Chapter 25

Kinumusta ulit ni Byron ang pamangkin ni Niam. Okay naman daw ito at tumutubo na raw ang kapalit na ngipin nito. Kasalukuyang nasa loob sila ngayon ng bahay nito. Sinusubuan siya ng chocolate na gawa nito habang magkatabi silang nakaupo sa sofa at naka-on ang isang palabas sa Cable TV.

Biglang bumukas ang pintong hindi man lang kinatok. Kasabay naman noon ay aktong sinusubuan siya ulit ng dalaga ng chocoloate at nakita sila sa ganoong ayos ni Ace.

“Niam? Sino ‘tong kasama mo?” Masama ang tingin nito sa kanya.

Tumayo nang mabilis si Niam para harapin ang kakambal nito. “Ace! Hindi ko alam na pupunta ka rito,” tugon nito sa kapatid.

Napasulyap ito sa kakambal pero titig na titig sa kanya si Ace at sa custom-made chocolates na nasa center table. Pagkatapos ay napabaling itong muli sa dalaga.

“Nagkita na kami noon?” hinging kumpirmasyon nito.

Tumango ang babae. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya.

“I’m Byron. Nagkasabay tayo noon sa elevator sa condo building ko,” paalala niya sa kapatid nitong tiningnan siyang maigi at tiningnan lang ang nakalahad niyang kamay para sana makipagkamay rito.

“Bakit ka nandito?” tanong nito.

Ibinaba na lang ni Byron ang kamay. Sa tingin ng binata ay gusto lang nitong ikumpirma ang presensiya niya sa bahay ng kapatid kahit na may ideya na ito.

“Ace, he’s my boyfriend. At puwede ba? Hindi na ako bata o teenager para maging istrikto ka sa kung sino ang pinapapasok ko sa sarili kong bahay,” suwabeng saad naman ng dalaga.

Nagkasalubong ang mga kilay ng kakambal nito. “It doesn’t mean that you’re safe at all times, kahit nobyo mo pa.”

Napatawa nang mapakla ang nobya. Napahugot naman siya ng hininga.

“Wala akong masamang intensyon sa kapatid mo, Ace. I am, in fact, serious about her,” turan niya.

Nakita niyang nakatitig sa kanya nang husto ang magkakambal. Nakita rin niya ang tuwa sa mga mata ng dalaga samantalang tinatantiya pa rin siya ng kakambal nito. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa kanya.

“Then, it’s nice to meet you, Byron,” anitong may matipid na ngiti. Pero halatang uptight pa rin ang dating ng kapatid ng dalaga.

Dahil dito ay napangiti siyang tinanggap ang kamay nito sa pagkakataong ito at nakahinga nang maluwag ang babaeng nakangiti sa kanilang dalawa.

“Naisip kong ipakilala siya sa iyo this weekend pero naunahan mo ‘ko,” sabi ng babae sa kakambal.

“Right. And what does it mean?”

“Uh… Kilala na siya ni Benjamin kasi nakasama na siya sa date namin nang ilang beses na. Sinekreto sa ‘yo ni Benjamin dahil sinabi ko sa kanya.”

“Malamang,” anang Ace na naging linya ang mga labi. Sumulyap itong muli sa kanya. “Nakalimutan mo sigurong ako ang inatasan mo sa pagkuha ng sasakyan mo sa talyer?” baling nito sa kakambal na babae.

“O, nakalimutan ko nga pala ‘yon. Salamat, Ace!” ngising anito sa kapatid na lumambing ang boses at hinalikan pa ito sa pisngi.

“Tsk. Kaka-overhaul lang niyan a few months ago, ah. Pero heto na ang susi ng bulok mong kotse. Sana ay maayos na talaga kung pina-overhaul mo na ‘yan,” sabay bigay nito ng susi sa babae. “Kung hindi, ipatimbang mo na ‘yan at bumili ka ng bago.”

“Tsk,” anang dalagang ngumuso.

“Sige, aalis na ako. Si Benjamin at ang katulong lang ang nandoon sa bahay dahil pinauwi ko ang yaya niya para mas lalong makapagpahinga at makapagbakasyon sa probinsya. Baka na-miss niya lang ang kanyang pamilya kaya paulit-ulit na nagkakasakit nitong huling mga linggo,” pagpaalam ng kakambal ng dalaga.

Tinapunan siya ulit ng may babala sa mga mata nito bago tumalikod. Napabuga siya ng hangin nang maisarang muli ang pinto nang makalabas na ito. Napatingin naman siya sa dalagang nakangiti sa kanya. Mukhang natutuwa pa ito sa eksena nila ng kapatid nito.

“Huwag mo nang pansinin si Ace. Gano’n lang ‘yon.”

Ngumiti siya sa dalaga at hinapit ito sa baywang. Siniil niya ito ng halik.

“Can we, baby?” buong lambing na aniya sa pagitan ng paghalik dito.

“Hmm… Baka biglang bumalik si Ace,” anito pero tinugon pa rin ang bawat halik niya.

“Umalis na iyon. Ini-lock nga niya ‘yong pinto, ‘di ba? Narinig ko ‘yong lock, eh,” sabi niya habang hinihimas ang pang-upo nito at hinalikan ito sa leeg at punong-tainga.

“Eh, kung kumatok?”

“’Di bubuksan mo,” napatawang aniya at hinalik-halikan pa rin ito.

Napahagikhik ang dalaga. “Sige na nga,” anito at itinulak siya sa upuan.

Napaupo siya pang-isahang sofa. Kagat ng babae ang ibabang labi at paharap itong lumuhod sa sofa habang nasa ibabaw niya. Magkahiwalay ang mga hita nito at agad niyang dinakma ang nasa pagitan nito at hinimas-himas.

“Yes, baby. Ride my hand,” himok niya sa nobya.

Napahalinghing ito sa ginawa niya at napakapit sa magkabilang balikat niya. “Ahh… Byron…”

“Let’s take this off, baby,” aniyang tinutukoy ang silk na underwear ng dalaga. Madali nila itong naalis dahil naka-sundress lang ang babae.

Pagkaalis ng maliit na saping iyon ay ibinaba niya ang zipper ng kanyang pantalon at pati na ang briefs na suot. Kita nito ang naghuhumindig niyang kahabaan at agad na hinawakan upang haplusin.

Napaungol ang binata sa sarap ng pagkakahawak nito. Pinaulos nito yaon sa palad ng dalaga at siya man ay ipinagpatuloy ang paghaplos sa mamasa-masa na nitong kaselanan.

“Uhh… yes, baby,” ang anas niya pa.

Patuloy sa pagtaas-baba ang kamay ng dalaga sa kanyang kahabaan na lalong tumitigas. Dama rin niya ang lalong pamamasa ng sentro nito nang hindi niya ito tinigilan sa paghimas, lalo na ang maliit na kaputsa nitong namimintog na.

Nagpatuloy sa paggalaw ang balakang ng dalagang nakaluhod sa ibabaw niya at nakakapit na sa likod ng couch ang isa nitong kamay. Tuluyan na niyang inalis ang suot nitong damit at tumambad ang magandang hubad nitong katawan. Para sa kanya ay para itong diyosa sa harap niya.

Dinakma ng kanyang bibig ang isang tuktok ng mapagmalaki nitong dibdib. Agad itong napaungol pagkadama ng kanyang mainit at basang bibig. Lalo pa niyang binilisan ang banayad na pagkuskos sa pagkababae nitong lalong namamasa. Ramdam ng kanyang mga daliri ang madulas nitong likido na ikinalat pa niyang lalo sa sentro nito.

“Ahh… baby!” bulalas ng dalaga nang ginagad ng kanyang daliri ang bukana nito. Lalo itong napaungol at kinakapos sa paghinga.