CHAPTER 17- PROBINSIYA
“Wala na kayong mga pagasa” nanghihinang puna ko habang nakatayo sa labas ng gate ng bahay ni Senyorito.
“Ano ka ba Sky, huwag kang KJ. Masaya kaya to” nakangising saad ni Max na mas lalong kinakulo ng dugo ko!
Ang mas lalo pang nakakainis.
Complete attendance ang lahat ng mga abnormal!
Ano to moral support!?
“Senyorito, ano ka ba naman” nakabusangot na saad ko habang nakaakbay ito sa akin.
“Relax ka lang jan, Panda” nakangiting saad ng kupal.
Tsk! Ano pa nga ang aasahan ko sa mga kupal nato?
“Nakahanda na!” pasigaw na imporma ni Markus habang pinapatunog pa ang busina!
“Sumakay na kayo dun sa likod ng makaalis na tayo papunta sa probinsiya nila Sky!” anito na mas lalong nakadagdag sa iritasyon ko!
Pagdating namin sa probinsiya.
Ipapataga ko talaga sa itak ni Papa tong mga Abnormal nato!
“Lezz go guyss!” Excited na sambit ni Jake at nauna ng sumampa sa likoran ng track!
Oo! Truck ang sasakyan namin papaunta sa probinsiya!
Ang yayaman nila. May mga Van, Kotse, at Limousine! Pero truck talaga ang napiling dalhin!
“Tara na Panda” paanyaya sa akin ni Senyorito at iginiya ako papuntang likoran ng track. Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad.
Okay na rin siguro to.
“Probinsiya! Probinsiya! Probinsiya!
Last trip nalang to patungong Probinsiya!” pasigaw na saad ni Max na animo’y isang konductor.
Lihim nalang akong napatawa ng bigla nalang siyang binato ni Kios ng boteng may laman pang tubig.
“Mahiya ka naman sa mga konductor!” saway ni Kios kay Max. “Baka madungisan pa ang pangalan nila dahil sa pangit ng pagmumukha mo!” anito na ikinasira ng pagmumukha ni Maximo.
“Ang gwapo ko kay—” Kaagad na natahimik si Max ng bigla nalang piningot ni Senyorito ang ilong niya.
“Tumahimik ka na at sumakay ka nalang jan sa track, Max”
“Oo na! Basta bitawan mo na ang ilong ko!” pagangal nito na kaagad namang sinunod ni Senyorito.
Kaagad na sumakay si Max na sinundan naman ni Kios. Nauna na rin sina Senyorito Kian at si Doc Isaak.
Napabuntong hininga nalang ako.
Paano kaya ako sasampa sa track nato!?
“L” biglang saad ni Senyorito Kian. “Buhatin mo si Sky tapos ako na ang bahalang—”
“Shut up, K. Hindi kita kailangan” biglang putol ni Senyorito sa kakambal niya.
“Gusto ko lang na tumulong.
Huwag ka ngang selo—”
“Isaak, pakitanggap nga kay Sky” biglang tawag ni Senyorito kay Doc.
“Tsk! Nakakain ata ng maraming JellyAce ang kupal nato” pabulong na saad ni Senyorito Kian.
“Dalian mo na Liam” malamig na sambit ni Doc Isaak.
Bigla akong napaisip, super cold na tao ni Doc. Kaya ano kayang pakiramdam kapag nakahawak ka na sa kamay niya?
“Ready Panda?” tinig iyon ni Senyorito na ikinapukaw ng diwa ko.
Tango lang ang isinagot ko sa kanya.
Bigla nitong hinawakan ang magkabilang beywang ko at binuhat ako.
“Grab my hand, Sky” seryosong saad ni Isaak.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago inabot ang kamay niya.
Lihim nalang akong napasinghap ng mahawakan ko na ang kamay ni Doc!
Parang tumigil sa pagikot ang mundo ko ng mahawakan ko ang kamay ni Doc. Isaak! Ang init at napakakomportableng hawakan ng kamay niya. Baliktad sa napakalamig niyang ugali.
“Panda, okay ka lang?” tinig iyon ni Senyorito na pumukaw na naman sa nakalutang kong diwa. Lihim nalang akong napailing. Nakasampa na pala ako.
“Doon tayo sa may unahan” suhestiyon ni Senyorito at bigla nalang akong iginiya papunta sa unahan ng track.
Nakatayo lang sina Doc, Senyorito Kian at Kios. Samantalang napasalampak naman ng upo sa sahig ng track sina Max at Jake.
Nang makarating kami sa unahan.
Humawak ako sa may ulo ng track para hindi ako matumba. Kaagad naman akong natigilan ng bigla akong niyakap ni Senyorito mula sa likoran.
“Panda, nakakatakot ba ang Papa mo” biglang tanong nito na lihim kong ikinatawa.
Mukhang nininerbiyos ang kupal.
Dagdagan ko pa kaya ang nerboyos
“Hindi naman masyado” seryosong saad ko.
“Talaga?”
“Oo” mabilis pa sa alas kwatrong sagot ko. “Pero nangiitak si Papa kapag nagagalit” pananakot ko kay Senyorito.
“I-itak?” nauutal na tanong nito.
“Oo, itak”
MAKALIPAS ang ilang oras na byahe.
Sa wakas ay nakarating narin kami!
Sabog na sabog na ang buhok ko dahil sa hangin! Para na akong sirenang nasabugan ng dynamita!
“Ang sarap ng aircon dito sa probinsiya” biglang puna ni Jake habang nakahiga na sa sahig ng truck.
“Gusto ko ng matulo—”
“Bumangon ka na nga jan at baka kabagin ka pa!” biglang pagputol ni Max kay Jake.
Bakit parang may something ang dalawang to?
“Ayyiieeee. Concern ka ba sa akin Max—”
“F*ck you!” nanggagalaiting putol nito. “Ayaw ko lang na masinghot ang utot mo!” anito na ikinatawa naming lahat---maliban kay Isaak.
“Stop it you two” biglang singit ni Markus na nasa baba na ng track.
“At pwede ba magsibaba na kayo.
Maawa naman kayo sa baby ko!” anito na ang tinutukoy ay itong track niya.
“Baby. Monster Baby!?” mahinang saad ni Jake habang nagpagulong gulong patungo sa hulihan ng track.
“Markus! Saluhin mo akoooooo” nagpagulong gulong na saad nito.
Napailing nalang ako.
Mga baliw talaga.
“Panda” biglang paakbay ni Senyorito na ikinapukaw ng diwa ko.
“Nangiitak ba talaga ang Papa mo?” parang may pagaalalang tanong nito.
Hinarap ko ito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Binibiro lang kita kanina” natatawang saad ko.
Kaya ba parang nakalutang lang si Senyorito kanina habang nasa byahe, kasi nagaalala siya na baka itakin siya ni Papa?
“Talaga? Hindi talaga nangiitak si Papa?” tanong nito na ikinataas ng kilay ko.
“Papa?” nakataas ang kilay na tanong ko kay Senyorito.
Bigla namang ngumisi ang kupal.
“Advance ako Panda”
“Sky!” biglang tawag sa akin ni Kaito.
“Asan ba sa mga to ang bahay niyo?” tanong nito.
Binalingan ko siya. “Yang kulay pula ang bubong” saad ko habang tinuturo ang bahay naming hindi masyadong kalayuan sa kalsada.
“Ano pang hinihintay niyo?.
Lezzgo!” excited na sambit ni Kaito.
Excited na na maitak ang mga kupal.
Nagsibabaan na ang lahat pati na rin si Senyorito.
“Panda, tumalon ka, sasaluin kita” anito.
Dahil nga may tiwala ako sa kanya.
Walang pagaalinlangan akong tumalon.
And thankfully.
Nasalo naman niya ako.
MAKALIPAS ANG ILANG minutong paglalakad, sa wakas ay nakarating na din kami sa bahay. Ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng mapansing napakatahimik sa labas ng bahay.
Asan ba ang mga tao dito?
“Panda—”
“Bethanie? Ikaw ba yan?” biglang naputol si Senyorito ng may biglang nagsalita mula sa likoran. Halos sabay sabay kaming lumingon.
At ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makita si Papa……habang hawak hawak ang panabong niyang Manok!
Jusko naman!
“Bethanie” may babalang saad ni Papa. “Sino tong mga kasama mo?”
“Papa” may babala ding saad ko.
“Bakit hawak hawak mo na naman yang panabong mo?” nakataas ang kilay na tanong ko.
Nakita kong napakamot ito sa ulo.
“May pasabong kasi si Mayor sa barangay bu---Huwag mong iibahin ang usapan Bethanie. Sino itong mga kasama mo?” tanong na naman nito.
Huminga ako ng malalim.
Kailangan kong sabihi---
“Good morning, Sir” biglang saad ni Senyorito. “I’m Liam Sandoval, manliligaw ng anak niyo” anito na ikinatigil ko.
Nakita kong biglang natigilan si Papa.
“Manliligaw?” mahinang tanong nito.
“Anong kaya mong gawin para sa anak ko?” biglang tanong ni Papa na ikinalukot ng mukha ko.
“Papa—”
“Kaya po ni Liam na ibigay ang puso, atay, esophagus, balunbalunan, at kidney niya, para sa anak niyo Sir” biglang singit ni Max.
Pinukol ito ng tingin ni Papa.
“Hindi ikaw ang tinatanong k—”
“Sir! Nagmamay ari ng isang daang hektaryang lupa itong kakambal ko” pagsingit naman ni Senyorito Kian.
“Talaga?” parang manghang tanong ni Papa.
Kaagad naman tumango si Senyorito number 2. “Yes Sir! Meron siyang isang daang hektaryang lupa…. sa kuko niya” natatawang saad nito.
Pagak namang napangiti si Papa.
“Bethanie” biglang tawag nito sa akin.
“Pakikuha nga nung itak ko sa kwarto, yung bagong hasa” saad nito na ikinatigil ng lahat ng mga Abnormal.
“Papa” saway ko sa kanya.
Napabuntong hininga nalang si Papa
“Pumasok kayo dun sa bahay”