CHAPTER 27- WAKE UP
DAYS, weeks, and months had passed like a blur pero hanggang ngayon tulog parin si Senyorito, na comatose siya magmula nung araw na inatake siya sa simbahan.
6 months na siyang natutulog dito sa hospital, pero hindi parin ako nawawalan ng pagasa, alam kong maghihimala ulit at magigising siya, hindi niya pa ako pwedeng iwan, hindi niya pa kami pwedeng iwan.
Kahit na ilang taon pa akong maghihintay gagawin ko, alam ko kasing gigsing siya, nangako siya sa akin noon na gagawin niya ang lahat para magising, at alam kong tutuparin niya ang pangako nayon.
“You should take a rest, Sky” kaagad na napukaw ang diwa ko ng marinig ang boses ni Senyorito Kian. “Nakabantay ka na naman dito kay Liam, hindi ka ba nagsasawang makita ang mukha niya araw araw?” pagbibiro nito.
Napailing nalang ako, hindi ko man lang namalayan na pumasok pala si Senyorito number 2.
“Never akong magsasawa, ang gwapo kaya ng Senyorito ko” nakangiting saad ko habang hinahabi ang konting hibla ng buhok na nakatabing sa noo ni Senyorito.
“I know right” sagot ni Senyorito Kian habang lumalapit din sa kama, inayos nito ang pagkakakumot ng kakambal niya. “Kailangan mong magpahinga Sky, tandaan mong dalawa na kayong kailangan mong alagaan” anito habang nakatingin sa tiyan ko.
Napangiti naman ako habang maingat na hinihimas ang aking tiyan.
“Alam ko, hindi naman ako nagpapabaya eh” sagot ko. Alam ko talagang gigising si Senyorito, iniwanan niya kasi ako anghel bago siya natulog. 5 months na akong buntis. At walang mapagsidlan ang kaligayahan ko.
Hindi naman ako nahihirapan sa pagbubuntis ko, marami din kasing mga tao ang nakaalalay sa akin, nandiyan sina Mama, Papa, si Madame este Mommy pala, sila Senyorito Kian and the rest of Abnormal gang, never nila akong iniwan sa laban ko.
“Hoy L! Ano ba gumising ka na!
Ilang buwan ka ng nakahiga jan napakatamad mo talaga!” biglang bulyaw ni Senyorito Kian na ikinapanlaki ng mata ko.
Baliw talaga.
“Senyorito Kian, itigil mo nga yang ginagawa mo” saway ko sa kanya, pero hindi ito nakinig at niyugyog pa talaga si Senyorito.
“Hindi ka ba naaawa sa mag ina mo!?
Gumising ka na jan, ano ba! Palagi mo nalang kaming pinagaalala! Ako talaga mismo ang tatapos jan sa buhay mo kapag hindi ka pa gumising!” hinawakan ko ang kamay ni Senyorito Kian para pigilan sa pagyogyog sa kakamabal niya.
“Baka mas lalo mong maalog ang utak ni Senyorito kaya itigil mo na yan” saway ko sa kanya, pero ganun nalang ang napasinghap ng biglang hinawakan ni Senyorito Kian ang kamay ko!
Pota!
Pinanlakihan ko siya ng mata pero ngiting aso lang ang isinagot niya sa akin.
“B-bitawan mo nga yang kamay ko” nauutal na saad ko. Ngunit embes na bitawan, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak!
“Liam” anito habang nakangising nakatingin sa kakambal niya. “Huwag ka nalang gumising, ako na ang bahala sa asawa at magiging anak mo, magkamukha naman tayo kaya----
“S-senyorito Kian, ano ba yang pinagsasabi—”
“Shhhh, silence, baby” pagpapatahimik nito sa akin! “Ano Liam? Papayag ka nalang bang kunin ko sayo ang pamilya mo? Kasi kaya ko talagang gawin ang bagay nayun, hindi namang ako mahihirapang---
“Senyorito Kian!” sigaw ko.
Kaagad naman itong bumaling sa akin, bakas ang pangamba sa mukha niya.
“Ano!? Manganganak ka na ba, Sky!?” natatarantang tanong ng kupal.
“Tatawagin ko na ba si Isaa—”
“Huwag kang praning, limang buwan palang ang tiyan ko” putol ko sa kanya.
“Akala ko manganganak ka na, bakit ka ba kasi sumiga—”
“L-lu-mayo k-ka” Halos sabay kaming napabaling ni Senyorito Kian sa gawi ni Senyorito ng marinig ang boses niya!
“Shit!” mura ni Senyorito Kian.
“God!” maramdaming saad ko.
Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakikita! God, totoo ba to!?
H-hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! G-gising na si Senyorit---
“Tatawagin ko lang si Isaak!” biglang saad ni Senyorito Kian at kaagad na kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto.
Naiwan naman akong nakatigalgal habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mukha ng gising ng si Senyorito. Hindi ko alam kung ano any gagawin ko! Lalapitan ko ba siya, yayakapin o tatayo nalang ba ako dito at---
“Tumabi ka muna, Sky” naputol ako sa pagiisip ng biglang dumating si Doc Isaak, nakita kong dali dali niyang nilapitan si Senyorito at sinuri ito.
“Asan na si Liam!?”
“Gising na si Liam!?”
“Maayos lang ba ang lagay niya!?”
“L, nandito na kami—”
“Shut up all of you! Kakagising lang ng pasyente kaya tumahimik kayo!” biglang saway ni Doc Isaak.
Bakit parang may pagka the flash itong mga kaibigan ni Senyorito?
Wala pa ngang isang minuto mula ng magising siya, nandito na kaagad sila.
“Tell me, what’s your full name?” halos sabay sabay kaming napabaling sa gawi ni Senyorito ng marinig ang tanong ni Doc Isaak.
Shit! Kinakabahan ako!
Lumipas ang ilang segundo, walang nagsalita at biglang tumahimik ang buong paligid, sabik ang lahat sa isasagot ni Senyorito.
“L-liam”
“Liam?” Halos sabay sabay na tanong ng mga Abnormal, makikita sa ekspresyon ng mga mukha nila ang pananabik. Pati rin naman ako! Para na akong maiihi dahil sa pananabik!
“F-fools, h-hindi n-niyo ba a-alam k-kung ano a-ang a-apelyido ko?” pamimilosopo ni Senyorito.
“Yes!”
“Whoahh!”
“Yeeehaaaa!”
“Bumalik na sa earth si Liam!” halos sabay sabay na tili ng mga Abnormal.
H-hindi ko alam pero nagsisimula ng nagsilaglagan ang mga luha ko!
Tears of joy ba to!?
God! Napakasaya ko!
“Sky? Bakit ka umiiyak?
Gumising na si Liam pero iniiyakan mo parin siya?” biglang pangingialam ni Senyorito Kian sa pagiyak ko.
“Iba ka talag—”
“H-huwag kang l-lumapit s-sa Panda k-ko, k-kakatayin talaga k-kit—”
“Huwag ka munang magsalita Liam” biglang putol ni Doc kay Senyorito.
“Kayong lahat, lumabas muna kayo.
Kakagising palang ng pasyente, baka mabinat siya dahil sa kaingayan niyo” pagpapalayas nito sa amin. “Isa isa ko nalang kayong pababalikin mamaya” anito.
Isa isa namang nagsilabasan ang mga Abnormal, binalingan ko muna si Senyorito bago ako lumabas, nakita kong nakatingin ito sa akin, bakas pa ang panghihina sa kanyang mga mata.
“I love you” pabulong na saad ko sa kanya at tuloyan na akong lumabas.
MAKALIPAS ang dalawang oras, pinayagan na kami ni Doc. Isaak na makausap si Senyorito. At ang nakakatawa, ako ang pinauna ng mga Abnormal, regalo nalang daw para sa magiging inaanak nila.
Humugot ako ng malalim na hininga bago itinulak ang pinto, pagbukas ng pinto bumungad sa paningin ko ang nakapikit na si Senyorito.
Natutulog siya?
Dahan dahan kong isinara ang pinto at walang ingay na naglakad papalapit sa hospital bed kung saan siya nakahiga, umupo ako sa kama katabi ni Senyorito.
Napakasaya ko talaga, makalipas ang anim ma buwan sa wakas ay nagising na din si Senyorito, alam ko talagang gigising siya.
Wala sa sariling napahimas ako sa tiyan ko. Ano kayang magiging ekspresyon ni Senyorito kapag nalaman niya buntis ako?
Hinaplos ko ang pisngi niya.
Ang gwapo talaga ng asawa ko.
“Panda” kaagad na nagising ang diwa ko ng maramdang hinawakan na pala ni Senyorito ang kamay ko na nakahaplos sa pisngi niya.
“Nagising ba kita?” mahinahong tanong ko, hindi ito sumagot at bigla nalang iginiya ang kamay ko papunta sa labi niya, hinalikan niya ito.
“Kumusta na ang pakiramdam---
Kaagad akong natigilan ng biglang kumunot ang noo ni Senyorito habang nakatingin sa tiyan ko.
Jusmi!
“Panda? Bakit parang lumaki ata ang tiyan mo? Napasobra ka na naman ba sa pagkain?” inosenteng tanong nito.
Hindi ko man sadyain pero biglang uminit ang ulo ko, alam kong kagigising lang ni Senyorito pero parang gusto ko na siyang kutusan!
“Pero kahit na tumaba ka pa, wala akong pakialam, ikaw parin ang pinakamagan----
“Senyorito, buntis ako kaya lumaki yung tiyan ko” putol ko sa kanya.
Tsk! Magaling bumuntis pero hindi alam kung ano ang buntis!
“Alam mo—”
“Limang buwan na si baby, tama ba ako?” biglang tanong nito na ikinagulat ko!
“P-paano mo nalaman?” nauutal na tanong ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
“Syempre, ako ang gumawa kaya alam ko” nakangiting saad nito, bigla nalang nitong inilapat sa tiyan ko ang isa niyang kamay na walang dextrose, marhan nitong hinimas ang tiyan ko habang may ngiti sa kaniyang mga labi.
“Hey there, baby” nakangiting sambit nito. “Magpakabait ka lang jan at huwag mong papahirapan si Mommy, sabik na din si Daddy na makita ka” maramdaming saad nito. “Sinikap ng Daddy na gumising para sa Mommy mo, but how surprisingly na sa paggising ko, dalawa na pala kayong naghihintay sa akin. For the third time God give me another chance to leave, and I will not waste it, I promise that I will be a good father and a good husband” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla nalang sinugod ng yakap si Senyorito.
Salamat kasi gumising ka” saad ko habang yinayakap siya ng napakahigpit.
“Salamat kasi naging matatag ka Panda. I love you”
“I love you too, Senyorito”
️