Chapter 10

-Spencer POV-

"Hello? Who's this?" Bungad naman na tanong ng asawa ko, nang sagutin niya ang tawag ko.

Napatingin naman ako sa anak ko na nakangisi na ngayon sa harapan ko.

Naramdaman ko naman agad ang paglapit niya sa akin.

"Change your voice Dad." Bulong pa niya sa akin.

Agad ko naman linagay ang isang kamay ko sa aking adams apple. Tsaka ko inipit ito at nagsalita.

"Your daughter is here right now." Singhal ko.

Napansin ko naman ang pagpipigil ng anak ko sa pagtawa. Tinatakpan tuloy niya ang bibig niya gamit ang kaniyang dalawang kamay.

"Who are you?!" Rinig ko naman ang galit at pagtataka sa boses ng asawa ko.

Napakaganda paring pakinggan ang boses niya kasi galit siya.

I will enjoy listening to her voice everyday.

"If you want to see your daughter. Come here, I'll text you the address. And don't ever try to say this to anyone! Do you understand?" Singhal ko pa. Kahit na masakit pa ang lalamunan ko.

"H'wag mo akong englishin gago! May englishero bang nangingidnap ha?!" Singhal naman niya sa akin.

Pintayan ko nalang agad siya ng tawag. Dahil hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko.

Pagkababa ko palang ng cellphone ko ay nagtawanan na agad kami ng anak ko.

"Hahaha! Dad your voice is so old, I can't stop laughing hahahhaha!" Pang-aasar naman sa akin ng anak ko.

Gusto ko sanang mainis kaso nanaig sa akin ang pagtawa. Kaya naman pareho kaming tawa ng tawa. Hahaha! Mamatay na kami katatawa rito.

Bigla naman kaming natigil sa pagtawa ng biglang nag text sa akin ang asawa ko.

From: My Wife

-Hoy saan na yung address? I'm waiting!-

Agad naman akong nagtipa ng mabasa ko ang mensahe niya. Naramdaman ko rin ang pagtingin ng anak ko sa mensahe ng aking asawa.

To: My Wife

-Ikaw lang dapat ang pupunta. Ikaw lang, wala ng iba.-

From: My Wife

-Do you need money?-

To: My Wife

-I need you.-

Pagkatapos no'n ay tinext ko na sa kaniya ang address ng bahay ko. Kung saan kami ngayon.

Nagulat naman ako ng tumawag siya sa akin.

"Dad answer my Mom's call." Utos naman sa akin ng anak ko, na agad ko ring sinunod.

"Gago ka! Spencer! Bakit kasama mo ang anak ko ngayon?!" Rinig ko naman ang galit sa boses niya.

Bakit naman kaya niya ako nakilala?

Nagtataka tuloy ako kung bakit niya ako nakilala. Fuck! Hindi lang ako ang nagtataka kundi pati na rin ang anak ko.

"Ano hindi ka maka pagsalita ngayon? Ha?! Nagtataka ka ba kung bakit ko nalaman na ikaw si Spencer?! Sino ba naman kasing tanga ang magbibigay ng address ng bahay natin noon ha?!" Tuloy-tuloy niyang sambit.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil alam pa rin niya hanggang ngayon ang address ng bahay namin. O malulungkot dahil alam na niya na kasama ko ngayon ang anak namin.

"Hindi ka magsasalita?! Pwes bahala ka! I'm on my way! Humanda ka talaga sa akin!"

Linapit ko naman sa bibig ko ang aking cellphone. Tsaka mahinang nagsalita.

"Lagi akong nakahanda asawa ko, hindi lang ako ang handa kundi pati na rin ang kama nating dalawa." Pang-aasar ko naman sa kaniya.

"Fuckyou!" Sigaw pa niya na narinig din ka agad ng anak namin.

Paanong hindi niya maririnig kung naka loudspeaker ang cellphone ko? Buti nalang at mahina lang ang sinabi ko, kung hindi baka ano pang isipin ng anak ko sa akin.

Baka sabihin pa niyang manyak ako. Pasalamat nga siya dahil sa kamanyakan ko ay nabuo siya! Yeah! I'm proud with that.

Napabalik naman ako sa hwisyo ng inagaw sa akin ng anak ko ang aking cellphone.

"Mom! I can't believe that you uttered a bad words!" Sambit naman ng anak ko.

Napangisi naman ako dahil sa kabaitan ng anak ko. Hayst! Buti nalang hindi niya namana sa akin ang pagmumura ko.

"Baby? Did Spencer kidnapped you?" Mag-iiba naman ni Khyra sa usapan. Nanatili lang akong nakikinig dito.

"No! I insist to go here. So please Mom, fetch me here." Mahinang saad naman ng anak ko. Tsaka lumingon sa akin at kumindat.

"Okay baby! I'm on my way now! Bye." Tugon din ng asawa ko at pintayan na ng tawag ang aking anak.

Bigla naman kaming nagkatinginan.

"Dad, will wait for Mom here." Anas naman ng anak ko, kaya napatango lang ako.

"You want me to tell everything to my Mom? Or you will be the one to tell everything to her?" Deretsahang tanong sa akin ng anak ko.

"I will daughter." Sagot ko naman sa katanungan niya.

Kaya naman tahimik kaming naghihintay ngayon dito kay Khyra.

I can't wait to tell everything to her.

Mga ilang minuto pa ang lumipas bago namin narinig ang pagbukas ng pintuan.

Kaya naman tumakbo na agad ang anak ko upang pagbuksan ang aking asawa.

Simple lang ang bahay naming ito. Hindi ako bumili ng bahay na malaki o di kaya mansion. Dahil yun ang pinakaayaw ng asawa ko. 'Cause she wants to live a simple life. Kahit mayaman sila noon at mayaman kami ay hindi niya hinayaang manira kami sa magarbong bahay.

"Wala pa rin palang pinagbago ang bahay na ito! Kung ano ang itsura noong umalis ako, ganoon pa rin pala ang itsurang madadatnan ko." Singhal naman agad ng asawa ko.

"Let's go baby! Let's go home!" Utos naman agad niya s anak namin.

Lumingon naman agad ako sa anak ko na umiiling ngayon.

"Mom! We will go home later. My Dad wants to talk to you. He wants to tell something." Tugon naman ng anak ko.

Kaya naman lumingon ulit ako sa asawa ko. Kita ko naman ang expression sa kaniyang mukha, kung paano ito magtaka.

Nagtataka ba siya dahil tinawag akong Dad ni Phyra?

O nagtataka siya dahil nasabi iyon ni Phyra?

"Kailan pa kayo nag kasundong dalawa?" Tanong naman ng asawa ko tsaka siya lumingon sa akin, "Ikaw ba nag lalakeng nakausap ng anak ko noong susunduin ko siya?" Tanong naman niya sa akin.

Napatango naman ako sa kaniya bilang pagsagot ng Oo.

Bigla naman siyang napasabunot sa kaniyang buhok. Na akala mo'y naguguluhan pa.

"Baby bakit hindi mo sinabi sa akin! Why?" Tanong naman niya sa anak namin. Ngunit hindi nagsalita si Phyra.

"Let's go home!" Masinsiridad namang utos ulit ng asawa ko sa aking anak.

"Mom we will go home but first let Dad talk to you."

Napa-angat naman agad ang isang kilay ng asawa ko tsaka siya bumaling sa akin, "Talk!" Utos niya.

"I love you." Sambit ko.

Umiling-iling naman siya sa aking harapan, " 'Yan lang ba ang sasabihin mo? Kung ganoon pwede na kaming umalis! Wala akong panahon sa I love you mo dahil may Boyfriend na ako."

"For fucking sake Khyra!" Pagmumura ko naman, ngunit bigla akong natigil dahil kumunot ang noo ng aking anak.

Yeah right! She don't want me to say a bad words.

Huminahon naman ang boses ko, "Khyra naman kasal pa tayo."

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na sa papel lang 'yon! Papel na kayang kaya kong punitin sa harapan mo!" Sigaw naman niya sa akin.

Gusto ko pa sanang magsalita, ngunit natigilan ako dahil sa pag-iyak ng aking anak.

"Mom! Dad! I hate watching that you are fighting infront of me!" Hikbi naman niyang sigaw sa amin.

Agaran naman akong tumakbo upang yakapin ang anak ko, gano'n din ang ginawa ng asawa ko. Kaya naman pareho kaming nakayakap ni Khyra sa aming anak.

Naramdaman ko tuloy ang kaniyang kamay sa aking braso.

Fuck! She's turning me on! It's just a touch but fuck!

"Dad tell to Mom everything." Singhal naman ng anak ko habang umiiyak pa rin. Nanatili naman ang pwesto naming tatlo.

"Khyra, kung akala mo ay hindi kita hinanap noon. Nagkakamali ka. Pinahanap kita Khyra. Pinahanap kita noon at sinabi ko rin sa aking sarili na mamahalin kita kahit hindi mo ako mabigyan ng anak. 'Causes I still love you my wife." Panimulang pagku-kwento ko naman sa kaniya.

Naramdaman ko naman ang pagkalas niya sa pagkayakap sa aking anak at ang pagtitig niya sa akin. Kaya tinanggal ko rin ang kamay ko na nakayakap sa aking anak at nilabanan ang pagkatitig sa akin ng asawa ko.

"Hinanap? Wow Spencer! Ten years ang nakalipas pero hindi mo ako nahanap?! Pinahanap mo ba talaga ako?! Nasa malapit mo lang ako Spencer but why can't find me?!" Sumbat naman sa akin ng asawa ko.

"Pinahanap kita Khyra! Trust me! Pinahanap kita kay Zach kaso sinabi niya lang sa akin na hindi ka daw niya mahanap. Naniwala ako sa kaniya Khyra, dahil kaibigan ko siya." Singhal ko naman. Napansin ko naman sa mukha ni Khyra ang pagkagulat at ang pagkalaglag ng kaniyang panga.

"Naniwala ako sa lahat ng sinabi niya sa akin Khyra pero trinaydor lang niya ako. Habang pinapahanap kita sa kaniya ay kasama kana pala niya. Hindi ko alam 'yon Khyra. Ilang taon kitang pinahanap, ilang taon akong nagtiis sa'yo. Ilang taon kong sinisi ang sarili ko dahil nasaktan kita. Ni hindi ko man lang alam na may anak tayo, Ni hindi man lang kita natulungan. Wala man lang ako sa tabi mo upang alagaan ang anak natin." Pagku-kwento ko pa. Ngunit nanatiling tahimik lang ang aking asawa, habang ang aking anak ay titig na titig lang sa akin.

"Khyra, hindi mo alam kung gaano ang pagpipigil ko upang hindi patayin si Zach! Noong araw na sinuntok ko siya, gusto ko na siyang patayin. Buti nalang at napigilan niyo ako. I wanna kill him! I wanna burry him! Pero inalala ko kayo."

"Bakit hindi mo sinabi ang lahat ng 'yan noon Spencer?"

"Ilang beses kong tinangkang sabihin sa'yo Khyra! Pero lagi mo akong napipigilan, kaya naman nanatili nalang akong tahimik. Dahil inisip ko na may araw din upang sabihin ko ang lahat ng ito sa'yo. And this is the day to tell where to you."

"Really? Paano naman yung sinabi sa akin ni Zach noon na wala ka ng pake sa akin! Na marami kang babae at hindi mo na ako gusto?! Paano naman yung mga picture na pinakita sa akin ni Zach noon? Picture na may kasama kang iba-ibang babae! Tell me! Explain it to me!"

"Zach always invite me to go in the bar. I can't say no 'cause he is my friend, so I ended up going to bar with him. I didn't even notice that he's putting a pills on my drink. Pills that I can't control myself. And I didn't notice that he's taking a picture with me having a girl in my side." Tugon ko naman sa kaniya.

Napansin ko naman ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Napansin ko rin ang pagtulo ng luha sa mata ng aking anak.

Like mother, like daughter!

"So all this time plano lahat iyon ni Zach? All this time he lied to me? All this time hinanap mo ako? All this time hindi nawala ang pagmamahal mo sa akin?" Sunod-sunod na tanong ng aking asawa.

Napatango naman ako, "I always love you Wife. I didn't stop loving you." Tugon ko naman sa kaniya.

Agad naman siyang lumapit sa akin tsaka niya ako niyakap. Kaya naman niyakap ko siya pabalik.

Hugging her made me happy. I Really miss hugging my Wife so much.

Nilingon ko naman ang anak ko ngayon na agad tumalikod sa amin.

"You can kiss each other. Don't worry I'm not watching you two." Sambit ng anak namin. Kaya naman napangiti kaming pareho ni Khyra.

"Pwede daw tayong mag halikan sabi ng anak natin." Singhal ko pa at ngumuso sa harapan ng asawa ko. Habang yakap pa namin ang isa't isa.

Bigla naman niya akong tinulak na aking ikinagulat.

"Baby stay here. I'll go to your Dada!" Utos naman ng asawa ko sa aming anak.

What happened to her? Bigla-bigla nalang niyang sinisingit si Zach! Fuck! Bakit ba ganito ang mga babae, napakagulo!

"Stay here!" Seryosong utos ko naman sa kaniya.

Fuck! I'm so fucking jealous right now!

"Tsk! Kahit kailan napaka-seloso mo! Pupuntahan ko lang si Zach ngayon upang kausapin siya, babalik din naman ako rito."

"Sasamahan kita!"

"No! Stay here! Bantayan mo ang anak natin. Babalik ako rito mamaya." Pagpipilit pa niya.

Wala na akong magagawa pag seryoso na masyado ang asawa ko.

Naglakad nalang ako papunta sa kaniya at hinagkan siya.

"Pagbalik mo gawa ulit tayo ng kapatid ni Phyra." Bulong ko naman sa asawa ko. Ngunit bigla niyang kinurot ang abs ko.

"Tsk! Alis na ako! Bye baby!" Pagpapaalam naman niya sa anak namin tsaka lumingon sa akin, "Bye husband." Dagdag pa niya. Tsaka umalis sa harapan namin.

Fuck! I heard it right!

Fuck! I feel so gay right now!