Chapter 9

-Khyra POV-

Ngayong nagdaang araw, napansin ko na umiba ang ugali ng aking anak. Umiba yung ugali niya magmula no'ng sinundo ko siya sa school niya.

Hindi kaya dahil sa lalakeng naka-usap niya no'n?

Sino ba kasi yung lalakeng kausap niya noong araw na 'yon?

It's my first time to see her talking to strangers.

Tinanong ko pa siya kung sino yung kausap niya pero sinabi lang niya sa akin na importanteng tao 'yon sa buhay niya. Kinulit ko pa kung sino ang naka-usap niyang lalake noong araw na 'yon pero hindi niya sinabi.

Akala ko nga si Spencer 'yon. Dahil magkapareha sila ng katawan. Pero imposibleng si Spencer 'yon, dahil ayaw siyang maka-usap ng anak niya.

Sino ba kasi ang lalakeng 'yon?

"Mommy what are you thinking?" Napabalik naman ako sa aking hwisyo, nang magsalita ang anak ko.

"Nothing." Pagsisinungaling ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang mabilisang pagkunot ng kaniyang noo, "Mommy you said before that lying is bad. So, why are you lying to me? I can see to your face that you are lying." Singhal niya.

Napaka-talino talaga ng anak ko. Bata palang pero marami ng alam.

"Sorry my bad." Tugon ko naman sa anak ko. Para tuloy siyang ina sa aming dalawa.

"So what are you thinking Mom?" Pagtatanong ulit ng anak ko.

"Iniisip ko kung sino lalakeng naka-usap mo noong sinundo kita."

"Mom that boy is really important to me."

"Really important? Kaya hindi mo na masabi sa akin kung sino ang lalakeng 'yon?"

"I will tell naman Mommy eh. Pero not now pa."

Magsasalita pa sana ako kaso bigla ng pumasok si Zach dito sa flower shop na pag-aari ko.

Yeah, nandito kami ni Phyra sa flower shop ko dahil wala siyang pasok. Kaya naman narito siya upang tulungan ako sa pagbebenta ng mga bulaklak.

"Babe!" Singhal pa ni Zach, tsaka mabilisang lumapit sa akin.

Hahalikan sana niya ang pisngi ko kaso agad na pumagitna ang anak ko.

Lagi kong napapansin sa kaniya na ito eh. Sa tuwing lumalapit sa akin si Zach, lagi naman siyang pumapagitna.

Hindi naman siya ganito noon. Noon naman ay gustong gusto niya si Zach para sa akin. Pero ngayong kami na ni Zach ay parang nag-iba siya. Hindi na rin Dada ang tawag niya kay Zach, at 'yon ang lalo kong ipinagtataka.

"No kissing infront of a baby like me!" Sumbat sa amin ng anak ko.

Nakita ko naman ang tipid na ngiti ni Zach. Ngiti na parang napahiya.

"Zach why are you here?" Mataray na pagtatanong ng anak ko.

Ano ba ang nangyayari sa anak ko?

As long as I remember, mabait naman siya kay Zach. Tsaka si Spencer lang ang tinatarayan niya noon. Ano kayang nangyayari sa anak ko?

"I'm here to see your Mom. By the way, why aren't you calling me Dada?" Pagtatakang tanong ni Zach.

Ngayon lang ba niya napansin na hindi na siya tinatawag ni Phyra ng Dada?

Siguro ngayon lang siya nagkalakas ng loob upang tanungin ang anak ko.

"Is it required to call you Dada?" Pagtataray ulit ng anak ko.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa mukha ni Zach.

"Phyra!" Banta ko sa pagtawag sa kaniyang pangalan.

Lumingon naman sa akin si Phyra na parang inosente. Parang wala siyang sinabing kabastusan.

"Respect my boyfriend please." Paki-usap ko sa kaniya.

Bigla namang nag-iba ang kaniyang mukha. Para itong nandidiri sa sinabi ko.

Hindi ba siya natutuwa na kami na ni Zach? Parang noon lang ay gustong gusto niya na maging kami na ni Zach.

"Ayos lang sa akin 'yon Babe. Kilalang kilala ko naman na si Phyra eh." Sabat naman ni Zach. Tsaka nag tangkang lapitan ako ngunit hinarangan agad siya ni Phyra.

Napakamot nalang tuloy si Zach sa kaniyang ulo, "Uh, can we go in a date?" Tanong sa akin ni Zach.

Sasagutin ko sana siya ngunit sumabat naman ang anak ko.

"No date for today. My Mom and I have a bonding to sell a flowers."

"Baby, it's okay. We can sell a flowers tomorrow." Tugon ko naman sa anak ko. Naka-hihiya naman kung tanggihan ko si Zach. Ngayon pa at kami na.

"Mom! You promise that we will sell today! No more dates for today please!" Sumbat naman sa akin ni Phyra. Gusto ko sanang mag-Oo kay Zach. Kaso bigla akong na guilty sa sinabi ng anak ko.

"Sorry Zach." Anas ko nalang kay Zach.

"No need to say Sorry Khyra. I can stay here and help to sell a flowers." Saad naman ni Zach, tsaka ngumiti sa akin.

"It's me and my Mom bonding. Mother and daughter bonding, you're not belong!" Mataray pang saad ni Phyra kay Zach.

Gulat na gulat tuloy si Zach sa inaasta ni Phyra.

Peke namang ngumiti si Zach, "Sige alis nalang ako. Baka makasira pa ako sa bonding niyong mag-ina. Mauna na ako Babe." Pagpapaalam pa niya sa akin. Tsaka gagawaran sana niya ako ng halik ulit ngunit tinulak ako ng kaunti ni Phyra upang hindi ako magawaran ng halik ni Zach.

"I said no kissing infront of me!" Sumbat pa ni Phyra.

Bigla tuloy nahiya si Zach sa akin.

"Sige alis na ako Babe. Alis na ako Phyra." Pagpapaalam ni Zach tsaka nagmadali ng lumabas.

Gusto ko pa sana siyang pigilan kaso baka ano na naman ang masabi ng anak ko sa kaniya.

"Phyra!" Tawag ko sa pangalan niya na may pagbabanta.

Inosente naman siyang lumingon sa akin, "Why Mom?"

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago magsalita. Baka mamaya ay ano pa ang masabi ko sa anak ko na ikagalit niya sa akin.

"Why are you acting like that? You're acting weird." Pagalit na tanong ko sa mababang boses. Ngunit hindi siya umimik at nanatiling nakatitig lang sa akin.

"Akala ko ba gusto mo ang tito Zach mo para sa akin? Ano 'tong ginagawa mo ngayon? Akala mo ba hindi ko napapansin ang pag-iiba ng ugali mo?" Tuloy-tuloy na tanong ko sa kaniya.

"You don't know everything Mom! He deserve what I did to him!" Sigaw naman niyang tugon sa akin.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad kong pinadapo ang kanang kamay ko sa pisngi niya.

"Hindi kita pinalaking bastos Phyra!" Sigaw ko sa kaniya.

Bigla naman siyang umiling sa akin, tsaka niya hinawakan ang pisngi niya na sinampal ko. Napansin ko rin ang nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata. Bigla tuloy akong na guilty sa ginawa ko.

"Baby I-I'm sorr——" hindi ko na natatapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong tinalikuran at tumakbo palabas sa flower shop na pag-aari ko.

-Spencer POV-

"Stop crying baby." Pagtahan ko sa aking anak. Ngunit patuloy pa rin siyang umiiyak sa harapan ko.

Buti nalang at nasagot ko kanina ang tawag niya. Nagulat nga ako dahil tumawag siya sa akin habang umiiyak.

I fucking nervous when I heard her crying. Kaya naman tinanong ko kung nasaan siya at nagmadaling sunduin.

Kanina pa siya umiiyak dahil sa pagsampal daw ni Khyra sa kaniya.

Yeah! My daughter told me everything about what happened.

"Dad, am I that bad?" Bigla naman akong napatingin sa kaniya.

"No you're not!" Tugon ko naman sa kaniya. Ngunit hindi pa rin nabawasan ang kalungkutan ng mukha niya.

"Dad can I sleep here in your house today? I don't want to go home."

Napangiti naman ako sa kaniya, "Ofcourse you're always welcome here. Bahay natin ito."

Nakita ko naman ang tuwa sa kaniyang mga mata. "Thankyou."

Pinisil ko naman ang pisngi niya dahil sarap panggigilan ng kaniyang pisngi. Lalo na at mala shopao ito.

"Dad my plan was successful but my Mom hates me." Bigla namang saad ni Phyra, tsaka lumungkot na naman ulit ang kaniyang mukha.

"No! Your Mom loves you. She can't hate you."

"But——"

"No more buts baby. Believe me your Mom loves you so much. By the way, let's change the topic." Singhal ko naman at umayos ng upo. "Ano na ang balita kay Zach at sa Mama mo?" Tanong ko, para maiba ang usapan.

"Uhmp, nothing." Tipid naman na sagot ng aking anak.

"But." Pagpapatuloy naman ng anak ko.

"What?" Takang tanong ko sa kaniya.

"They always accidentally kiss but I didn't let them do that." Ngising anas naman ng anak ko.

Para tuloy baliw ngayon ang anak ko na paiyak-iyak tapos patawa-tawa tsaka pangiti-ngiti.

Sa akin ba siya nagmana? O baka sa mama niya?

"Fuck! They accidentally kiss! Fuck that fucking Zach! Your Mom is only for me."

Nanunot naman agad ang mukha ni Phyra, "Dad, I said saying bad words is Bad." Sermon naman sa akin ng anak ko.

"I'm so sorry baby." Tugon ko naman sa kaniya.

Maganda talaga ang pagpapalaki ni Khyra sa anak namin. Sana meron ako noong inaalagaan niya si Phyra. Sana meron ako noon sa tabi niya.

"But you're right Dad. That fucking Zach is so fuck!"

Bigla naman akong nagulat sa pagmumura ng anak ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil minura niya si Zach o maiinis sa sarili ko dahil natutunan niya ang pagmumura dahil sa akin.

Paano nalang kung marinig ni Khyra na nagmumura ang anak namin? Ano nalang ang kaniyang sasabihin sa akin? Baka sabihin pa niya na bad influence ako sa anak namin.

"Baby you said that sayi——" hindi naman natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsabat ng aking anak.

"Saying bad words is bad. But saying bad words to bad person is good hehehe." Pagpapatuloy naman ng anak ko.

Matutuwa ba ako sa sinabi niya? Ang tanga ko! Bakit ako nagmumura sa harapan ng anak ko? Fuck it!

"Pero baby, masama pa rin ang pagsasalita ng masama. Kaya h'wag mo ng gayahin ang pagmumura ko ha?" Saad ko naman sa kaniya.

"I will not say that fucking-fucking word na?" Inosente naman niyang tanong sa akin.

"Yeah." Tugon ko naman.

"Okay! But I will say it for the last time. I really hate that fucking traitor Zach! That fucking traitor!" Galit na sambit ng anak ko.

Ngayon alam ko na kung saan siya nag mana.

Anak ko nga talaga ang batang ito.

"From now on, I will not say bad words na." Saad naman ulit ng anak ko.

Pinisil ko naman ulit yung pisngi niya, ngunit nagulat ako ng magmura siya ulit.

"Fuck! Dad it's hurt." Singhal niya.

Kumunot naman ang noo ko sa harapan niya. Kaya agad naman siyang nag peace sign sa akin.

Gusto ko sana siyang pagalitan ngunit hindi ko kaya dahil sa maamo niyang mukha.

"Hindi ka ba hahanapin ng Mama mo pag natulog ka dito?" Tanong ko naman para maiba ang aming usapan.

"I don't know." Tugon naman sa akin ng aking anak.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang nag ring ang cellphone niya. Kaya naman parehas kaming napatingin kung sino ang tumatawag sa kaniya.

"Mom is calling." Singhal niya sa akin. Tsaka pinakita sa akin ang kaniyang cellphone.

"Do I need to answer her Dad?" Tanong naman niya sa akin, kaya agad akong tumango.

"But, what if she is still mad at me?" Malungkot na tanong sa akin ng anak ko.

Gusto ko sanang sagutin ang tanong niya ngunit may biglang pumasok sa isipan ko.

Bigla akong nakaisip ng magandang plano upang maka-usap ko na si Khyra. Upang makapagpaliwanag na ako sa kaniya.

"Baby, don't answer her call." Anas ko naman agad sa akin anak. Nakita ko naman sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"Why Dad? You said I will answer it?" Takang tanong niya sa akin.

Tinitigan ko naman siya, tsaka ako ngumiti. Sinagot ko siya gamit ang aking mga mata. Kaya naman naglalabanan kami ng tingin ngayon at para kaming nag-uusap gamit ang aming mga mata.

Napansin ko naman ang kaniyang pagngiti hudyat na alam niya ang nasa isipan ko ngayon. Kaya naman napangisi kaming dalawa.

"Give me your Mom's number now." Utos ko naman sa anak ko, na agad niyang sinunod.

Hapang tinitipa ko ang cellphone number ng asawa ko ay napapangiti ako.

Hindi lang ako ang nakangisi ngayon, kundi pati narin ang anak ko.

Parehas talaga kami ng iniisip ngayon ng anak ko. Para't saan pa na naging anak ko siya hindi ba?

Can't wait to do this plan.

This is our last plan, I hope it will be successful.