Chapter 4
-Spencer POV-
"Sir, buti naman at bumalik ka pa rito." Singhal naman agad ng Secretary ko, nang makabalik ako rito sa sarili kong kompanya.
"Sir, alam mo bang sumakit yung ulo ko rito?" Hindi ko naman siya pinansin at naglakad nalang ako ng deretso papunta sa office ko.
"Hoy Sir, wala ka bang balak pansinin ako? Pagkatapos mo akong iwan d——"
Huminto naman ako sa paglakad at tinignan siya, "Talk again and I'll fired you!" Inis na sigaw ko sa kaniya.
Napansin ko naman ang pagkagulat ng kaniyang mukha at ang agaran niyang pagtahimik.
Kaya naman tinuloy ko nalang ang paglalakad ko papasok sa aking office. Napapansin ko rin ang pagsunod sa akin ni Laira.
"Laira what if you find out that you have a baby?" Biglaang tanong ko sa kaniya, nang maka-upo na ako rito sa aking upuan.
"Laira! I'm asking you!" Sigaw ko sa Secretary ko. Dahil hindi man lang siya umiimik.
"Uhmmp." Sighal niya.
"TALK!" inis na sigaw ko sa kaniya.
"Sir sabi mo kanina pag nagsalita ako tatanggalin mo na ako sa trabaho. Tapos ngayon pinapagalitan mo ako dahil hindi ako nagsasalita. Saan ako lulugar Sir? Sa mercury? Sa venus? Sa mars? Sa jupiter? Sa saturn? Sa uranus? Sa neptune? Saan Sir?"
Nagulat naman ako sa rami ng kaniyang sinabi.
"Umalis ka nalang sa harapan ko. Baka ano pa ang magawa ko sayo rito!" Inis na pagbabanta ko sa kaniya.
Napansin ko naman ang pagpula ng kaniyang mukha, "Haluh Sir! Don't tell me. Magiging sexcretary mo ako. Sir No! Alam kong gwapo ka, alam kong perfect ang features ng mukha at katawan mo. Pero Sir! Bawal! Ayaw ko ng dumagdag ka pa sa mga asawa ko sa South Korea. Huhu Sir, baka maging malandi ako niyan. Sir h'wag na h'wag niyo po akong re-reypin!"
Napamulagat naman ang mata ko sa kaniyang sinabi, "What?! Fuck it! Just leave!"
"Hindi mo na ako re-reypin?" Tanong pa niya.
Kumunot naman agad ang noo ko, "No! I will not do that!"
"Ahy, sayang naman." Panghihinayang na saad niya. Bago tumalikod sa akin at umalis.
"Sir ayaw mo talaga?" Nagulat naman ako ng sumilip na naman siya sa pintuan.
"LAIRA!"
"Sabi ko nga Sir, ayaw mo." anas naman niya tsaka tuluyan ng umalis.
Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at tinawagan ko si Zach.
Fuck!
Bakit hindi na niya sinasagot?
Dahil ba sa nangyari kanina?
Fuck that madafaker!
Naguguluhan na ako ngayon!
"Sir?" Napatingin naman ulit ako sa Secretary ko, dahil naroon ulit siya sa pintuan.
"What?!" Inis na sigaw ko sa kaniya.
"May bisita ka."
"Who?"
"Whopia!" Pilosopo naman niyang sagot sa akin.
"Laira I wanna Fir——"
"Sabi ko nga, hinahanap ka ng babaeng pumunta rito kahapon. Yung gustong bumili sa lupa na nabili mo." Tuloy-tuloy na saad niya sa akin.
Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya.
Do I need to be happy? 'Cause she is here?
"Sir ano? Papapasukin ko ba? O ikaw ang papasok sa kaniya?"
"Fuck it Laira! I'm not a sex addict!"
"Hahaha! Sir green minded ka ha!" Hinawakan naman niya ang kaniyang tiyan, "Hahaha! So ano nga Sir? Papapasukin ko ba siya rito sa office mo? Gusto ka yata niyang maka-usap eh."
"Yeah! Papasukin mo na!" Utos ko naman sa kaniya.
"Hi." Sambit ko, nang makapasok na si Khyra rito sa office ko.
"Spencer, I need you to promise me something." Singhal naman niya sa akin, bago umupo sa harapan ko.
"What?"
"Leave us alone!"
Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi.
Fuck it! My heart stop beating!
"Hindi ako mangangako ng ganyan Khyra!" Inis na singhal ko sa kaniya.
"Please? Can you just leave us alone?"
"I can't!"
Peke naman siyang ngumiti, "You can't? Oh Spencer, na kaya mo nga ng sampung taon na wala ako at wala ang anak mo. Tapos sasabihin mo na I can't?!" Sarkastiko niyang sambit sa akin.
"I tried to find you!"
"Oh another lie!" Singhal naman niya na hindi naniniwala sa aking sinabi.
"Believe me I——"
"I stop believing you Spencer! Kung gusto mong mabalik ang tiwala ko sayo. Then leave us alone!" Pagmamatigas pa niya sa akin.
"I don't care if you don't believe me! I don't care if you don't trust me anymore. But, I wouldn't leave you and my child!" Pagmamatigas ko rin sa kaniya.
"Pwes, kami ang lalayo sa'yo Spencer!"
"Okay, let's see each other in the court!" Banta ko naman sa kaniya.
Nakita ko naman ang halo-halong inis at pagkagulat sa kaniyang mukha.
"Spencer! Tignan natin kung saan pupunta si Phyra. Tignan natin kung sino ang pipiliin niya!" Banta rin naman niya sa akin.
"I have a lot of money Khyra. Kaya kong makuha ang anak natin sa ayaw at gusto niya!" Inis na singhal ko sa kaniya.
"Kung kukunin mo ang anak natin. Then sign our devorce paper! Dahil mag papakasal na ako kay Zach!"
Agad namang kumuyom ang kamao ko sa kaniyang sinabi.
Wala ng mas masakit pa sa kaniyang sinabi ngayon.
"Of all people Khyra! Bakit ang kaibigan ko pa?!" Inis na tanong ko sa kaniya.
"Hindi ba at ikaw ang nauna Spencer? 'Di ba pinagpalit mo rin ako noon kay Camille? May nangyari nga sa inyo ng hindi ko nalalaman! Tapos ngayon magrereklamo ka sa akin kung bakit yung kaibigan mo pa?! Now you know the feeling I feel before!"
"Nandito ka lang ba para inisin ako Khyra?!"
"No! Nandito ako para bantaan ka!"
"Hindi mo ako mababantaan Khyra!"
"Kaya ko Spencer! Kung hindi mo kami lalayuan, mapipilitan akong pakasalan ang kaibigan mo." Banta naman niya sa akin.
Napakunot naman ang mukha ko sa kaniyang harapan, "Mapipilitan? Mapipilitan ka lang na pakasalan ang kaibigan ko? Wow! Hindi mo siya mahal?"
"Mahal ko na rin siya Spencer! Lalo na at siya ang kasama ko ng hiniwalayan mo ako! Siya ang tumulong sa akin! Yung mga dapat na gampanin mo sa akin, Si Zach ang gumawa. So tell me? Paano ko siya hindi mamahalin?!" Sumbat niya sa akin.
Naglaglag naman ang panga ko sa kaniyang sinabi.
What the hell! Pinahanap ko siya kay Zach! Tapos sasabihin sa akin ni Zach na hindi niya alam kung nasaan ang asawa ko? Fuck that asshole!
"Khyra, hindi mo alam yung naramdaman ko noong nawala ka!" Sumbat ko sa kaniya.
"Trust me Spencer! Alam ko! Alam ko na masaya ka! Alam kong naging masaya ka noong wala ako!"
"Saan mo napulot ang maling balita na 'yan Khyra?!"
"Sinabi sa akin lahat ni Zach! Alam mo bang nasaktan ako sa mga litratong pinakita sa akin ni Zach noon? Yung mga litratong may kahalikan ka, yung litrato mo na may kasama kang babae sa iisang kama habang hubad kayong dalawa! Unti-unti napupunit yung puso ko Spencer! Hanggang sa maging bato na ang puso ko dahil sa'yo."
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Bigla namang nag flashback sa akin ang nangyari noon.
[Flashback]
"Spencer, iniwan kana ng asawa mo! Hindi na siya nagpapakita sa'yo. Mag enjoy nalang tayo ngayon!" Singhal sa akin ni Zach habang narito kami sa isang pinaka mayamang bar.
"No I can't! Ayaw kong dagdagan pa ang kasalanan ko sa asawa ko!"
"So loyal ha, Bahala ka! Inumin mo nalang ito at aalis na tayo."
Hindi naman ako nakahindi dahil binigay na niya sa akin ang isang baso na may lamang alak. Kaya naman agaran ko ng ininom para maka-alis na kami.
Ngunit nang maubos ko ang alak na binigay niya sa akin, ay bigla nalang akong nawala sa katinuan.
Naramdaman ko rin ang babaeng humahawak sa katawan ko. Kaya noong tinignan ko ay kamukha siya ng asawa ko.
Hindi na ako nakatanggi pa noong hinalikan niya ako. I miss my wife so damn much.
Ngunit nang matapos ang halikan namin ay biglang nawala ang mukha ng asawa ko sa kaniya. Kaya naman agad kong natulak ang babaeng humalik sa akin.
Tinignan ko rin si Zach na may hawak na cellphone.
"Did you take a picture while I'm kissing that girl?!" Inis na singhal ko.
"Just a remembrance bro!" Tugon naman niya.
Bigla namang sumakit ang ulo ko at nawalan agad ako ng malay.
At nang gumising ako ay nasa isang hotel na ako, kasama ang isang babae na hindi ko kilala.
[End Of Flashback]
"Natigilan ka ngayon Spencer!" Nabalik naman ako sa hwisyo, nang magsalita ulit si Khyra.
Nanlumo ako dahil nakita ko ang mata niya na puno ng kaniyang luha.
"Khyra maniwala ka o hindi! Sinubukan kitang hanapin!"
"Don't me spencer! H'wag ako! Hindi mo na ako mabibilog!"
"Pinahanap kita kay Z——"
"Stop it Spencer! Tama na! Ayaw ko na! Lubayan mo nalang kami ng anak ko!"
"Anak natin Khyra! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na anak natin si Phyra!"
"Leave us alone!" Pagmamatigas pa niya habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng kaniya luha.
Lumapit naman ako sa kaniya upang punasan ang luha sa kaniyang mukha, ngunit agaran niyang tinabig ang kamay ko.
"Khyra mahal kita! Mahal na mahal." Anas ko pa.
"Hindi na kita mahal Spencer!" Walang alinlangang sagot niya sa akin.
Bigla namang sumakit ang dibdib ko! Fuck it!
Tumayo naman agad siya, "I'll leave now, Wala rin naman akong magagawa upang bantaan ka! Dahil alam kong hinding hindi ka magpapatalo!" Saad niya, at akmang aalis na pero mabilis akong humarang sa pintuan. Tsaka ko ito ni lock.
"Hindi mo na ako mahal?" Pagkukumpirma ko sa kaniyang sinabi kanina.
Hindi naman siya sumagot at tulalang nakatingin lang sa akin.
"Khyra! Hindi mo na ba ako mahal?!" Pag-uulit na tanong ko sa kaniya.
"Hindi na——"
Bago pa niya matapos ang gusto niyang sabihin ay yumuko na ako upang halikan siya.
Banayad naman ang paghalik ko sa kaniya ngunit nakatayo lang siya at hindi lumalaban sa halik ko.
Kaya naman kinagat ko ang pangibaba niyang labi upang maipasok ko ang aking dila.
Patuloy ko pa rin siyang hinahalikan hanggang sa pumailalim ang halik ko sa kaniya.
Naramdaman ko naman agad ang pagtugon niya sa aming halikan.
I know that you still love me Khyra!
You still love me my wife!
I can feel it! The way you kiss me.
Nang mawalan na ako ng hininga ay pinutol ko na ang aming halikan.
Nagulat naman ako ng agad na dumapo ang kamay niya sa aking mukha.
"Fuck You Spencer! Fuck You!" Pagmumura niya sa akin.
Ngumisi naman ako, "Oh fuck me my wife! Fuck me!" Pang-aakit ko naman sa kaniya.
"Manyak! Umalis ka na diyan sa pintuan at aalis na ako! and better leave us alone!"
Lumapit naman ako sa kaniya at agad kong tinutok ang labi ko sa kaniyang tenga.
"Hindi kita ipapamigay sa iba Khyra dahil sa akin ka lang. Sa akin lang kayo ng anak ko."
"Lubayan mo na kami Spencer! Hindi mo ba narinig kanina na hindi na kita mahal?!" Inis na singhal naman niya sa akin.
Hindi nga ba?
"Nararamdaman kong mahal mo pa rin ako asawa ko."
"Mali ang nararamdaman mo! Tsaka h'wag na h'wag mo akong tatawaging asawa!"
"Bakit asawa ko? Asawa naman talaga kita——"
"Sa papel! Pwedeng mapunit iyon Spencer! Maghintay ka lang at pupunitin ko iyon sa iyong harapan!" Banta naman niya sa akin.
"At sa tingin mo papayag ako?" Tugon ko naman.
"Bahala ka sa buhay mo! Umalis ka na nga d'yan at lalabas na ako!"
"Lalabasan ka na? Halik lang ang binigay ko sa'yo Khyra! Ang bilis naman yata." Pang-aasar ko naman sa kaniya.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi at tenga.
"Manyak! Manyak! Alis ka na d'yan! Napakamanyak m——"
Bago pa siya matapos sa pagsasalita ay agaran ko na naman siyang hinalikan.
I fucking miss her kisses. So sweet.
"Your lips got me addicted to sweet." Sambit ko naman ng matapos ko siyang halikan.
"Ulol! Umalis ka na nga d'yan!" Nahihiya naman niyang utos sa akin.
Your lips is just for mine my wife! Sa akin lang ang bawat parte ng katawan mo. Kung may taong aagaw man sa'yo ipinapangako ko na mawawala sila sa mundong ito.
"Ano ba! Alis na!" Singhal pa niya.
Agad ko naman siyang pinagbuksan ng pintuan.
"Kung papasok ka pa rito, sinisigurado ko na hindi lang halik ang ibibigay ko sayo!" Banta ko pa sa kaniya na agad niyang ikinatigil.
"I love everything about you, except for your clothes!" Sambit ko pa.
Hinarap naman niya ako tsaka agad na nag middle finger sa harapan ko bago umalis.
Fuck! She's turning me on!