Chapter 26

Alam ni Niam na nakuha na ng katipan ang nais niya. Lalo pang pumipintig ang kanyang pagkababae nang dahil sa pagnanasa. Nais na niyang madama ang malaki nitong kahabaan sa loob niya. Ngayon niya napagtantong tama si Lala. Hahanap-hanapin niya ito. Maadik din siya.

Sa isip niya ay minura niya ang baklang kaibigan. Parang ayaw niyang aminin na tama ito ngayong nakatikim na siya ng langit sa mga bisig ng kanyang katipan.

Hinawakan siya ni Byron sa balakang at iginiya niya ang pagkalalaki nito sa kanyang bukana. Itinutok ang dulo nito sa kanyang pasukan. Magkahinang ang kanilang mga matang nanlalabo sa pagnanasa habang ipinapasok niya ito sa kanyang katawan.

Umawang pang lalo ang kanyang mga labi at kapwa sila napatigil sa paghinga hanggang sa makapasok na ito nang tuluyan at sabay silang napahaluhoy.

“Ohh… You feel so good around me, baby!” ang anang binata. “I love your tightness.”

Napakagat siya ng labi. Batid niyang wala silang contraceptive measure kapag nagniniig pero kapwa sila walang pakialam. Tila tahimik lang na napagkasunduan nilang huwag gumamit niyon. Siguro nga ay dahil mahal nila ang isa’t isa kaya paninindigan nila ang kung anumang mangyayari pagkatapos, kahit na magbunga man ang pagmamahalan nilang ito.

Napakapa si Niam sa sarili at naisip niyang kung mabubuntis man siya ay handa na siyang magiging ina. Wala rin naman siyang agam-agam sa kasintahan na dama niya ang pagmamahal nito sa kanya kaya para sa ano pa ba ang contraceptive measures kung nais naman nilang dalawa ito? Bendisyon nga lang ang kulang sa kanila.

Muli siyang napahalinghing nang ipinasok nitong muli sa kanya ang matigas na kahandaan. Kumapit siya nang husto sa magkabila nitong balikat at itinaas-baba ang sariling katawan upang salubungin ang bawat galaw ng kasintahan.

Parang gustong tumirik ng kanyang mga mata dahil sa sarap na nadarama kaya ay ipinikit niya ito at napaliyad pa siya.

“Ohh… baby… You look so hot right now,” ang anas ng kasintahan. Pinalandas nito ang isang palad sa pagitan ng kanyang dalawang dibdib at pababa. Muli nitong ikinulong ang isang tumigas na tuktok sa bibig nito at sinupsop iyon, dahilan ng pag-ungol niya, lalo na nang tinunton ng hinlalaki nito ang namimintog niyang butil. Pinaigting niyon ang kanyang nadaramang sarap.

Tila siya dinala nito sa mas mataas pang lugar habang dama ang lalong pamamasa niya. Pakiramdam niya ay sasabog na siya. Ngunit bigla na lang na hinugot nito ang pagkalalaki upang patalikurin siya nang nakaluhod sa couch. Ang isa niyang tuhod ay iginiya nito upang ipatong sa isang armrest.

Mula sa likuran niya ay ipinasok nito ang kahabaan sa kanya at umawang ang kanyang mga labi habang napasinghap siya dahil mas sumagad ito sa kanya ngayon. Halos mapadapa siya sa likod ng couch at saka nagpatuloy sa pag-ulos ang kanyang nobyo.

Hindi siya magkamayaw sa pagdaing at parang mababaliw sa sarap na dulot nito.

“Ohh… baby!” maya’t maya ay sambit niya saka napapadaing sa kasiyahan.

Rinig niya rin ang ungol ng nobyo, pati na ang mabibigat nitong hinihinga habang patuloy sa pagbayo sa kanya. Hinalikan nito ang kanyang balikat at likod. Dinilaan din nito ang kanyang gulugod at sumagad nang sumagad sa kanya nang paulit-ulit.

Sobrang sarap sa pandama niya ito.

Minasahe nito ang dalawa niyang dibdib habang naglabas-masok. Pabilis ito nang pabilis kaya paulit-ulit na kinuskos nito ang sensitibong parte ng kanyang pagkababae na nagdudulot sa kanya ng labis na kaligayahan. Dahil dito ay hindi niya mapigilan ang sariling mapaungol nang mas malakas hanggang sa tuluyan na niyang marating ang pinakatugatog ng kasiyahan. Agad na sumunod sa kanya ang nobyo na napaungol din, sagad na sagad sa kanya at mahigpit ang pagkakayakap sa kanya.

Nanginig ang kanyang katawan sa sarap na nadama at kapwa sila hinihingal sa mainit na pagmamahalang pinagsaluhan nilang dalawa.

“I adore you so much, baby,” bulong ni Byron sa kanya at hinalikan siya sa balikat.

Napangiti siya at hinalikan ito sa pisngi.

***

Nang umuwi si Byron sa condo unit niya ay naratnan niya ang mag-isang umiinom na pinsan sa may sala. Napuna niyang marami na ring bote ng beer ang walang laman. Hindi pa nakabukas ang ilaw. Hindi niya malalaman kung nasa loob ito kung hindi pa niya ito nakita nang binuksan niya ang ilaw.

“May party kang ginawa?” bungad niya sa pinsan.

Napabaling ito ng tingin sa kanya. Mukhang lasing na at namumungay ang mga mata.

“I don’t get it, Byron. Bakit hindi niya ako gusto?”

Lumapit siya rito nang nalilito. Hindi niya maintindihan ang pinsan. Ilang araw na rin itong umuuwi nang lasing o kaya naman ay inuumaga ito mula sa kung saan. Kapag tinatanong niya ay didiretso lang ito sa kuwarto nang walang sagot.

“Ano bang sinasabi mo, Charlie? Bakit ka ba naglalasing?” Umupo siya sa tapat na couch.

“It’s my first time to feel this way, mate.”

Napatawa siya nang marahan at napailing. Mukhang naintindihan na nga niya. Bakit ba kasi hindi niya agad nakuha?

“Babae? Wow! Talaga bang babae ang problema mo ngayon, Charlie? Hindi ako makapaniwala!”

Nagsalubong ang mga kilay nitong tumingin sa kanya kahit parang hindi ito makapokus sa kanya. Bitbit ang beer ay tinuturo pa siya nito.

“Don’t you dare laugh at me! I’m serious, mate!” Slurry ang boses nitong nagsasalita.

Napabuntong-hininga naman siya. “So, this is why you’re drinking alcohol, huh? Dahil sa isang babae.”

“Hindi nga siya basta-basta isang babae lang. Maganda. May spirit! Feisty! Gusto ko talaga siya, Byron! She’s different from all the women I’ve met before.”

“Pero hindi ka niya gusto,” punto niya. Dinilaan niya ang mga labi at napaisip nang ilang saglit.

“May boyfriend na raw siya,” sabi ng pinsan.

“Ah, kaya naman pala. So, you have to move on, Charlie!” lohikong aniya.

“Easier said than done,” at saka tinungga na nito ang natitirang laman ng bote ng beer.

“You can’t just snatch someone else’s girlfriend. Right?”

Hindi ito nakakibo.

“Look. All this time, I thought you were always confident, Charlie. May good genes ka. Mas magandang lalaki ka pa kaysa sa ‘kin, sabi ni Ate Nida. All this time, naisip ko minsang hindi kita matatalo sa department na ‘yon,” pep talk niya sa pinsan. “Naalala mo ba ang mga babae noon kapag magkasama tayong dalawa? Palagi silang lumalapit sa ‘yo. Hindi sa ‘kin, Charlie. Naisip ko noon na kahit sino ay puwedeng maging sa ‘yo. Madali para sa ‘yo ang makakuha ng kahit na sinong gustuhin mo.”

“But not this one.” Mapait ang tono nito.

“Well, that’s kind of ironic. Pero ang punto ko, hindi lang siya ang puwede mong magugustuhan. May marami pang babae riyan. Maraming babae sa Pilipinas, Charlie. Malay mo, makikilala mo rin siya balang araw. Siguro ay ‘yang nagugustuhan mo ngayon ay tulay lang para makatagpo mo ang nakalaan para sa ‘yo at hindi itong babaeng ‘to na sabi mo nga ay may boyfriend na.”

Hindi naman ito nakapagsalita. Tumayo siya at tinapik ito sa pisngi.

“You’ll get over this, man. I promise.”

“I hope it’s going to be easy, because right now, I feel like dying!” Inabot nito ang isang bote at binuksan.

“Well, maybe in a few days… or weeks, it won’t be easy for you. But you’ll not die! I’m certain of that. Don’t worry, eventually, you’ll be fine. I’m sure of it. Sino ka ba? You’re the great Charlie Alonzo!” boost pa niya sa morale ng pinsan. Nasaktan lang yata ang ego nito dahil may babae nang umayaw rito.

Tumunog ang cell phone niya. Ang ama na naman niya ang tumatawag. Sinagot na lang niya ito upang marinig kung ano ang kailangan nito. Napatiim-bagang siya.

“We have to talk, Byron,” sabi nito.

“If it’s about the engagement party again, just save your breath, Dad. I don’t wanna hear any of it. Again!” Tinapos na niya kaagad ang tawag na iyon at ini-off ang cell phone.