Chapter 6

-Spencer POV-

"Ang bilis mo namang nakarating. Binalaan na kita kanina na pagpumasok ka ulit dito sa office ko ay hindi lang halik ang ibibigay ko sa'yo." Ngising anas ko sa kaniya, nang bumungad siya sa aking harapan.

Napansin ko naman ang panlulumo sa kaniyang mukha na mas lalong ikinangisi ko.

"Putangina pangit mo ngumiti!" Sigaw naman niya sa akin.

Mas lalo naman lumawak ang pagngisi ko sa kaniya, "Talaga?"

"Tsk!" Inis na singhal niya sa akin.

"Bakit hindi ka nalang maging mabait sa akin Khyra? Ha? Baka maiba pa ang isip ko at hindi ko kunin ang lupa na 'yon."

Lumapit naman siya sa mismong tapat ko, "So ano gusto mo? Lumuhod ako rito at mag maka-awa sayo?"

"Pwede rin, kasi luluhod ka rin naman mamaya sa akin. Lalo na pag ipapakain ko sayo ang hot——"

"Napaka-bastos mo! You're torturing my virginal mind!"

Bigla naman akong napahalakhak sa sinabi niya.

Fuck! She's always made me laugh!

"Virginal mind? Baka green mind? Iba nga ang nasa isip mo sa sinabi ko eh!"

"Ulol! Green minded 'yon!" Pagtatama naman niya sa akin.

"Pake ko? Mas may pake pa ako sayo." Pambabanat ko naman sa kaniya.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang pamumula ng kaniyang mukha.

"Wala akong panahon sa mga banat mo! Narito ako upang sabihin sayo na hinding hindi ko ibibigay sayo ang anak ko!"

"Anak natin Khyra! Ilang ulit ko bang sasabihin na anak natin!"

"Oh edi anak natin!" Napilitan naman niyang saad sa akin.

"Kaya may karapatan ako sa kaniya Khyra!" Sumbat ko sa kaniya.

"Alam mo?! Humahaba bulbol ko sa'yo!" Sigaw naman niya sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.

Fuck! This is so awkward!

"Sino ngayon ang bastos sa atin Khyra?"

"Ewan ko sayo! Pwede bang tapusin nalang natin ang usapan? Pwede bang h'wag mo na akong guluhin pa?!"

"Pwede bang bumalik kana sa akin? Pwede bang bumalik na kayo sa akin?" Tanong ko rin pabalik sa kaniya.

"Bahala ka sa buhay mo! Aalis na ako!" Singhal pa niya.

Mabilis ko naman akong lumapit sa kaniya, tsaka hinawakan ko ang braso niya.

"Baka nakakalimutan mo yung sinabi ko sayo kanina." Pagbabanta ko naman sa kaniya.

"Fuck it! Bitawan mo ako Spencer!" Sambit naman niya habang pilit na tinatanggal ang pagka-hawak ko sa braso niya.

"Yeah! I'll fuck you!"

"Gago! Mapapamura talaga ako ng malutong sa'yo!"

"Natatakam tuloy akong kainin ang utong mo!"

Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na humahampas sa pagmumukha ko.

"Manyak ka! Bastos ka! Manyak!" Tuloy pa rin ang paghahampas niya sa akin.

"Manyak na agad? Bastos na agad? Hindi pa nga ako naghuhubad!" Sumbat ko naman sa kaniya.

"Argh! Bitawan mo na nga ako!"

"Hindi na kita bibitawan Khyra!" Singhal ko naman.

Agad ko namang pinalandas ang kamay ko sa kaniyang mukha papunta sa leeg niya.

Naramdaman ko naman ang dahan-dahan niyang pagtanggal sa kamay ko na nakahawak sa kaniyang braso.

Napansin ko naman agad ang mabilisan niyang pagharap sa akin, at napansin ko rin ang banayad na paghaplos niya sa mukha ko.

Fuck! She's teasing me!

"Fuck!" Pagmumura ko, dahil sa biglaan niyang pagsuntok sa mukha ko.

"Hindi pa siguro sapat sa'yo ang dalawang suntok na natamo mo kanina. Gusto mo pa sigurong makatikim ng maraming suntok!"

Hawak ko naman ngayon ang mukha ko na sinuntok niya.

Fuck! Babae ba talaga siya? Shit! Ang lakas ng pagkasuntok niya sa mukha ko.

"Dahil sinuntok mo ulit ako, hindi na ako mag dadalawang isip na kunin ang anak natin sayo." Sumbat ko naman sa kaniya.

Tignan lang natin kung kakayanin mo ako asawa ko!

Hinaplos ko naman agad ang mukha niya na agad din niyang tinabig.

"Let's see in court." Dagdag ko pa.

Agaran namang lumaki ang kaniyang mga mata, "Spencer naman! Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?! Sinaktan mo na nga ako noon tapos sasaktan mo na naman ulit ako ngayon!"

Magsasalita pa sana ako, ngunit tumunog naman ang cellphone niya na agad niyang sinagot.

"Yes baby?"

"Okay okay! I'll fetch you now. Wait for me there baby."

Nakita ko naman ang mabilis niyang pagpatay sa tawag.

"Where do you think your going?" Takang tanong ko naman.

"Susunduin ko lang si Phyra sa school niya." Sagot naman niya, tsaka niya tinaas ang isa niyang kilay. "Wait nga lang! Bakit ba sinasabi ko sa'yo kung saan ako pupunta ha? Sino ka ba? Ano ba kita?"

"Asawa mo ako!" Agarang sagot ko sa kaniya.

Peke naman siyang ngumiti, "Patawa ka!" Singhal naman niya.

"Maka-alis na nga lang." dagdag pa niya. Tsaka akmang aalis na sana, ngunit hinawakan ko ulit siya sa braso upang pigilan.

"I'll go with you."

"Huh? May trabaho ka rito Spencer."

"I'm the owner of this company Khyra. They can work even if I'm not here."

Napansin ko naman ang pagsusuri niya sa aking buong mukha.

"Uhmp, okay!" Tugon naman niya. Agad naman akong nagulat sa sinagot niya.

"Seryoso ka? Papayagan mo akong sumama sa'yo?" Takang tanong ko pa sa kaniya.

"Ayaw mo ba? Sige h'wag na!" Pambabawi naman niya sa akin.

Agad ko namang hinila ang kamay niya palabas ng company na pag-aari ko.

"Pinayagan lang kitang sumama sa akin para makita mo rin at makasama mo rin saglit ang anak natin. Kaya h'wag kang feeling close sa akin na parang pinatawad na kita!" Singhal naman niya sa akin, nang makalabas kami sa company na pag-aari ko.

"Tsk! Saan tayo sasakay? Do you have a car?" Pag-iiba ko sa kaniya ng usapan.

"Wala akong kotse! Nag jeep nga lang ako papunta rito! Tapos tatanungin mo ako kung saan tayo sasakay?!" Sarkastikong tugon niya sa akin.

"Pwede mo naman akong sakyan at pwede rin naman kitang saky——"

Natigil naman ako sa pagsasalita, nang takpan niya ang bibig ko gamit ang isang palad niya. Mabilis ko namang kinagat ang palad niya na tumakip sa bibig ko.

"Ouch! Bwiset ka talaga!" Singhal pa niya.

"Nang gigigil na ako sayo kanina pa asawa ko. Baka mamaya hindi lang 'yang palad mo ang kainin ko." Banta ko naman sa kaniya.

"Manyak ka talaga! Tara na nga sa kotse mo para masundo na natin ang anak natin. Panigurado, kanina pa naghihintay 'yon." Pag-iiba naman niya ng usapan. Kaya naman agad kaming pumunta sa kotse ko.

Pinagbuksan ko naman siya, "Pasok na." Utos ko na kaniya namang sinunod.

Mabilis naman akong pumunta sa driver sit. Tsaka pinaandar ang kotse.

"Ilang babae na ang sinakay mo rito?" Pambabasag naman niya sa katahimikan.

"Isa lang." simpleng sagot ko sa kaniya, habang patuloy pa rin ako sa pagmamaneho.

"Isa? So, ako ang nauna?" Takang tanong naman niya.

"Yeah! Una at huli."

"Sinungaling!" Sabat naman niya.

Hindi ko nalang siya pinansin, baka mag away na naman kami rito.

"Saan ba ang paaralan ni Phyra?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Sa Lorma. Malapit na nga tayo eh." Sagot naman niya.

Hindi naman na kami muling umimik pa. Hanggang makarating kami sa pinag-aaralan ng anak namin.

"Hindi mo ba ako sasamahang sunduin ang anak natin?" Tanong naman niya sa akin.

Napansin niya siguro na wala akong balak lumabas upang samahan siyang sunduin ang anak namin.

Fuck! Bakit ba nahihiya akong magpakita ulit sa aking anak?!

"Ikaw nalang." Tipid na tugon ko sa kaniya.

"Hahahaha! Spencer gusto mong kunin sa akin ang anak natin. Pero ngayon nahihiya ka na samahan ako upang kunin siya? Bakit? Nahihiya ka na ipakita ang mukha mo sa kaniya? Nahihiya ka na lumapit sa kaniya dahil ikaw ang ama niya?"

"Oo! Nahihiya ako at natatakot dahil baka galit siya sa akin. Lalo na noong sinabi niya sa akin na Monster ang ama niya!" Singhal ko naman sa kaniya. Hindi ko naman napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Mommy, I was waiting for you. Why are you standing in that car?" Agad naman lumingon si Khyra sa gilid niya.

Kahit narito pa ako sa loob ng kotse ay kita ko pa rin ang paglapit ni Phyra sa asawa ko.

Sumulyap naman agad sa akin si Khyra, "Baby, go inside the car and sit beside your DADDY."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Khyra. Lalo na ang pagdiin niya sa pangalan ko.

Fuck! Is she planning something?

"Okay Mom." Rinig ko namang sagot ng anak namin.

Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko. Lalo na at naka-upo na siya rito sa tabi ko.

"Spencer right? Uhmp, Tama ang hinala ko that you are my Dad. Tsk!" Pagtataray naman niya sa akin.

Bakit ba ang taray ng batang ito? Nagmana talaga sa nanay niya! Imposible namang magmana ng ugali 'to sa akin.

"Am I that pretty, that you are staring so tagal at my face?" Pagtataray ulit niya.

Imbes na mainis ako, mas lalo akong natutuwa sa kaniya. Masaya na ako dahil pinapansin pa rin niya ako.

"Baby where's your manners?!" Sabat naman ni Khyra sa likod namin.

"I'm so sorry Mom." Paghingi naman niya ng tawad kay Khyra.

Lumingon naman ako kay Khyra, "It's okay."

Agad naman siyang lumapit sa akin tsaka bumulong, "Nasaan na ang kasungitan mo? Nawala ba agad? Tignan natin kung makakayanan mo ang anak natin Spencer."

So she plan all of this?

"Baby, mag pakabait ka sa daddy mo. Inaantok ako, itutulog ko muna." Anas naman ni Khyra.

Pinandilatan ko naman agad siya sa mata, ngunit pinikit niya lang ang kaniyang mga mata at hindi man lang ako pinansin.

"My Mom is sleeping na. So, where are we going?"

Nabalik naman ang tingin ko sa aking anak.

"Where do you want to go?" Tanong ko naman pabalik sa kaniya.

"In the mall! I want to eat fries." Pagtataray na sagot niya.

Parehas talaga sila ng ugali ng asawa ko.

"Okay, right away." Sagot ko naman at agad na pinaandar ang kotse.

"I want to hate and curse you!" Pambabasag naman niya sa katahimikan.

"But I can't. 'Cause my Mom said I will respect you no matter what." Pagpapatuloy niya. Nanatili naman akong tahimik at nakinig lang sa mga sasabihin niya.

"My Mom suffered a lot because of you. But still she can't hate you. Is it because she's still inlove with you?!"

Agad naman akong sumulyap sa harap ng salamin upang tignan si Khyra. Ngunit nakapikit pa rin siya.

Hindi ko alam kung tulog na ba siya o nagpapanggap lang na tulog.

"Remember the day I told you that my Dad is a monster? I really mean it, Even though I really know that you are my Father." Nagulat naman ako sa sinabi niya, ngunit nanatili pa rin akong tahimik. Habang nagmamaneho papunta sa mall na gusto niyang puntahan.

"I know that you are so confused right now. You are confused because I know that you are my father right?" Tanong naman niya sa akin, kaya mabilis akong tumango.

"My Mom always talking about you every night. She never stop talking about you and she never stop crying because of you!"

"Then whenever I ask why you left her, she will gonna stop talking and start crying."

Agad ko namang tinigil ang sasakyan at pinark ko ito sa parking lot.

Nilingon ko naman siya, "I am so sorry for what happened to your Mom."

"Uh, I also heard that you will get the lot huh. Why?" Pagtataka naman niya.

"I want your Mom and You to live in my house. I want to be a husband to your Mom and I want to be a father to you." Walang alinlangang sagot ko sa kaniya.

"That's not easy for us Spencer! But I also don't want to have a broken family. I remember when I am in grade One, Two and Three. They always teasing me. They always saying that I don't have a father. That's hurt, really hurt. Knowing that my father left us." Pagku-kwento naman niya.

Napansin ko naman ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.

"Why? Why did you left my Mom?" Bigla naman akong nagulat sa tanong niya.

Sasabihin ko ba lahat sa kaniya?

Kung sasabihin ko ba, kaya niya akong patawarin?

Tatanggapin ba niya ako bilang ama niya?

Fuck it! This is the hard question she ever asked me.