulugan ko. Ang ending natatambak ang mga movies sa flask drive ko.
Pumili ako ng isang lumang pelikula ni Andrew E at sinimulan panoorin iyon. Sa simula palang nakakatawa na kaso para akong matanda na malabo na ang mga mata dahil sa kalumaan ng pelikula. Sana marestor sa HD ang mga lumang movies dahil mas maganda pa silang panoorin kaysa sa mga bago ngayon.
"Ikaw ang buhay ko ang pangarap ko at kinabukasan ko. pangako ko aalagaan ka at mamahalin ka kahit sa kabilang buhay ko" tumindig ang mga balahibo ko ng parang may biglang bumulong sa tenga ko. Napatayo ako at tinignan ang paligid ko. Sa takot ko ay sinarado ko na ang laptop ko at pumunta sa higaan ko.
******
Alas kwatro ng madaling araw ng muling magising ako at ngayon ay umiiyak. Akala ko panaginip lang, akala ko nakikita ko ang nakaraang buhay ko, akala ko nasisiraan na ako ng bait ngunit lahat ng iyon ay puro akala ko lang.
Pinunasan ko ang mga luhang walang tigil sa pagtulo at tumayo. Natatandaan ko na ang lahat, natatandaan ko kung paano ako nakapunta sa Dalya at kung paano ako nakabalik dito. Hinanap ko agad ang librong binigay sakin ni Mariel at binuklat iyon.
Please nasaan ka na paulit ulit kong sabi habang hinahanap ang larawan ng Dalya. Naniniwala ako na ito ang susi para makabalik ulit sa Dalya at makasama si Kapitan.
Lalo akong napaiyak ng maalala ko si Kapitan. Napanaginipan ko siyang duguan kanina sana maayos lang siya. Sana maayos lang ang lahat.
Bigo akong mahanap ang larawang hinahanap ko kahit tinignan ko na ang lahat ng mga libro. Hinanap ko narin sa bawat sulok ng silid ko ngunit hindi ko talaga ito makita. Wala akong magawa kundi umiyak nalang.
Nang mapatingin ako sa laptop ko ay agad akong lumapit para buksan ito. Sinearch ko ang Dalya ngunit iba ang lumalabas dito. Sinearch ko rin ang pangalan ni Pinunong Oscar at ni Kapitan ngunit walang lumalabas tungkol sa mga ito.
Napalingon ako sa pintuan ng makarinig ng katok. Bumukas ito at niluwa ang kapatid ko.
"Gising kana pala bakit hindi ka pa bumababa? Hindi kana kumain kagabi di ka parin kakain ng almusal?" Tanong niya
Tumingin ako sa orasan at nakitang 6:30 na pala. Ang bilis ng oras.
"Susunod na ako sa'yo" Sabi ko at sinara na ang laptop. Kinuha ko narin ang tuwalya ko para makaligo.
*****
"Ang aga mo yatang nagising ngayon?" Tanong ni Mama kay Yvone habang nag aalmusal kami
"Napaaga lang ng fifteen minutes, maaga rin kasi akong nakatulog kagabi" sagot naman niya
"Ikaw Chandee hindi ka kumain kagabi, hindi na kita ginising dahil mukhang pagod ka" Sabi naman ni Mama sakin
Tipid na ngumiti ako.
"Naku Ma! Ang agang nagising din ni Ate, nakita ko siya kanina nasa harapan na ng laptop niya" sumbong nito
"Alam kong mahirap ang kursong kinuha mo pero anak alagaan mo naman ang sarili mo. Kung hindi lang sinabi ng kapatid mo hindi ko mapapansin namamaga yang mga mata mo"
"Maaga lang din akong nagising kaya may tinignan ako" sagot ko
"O siya sige na bilisan niyo na baka abutan tayo ng traffic"
"Alam mo te napapansin ko nitong mga huling araw may kakaiba sa'yo ayos ka lang ba?" Tanong ni Yvone
Napatingin ako sa kanya "anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng bahay
"Wala naman nakaka panibago lang, broken hearted ka ba?" Usisa nito
"Bakit naman ma b-broken yang kapatid mo wala namang jowa at ayaw mag jowa" sabat naman ni Mama na gumitna saming dalawa ni Yvone
"Malay natin may jowa pala siyang tinatago" Sabi naman ni Yvone
"Sabagay pwede, pero sino naman pwedeng maging jowa niya?" Tanong naman ni Mama
"Edi sino pa kundi si Kuya Joseph!" Exaggerated na sabi naman ni Yvone
"Oo nga no? Pero bakit kailangan pang itago okay naman si Joseph mabait at magalang" sabi naman ni Mama
"Baka kasi walang gusto si Kuya Joseph sa kanya o kaya naman torpe siya. Hindi na ako magtataka kung tatandang babae si Ate" humagikgik pang sabi ni Yvone. Nakitawa naman si Mama
"Wala akong tinatagong jowa pero tinatagong asawa meron" sabat ko sa kanila. "Kung pag usapan niyo kong mag ina parang wala ako ah" pagbibiro ko
"Sus! Mag jowa ka muna bago ka mangarap magka asawa" Sabi pa ni Yvone
"Ikaw talaga kontrabida ka lagi sa buhay ko" sabi ko naman.
Pumara si Mama ng taxi at sumakay na kaming tatlo.
"Pero ate seryoso hindi ka ba binasted ni Kuya Joseph?" Pinaningkitan ko ng mata si Yvone na pigil ang pagtawa. Maging yung taxi driver ay napatingin sa akin.
"Huwag mo ngang lokohin ang Ate mo baka dahil sa kakaganyan mo sa kanya sumagot nalang ng kahit sino sa mga manliligaw niya" sabi naman ni Mama
"Asa ka naman Ma na may nanliligaw nga sa kanya hahaha" Sabi ni Yvone
"Tumigil nga kayong dalawa may ibang tao nakakahiya" Sabi ko
"Nagbibiruan lang naman tayo hahaha" Sabi ni Mama "manong pasensiya na kung maingay kami ng mga anak ko" Sabi pa nito
"Wala po iyon ma'am mas gusto ko nga may naisasakay na katulad ninyo hindi nakakainip ang biyahe" sagot naman ng taxi driver
Nauna ng bumaba si Mama ng taxi dahil nasa harapan na siya ng company na pinapasukan niya. Sumunod naman si Yvone hanggang sa kaming dalawa nalang nung taxi driver.
"Nakakatuwa kayo ng Mama at kapatid mo, akala ko kanina pangit ka kay gandang dalaga mo pala. Tama nga ang ginagawa mo na huwag munang makipag relasyon. Darating din ang naka tadhanang tao para sa'yo" Sabi nito
"Paano po ba malalaman na siya na nga yung taong itinakda para sa'tin?" Tanong ko sa matandang taxi driver
"Malalaman mo na siya na talaga kapag lagi mo siyang naiisip. Kapag hindi ka mapakali kapag hindi mo siya nakikita, kapag masaya ka sa kahit anong bagay na ibigay niya o kahit simpleng kasama mo siya at kapag handa ka ng talikuran ang lahat para sa kanya". Sabi nito
Tipid akong ngumiti. "Tatandaan ko po" Sabi ko
"Ang taong itinakda para sa'yo kahit anong problema ang dumating sa inyo kakayanin niyo. Kahit magkalayo kayo pagsasamahin parin kayo ng tadhana sa huli. Kung totoong kayo talaga ang tinadhana para sa isa't isa kahit imposible magiging posible" sabi pa nito
Nang makarating na ako sa tapat ng entrance gate ng university na pinapasukan ko ay bumaba na ako sa taxi. Binayaran ko yung fair at hindi na kinuha ang sukling 40 pesos. Tip ko nalang sa kanya dahil sa mga sinabi niya.
******