Chapter 16

“Hello, Dad.” Sinagot ni Byron ang tawag ng ama niya.

Ilang buwan na rin niyang hindi ito nakakausap. As usual, iyon ay dahil palagi na lang nilang pinag-aawayan ang career path na pinili niya. Imbes na siya ang mamamahala sa negosyo nito ay mas pinili niyang maglingkod sa mga tao. Dahil siya lang ang mag-isang anak ay siyempre, pasanin niya ito. Dapat.

“Lunch at your mother’s favorite restaurant tomorrow,” pahayag ng ama.

Napasimangot pa siyang lalo dahil sa sinabi nito ngunit naputol na ang kabilang linya.

Napahugot siya ng hininga. Ibinulsa niya ulit ang cell phone habang tila nagtataka ang ekspresyon sa mukha ng dalagang nakatingin sa kanya. Kapwa sila nakaupo sa mahabang sofa sa salas ng bahay nito.

“Just my dad. Sinabi lang na papupuntahin ako sa lunch sa… paboritong restoran ng mom ko,” naiiling na aniya kay Niam.

“Ah, I see. Pero bakit parang hindi ka excited na pumunta or something?” kuryusong anito. Bahagya itong napakunot ng noo.

Napatawa siya nang mapakla at napatingin sa kisame. “It’s complicated. Hindi talaga kami magkasundo ng Dad ko, honestly.” Pagkatapos ay napatingin siya sa mukha nito. “Will you come with me tomorrow?”

“A-are you serious? Baka family gathering n’yo lang ‘yon. Baka naman—”

Napatitig siya rito habang napaisip nang malalim. “Sorry for asking you. I just thought that if you were there—” Napatigil siya sa pagsasalita.

“Ano naman kung nandoon ako?” marahang tanong nito sa kanya.

“Ayokong ibagsak sa ‘yo ang lahat, Niam. Sorry for this. I shouldn’t even have thought about it or asked you…”

Napangiti naman ito nang matipid sa kanya. “It’s fine. I think you need a friend right now. Badly! I can be your friend, Byron.”

Napamaang siyang saglit sa sinabi nito. Napangiti siyang naiiling sa dalaga. “No, Niam. I don’t want to be your friend. Gusto ko ay mas higit pa. Alam mo na ‘yon.”

“Byron,” naibulong nito.

“Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Tama ka.”

“Byron, if you need me… or want me to be there, I’ll go with you tomorrow. Gusto lang kitang suportahan sa kung anuman ‘yon. Gusto kong tumulong sa ‘yo. No strings attached. Wala kang dapat na ipag-aalala,” nakangiting anito saka kumibit ng balikat.

Napangiti naman siya rito. Tumango siya. Natutuwa siya sa sinabi nito kahit ayaw niya sa phrase na “No strings attached.” Gustong-gusto niya kaya ng attachment kay Niam.

“Salamat, Niam. I’ll pick you up before eleven,” nasabi niya. Nakatitig sa light-brown eyes nito.

“Walang anuman. I’ll be ready by then.”

Pinasalamatan niya ito. Hindi niya alam kung tama nga ba ang naging desisyon niyang isama ito bukas sa family luncheon meeting. Pero gusto niya ring makita ang reaksyon ng ama kapag nakitang may kasama siyang babae.

‘I’ll see what that old man is up to,’ sa isip ng binata.

May pakiramdam siyang hindi maganda ang pagkikita nila sa restoran bukas. He should know better when it comes to his father. Baka may plano na ito at sasabihin nito yaon sa lunch nila.

‘Yeah, I think Niam by my side will make it all right,’ sa loob-loob niya. ‘It must.’

“Dapat na akong umalis. Late na,” marahang sabi niya sa dalaga.

Tumango naman ito na seryoso ang mukha. Halatang nakuha nito kung ano ang mood niya ngayon. Inihatid pa siya sa pintuan at bago pa niya napigilan ang sarili ay hinalikan niya ito sa pisngi.

“Goodnight. I enjoyed this night with you, Niam, and I wish we can have more nights together… even just like this.”

Napangiti ito sa kanya at hindi nakapagsalita.

Dala ang bigay nitong paper bag na may chocolate pudding ay lumulan na siya sa kotse. Kumaway pa siya sa dalagang nasa gate na at isinara iyon bago siya nagmaneho paalis. Isang parte ng pagkatao niya ay nais pang manatili sa tabi ng dalaga pero alam niyang ayaw pa ni Niam iyon kaya rerespetuhin niya ang desisyon nito.

***

“What? You’re taking a girl when you’ll meet your father later?” alunignig ni Charlie nang magpaalam si Byron sa pinsan kinabukasan.

Nagbibihis siya at nasa likuran niya ito. “It just turned out that way,” nasabi lang niya sa pinsan.

Napatawa pa ito. “Parang gusto ko tuloy na sumama sa ‘yo para makita ko ang mukha ni Tito Sheldon kapag nakita ang babaeng kasama mo. I think it’ll be priceless!”

Alam nitong hindi sila magkasundo ng ama at gusto siyang ipakasal sa anak ng isang kliyente nitong gusto ng merger. Iyon ang magiging selyo sa dalawang kumpanya kapag nagkataon. Kaya lang, ayaw niyang mangyari ang gusto ng ama. Ayaw niyang sundin ang gusto nito. Sino ba ang naniniwala at sumusunod pa rin sa ganoong arranged marriage these days? Kung meron man, hindi siya iyon.

Ganitong mga pagkakataon ay gugustuhin niyang sana ay buhay pa ang mommy niya. Ito lang siguro ang makapagsabi sa amang mali ang ginagawa nitong pagpe-pressure sa kanya lalo na’t ang negosyo ang dahilan ng aksyon at desisyon nito nang hindi inaalala ang damdamin niya.

“Sino ba ang babaeng ‘to, ha? Hindi mo man lang ipinakilala sa ‘kin,” dagdag ng pinsan.

Pumihit siya rito. “Nakilala ko siya nang ilang buwan na rin. But honestly, she has been special ever since I laid my eyes on her.” Napangisi siya sa pinsan nang ituran yaon. Naalala niya pa ang inakalang dildo na dala nito noon.

Napatawa ito. “Wow! She must be hot!”

“You have no idea!” sang-ayon niya.

“You know what? I also met a girl. She’s… beautiful and feisty! I never met someone like her.” Parang may dreamy look pa ang pinsan niya na ngayon niya lang nakikita.

He squinted his eyes at his cousin. “Oh, really? Kailan mo ba siya nakilala? Saan?”

“A few months ago. Naisip ko pa ngang mag-invest na lang sa business niya, eh. Well, I’m considering that option, at least. I’m still studying the pros and cons.”

He chuckled. “Huh! You’re smitten, man!”

Napatawa pa ito saka itinulak na siya papalabas ng kuwarto niya. “Umalis ka na. Huwag mo nang paghintayin ang chick mo.”

“Right!”

“Balitaan mo na lang ako kung ano ang reaksyon ni Tito Sheldon,” ang natatawang habilin ng pinsan.