Chapter 24

Yumuko si Byron upang halikang muli si Niam sa labi at napapikit sila ulit ng mga mata upang mas damhin at namnamin ang pinagsasaluhang pagmamahalan. Tinugon nito sa parehong kapusukan ang halik niya na ikinasiya ng puso at kaluluwa niya.

Hindi pa lumipas ang maraming saglit ay marahan niyang pinag-iisa ang kanilang katawan. Masikip. Sobra. Noon niya napagtantong siya nga ang unang lalaki ng katipan kaya naman ay sobrang kasiyahan ang nadarama niya. Isang karangalan para sa kanya na ibinigay nito sa kanya ang iniingatan nitong dangal kaya parang lumaki ang puso niya sa tuwa.

Ramdam niyang medyo mainit sa loob. Basa. Masarap sa pakiramdam kahit na para siyang sinasakal. Gayunpaman, sumuot pa rin siya sa kailaliman kaya naman ay butil-butil na pawis ang lumitaw sa kanyang noo. Napaungol na rin siya nang hindi niya mabilang, kasabay ng dalaga habang nakakapit ito sa kanya nang mahigpit.

Sinimulan niya ang pag-ulos nang tuluyan na siyang makapasok sa katawan nito nang sagad. Napakapit sa kanyang balikat ang dalaga at napakalmot sa likod niya. Nakabalot ang mga hita nito sa kanyang baywang at impit na napapadaing.

Patuloy siya sa pag-iindayog sa kanilang katawan nang sabay. Parang sasabog ang kanyang puso sa kaligayahang ito. Sa kanyang balintataw ay nakikita niya ang pagsabog ng iba’t ibang kulay sa kalawakan. Sa puso niya ay naramdaman niya ang sayang hindi niya mailarawan at walang mapaglalagyan. Everything he felt at the moment was beyond words.

Patuloy ang kanyang nadaramang kaligayahan habang magkahinang pa rin ang kanilang nag-aalab na katawan. Kahit kailan ay hindi niya talaga naramdaman ito sa ibang babaeng nakasama niya kundi kay Niam lang. Parang sumisigaw na ngayon sa saya ang puso niya. Nag-uumapaw rin ang nararamdamang pagmamahal niya sa dalaga nang hindi niya mawari.

Binilisan niya ang paglabas-masok sa katawan nito. Sinakop ng kanyang mga labi ang bibig ng kasintahan na patuloy sa paghalinghing sa bawat pag-ulos niya.

“Ohhh… baby…” aniya na malapit nang marating ang rurok ng kaligayahan.

Rinig niya rin ang palakas nang palakas na pagdaing nito hanggang sa impit itong napasigaw sa kanyang pangalan at siya ay sumagad sa pinakailalim na kaya niyang marating. At doon ay pinakawalan niya ang sumabog na pagmamahal para sa dalaga.

Kapwa sila naghahabulan ng hininga at hindi gumalaw habang magkahinang pa rin ang kanilang pinagpawisang katawan.

***

Inihatid si Niam ng binata sa bahay niya bago maghating-gabi. Parang gusto pa nga niya itong makasama ngayon pero nag-aalala rin siyang baka malaman ito ng kapatid niya.

Kahit masakit pa ang katawan niya dahil sa nangyari sa pagitan nila ng nobyo ay nais niya pa sana itong makasama. Kaya lang, kahit papaano ay ayaw niyang malaman ng kakambal na may lalaking inumaga sa bahay niya. Baka kung ano pa ang sasabihin nito at baka marinig niyang lumalandi na siya.

Kahit na totoo pa iyon ay ayaw niyang marinig iyon mula sa kapatid. Hindi pa kasi niya pormal na sinabi ritong may nobyo na siya at kahit si Benjamin ay binalaan niyang huwag munang ipagkakalat sa ama na may kasintahan na siya.

Hinalikan siya ni Byron nang masiil bago ito umalis. Ayaw pa nga sana nitong umalis pero ipinaliwanag niya kung bakit.

“Okay. I understand, baby,” bulong nitong nakadikit ang noo sa kanya.

Ngumiti siya rito habang kagat ang ibabang labi. “Salamat. I’ll see you tomorrow, baby.”

***

Bago pa makaalis ng bahay niya si Niam kinabukasan ay may natanggap siyang isang malaking pumpon ng bulaklak na galing sa nobyo. Napangiti siya sa aga ng delivery. May kalakip na note na susunduin daw siya nito mamaya sa shop. Kaya naman ay masaya siyang ina-anticipate na darating na ang hapon.

Nagulat na lang siya nang maabutan niya si Charlie na nagluluto sa kusina ng shop niya. Napatingin siya sa mga empleyadong nag-aalalang pagagalitan niya dahil binalaan na niya ang mga ito ukol sa British na ito. As much as possible, she did not want anything to do with this man.

“Nagpumilit talaga siyang magluto, Niam, eh,” depensa ni Roda na nag-aalalang tumingin sa kanya. Subalit mukhang excited naman itong nakamasid sa tisoy na kumpleto sa get-up na chef nang bumaling ito sa lalaki.

Sa totoo lang ay wala siyang maipintas sa tisoy na ito pero sadyang si Byron ang isinisigaw ng puso niya. Siguro kung iba pang babae ang nililigawan nito ay baka sinagot na ito kaagad.

Nilapitan na lang niya ang busy na tisoy. Nakakunot-noo siyang nakapamaywang na humarap dito.

“At bakit ini-invade mo ang kitchen namin, ha?” sita niya rito. “Ang kapal mo naman!”

Ngumisi ito sa kanya nang pa-charming. “You need one more chef. Badly,” sabi nito nang simple. Ibinalik nito ang pansin sa nilulutong beef dish.

Nagkuros ang mga braso niya. “Wala akong pambayad, okay? So, kung tapos ka na riyan, umalis ka na. At, huwag mo na itong uulitin pa.” Tinaasan niya ito ng kilay habang tinatarayan.

Pumihit ito para tingnan siya sa mukha. “What if we made a deal right here, right now?”

Napataas siya lalo ng kanyang kilay. Hindi niya alam kung ano talaga ang mapapala nito sa ginagawa. Malinaw na niyang binasted ito sa simula pa lang at malinaw niya ring sinabing wala siyang ekstrang pambayad sa isa pang chef para sa catering service niya. So, ano bang klaseng deal ang puwede nilang mapagkasunduan?

“Tingnan natin kung ano ang feedback ng menu ko galing sa customers mo. Kung positive, I say, we should try to be partners in this business. Kung negative naman, hindi na kita gagambalain pa kahit kailan,” propose ng tisoy.

Napataas ulit siya ng kilay. Siguro nga ay fifty-fifty chance iyon. Pero kung totoong British chef itong gustong magtayo ng restoran, sigurado siyang hindi malayong maganda ang feedback at siya ang talo. Ano na ngayon ang dapat niyang gawin?

Napaisip siya.

“I can’t accept it! Hindi ako sang-ayon. Sinabi ko na sa ‘yong ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa ‘yo, Charlie. Kung gusto mong magtayo ng restoran, bahala ka na sa buhay mo. So, wala tayong usapan na kahit na ano. Tapos. Period!”

Napahinga ito nang malalim nang nakatingin sa kanya. Laglag ang balikat. Malungkot ang mukha at mga mata.

“Let me just finish this.” At tumalikod na ito sa kanya.

Inis naman niya itong tiningnan pero wala na siyang magawa pa kundi ang hayaan ito sa ginagawa nito. Samantalang sinigawan niya ang mga empleyado niyang nakatunganga lang nang dahil sa lalaki. Lalo pa siyang naiinis dahil ito ang gumugulo sa kusina niya at sa buong shop niya.

Dasal tuloy niyang bumalik na ito sa kung saang sulok ng Britain man ito nakatira at huwag nang bumalik dito sa shop o sa Pilipinas!

‘Grr! Kainis ang taong ‘to! Sobrang kulit!’