CHAPTER 16

“Where’s my I love you too?”

Tinig iyon ni Senyorito na pumukaw sa nakalutang kong diwa!

T-tama talaga yung narinig ko kanina!? Yung I love you!?

Seryoso ba talaga yun!?

Baka kasi nagbibiro lang itong si Senyorito.

“Panda, humihinga ka pa ba?” tanong nito habang sinusundot ang pisngi ko.

“Ha?” nakalutang na tanong ko.

Nakita kong napailing si Senyorito at kapagkuwan ay bigla nalang nitong pinitik ang noo ko! Ganun nalang ang pagigik ko kasabay ng pagbabalik sa nakalutang kong diwa.

“Bakit mo pinitik ang noo ko?” nakabusangot na tanong ko habang hinahaplos ang parte ng noo ko na pinitik ni Senyorito.

Bigla naman nitong kinuha ang kamay kong nakahawak sa noo.

Pagkatapos ay bigla nalang itong dumukwang at hinalikan ang parte ng noo ko na pinitik niya. “Ayan, magaling na” anito ng matapos niyang mahalikan ang noo ko.

Napailing nalang ako.

“Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?” biglang tanong ko sa kanya.

Bigla naman nitong pinulupot ang kanang braso niya sa beywang ko at hinapit ako palapit sa kanya. “Ang sabi ko nasaan na yung I love you too ko?” anito habang matiim na nakatingin sa akin.

Napabuntong nalang ako. “Gusto mong marinig ang I love you too ko?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

Mabilis pa sa alas kwatro itong tumango habang may mapang akit na ngiti sa kanyang mga labi.

Nginitian ko din siya ng pagkatamis tamis. “Paghirapan mo” sagot ko na biglang ikinalaglag ng balikat ni Senyorito. “Hindi mo pa nga ako nililigawan pero gusto mo ng marinig ang I love you too ko. Manigas ka jan sa kinauupoan mo” nakabusangot na saad ko.

Akala ko ay magagalit o hindi ba kaya ay malulungkot ito. Pero ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng makitang nakangisi lang ang kupal.

Pinaglalaruan lang ba ako ng lalaki nato!?

“Senyorito, pinaglalaruan mo lang ba ak—” Ganun nalang ang pagsinghap ko ng bigla nalang nitong sinwelyohan ang labi ko, gamit ang mga labi niya!

Banayad at mapangakit ang halik ni Senyorito. Tutugonin ko na sana ang halik niya ng bigla nalang niya itong pinutol.

“May naisip na ako, Panda” nakangiting saad nito. “Dito ka lang at umupo ka lang jan” anito at bigla nalang tumayo habang dinudukot ang cellphone niya sa bulsa.

Kunot noo kong tinitigan ang papalabas niyang bulto sa bahay.

Ano kaya ang gagawin ng kupal na yun!? Napabuntong hininga nalang ako. Bahala siya sa buhay niya.

Inabot ko ang remote sa may mesa at pinaandar ang tv. Panay lang pindot ko habang naghahanap ng magandang chanel.

Makalipas nalang ang ilang minuto.

Natagpuan ko parin ang sarili ko na pinipindot parin ang remote.

Asan na ba yung si Senyorito!?

Mabilis pa sa alas kwatro akong napabaling sa may pinto ng marinig na bumukas ito. At ganun nalang ang pagtaas ng kilay ko ng makitang isa isang nagsipasokan sa loob ang mga Abnormal na kaibigan ni Senyorito.

Ano naman ang ginagawa ng mga to dito!?

“Hey, Sky” nakangiting bati sa akin ni Senyorito Kian.

“Huwag mong ngingitian ang Panda ko kung ayaw mong matanggal yang mga ipin mo!” biglang pananakot ni Senyorito sa kakambal niya.

At kapagkuwan, bigla itong bumaling sa akin. “Panda, jan ka muna, mag me-meeting lang kami sa taas” pagpapaalam nito na ikinakunot ng noo ko.

Meeting? Ano naman ang pag me-meetingan ng mga Abnormal?

SPECIAL CHAPTER

(SENYORITO LIAM POV)

“L! Ano bang emergency itong sinasabi mo?” nagkakamot sa ulong tanong ni Jake habang komportableng nakahiga sa kama ko!

Pinukol ko ito ng nakamamatay na tingin. “Umalis ka nga jan sa kama ko!

Hindi ka chix para—”

“Isusumbong kita kay Sky” biglang putol nito sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at tumahimik. Baka isumbong niya nga ako kay commander.

“Siguradohin mo lang na importante to Liam” may babalang saad ni Max na nakasalampak ng upo sa sahig.

Kunot noo ko siyang tiningnan.

“Bakit jan ka nakaupo, Max?

May mga upuan naman—”

“Gusto kong nalalamigan ang puwet ko” putol nito sa akin na ikinasira ng pagmumukha ko.

“You’re so gross” puna ko sa kanya.

“At ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit nakaboxers ka lang?” nakataas ang kilay na tanong ko.

Mabuti nalang at hindi siya nakita ni Sky.  Dahil kung nagkataon, kalbo talaga ang labas ng lalaki nato!

“May isang lalaki kasing biglang tumawag na may emergency daw” pagpaparinig ni Max. “Kaya heto ako, nakaboxers lang na lumabas ng bahay. Naexpose pa tuloy ang kakisigan ng binti ko” mahanging saad nito.

“Shut your mouth everyone” malamig na singit ni Isaak. “Ano ba talagang emergency yung sinasabi mo Liam?” tanong nito habang nakaupo sa may pangisahang sofa. “Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo sa amin ng makabalik na ako sa hospital. May iniwan kasi akong naghihingalong pasyente dun sa OR, pinutolan siya ng ulo ng Misis niya kasi nahuling nangangaliwa. Mamaya ko nalang ibabalik ang ulo niya pagkatapos natin dito* seryosong pagkukuwento ni Isaak na ikinatahimik naming lahat.

Binalingan ko si Kian. Para itong namumutla sa kinauupoan niya.

Ayaw na ayaw pa naman niya sa ganyang mga kuwento.

“N-nagbibiro ka lang diba, Sak?” nanghihinang tanong ni Kaito na unang nakaimik sa aming lahat.

“Mukha ba akong nagbibiro?” seryosong balik tanong ni Isaak.

“Asan na yung ulo ng pasyente?” singit naman ni Markus.

“Nasa kaniya, pinahawakan ko muna, baka kasi gumulong” kibit balikat na sagot nito. “By the way, ano ba talaga ang kailanganmo, L?” biglang tanong ni Isaak.

Tumikhim muna ako para maibalik sa tamang huwisyo ang utak ko. “I need your help” seryosong saad ko.

“Liligawan ko si Sky, and I need, your suggestions kung paano—”

“Ligawan mo muna ang Papa niya!”

Sabay sabay na putol sa akin ng mga kupal.

“Huwag nga kayong magbiro” buntong hiningang saad ko.

“Seryoso ako dit—”

“Ligawan mo nga muna ang Papa ni Sky para maging madali nalang ang lahat para sayo” putol sa akin ni Kian.

“May alam ka pala sa panliligaw?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“I’m not like you” anito.

“Basta ligawan mo muna ang Papa ni Sky. Tapos ang usapan” saad ni Kios at bigla nalang itong tumayo.

“Aalis na ako” pagpapaalam nito.

“Teka lang—”

“Aalis na din ako” pagpapaalam din ni Jake.

“Me too”

“Me three”

“Me fou—"

“Ano ba naman kayo, hindi pa nga tayo nakakaplano—”

“Pupunta tayo sa probinsiya nila Sky bukas. Tapos ang usapan” saad ni Markus at tuloyan na silang nagsilabasan sa kwarto ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ang laki ng naitulong ng mga Abnormal!

Kapagkuwan, bigla akong natigilan ng may maalala.

“Hoy Max! Huwag kang dumaan sa sofa! Ayaw kong makita ka ni Sky! Pahabol na sigaw ko.