Chapter 5

-Khyra POV-

Ackk! Naka-iinis talaga ang lalakeng iyon! Bakit ko ba 'yon naging asawa? Bakit ba patay na patay ako sa kaniya noon? Naka-iinis siya! Nagiging marupok tuloy ako sa kaniya!

Hayst! Bakit kasi sa lahat ng bibili sa lupa, siya pa? Ang lupit naman talaga ng tadhana eh!

Naalala ko tuloy ang halo-halong emosyon na naramdaman ko noong nakita ko siya kahapon sa kaniyang opisina.

Ang tanga ko kasi! Bakit hindi ko man lang binasa ang pangalan ng company? Tuloy-tuloy lang kasi ako sa pagpasok, nang hindi man lang nalalaman na Salvatore Company pala ang pinasukan ko. Ang company na pag-aari ni Spencer!

Ang tanga ko sobra huhu! Naiinis tuloy ako, at mas lalo pa akong nainis dahil mas lalo siyang naging gwapo! Aish! Kaya pala ang daming pumatol sa kaniya, isa na ako roon.

"Ayos ka lang? Naka-usap mo ba siya?" Tanong naman sa akin ni Zach, nang makapasok ako sa sarili niyang sasakyan.

"Oo naka-usap ko na siya kanina lang." sagot ko naman.

Hindi ko lang siya naka-usap kundi tinugon ko pa ang halik niya.

"Anong sabi? Lulubayan na ba niya kayo?" Tanong naman ulit ni Zach. Bago niya pinaandar ang kotse.

"Ayaw niya!"

"Kapal naman ng mukha niya, pagkatapos ka niyang iwan. Ngayon babalikan ka niya na parang wala lang ang ginawa niya sayo noon!" Inis na singhal naman ni Zach.

"Zach alam kong matagal na kayong hindi magkaibigan ni Spencer. Alam kong sinira na niya ang pagkakaibigan niyo ng maghiwalay kami."

"Ayos lang na mawala ang pagkakaibigan namin Khyra. As long as I protect you." Saad naman niya.

Gusto ko sanang kiligin sa sinabi niya, ngunit hindi ko kaya. Kasi iisang lalake lang ang kaya akong pakiligin ng todo. I don't really want to mention his name! 'Cause I hate him.

"Zach alam kong matagal ka ng narito sa tabi ko. Pero Zach alam mong hindi kita kayang mahalin." Wala sa sariling singhal ko sa kaniya.

Bigla naman niyang hininto ang kotse , tsaka siya lumingon sa akin.

Tumitig naman siya sa aking mga mata, "Si Spencer pa rin ba?" Walang emosyong tanong niya.

Hindi naman ako umimik at tinuon ko nalang ang pansin ko sa salamin ng kotse.

"Silence means yes." Rinig ko naman ang pagkasarkastiko sa kaniyang salita.

"Khyra Why can't you move on to him? Ten years na noong iniwan ka niya!"

Lumingon naman ako sa kaniya, "How can I move on Zach? Kung araw-araw kong nakikita ang anak namin na binuo naming dalawa? Paano ko kakalimutan si Spencer kung naaalala ko kung paano namin ginawa si Phyra ng may halong pagmamahal? Tell me Zach! Tell me how to move on! Kasi gusto ko naring mag move on Zach! I really want but I can't!" Naluluhang sigaw ko sa kaniya.

"Love me Khyra."

Hindi ko alam kung utos niya sa akin na mahalin siya o sagot niya iyon sa aking katanungan.

"Paano kita mamahalin kung siya pa rin?" Iyak na tanong ko sa kaniya.

"Paano mo siya makakalimutan kung ayaw mo siyang tanggalin sa puso mo?!" Sumbat naman niya sa akin.

"Zach! I already tried! Sinubukan ko siyang alisin dito." Turo ko naman sa dibdib ko kung nasaan ang pwesto ng aking puso. "Kaso kahit anong pilit kong alisin siya rito, patuloy pa rin siyang pumapasok! Lalo na ngayon at gusto niya ring pasukin ulit ang buhay namin ng anak ko!"

"Papapasukin mo ba ulit siya?"

Napansin ko namang ang biglang paglungkot ng kaniyang mukha. Bigla tuloy akong na guilty sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya.

"Khyra, papapasukin mo ba ulit siya sa buhay niyo?" Tanong ulit niya. Ngunit hindi pa rin ako umimik.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Naguguluhan ako!

"Silence means yes Khyra." Singhal naman niya at pekeng ngumiti, "Bakit nga ba ako umaasa na mamahalin mo rin ako? Ako lang naman si Zach na laging nasa tabi mo na hindi mo man lang kayang mahalin."singhal niya.

Nanatili naman akong tahimik, dahil baka masaktan ko na naman siya sa mga salitang mabibitawan ko. Kaya mas gusto ko nalang na manatiling tahimik.

"Talo ako kay Spencer, talong talo ako sa lalakeng nanakit sayo ng paulit-ulit at sinaktan ka ng paulit-ulit. Ni kailan man hindi ako nanalo!" Dagdag pa niya.

"I'm so sorry Zach." Paghingi ko naman sa kaniya ng tawad.

Hindi ko naman sinasadya na saktan ang damdamin niya.

"Ayos lang. Basta narito ako lagi para bantayan ka. Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Naghihintay na mahalin mo." Singhal pa niya, bago pinaandar ulit ang kotse.

Wala naman ng umimik sa amin buong byahe.

"Zach thankyou sa paghatid mo sa akin dito sa flower shop. Tsaka sorry para kan——"

"Welcome! Sorry ka ng sorry. Mahalin mo nalang kaya ako!" Biro pa niya sa akin, ngunit hindi ako natuwa.

"Joke lang hindi ka man lang mabiro! Alis na ako." Pamamaalam naman ni Zach. Tsaka niya pinaandar ang kotse niya pa alis.

Agad namang natuon ang pansin ko sa babaeng nakatayo sa labas ng flower shop ko ngayon.

Naka lock kasi ang flower shop ko kaya walang taong makakapasok doon.

"Hi!" Pagbati naman niya sa akin ng makalapit ako sa kaniya.

Teka?! Namumukhaan ko siya! Siya yung babaeng secretary ni Spencer!

"Hello!" Tugon ko naman sa kaniya. Tsaka ko kinuha ang susi ko at agarang binuksan ang pintuan ng aking flower shop.

"Pasok ka muna rito." Pag-anyaya ko naman sa kaniya.

Narinig ko naman ang paglakad niya papunta rito sa kinaroroonan ko.

"I'm Laira, secretary of Mr. Salvatore." Pagpapakilala naman niya sa akin. Tsaka niya nilahad ang kaniyang kamay.

Inabot ko naman ang nakalahad na kamay niya sa aking harapan, "I'm Khyra Montero and ——"

"Oh, you're Misis Khyra Montero Salvatore? Wife of Mister Spencer Salvatore. Nice to meet you Ma'am." Sabat naman niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa kaniyang sinabi.

Bakit kaya niya alam na asawa ako ng boss niya? Sinabi kaya ni Spencer? Pinakilala niya kaya ako?

"Ma'am hindi niyo po ba bibitawan ang kamay ko?" Singhal naman niya, kaya naman mabilisan kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

"Ano ang kailangan mo rito at naparito ka?" Mahinang tanong ko naman sa kaniya.

"Gusto ko lang pong sabihin na maka-aalis na kayo sa lupang ito."

Bigla namang nalaglag ang panga ko dahil sa kaniyang sinabi.

"What?! Why?!" Gulat na tanong ko.

"Yun na nga rin po ang gumugulo sa isipan ko eh. Sinabi kanina sa akin ni Sir Spencer na asawa ka niya, tapos pinapasabi niya sa akin na pwede ka ng umalis dito sa lupang ito. Ang gulo talaga ng boss ko. Akala ko nga kanina ay ipapamigay na niya sa'yo ang lupang ito." Pagku-kwento naman niya sa akin.

Ano naman kaya ang binabalak ng lalakeng 'yon?

Bakit naman kaya niya gustong paalisin kami rito?

Gash! Hindi maaari! Lalo na at ang flower shop na ito ang bumubuhay sa'min ng anak ko.

"Wala bang puso ang boss mo?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Bakit po ako tinatanong niyo? Asawa mo po siya, kaya ikaw po ang mas nakakakilala sa kaniya." Tugon naman ng Secretary ni Spencer sa akin.

"Argh!!!" Inis na singhal ko pa, tsaka ako napasabunot sa aking buhok.

"Ma'am sinabi rin sa akin ni Sir na kung may itatanong kayo sa kaniya. Tawagan niyo lang po ang numerong ito." Binigay naman niya sa akin ang isang maliit na papel na may nakasulat na numero. " 'Yan lamang po ang sasabihin ko kaya ako naparito."

Tinitigan ko naman ang papel na binigay niya.

Ano naman ang sasabihin ko sa lalakeng 'yon?

Ano naman ang itatanong ko?

Baka pag nag sumbatan ulit kami, baka ako lang ang talo!

"Ma'am alis na po ako." Pamamaalam naman sa akin ni Laira na Secretary ni Spencer.

Tumingin naman ako sa kaniya, "Teka, kanina ay nasa opisina ka ni Spencer. Himala at nauna ka pang pumunta rito sa flower shop ko kaysa sa akin." Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya.

"Mabilis pong mag drive si Sir Spen—— alis na po pala ako. Thankyou po sa oras mo. Kung may tanong ka pa po ipaglaban mo este tawagan mo po ang boss ko." Anas pa niya at tumakbo na paalis.

Tumingin naman ulit ako sa papel na binigay niya sa akin.

Tatawagan ko ba siya? Magrereklamo ba ulit ako sa kaniya? Hayst! Paano na?

Bigla naman akong naka-isip ng paraan.

Agad kong pinitas ang isang bulaklak na rosas. Tsaka isa-isang pinigtas ang petals nito.

"Tatawagan ko!" Saad ko ng pinigtas ko ang isang petal.

"Hindi!"

"Tatawagan ko!"

"Hindi!"

"Tatawagan ko!"

"Hindi!"

"Tatawagan ko!"

"Hindi!"

"Tatawan ko!" Huling sambit ko sa huling petals na pinigtas ko.

"Sheez! Okay fine! Calm down Khyra! You can do it!" Pagkausap ko naman sa aking sarili.

Okay tatawagan ko na siya!

Dahan-dahan ko namang kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Tsaka dahan-dahang tinype ang mga numero na nakalagay sa papel.

I know I can do it!

"Hello, who's this?"

Bigla naman akong napahinto at naramdaman ko ang pagtigas ng aking katawan.

Hayst! His baritone voice makes me fall for him again!

"Hello, who's this?" Pag-uulit niya sa kaniyang sinabi.

Agad ko namang kinagat ang pang-ibaba kong labi, bago magsalita.

"Spencer baki——"

"My wife, ikaw lang pala."

Bigla naman akong nainis sa sinabi niya. So inaasahan ba niya na ibang babae ang tatawag sa kaniya?! Tsk!

"Wife are you there?" Rinig ko naman ang pag-aalala sa boses niya.

"Wife your face! Spencer 'di ba nag usap na tayo?! 'Di ba sinabi kong bibilhin ko ang lupa mo?!" Inis na singhal ko sa kaniya.

"I didn't agree with you!"

Argh! Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalakeng 'to! Argh! Malamang dalawa ulo niya eh! Isa sa taas, isa sa baba!

Hinigpitan ko naman ang paghawak ko sa cellphone ko, "Wala ka bang puso h——"

"May puso ako Khyra. Sinakop mo nga ang buong puso ko e."

Argh! Galit ako sa kaniya, kaya hindi ako pwedeng kiligin sa banat niya!

"Pwes ibenta mo ang lupa sa akin! Maawa ka naman sa akin at sa anak natin!"

"Hindi ko nga ibebenta sa'yo ang lupa. Ibibigay ko ang lupa sa'yo basta bumalik lang kayo sa akin!"

"Ayaw ko!"

"Bahala ka! Pwede ka ng umalis diyan at kukunin ko na ang lupa!"

Humigpit naman lalo ang pagkahawak ko sa cellphone ko.

"Kaya kong kunin ang lupa Khyra at kayang kaya ko ring kunin ang anak natin!" Pagbabanta pa niya sa akin.

"Ano ba ang gusto mo Spencer?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Ikaw at ang anak ko!" Sagot naman niya sa akin.

"Argh! I hate you!" Inis na singhal ko.

"I love you too, wife."

"Spencer! Payag na ako na paalisin mo ako sa lupang ito! Pero hinding hindi ako makapapayag na pati ang anak natin ay kunin mo sa akin!"

"Kahit sa ayaw at gusto mo Khyra, kukunin ko pa rin ang anak natin. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong kunin rin kita."

"Putang ina ka! Mapapamura ako ng dahil sa'yong gago ka!" Galit kong sigaw sa kaniya.

"Masama ang mag mura pero ang mag mahal pwede. Kaya mahalin mo ako."

"Argh! I really really hate——"

Natigil naman ako, nang pinatayan niya ako ng tawag.

Argh! Naka-iinis na talaga siya!

Bigla namang tumunog agad ang cellphone ko. Kaya agad ko itong kinuha at nakita ko agad ang message ni Spencer sa akin.

From: Isakangmalakinghotdog

~If you want to talk to me, come here in my own company. Then go in my office.~

Nanlumo naman ako pagkatapos kong mabasa ang mensahe niya.

Akala niya magpapatalo talaga ako sa kaniya?! Pwes nagkakamali siya!

Hindi na ako yung Khyra na kilala niya na laging nagpapatalo sa kaniya noon.

Haharapin ko siya ngayon at pipigilan ko siya sa plano niya na pagkuha sa anak ko!

Hindi naman sana kami nagkakaganito kung hindi dahil sa kaniya! Kung hindi siya nag hanap ng iba!

Mabilis naman akong nagtipa ng mensahe sa kaniya.

From: Isakangmalakinghotdog

~I'm on my way!~

Agad ko namang sinend sa kaniya, tsaka ako nagmadaling pumunta sa office niya.

"Ang bilis mo namang nakarating. Binalaan na kita kanina na pagpumasok ka ulit dito sa office ko ay hindi lang halik ang ibibigay ko sa'yo." Sambit naman niya nang makarating ako sa office niya. Kaya naman agad akong nanlumo.