CHAPTER 18- TINOLA

“Madam, ang sarap niyo pong magluto ng tinola” puna ni Markus sa luto ni Mama.

“Hindi rin masyadong makakapal yang mga pagmumukha niyo” biglang pagmamaktol ni Papa na nasa isang sulok lang ng kusina.

“Mahal, huwag mo namang ganyanin ang magiging manug—”

“Basta, makakapal ang mga mukha ng mga batang yan” putol ni Papa kay Mama. “Kami noon kapag umaakyat ng ligaw, kami mismo ang nagdadala ng pagkain sa bahay ng babae” nakapanlumbabang saad nito.

Napailing nalang ako habang nasa tabi ni Senyorito.

Binalingan ko siya, magana itong kumakain ng tinola. Pati na rin ang mga Abnormal niyang mga kaibigan.

Lihim nalang akong natawa habang pinaglipat lipat ang tingin kay Papa at kay Senyorito. Kulang nalang kasi ay kulamin ni Papa si Senyorito dahil sa dilim ng pagkakatitig nito.

“Papa” biglang tawag ko sa kanya.

“Lumalamig na po tong tinola niyo—”

“Hindi ako kakain” nakabusangot na putol sa akin ni Papa.

“Ano ka ba Mahal” biglang singit ni Mama na nasa lababo, naghuhugas ng plato. “Huwag ka ngang isip bata at sumabay ka na sa kanila sa pagkai—”

“Mahal naman” putol na naman ni Papa kay Mama. “Sa tingin mo, kakayanin kong kainin ang sarili kong Manok?” saad nito na lihim kong ikinatawa. “Isasabong ko na sana yun bukas! Pero asan na ngayon? Andiyan na sa mesa, naging mainit na na tinola!” pagmamaktol na naman ni Papa.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko habang nagpipigil ng tawa.

Umalis kasi muna sandali si Papa kanina. At itong mga dakilang Abnormal, ang lakas ng karisma kay Mama. Biniro biro nila si Mama kanina na mukhang siksik daw sa laman ang panabong ni Papa at masarap daw gawing tinola.

At ayon nga, nabiro naman si Mama at naging mainit na tinola na ang Panabong ni Papa.

“Panda” biglang tawag sa akin ni Senyorito.

Binalingan ko siya. “Ano yu—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong sinubuan.

“Bakit ba hindi ka kumakain?” tanong nito. “Hindi ka rin kumain kaninang umaga” anito habang kunot noong nakatingin sa akin.

Napakamot nalang ako ng ulo.

“Wala lang akong ganang kumain ngayo—”

“May sakit ka ba?” biglang tanong nito habang sinasalat ang noo ko.

“Hindi ka naman maini—”

“Distansiya o Disgrasya?” biglang singit ni Papa.

Binalingan naman ng tingin ni Senyorito si Papa. “Grasya Papa” nakangiting saad ng kupal na ikinasira ng pagmumukha ni Papa.

“Aba! Anong Papa!! Papaitak ka sa akin bata ka—”

“Mahal, ano ka ba” singit na naman ni Mama. “Minsan na nga lang may dumalaw na manliligaw jan sa Anak mo, tatakotin mo pa” saad ni Mama na ikinapula ng pagmumukha ko!

Si Mama naman!

“Minsan?” biglang tanong ni Senyorito.

Pota!

“Oo, Iho. Kasi nung nagaaral pa yang si Bethanie, hindi yan nagpapaligaw. Sa katunayan nga, ikaw ang pinakaunang lalaking dinala niya dito sa baha—”

“Mama naman” putol ko kay Mama.

“Huwag mo ng ikuwento ang talambuhay ko” pagmamaktol ko.

“So, ako pala ang kauna unahang boyfriend ng Anak niy—”

“Ang sabi mo nanliligaw ka palang” putol na naman ni Papa kay Senyorito. “Tapos ngayon, sasabihin mong boyfriend ka na ng anak ko?

Aba, hindi at—”

“Advance ako Papa” nakangising putol ni Senyorito kay Papa.

“Mukha ngang advance kang bata ka” nagpatango tangong saad ni Papa.

“Papayag na akong ligawan mo ang anak ko” saad nito na ikinalaki ng mata ko.

Ganun lang kadali!?

“Talaga—”

“Sa isang kondisyon” singit ni Papa.

“May palaro mamaya sa barangay,

Habolan ng baboy. Sasali kayo dun, at kailangan niyong mahuli ang Baboy para ibigay ko na sayo ang blessing ko” anito.

“Papa nama—”

“Copy that Sir!” biglang saad ni Senyorito. Kapagkuwan ay bumaling ito sa akin. “Ayos lang ako Panda”

Tsk! Sana nga maging okay ka lang Senyorito.

“WOW! Ito pala ang Plaza!” parang manghang saad ni Jake ng makarating na kami sa Plaza ng baranggay.

Seryoso talaga si Papa sa sinabi niya kanina. Kung tutuusin, may PAGKAABNORMAL din kasi yang si Papa minsan kapag nasasapian.

“Ang ganda pala ng Plaz—”

“Taga saang planeta ka ba nakatira at ngayon ka lang nakakita ng Plaza?” biglang tanong ni Papa.

“Tito, taga pluto yang si Max” biglang singit ni Kios. “Baka gusto niyong bumisita dun minsan?” nakangising tanong nito.

“Ayaw ko” kaagad na tanggi ni Papa.

“Ayaw ko sa mga Alien. O siya, dito muna kayo at pupuntahan ko muna si Mayor” anito at tuloyan ng umalis.

“Doon muna kami ni Kaito sa may nakatayong kawayan na may bandera sa ibabaw” pagpapaalam ni Max.

“Maglilibot din muna kami” pagpapaalam din ni Markus at Isaak.

“Kami din” saad ni Senyorito Kian at inakbayan si Jake.

Makalipas lang ilang segundo.

Nagsialisan na sila at naglaho nalang na parang bula.

“Panda” biglang kuha ni Senyorito sa attensyon ko.  “Tayo, saan naman tayo pupunta?” tanong nito habang inaakbayan ako.

Napakamot nalang ako sa noo.

Saan nga ba? Dalawang taon na din kasi akong hindi nakakauwi at marami ng pinagbago ang lugar nato.

Noong college pa ako.

Hindi pa naman ganito kaganda itong Plaz—Kaagad akong napatigil sa pagsasalita ng bigla nalang hinawakan ni Senyorito ang kamay ko at hinila ako kung saan patungong deksyon.

“Senyorito, saan tayo pupunta?” kunot noong tanong ko habang nagpapatianod.

“May nakita ako. Mukhang masaya” nakangiting saad nito. Hindi nalang ako komontra at nagpatianod nalang.

MAKALIPAS ang ilang minutong paglalakad, bigla kaming huminto sa isang mukhang nakakatakot na parang bahay.

Kunot noo kong binalingan si Senyorito na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa akin.

“Ano ba tong lugar nato?” kunot noong tanong ko.

“Bakit ako ang tinatong mo Panda.

Diba ikaw ang taga rito?” balik tanong nito habang inaakbayan ako.

“Wala pa naman to dito dat—” Ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng bigla nalang akong nakarinig ng mga tili at hiyaw mula sa loob!

Jusmi! Horror house bato!?

Pasimple akong humakbang palayo kay Senyorito. Pero nakaisang hakbang palang ako, mas lalo ng humigpit ang pagkakaakbay nito dahilan upang hindi na ako makahakbang!

Binalingan ako nito. “Are you escaping, baby?” tanong nito sa mapangasar na boses.

Kaagad kong tinampal ang balikat niya. “Huwag mo nga akong maasar asar” nakabusangot na saad ko.

“Umalis na tayo dito. Sa iba nalang tayo pumunta”

“Natatakot ka ba Panda?” nakangising tanong ng kupal!

Syempre! Takot talaga ako sa mga Horror house!

Nung college kasi pumasok kami sa horror house ng mga kaklase ko.

At ayon, pagpasok namin hindi ko kinaya yung takot kaya hinamatay ako! Yun na ata ang pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ko! At ayaw ko ng maulit yun!

“Oo, natatakot ako kaya huwag na tayong pumas—”

“Pumasok na tayo” anito habang hinihila ako papasok! “Nandito naman ako kaya huwag kang matakot”

“Ayaw kong pumasok. Ayaw ko Senyorito!” nagpupumiglas na anas ko.

Ayaw ko talaga! Natatakot ako!

Bigla naman itong huminto sa paglalakad at hinarap ako. “Panda, samahan mo na ako, ngayon lang naman to” anito habang hinahaplos ang pisngi ko. “At isa pa, I want to make good and happy memories with you, kaya pagbigyan mo na ako” naglalambing na saad nito.

Napabuntong hininga nalang ako.

Bakit ba napakarupok ko pagdating sa lalaki nato!?

“Payag ka na?” nakangiting tanong ni Senyorito.

“As if naman na may choice ako” buntong hiningang sagot ko.

“Hindi talaga ako kayang tiisin ng Panda ko, pasok na tayo” anito at tuloyan na kaming pumasok sa loob.

Jusko! Kayo na pong bahala sa akin!

Kaagad akong napayakap sa braso ni Senyorito ng makapasok na kami sa loob! “S-senyorito” natatakot na saad ko. “Ang dilim naman dito” Ang dilim ng paligid habang nagpapatuloy kaming naglalakad ni Senyorito sa loob.

Kandila lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. May roon ding maraming mga bungo at buto na nagkala--- “AHHHHHH!!!! ANAK NG TIKBALANGGGG!!” ganun nalang ang paghiyaw ko ng may bigla nalang sumulpot na mukhang maligno sa harapan namin! Kaagad akong nagtago sa likoran ni Senyorito!

“Ano ka ba Panda” biglang natatawang saad ng kupal!

“Hindi yan anak ng tikbalang.

Ama yan ng tikbalang, tingnan mo oh, mukhang matanda na---ARRAYY Panda!” ganun nalang ang pagigik nito ng bigla ko nalang piningot ang teynga niya.

“Huwag mo kong tatawanan, Senyorito” may babalang saad ko.

“Ang sabi mo kanina, huwag akong matakot kasi kasama naman kita.

Pero ngayon—”

“Bitiwan mo muna ako Panda” biglang putol nito sa pagsasalita ko.

“Ayaw ko nga!” mabilis pa sa alas kwatrong tanggi ko. “Paano kung bigla nalang akong kainin ng tikbalang na yan”

“Kaya nga” mahinahong saad nito.

“Bitawan mo muna ako para mabugbog ko yang tikbalang na yan para sayo” anito.

“Bubugbogin mo talaga yang tikbalang na yan para sa akin?” may paniniguradong tanong ko.

Tango lang isinagot nito sa akin.

Nagdadalawang isip man.

Bumitaw pa rin ako.

Bahala na si Batman. Ang importante, mapaalis na yang tikbalang na yan sa daan!

“Go Senyorito!” Cheer ko sa kanya.

“Humanda ka na tikbalang dahil pupolbusin na kit—”

“T-teka lang Sir” biglang saad ng tikbalang. “T-trabaho lang po tong sa akin. Huwag niyo po akong bugbogin” anito na parang natatakot.

“Ah, ganun po ba” nagkakamot sa ulong saad ni Senyorito. “Pasensya na po—” Napatigil sa pagsasalita si Senyorito ng bigla nalang kumaripas ng takbo ang tikbalang.

Bigla naman ako nitong binalingan.

“Wala na ang tikabalang Panda” nakangising saad nito. “Ang tapang ko, diba?”may pagmamalaking tanong ng kupal.

Napailing nalang ako, at bigla nalang sinugod ng yakap si Senyorito.

“Thank you” naglalambing na saad ko.

“Dapat pala dalhin nalang kita sa Horror house palagi, para palagi din akong may yakap” anito habang niyayakap din ako pabalik.

“Subukan mo at isasako talaga kita” saad ko na ikinatawa lang ng kupal.

“Labas na tayo” biglang pagaya ko.

Baka kasi bumalik pa yung tikbalang at magdala ng resbak.

“I love you, Panda” biglang saad ni Senyorito na ikinatigil ko.

“Alam kong hindi ka pa handa na sabihan din ako ng I love you to—”

“Mahal na din kita Senyorito” putol ko sa kanya. “Matagal na akong handa pero—” Ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng maramdamang bigla nalang itong hindi na gumagalaw.

Kunot noo ko siyang binalingan.

At mas lalong kumunot ang noo ko ng makitang nakatulala lang ito!

Anong nangyari sa lalaki nato!?

“Hoyy, Senyorito, okay ka lang?” tanong ko habang sinundot sundot ang pisngi niya. “Senyorit—”

“M-mahal mo na din ako?” biglang tanong nito.

Bumalik na siguro sa kanya yung espirito niya.

“Bingi ka ba—” Ganun nalang ang pagsinghap ko ng bigla nalang ako nitong hinalikan sa pisngi na parang nanggigigil!

“I love so much Panda!”