Chapter 42

Chandee's Pov

Tagaktak ang pawis at hinihingal ng magising ako. Pangalawang araw ko ng napapanaginipan ang lalaking iyon. Wala pa siyang mukha ng unang mapanaginipan ko siya at maging ang ibang tao sa paligid ko. At ngayon nga may mukha na akong nakikita. May mga sinasabi ang mga ito ngunit hindi ko talaga maintindihan. Pero sa panaginip ko naman ay nagkakaintindihan kami.

Pinunasan ko ang mga pawis ko at uminom ng tubig. Hindi naman ako yung tipo ng tao na nananaginip talaga. Ang nakapagtataka pa ay iisang panaginip lang iyon sa magkasunod na araw pa.

Tinignan ko ang digital clock at alas singko y medya palang. Maaga pa para bumangon pero tumayo na ako. Hindi na rin naman ako makakatulog nito kaya magluluto nalang ako ng almusal namin.

Habang nagpiprito ako ng itlog ay parang may scenario na dumaan sa isip ko. Nagluluto rin ako at may tatlo akong kasama na babae. Natatandaan ko sila, sila din yung nasa panaginip ko.

Natakot ako para sa aking sarili at pinatay ko na yung apoy at pumunta sa may sala at umupo sa sofa.

"Tiyak pagkakaguluhan na naman iyang niluluto mo binibini" Sabi ng isang babae sa isip ko. Pumikit ako at pilit pinapakalma ang sarili. Bakit may naiisip akong ganito? Bakit parang totoong nangyari.

Minulat ko ang mga mata ko at inilagay ang dalawang kamay sa tapat ng puso ko. Sino ba sila, bakit kamukha ko yung babaeng tinatawag nilang binibini. Ako ba yung reincarnation nung babae? Pero alam ko mga bata lang nakakaalala sa mga dating buhay nila.

Nasa sofa lang ako at tahimik na nag iisip kung ano ang gagawin ko. Paano kung reincarnation nga tawag sa problema ko? Kailangan ko na bang magptingin sa psychiatrist? Baka kapag kinwento ko sa iba ito sabihin nila nag h-halucinate lang ako at nababaliw na.

Ganoong posisyon ako nakita ni Mama sa may sofa. Medyo nagulat pa nga ako ng hawakan niya ang balikat ko.

"Ang aga mong nagising anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Mama

"A-ah ano" Sabi ko na naghahanap ng isasagot "maaga kasi akong nagising magluluto sana ako ng itlog pero bigla ulit akong inantok kaya pumunta ako dito" sagot ko kay Mama

"Baka naman hindi ka talaga natulog at nagbabad na naman sa laptop mo kaya inaantok ka ngayon" Sabi nito na tinalikuran na ako

Sumunod ako kay Mama sa kusina at pinanood siya sa ginagawa niya. Nagtimpla ito ng dalawang tasang kape at binigay sa akin yung isa.

"Gusto mo ng pancake?" Tanong nito habang nakatingin sa loob ng ref namin

"Kahit ano nalang Ma hindi naman ako mapili sa pagkain" sagot ko sa kanya

"Ikaw hindi mapili pero ang kapatid mo mapili" sagot niya na naglabas ng mga itlog at bacon. "Ito nalang muna almusal natin tinatamad akong magluto" wika pa niya na simulan na pancake na lulutuin niya. Sinalang narin niya yung bacon, hindi kasi mabubuhay si Yvone na walang bacon kapag almusal.

Inubos ko lang ang kape ko at umakyat na ulit sa kwarto ko. Mauuna na akong maliligo sa kanila para hindi ako madaliin ng maldita kong kapatid mamaya.

Nang matapos akong maligo ay blinower ko na ang buhok ko. Sa pag boblower ko napansin ko yung singsing na suot ko. Mula ng makita kong nakasuot ito sa akin ay hindi ko pa tinatanggal, Ewan ko ba lagi ko nalang nakakalimutan. Hinubad ko yung singsing at ipinatong sa may mesa ko. Narinig ko na sa baba ang kapatid ko kaya binilisan ko na ang pag aayos at bumaba na.

******

"Sis!" Napatingin ako kay Patricia na tumawag sa'kin kaya huminto ako sa paglalakad at hinintay siya.

"Ang aga mo yata ngayon?" Tanong ko sa kanya at sabay na kaming naglakad

"May dinaanan kasi kami ng Mommy ko kaya maaga kaming umalis ng bahay, mabuti narin to kaysa sa lagi akong nagmamadali kapag pumapasok" sagot niya

"Tama ka nakaka stress kaya iyon" sang ayon ko naman. Dama ko kasi yung pagiging aligaga kapag nali late.

Dahil sobrang aga pa talaga para sa 1st subject namin ngayon umistambay muna kami sa ilalim ng puno. Gusto namin tumatambay dito dahil presko ang hangin at madalas dumaan ang swimming team dito.

"Omg! Kakasimula palang ng araw pero buo na araw ko" nangingislap ang mga mata at malapad na nakangiting sabi ni Patricia habang nakatingin kay Daryl at kay Kyle na naglalakad ngayon.

"Fan ka parin niya kahit may issue siya ngayon about sa ugali niya?" Tanong ko sa kanya

"Hindi naman siya yung totally na nambastos at si Mildred pa nga nagbigay ng motibo para bastusin siya" sagot niya.

Sinundan ko naman ang tinitignan niya. Dumaan mismo sa harapan namin yung dalawa pero hindi kami pinansin kahit nag hi si Patricia sa dalawa. Iba talaga kapag famous, papansinin lang ang mga gustong pansinin. Itong kaibigan ko naman patay na patay parin sa idol niya. Nakuha pang mag victim blaming. Mapapa hay nakuuu ka nalang talaga.

Dumating narin sina Mariel at Hailey. Ang nakakatuwa pa ay kasama nila si Joseph na ginawa nilang taga bitbit sa bags nila.

"Mga donya bakit niyo binubully si Joseph? Sige kayo baka di na niyan kayo i-invite sa practice game nila" natatawang sabi ko sabay kindat kay Joseph na tila nahihiya at nagkakamot

"Siya ang nag offer na magdala ng bags namin ayaw nga namin pero mapilit siya" sabi ni Hailey

Nakakunot ang noo na tumingin naman ako kay Joseph. Ngumiti at tumango siya.

"Totoo ang sinabi nila hindi naman kasi mabigat mga bag nila at pupuntahan din naman kasi kita" sagot niya at ibinalik ang mga bags nila Hailey at Mariel.

"Bakit may sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya

Tumingin siya sa mga kaibigan ko at parang na gets naman nila kaya nag paalam sila na mauuna na sa classroom namin.

Inaya kong umupo si Joseph sa tabi ko at seryosong tinignan siya. "may problema ba?" Tanong ko na medyo nag aalala. Kung manghihiram kasi siya ng pera sakin mapapahiram ko naman siya kung maliit na halaga lang like 1k ganoon. Pero kung mas mataas pa sa 1k tutulungan ko nalang siya mangutang kay Hailey.

"Uhm, kasi ano" Sabi niya na parang nagdadalawang isip pa. "ano kasi Chandee" sabi pa nito tsaka niya ako tinitigan. "Matagal na tayong magkaibigan diba? Matagal na tayong magkakilala" Sabi nito na nagpakaba sakin.

"Magkano ba?" Pinangunahan ko na siya. Mukha kasing hirap na hirap siya magsabi.

"Anong magkano?" Tanong naman niya

"Ang uutangin mo diba ganyan naman talaga kapag gustong umutang sa kaibigan parang kokonsensyahin sasabihin na matagal na silang magkaibigan. Pwede mo naman kasi akong diretyahin sabihin mo lang na uutang ka, kung may pera naman ako at kaya ko pauutangin kita. Kung wala akong pera at mapapahiram sayo kahit anong pangongonsensiya ang gawin mo wala akong maipapahiram sayo. Atsaka ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa pera o utang" mahabang sabi ko na ikinatawa niya ng malakas. Hawak pa nga nito ang tiyan niya sa sobrang saya niya.

Napatingin naman ang mga tao sa paligid namin dahil sa pagtawa ni Joseph. Nakakahiya siya promise. Hindi ako nakatiis at sinabunutan ko siya at sinabing tumigil siya sa kakatawa pero mas tumawa pa ang walanghiya. Dahil sa kahihiyan tumayo nalang ako at tinakpan ang mukha gamit ang bag ko at lumayo sa kanya.

"Chandee!" Napatingin naman ako kay Joseph at maging ang iba dahil sa malakas na pagtawag niya sa'kin "magkita tayo mamaya!" Sabi pa niya na ikina roll eyes ko at tuluyan ng umalis.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Hailey

"Anong sabi ni Joseph sayo?" -Patricia

"Nagtapat na ba siya sayo?" -Mariel

Sunod sunod na tanong ng mga kaibigan ko hanggang sa makaupo ako.

"Mukhang sinaniban si Joseph at naging sinto sinto. Biruin niyo tumawa lang siya ng tumawa nakakaeskandalo yung tawa niya promise!" Gigil na sabi ko habang naaalala si Joseph

"Ehh? Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Mariel

So kinwento ko yung nangyari simula nung magsimula siyang kausapin ako hanggang dun sa malakas na pagtawag sa pangalan ko. Sinabi ko lahat eksakto sa lahat ng bigkas ng salita.

Parang siraulo din ang mga kaibigan ko na tumawa din. Mukhang nahawa na sila kay Joseph at naging baliw na din sila.

Lunch time na kaya naman nagmadali na kaming pumunta sa canteen. Lagi nalang kasi kaming nauubusan ng ulam. Okay lang naman sa mga kaibigan ko kung sa resto kami kumain kaso alam nilang nagtitipid ako. Sigurado kasing hindi ako sasama kung sa resto sila mag l-lunch. Pabor sana sakin kung sa Jollibee nalang kaso ang layo ng jabee.

Agad naman kaming nakahanap ng mauupuan at nilagay na namin ang bags namin doon at pumila. May nakita akong Laing at super love ko ang pagkain ng may mga gata kaya yun ang binili ko.

"Kung gusto mo ng gulay may chopseuy naman doon bakit yan pa ang binili mo?" Tanong ni Hailey sakin

"Nagtaka ka pa sa kaibigan mo e ang weird ng gusto niyan" Sabi naman ni Patricia

"Masarap naman ang Laing try niyo kaya" Sabi ko naman.

"No thanks di ako kumakain ng damo" sagot ni Hailey

Tumingin naman ako sa mga pinatuyong gabi na lumulutang sa mangkok ko.

"Hindi naman yan damo ang alam ko dahon yan ng gabi, niluluto din yan ng mommy ko pero hindi ko masyadong gusto" Sabi naman ni Patricia

"Masarap nga yan pero mas gusto ko itong Steam Pampano" Sabi naman ni Mariel

"Kumain nalang tayo at ienjoy ang pagkain natin" Sabi ko.

Bago namin kainin ang kanya kanyang pagkain namin napunta lahat ang mga tinidor namin sa isda ni Mariel. Gusto kasi naming lahat yung steam pampano pero isang order nalang ang natira at napunta yun kay Mariel.

Bago kami matapos kumain ay dumating sina Daryl kasama ang ilan sa mga ka team niya. Ang lapad ng ngiti ni Joseph na lumapit sa'min at nanghila pa ng upuan at tumabi sa'kin.

"Oh ano tapos ka ng tumawa?" Tanong ko kay Joseph

"Pasensiya ka na ikaw kasi inakala mo na uutang ako sa'yo' Sabi niya na pigil pa ang pagtawa

Sumeryoso naman ako ng tingin sa kanya.

"E ano pala ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya

"Feeling ko seryoso pag uusapan niyo kaya pwede na kayong umalis at nakaka istorbo lang kayo sa view namin kay Daryl" Sabi naman ni Patricia

"True!" Mabilis na sangayon naman ni Mariel

"Ano ba kayo hindi pa siya nakakakain" sabi ko naman

"Ayos lang kakain nalang ako mamaya" Sabi naman ni Joseph

"Kumain kana muna tangek! Kung gusto mo akong makausap edi mamayang pag uwi nalang. May practice ka ba mamaya?" Tanong ko pa

Mabilis itong umiling. "mas mabuti pa nga, ihahatid narin kita mamaya" sabi nito

"O sige na pumila kana doon baka maubusan ka pa ng ulam" taboy ko

Nakangiting umalis naman siya at pumila na. Natapos narin kumain ang mga kaibigan ko pero hindi parin kami umaalis sa pwesto namin dahil ineenjoy pa nila ang nakikita nila.

******