CHAPTER 26- CONTRACT

PANAY lang ang buntong hininga ni Senyorito habang nagmamaneho, ihahatid niya ako papuntang Mall, sinabihan ko na siya na kaya ko ng magisa pero makulit talaga ang kupal at hindi talaga nagpaawat.

“Panda, bukas ka nalang kaya pumunta” pangungulit na naman nito. Kanina pa to, parang ayaw niya talaga akong papuntahin sa Mall na magisa, pero gusto talaga ng mood ko eh, gusto kong makalangahap ng simoy ng aircon galing sa Mall.

Binalingan ko siya. “Senyorito, hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko” mahinahong saad ko habang hinahawakan ang kanang kamay niyang hindi nagmamaneho.

Napabuntong hininga naman ito.

“I know, Panda, pero pwede namang bukas nalang din, diba? Wala akong gagawin bukas kaya masasamahan kita” anito habang tinitinganan ako mula sa view mirror.

“Pero gusto kong pumunta ngayon” nakabusangot na pangungulit ko.

Gosh! Pakiramdam ko maiiyak na naman ako! Ibinaling ko nalang ang  attensyon sa labas ng kotse, pakiramdam ko talaga tutulo na ang luha ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

“Panda” tawag nito sa akin pero hindi ako umimik. “Panda, Sky bakit ba napakasensetive mo ngayon?” napatigil ako ng dahil sa tanong nayon. Sensitive? Oo nga, bakit ba naging sensitive nalang ako bigla?

Okay pa naman ako kagabi.

Binalingan ko ulit si Senyorito.

“Nababaliw na ba ako? Kailangan ko ng bang magpacheck up kay Doc. Isaak, Senyorito?” puno ng pagaalalang tanong ko na tinawanan lang ng kupal. “Bakit ka tumatawa?” nakataas ang kilay ko habang tinititigan siya ng masama.

“Hindi mo kailangan ng check up, may finding na ako kung ano ang sakit ng asawa ko” ‘anito’ parang nahigit ang hininga ko dahil sa sinabi niya. T-tinawag niya ba akong asawa?

Pota! Bakit parang ang sarap sa teynga?  P-pero, pero teka nga lang!

Hindi pa nga nagiging kami, asawa na agad!?

“Panda” pukaw nito sa akin. “Samahan mo muna ako kahit ngayon lang” kumunot ang noo ko ng marinig ang tono ng boses ni Senyorito, may ngiti sa labi niya pero may bahid ng lungkot ang boses.

At mas lalo pang kumunot ang noo ko ng bigla nalang siyang mag u-turn.

“Senyorito? Saan tayo pupunta?” kunot noong tanong ko. Bakit bigla kaming lumihis sa daan?

“Malapit na tayo” ‘anito’ alam ko talagang weirdo si Senyorito ngayong umaga, mas weirdo pa sa akin.

May nase-sense talaga akong kakaiba.

Makalipas ang ilang minuto bigla kaming huminto sa harapan ng simbahan. Kunot noo ko siyang binalingan habang nagtatanong ang ekspresyon ng mukha ko, pero misteryong ngiti lang ang isinagot niya at bigla nalang lumabas sa kotse.

Pota!?

Anong sakit na naman ba ang dumapo sa utak ni Senyorito!?

Nakita kong umikot ito at pinagbuksan ako ng pinto.

“Let’s go, Panda” nakangiting sambit nito habang inilalahad ang kamay niya, kunot noo ko naman itong tinanggap at lumabas ng kotse.

“Senyorito, sabihin mo nga sa akin kung ano ang ginagawa natin dito?” tanong ko habang yumayakap sa braso niya, kumirot na naman kasi ang dibdib ko, nung huling beses na kumirot ang puso ko inoperahan si Senyorito, sana naman wala lang ito ngayon.

“Pumasok na tayo sa loob para masagot na yang mga katanongan mo” nakangiting saad nito, matapos niyang isirado ang pinto, iginiya niya ako papuntang simbahan.

Kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan, embes na Mall simbahan pala ang kakahantongan ko ngayong umaga.

Mahigpit akong nakakapit sa braso ni Senyorito ng makarating kami sa entrance ng simbah----

Halos malaglag ang mata ko ng makita ang looban ng simbahan.

Whoah! Ang ganda!

Nakangiti akong bumaling sa kanya.

“Bakit hindi mo naman sinabing aattend pala tayo sa kasal Senyorit---

“L, nandito na pala kayo” biglang pagsulpot ni Senyorito Kian.

Nandito din sila? Kompleto na naman ang lahat ng Abnormal, sino kaya ang ikakasal?

“Ikakasal ka na, Senyorito Kian?” pagbibiro ko, pero sa hindi malamang kadahilanan hindi siya tumawa, walang tumawa, bakit napakalungkot ng lahat? Kasal ba to o lamay?

“Panda” biglang tawag ni Senyorito sa akin, binalingan ko siya, nakangiti ito pero may lungkot ang kanyang mga mata. “Sky, will you marry me? Right now?” tanong nito na ikinagulat ko, hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang sa mata niya.

A-ano daw?

Nagpopropose siya? As in nagpopropose talaga?

“Alam kong para itong shot gun wedding, Panda, pero please say, yes”

Parang nagmamakaawang saad nito, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o magiging malungkot, pinaglipat lipat ko ang tingin kina Senyorito at sa mga kaibigan niya.

Bakit parang ang lungkot ng lahat?

“Nagpopropose ka ba sa patay, Senyorito? Bakit parang napakalungkot mo?” tanong ko, pero hindi ako nito sinagot at bigla nalang iginaya papasok ng simbahan.

“Sisimulan na ba natin ang seremonya?” biglang tanong ng pari.

“Yes, fathe—”

“Teka nga” pagsingit ko. “Ano ba talagang nangyayari dito? Bakit parang nagmamadali ang lahat?

Senyorito, bakit ngayon mo lang sinabi na ikakasal pala tayo?” sunod sunod na tanong ko, lugong lugo na ang utak ko!

“Huwag nalang tayong magseremonya, father, pipirmahan nalang namin deretso ang papeles”

“L! Ayos ka lang ba!?” parang natatarantang tanong ni Kios, kaagad kong binalingan si Senyorito, ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makitang namumutla na ito!

Pota!

“S-senyorito, anong nangyayari sayo!?” kaagad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya, nanlalamig ito! “Senyori—”

“Sky, listen to me” namumutla na ito. “Let’s just sign that contract, okay? I know it’s selfish of me to do this, but I can’t afford to lose you, kahit mawala na ako—”

“Anong mawala!? Sinong mawawala!?” putol ko sa kanya, nagsisimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko.

“Ano bang nangyayari sayo? Okay ka pa naman kanina”

“Just sign the contract, Sky” singit ni Senyorito Kian. “Bakit ba naman kasi napakatigas niyang ulo mo, Liam!?

Pumunta na tayo sa hospital! Sinusumpong ka na ng sakit mo!” pabulyaw na saad nito na ikinalambot ng pagkatao ko!

S-sakit!?

Hospital!? Ano ba talagang nangyayari dito!?

“Senyorito—”

“I’m just okay, Sky. Please just sign our marriage contract, pinirmahan ko na yan” parang nanghihina na na saad nito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin! Tahimik lang na nakamasid ang mga kaibigan ni Senyorito, bakas ang lungkot sa mga mata nila, bakit parang hindi man lang sila nagulat na namumutla na si Senyorito!? Matagal na ba nila itong alam!?

“Akin na yan, pipirmahan ko na” sambit ko sabay kuha sa ballpen sa may table at kaagad na pinirmahan ang contract, hindi ko man alam kung ano ang nangyayari dito, ang importante ay madala na sa hospital si Senyorit—

“Liam!”

“L!”

“Mahabaging Diyos!”

Halos sabay na sabay na sigaw nilang lahat kasabay ng pagtunog ng lagapak sa sahig, parang may natum—

Ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makitang nakasalampak na ng higa sa semento si Senyorito!

Kaagad kong natapon ang ballpen kung saan at kaagad na nilapitan si Senyorito, dumudugo na ang ilong nito!

“I will call the ambulance” biglang saad ni Doc. Isaak.

“Bakit ba parang hindi kayo natataranta!?” pasigaw na tanong ko sa kanila habang pasalampak na umupo sa sahig---namamalisbis na ako sa sariling luha habang pinapaunan ang ulo ni Senyorito sa hita ko. “Senyorito—”

“Sky” nanghihina na ito pero pilit paring inaabot ng kamay niya ang pisngi ko. “Matagal na nilang alam na dadating ang araw nato, na magkaka brain seizure ako, but I’m so lucky kasi hindi ako nagkaseizure, nagbleeding lang—

“Huwag ka ng magsalita, nanghihina ka na—”

“Kaya nga magsasalita ako kasi nanghihina na ako, w-what if this time hindi na nga ako magising—”

“Huwag ka ngang magsalita ng gany—”

“I love you, Sky, my Panda, m-my baby” putol na naman nito sa akin, parang gusto ng pumikit ang mata niya! “I-im sleepy, Sky, b-but I will try to wake up f-for you. K-kian, ikaw na ang bahala sa Panda k-ko”

“Senyorito!”

Mistolang sinagasaan ng daan daang ten wheeler truck ang puso ko ng makitang tuloyan ng pumikit ang mata ni Senyorito.

B-bakit? P-paano?

Masaya pa kami kanina, pero ngayon……. Wala na siyang malay.

“It starts with once upon a time, but not all once upon a time ends with a happily ever after”