EPILOGUE

(4 YEARS LATER)

“SENYORITO LIAM POV”

“Okay, Xavier, say Daddy, Da-ddy”

“Tito”

“No, no, Xavier, it’s Da-ddy not Tito.

Let’s try again, say Da-ddy”

“Ninongs”

“Xavier, ako ang Daddy mo, pero bakit—”

“May patulog tulog ng anim na buwan ka pa kasing nalalaman noon, kaya kami ang naghirap ng anim na buwan”  biglang putol sa akin ni Max, tinaasan ko siya ng kilay. “Huwag mo akong tataas taasan ng kilay Liam, hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan namin noong naglilihi ang asawa mo!” humahalukipkip ito.

“Bakit, ano bang mga pinagdaanan niyo?” inosenteng tanong ko, pero ang totoo alam ko na talaga, sinabihan ako ni Panda noon, halos gumulong pa nga ako sa kakatawa ng malaman ang mga pinagdaanan nila.

“Ako!” biglang saad ni Markus habang nakataas ang kaliwang kamay. “Sabog na sabog ang eyebags ko nung naglilihi si Sky, paano ba naman, sinabihan niya ako na huwag daw akong magpakita dito sa hospital hanggat hindi ako nakakadala ng buong orange na walang katas!” sumbong nito.

“Mabuti nga at yan lang ang pinagawa sayo” biglang singit ni Kian. “Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko, L” nagdadrama ito. “Hindi ako pinapakain ni Sky hanggat hindi siya natatapos kumain, hindi rin niya ako pinapatulog hanggat hindi pa siya natutulog, alam mo bang nabawasan ng isang pack ang abs ko nung naglilihi yang asawa mo!” pagmamaktol nito. “Kaya tama lang yang ginagawa mo, Xavier” pangiingganyo ng kupal sa anak ko!

“Huwag mo ngang tuturuan ng kabaliwan ang anak ko. Isako kita jan eh” mahinang saad ko, baka kasi marinig ako ni Xavier at magaya pa ang mga pinagsasabi ko.

“Ako L? Hindi mo tatanongin?” biglang sambit ni Max.

“Bakit, ano bang pinagawa—”

“Halos kada oras nalang akong naliligo at nagpapalit ng damit nung naglilihi si Sky!” putol nito sa akin. “Ang sabi niya kasi ang baho at napakabantot ko dawng nilalang, kulang daw ako sa aruga! Kung hindi lang talaga nagbubuntis yung asawa mo, baka makutosan ko na talag—”

“Subukan mo at pipritohin kita” mahinang putol ko. Nakakandong kasi si Xavier sa akin habang nilalaro ang laylayan ng damit na suot ko.

“Huwag kayong ano, mas nakakatawa yung pinagdaanan ni Isaak” natatawang singit na naman ni Kian.

“Alam mo bang nasapak ni Sky si Isaak noon kasi ayaw niyang painjectionan ka? Mahal na mahal ka talaga ng asawa mo” humahagikhik pa ito, pasalamat talaga tong kakambal ko at wala si Isaak ngayon, dahil kung meron, baka nainjectionan na talaga to ng anti-tetanus.

“So ako, hindi nalang isasali?” nakapameywang na sambit ni Jake habang nakatayo. “Alam niyo bang nung naglilihi si Sky sabi niyang umuwi na daw ako sa Mars—”

“Tama lang yung sinabi ni Sky” sabay sabay na putol naming lahat sa kanya.

“Mga walang hiya talaga kayo, mabuti pang hindi nalang ako magsalita” anito at bigla nalang nag walkout.

Pikon.

“Ikaw Kai? Anong pinagawa sayo?” natatawang tanong ko, alam ko kasing sa kanilang lahat, si Kaito ang may pinakamabigat na pinagdaanan.

Sinagot ako nito ng nakamamatay na tingin. “Kamuntikan pang madali si Kelly ng dahil sa paglilihi ng asawa mo!” madilim na saad nito. “mabuti nalang at naitakas ko si Kelly, dahil kung hindi, letson talaga ang kinalabasan niya!” pagmamaktol nito.

Kawawang mga nilalang. Hindi talaga naging normal ang paglilihi ni Panda, mabuti nalang at naging normal tong si Xavier.

“Teka nga” kunot noong saad ni Jake. “Ikaw Kios? Anong pinagawa sayo?” tanong nito na ikinatigil naming lahat.

Oo nga, walang sinabi si Panda tungkol kay Kios.

“Sa amin nalang ni Sky yun” anito at bigla ding nag walkout!

Shit! Ano kayang pinagawa ni Panda sa kanya!?

“Fuck! Kios, ano bang—” Kaagad akong napatigil sa pagsasalita ng bigla nalang tinakpan ni Xavier ang bibig ko.

“Bad mouth Dada!” may diing saad nito habang nakatakip parin ang cute niyang kamay sa bibig ko. Lihim nalang akong napatawa, mukhang nagmana pa ata kay Sky itong anak namin. Tinanggal ko ang maliit niyang kamay mula sa pagkakatakip sa bibig ko at pinanggigilan ang pisngi niya.

“Huwag mong gagayahin ang sinabi ni Daddy kasi bad yun” mahinahong saad ko. “At huwag ka ring magsumbong sa Mommy mo na nagmura na naman ako kasi makukutosan ako nu—”

“Anong huwag magsumbong?” kaagad akong naestatwa sa kinauupoan ko ng marinig ang boses ni Panda!

“Lagot kang tipaklong ka” biglang singit ni Kian, at ang nakakainis isa isa silang nagsialisan! 

“Aalis na kami L” nakangising saad ng mga kupal.

“Nagmura ka na naman sa harap ng anak mo?” may babalang tanong nito ng makaalis na silang lahat.

“No, Momma, nakatalikod ako nung nagmura si Dadda” biglang pagsingit ni Xavier na mas lalong ikinausok ng ilong ni Sky!  Lagot na kaming dalawa.

“Kayong dalawa—”

“I love you Momma”

“I love you Panda” sabay naming saad ni Xavier na ikinatahimik niya.

Nakita kong napabuntong hininga si Panda at naglakad papalapit sa amin, tumabi ito sa pagkakaupo.

Kaagad namang lumapit si Xavier sa Mommy niya.

“Palagi niyo nalang ako pinagtutulongan na dalawa” anito habang inaayos ang buhok ni Xavier, inakbayan ko siya at hinalikan sa noo.

“I love you, Panda” buong pagmamahal na saad ko. Napakaswerte ko kasi hanggang ngayon buhay parin ako, pero paminsan minsan sumasakit parin ang ulo ko na parang binibiyak, pero hindi ko na ininda yun, ang importante maalagaan ko si Sky at mapalaki ko ng mabuting tao ang anak ko.

Naramdaman ko namang isiniksik ni Panda ang sarili niya sa akin habang nakakandong sa kanya si Xavier.

“I love you too” anito.

“I love you three!” biglang singit ng anak namin. “Lab lab ni Xavier si Momma at Dada!” masiglang anas nito at siniksik sa gitna namin ang sarili niya.

“We love you both, kiddo” madamdaming saad namin ni Sky.

Wala na akong ibang hihilingan pa kondi ang maging maayos at ligtas lang ang magina ko.

“It started with a once upon a time, and surprisingly, it ends with a happily ever after”

Tapos na salamat ng marami sa support at pagbabasa mga guysooo,, I really appreciate it

Again, a really big  THANK YOU guyss