Chapter 41
Chandee's Pov
Ang daming taong naka abang sa tapat ng kani kanilang bahay habang papunta kami sa sentro. Nakasakay ako ngayon sa karwahe katabi si Kapitan. Araw nga pala ngayon ng kasal namin.
Hindi naman talaga namin kailangan magparada ngunit request iyon ng mga tao dahil hindi lahat makakapunta. Isa pa ay ako ang kanilang tinatawag na babaeng itinakda kaya naman gusto din nilang masaksihan ang masayang araw ko.
Iikot lang kami sa sentro at babalik din agad. May naghihintay narin na mga tao sa bulwagan kung saan gaganapin ang aming kasal.
Magkahawak kamay ni Kapitan habang magkatabi na nakaupo sa loob ng karwahe. Kapag naaalala ko reaksyon niya kaninang makita ako ay natatawa ako. Gandang ganda lang naman siya sakin ang haba ng hair ko.
"Baka mapunit bibig mo kakangiti" pagbibiro ko sa kanya
"Natutuwa lang naman ako, hindi ko inaakalang ganito karaming tao ang nakaabang sa pagdaan natin" sagot niya
"Oo nga e, kung maari ko lang sana silang yakapin at pasalamatan isa isa ay ginawa ko na" sagot ko at muling kumaway na may malapad na ngiti sa mga tao sa labas.
"Mahal tignan mo yung mga bata" turo ni Kapitan sa kabilang daan kung saan may mga bata na nagsasabog ng mga bulaklak.
"Oh! Si Klara yung isa sa kanila, naalala mo ba siya? Siya yung nagkasakit ng bulutong tubig" Sabi ko
"Hindi ko alam kung sino siya dun sa mga bata pero natatandaan ko yung iba. Naging pasyente mo rin sila" sagot nito
"Talaga? Hindi ko na matandaan ang mga mukha nila. Masaya ako malusog at masigla na sila ngayon" Sabi ko at kumaway ulit sa mga tao. Kumaway rin si Kapitan at nagpasalamat.
*****
Nasa bulwagan na si Kapitan at naghihintay sakin. Ako naman ngayon ay naglalakad na sa pulang carpet na may mga kulay pula at puting talulot na mga rosas. Habang naglalakad palapit kung saan naroon si Kapitan at naghihintay sakin ay hindi ko naman maiwasan ang mapaluha dahil naalala ang pamilya ko. Kung nasa Manila lang kami at kinakasal tulad ng nangyayari ngayon malamang kasama ko ang Papa ko at hinahatid ako sa altar.
Malapad ang ngiti na nilapitan ako ni Kapitan at inalalayan patungo sa harap ni Pinunong Oscar. Si Pinunong Oscar ang magkakasal samin dalawa.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal at lahat ay nakikinig sa sinasabi ng Pinuno. Mukhang ganito rin ang ginagawa ng mga kinakasal sa huwes, nangangaral muna at pinapayuhan ang ikakasal.
.
Nang matapos na si Pinuno sa pangangaral ay nagsimula na itong magtanong. Parang tanong lang ng pari sa simbahan ang mga tanong niya kaya hindi naman nakakapanibago sakin.
"Ngayon Ewen at Chandee ay binabasbasan ko na kayo ay mag asawa na" sambit ni Pinunong Oscar. Nagpalakpakan naman ang lahat at nag request ng kiss mga tao. Pinagbigyan namin sila pagkatapos ay nagkayakapan kaming mag asawa.
Napuno ng palakpakan ang buong bulwagan at lahat ay masayang binabati kami. Magkahawak kamay na kinausap namin yung mga tao na bumabati sa'min.
"Kakausapin ko lang sina Glenda" bulong ko kay Kapitan at tinuro kung nasaan sina Glenda at ibang tagapaglingkod
"Pupuntahan kita doon maya maya" pagpayag naman niya at ngitian pa ako. Nakangiting umalis ako sa tabi niya at naglakad patungo kina Glenda. Tuwang tuwang sinalubong pa ako nito.
"Napakaganda niyo po talaga binibini binabati po namin kayo sa kasal niyo" Sabi ni Selena na malapad ang mga ngiti sa labi
"Ano ka ba hindi na siya dapat tawaging binibini dahil may asawa na siya" sabat naman ni Ate Lerma
"Oo nga tama ngunit ano naman itatawag natin sa kanya?" Tanong naman ni Ate Asunsion
"Tawagin niyo nalang po akong Chandee tutal mas bata naman po yata ako sa inyo. Ituring niyo akong nakababatang kapatid" Sabi ko
"Hindi yata tama iyon kailangan ka parin namin irespeto. Siguro tatawagin ka lang namin na senyora katulad ng Ina ni Kapitan" Sabi naman ni Ate Mildred
Napangiwi naman ako sa suhestiyon niya. Hindi naman kasi nila ako kailangan tawagin ng kahit ano maliban sa pangalan ko.
Magsasalita sana ako para ngunit walang lumabas sa bibig ko ng ibuka ko iyon. Lahat kasi kami ay napatingin sa araw, unti unti kasing dumidilim at kinakain ng buwan ang araw.
"EKLIPSE!" Malakas na sabi ng pinuno. Napatingin ako kung nasaan sila ni Kapitan.
Unti unting dumilim hanggang sa may liwanag na pumalibot sa akin. Katulad ito ng liwanag na lumabas noon sa litrato na nakita ko sa libro. Ganito rin ang pakiramdam noong hilahin ako nito papasok sa may larawan.
Kitang kita ko ang pag aalala ni Kapitan habang tumatakbo ito palapit sa akin. Tuluyan ng dumilim ang paligid at natakpan ng buwan ang araw. Pilit kong iniaabot ang kamay ko kay Kapitan na tumatakbo ngayon ngunit huli na ang lahat. Hinigop ako ng liwanag at hindi siya nahawakan.
*****
"Ate! Gising na! Malelate tayo sige ka iiwan ka namin ni Mama!" Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko si Yvone. Tumingin ako sa digital clock na nasa side table ko.
"Hala! Male late na ako!" Napatayo ako at hindi na nag abalang ayusin ang kama. Hinablot ko ang tuwalya ko para maligo at iniwan si Yvone sa kwarto ko.
Habang naliligo ay napansin ko ang suot kong singsing. Napakunot ang noo ko hindi ko kasi alam kung saan ko nakuha iyon. Hindi rin ako yung tipo na bibili ng ganitong klaseng singsing, ang nakakatuwa pa ay kulay pula ito.
Dahil nagmamadali ako ay hindi ko nalang pinansin ayokong ma late ako pharmacology pa naman first subject namin ngayon.
Nang matapos kong maligo ay mabilis akong magbihis, hindi ko na nga blinower ang buhok ko at nagmadaling bumaba bitbit ang doughnut bag ko at mga snacks na pinadala ni Papa.
"Akala namin di kana papasok" salubong sakin ni Hailey at sabay umupo sa mga upuan namin
"Natanggap mo ba yung text ko sa'yo?" Tanong naman ni Mariel
"Pasensiya na kayo napa sarap ang tulog ko" Sabi ko at pinakita ang mga dala ko
"Omg! Ang dami naman niyan nagpadala Papa mo?" Tanong naman ni Patricia
"Oo pero konti lang, sabi ni Mama share ko daw sa inyo" nakangiting sabi ko
"Paki sabi kay Tita thank you" sabi pa ni Patricia
"Mamaya ko na ibibigay nandiyan na si Prof" Sabi ko na umayos na ng upo
Nagsimula na ang klase namin at tini take down ko yung important notes na sinasabi ni Prof Edmond. Hilig kasi niya magbigay ng surprise quiz kaya sa mga katulad ko na makakalimutin kailangan talagang mag take down notes.
At tulad ng inaasahan may quiz nga kami. Bulungan at reklamo na naman naririnig ko sa mga classmates ko. Ako naman napapabuntong hininga nalang, ano ba ang bago? Lagi naman kasing ganito. Magtataka ako kapag hindi siya magpapa quiz.
******
"Girl saan mo nabili yang singsing mo" tanong ni Patricia na hinawakan pa ang kamay ko para matignan maigi ang singsing na suot ko.
"Ang ganda ah! May ibang kulay ba iyan?" Tanong naman ni Mariel
"Hindi ko nga rin alam kung saan ko galing to, baka kasama sa ipinadala ni Ama" sagot ko
Nagkatinginan naman kaming apat dahil sa sinabi ko. Ang weird lang kasi bakit Ama ang sinabi ko imbes na Papa. Nagtawanan naman kaming apat at hindi nalang pinansin yung sinabi ko.
Habang kumakain kami ng snacks na dala ko ay hindi ko maiwasan isipin kung saan ko nga ba galing ang singsing. Kahit anong pilit kong isipin kagabi wala talaga akong natatandaan na sinuot ko ang singsing na'to.
"Mall tayo after class game?" Tanong ni Mariel
"Lagi naman akong game kapag galaan, tanungin niyo yang si Chandee always busy" Sabi ni Patricia
"Alam niyo naman nagtitipid ako diba? Kapag kasi may pinupuntahan tayo napapagastos ako" pagtatanggol ko sa sarili ko
"Kaya nga ililibre ka namin ikaw lang talaga may maraming reasons, Hindi rin naman kayo mahirap na afford mo nga mag aral dito diba?" Sabi naman ni Hailey
"Hindi nga kami mahirap pero yung perang ginagastos ko pinaghihirapan ng parents ko. Gusto ko narin mag stay nalang dito sa Pilipinas ang Papa ko at mag business nalang para naman sama sama na kami" Sabi ko
"Sabagay mahirap talaga malayo sa Isang pamilya, working din abroad daddy ko pero every 6 months umuuwi naman siya. Siguro nasanay nalang kami sa ganung sitwasyon kaya hindi namin siya ganoon namimiss" Sabi naman ni Patricia
"Usapang Dad ba"to? Alam niyo naman kwento ko sa family ko kaya di ko nalang sasabihin baka ma stress na naman kayo kapag kinwento ko ulit" Sabi naman ni Hailey
"Oo nga tama na yang nakaka stress na kwentong pamilya pagkwentuhan nalang natin si Daryl" kinikilig na sabi naman ni Mariel
"Grabe nakita niyo ba yung video na sinend ni Mark sa gc nila? Naiinis ako kay Mildred pero naawa ako ng makita siyang binabastos siya ng ganoon nila Daryl" kwento ni Patricia
Biglang parang may kung anong dumaan naman sa utak ko na hindi ko maeksplika at bigla nalang kumirot ng marinig ko ang pangalan ni Mildred.
"Ano bang meron kay Mildred?" Tanong ko hawak ang sintudo ko at hinihilot hilot
"Nangyari sa'yo? Brain freeze? Dahan dahan kasi sa pag inom" sabi naman ni Hailey
"Sayang binura ni Mark yung video pero di ako sure kung may nakapag save, finorward lang din kasi sa'kin kaya napanood ko" sabi ni Patricia
"May naririnig nga akong video na pinag uusapan kanina hindi ko alam na si Mildred pala yung nasa video. Sayang hindi ko napanood" Sabi naman ni Mariel
"Anong pambabastos ba kasi ang ginawa sa kanya?" Iritadong tanong naman ni Hailey
"Sa napanood ko kasi nakainom sila may iba pang babae sa video pero si Mildred lang yung sumasayaw sa taas table. Hinipo hipuan siya doon pero dahil sa dala yata sa alak pumapayag siya. Hinubad pa nga niya panty niya doon e. Then alam niyo yung parang inaararo siya pero may suot pa siyang damit at palda nun, hindi rin nakahubad sina Mark parang katuwaan lang" kwento ni Patricia
"Omg! Sigurado isusumpa ni Mildred ang alak. Kung ako siguro siya baka manalangin pa akong malaho nalang sa mundo at mapadpad sa ibang planeta" Sabi naman ni Hailey
Lalong kumirot naman ang sintido ko. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Nagpabalik balik sa'kin ang sinabi ni Hailey.
Nang matapos ang vacant ay bumalik na kami sa classroom para sa last subject namin. Okay na pakiramdam ko ngayon kumpara kanina, iinom nalang ako ng maraming tubig.
Nang matapos na ang klase ay tumuloy ang mga kaibigan ko sa lakad nila, ako naman hinatid naman nila sa pag-uwi. May sariling sasakyan kasing dala si Hailey at madadaanan naman yung lugar ko sa Mall na pupuntahan nila.
******