CHAPTER 13- LOVE IS IN THE AIR

“Senyorito, bitiwan mo muna ako” saad ko.

Naiihi na kasi ako. Baka pumutok pa tong pantog ko. Pero embes na bumitaw mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Hindi na nga isip bata si Senyorito pero napakatigas parin ng ulo nito!

Ganito din ba siya sa mga naging babae niya dati?

Sa isiping yun. Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko.

Paano kung sa pagbalik niya sa dating siya ay bumalik din ang pagiging babaero niya?

Ipinilig ko ang ulo. Ano namang meron kung mambabae ulit si Senyorito? Wala namang kami at maid niya lang naman ako.

Kung dati, normal lang tong pagyakap at pagtabi ko sa kanya, pero ngayon iba na. Hindi na siya isip ba---

“Arrrayyy!” Ganun nalang ang pagigik ko ng bigla nalang pinitik ni Senyorito ang noo ko!

Binalingan ko siya ng iritadong tingin.

“Ano bang problema mo?” Nakataas ang kilay na tanong ko.

Hindi rin nagpatalo ang kupal at tinaasan din ako ng kilay! “Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang jan” anito. “Parang sa ating dalawa, ikaw yung inoperahan at hindi ako”

Ako ang inoperahan ha!

Bigla akong bumangon at lumayo kay Senyorito.

“Sky, tangina, bumalik ka dito” pagmumura nito.

Mas lalong tumaas ang kilay ko ng marinig ang pagmumura niya.

“Anong sabi mo? Tangina ako?” Nakapameywang na tanong ko.

Bigla naman itong napahilamos sa sariling mukha. “Fuck! That’s not what I mean!”

“Sinisigawan mo ba ako!?”

“Shit! No I’m not! It’s just—”

“Minumura at sinisigawan mo ba ako?” Nakapameywang na tanong ko sa kaniya.

Nakita kong napabuntong hininga si Senyorito. “Fuck! I need to stop cussing!” Pabulong na saad nito pero naririnig ko parin.

“Hello, Mr. Sandoval!”

Halos sabay kaming napabaling ni Senyorito sa may pinto. At ganun nalang ang pagtaas ng kilay ko ng makitang halos kita na ang kaluluwa ng nurse dahil sa ikli ng suot niya!

Hindi naman ganyan kaiksi ang mga uniform ng ibang nurse na nakita ko kanina! Namumungay ang mata nito habang nakatingin kay Senyorito.

“Oras na para sa ikalawang injection mo” anito at nilagpasan lang ako na parang hangin!

Aba!

“Kumusta na ang pakiramdam mo Mr. Sandoval?” Nagpapacute na tanong ng higad na nurse habang hinahanda ang mga karayom.

Bigla namang ngumiti si Senyorito.

“Maayos na ang pakiramdam ko” nakangiting sagot nito habang matiim na nakatitig sa maikling suot ng impaktang nurse.

Ang sarap dukutin ng mata ni Senyorito!

“Mabuti naman. Huwag lang maging matigas ang ulo mo at nakatitiyak akong maaga kang makakalabas dito” anito habang inaayos ang buhok ni Senyorito!

Bigla akong natigilan sa eksenang nasaksihan. At sa hindi malamang kadahilanan, kumirot na naman ang puso ko!

Ang daya ni Senyorito! Bakit ba nagpapahawak siya sa higad na nurse na yan!? Hindi ba niya alam na nagsesel—Kaagad kong pinilig ang ulo.

Hindi pwede! Hindi ko pwedeng maramdaman ang emosyon nato!

Bigla akong tumikhim dahilan upang nabaling ang attensyon ng dalawa sa akin. At ganun nalang ang pagkunot ng noo ko ng bigla nalang lumayo si Senyorito sa higad na nurse na animo’y binuhusan ng malamig na tubig.

“Shit!” Malutong na naman na mura nito. “Sky, I’m sorry” biglang paghingi nito ng tawad.

“Para saan?” Kunot noong tanong ko.

“Kasi nagpahawak ako sa ibang babae” mabilis pa sa alas kwatrong sagot nito.

“Excuse me—”

“Can I have a minute, please” biglang putol ni Senyorito sa sasabihin ng nurse. “And also, bumalik ka dun sa pinagtahian mo ng uniform na yan.

Kinupit ata ng mananahi ang kalahati ng tela niyang uniform mo” saad nito na ikinapula ng pagmumukha ng nurse.

“At ikaw Sky” pagpapatuloy nito.

“Huwag kang magsusuot ng ganiyang kaiksing damit kung ayaw mong makakita ako ng away”

Napabuntong hininga nalang ako.

PAGKATAPOS turukan ng pangalawang injection ng higad na nurse si Senyorito. Sa wakas ay lumabas din ito.

Mabuti nalang at lumabas siya kaagad. Dahil kung hindi, sa kanya ko mismo ituturok yung karayom na dala dala niya. Sa hindi malamang kadahilanan, gusto kong kalbohin ang nurse na yun. Kung mag pacute kay Senyorito, animo’y hitong na vitchinan!

“Mukhang uulan pa ata” Napukaw ang diwa ko ng biglang marinig ang boses ni Senyorito.

Wala sa sarili naman akong napabaling sa may bintana.

Maaaliwalas naman ang panahon.

Kunot noo kong ibinalik ang tingin kay Senyorito. “Paanong uulan?

Maaliwalas naman ang panahon” kunot noong saad ko.

“Hindi naman yung panahon ang tinutukoy ko, kundi yang pagmumukha mong kasing dilim ng ambon” seryosong saad nito.

Kinagat ko ang pangibaba kong labi para pigilan na naman ang tawang gustong kumawala sa labi ko.

Natatawa na naman ako!

“Sky” Biglang tawag nito.

“Tinatawanan mo na naman ba ako?”

Nakataas ang kilay na tanong ni Senyorito.

Kaagad akong umiling habang kagat kagat ang labi ko. Natatawa na naman ako kasi kung kanina nageenglish siya, ngayon naman ay napakalalim na ng tagalog niya. Nakakatawa parin pala si Senyorito kahit hindi na siya isip bata.

“Fuck!” Biglang mura nito na ikinapukaw ng diwa ko.

Tiningnan ko siya ng masama.

“Magmumura ka na nam—”

“Stop that” madilim na putol nito sa akin.

“Ha?” Naguguluhang tanong ko.

Ano naman ang ihihinto ko? Nakatayo lang naman ako dito at walang ibang ginagawa?

“Stop biting your lips, damn it!” pagmumura na naman nito.

“It’s turning me on!”

“Turning you on? Bakit? Naka off ka ba ngayon?” Kunot noong tanong ko.

Nakita kong napabuntong hininga si Senyorito. “Lumapit ka dito” biglang tawag nito.

Ano na namang ka dramahan to?

“Bakit ko naman gagawin yun?”

Nakapameywang na tanong ko.

“Ipapaliwanag ko lang sayo ng mabuti kung bakit ako na t-turn on”

Nagdadalawang isip man. Lumapit pa rin ako sa kanya. Gusto ko ring malaman ang dahilan. Sabi nga nila curiousity kills the cat.

Umupo ako sa kama katabi ni Senyorito. “Ano ba ang dahilan at—”

Naputol ako sa pagsasalita ng biglang hinawakan ni Senyorito ang braso ko at hinila ito!

Nawalan ako ng balanse at napadagan sa kaniya! At ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makitang halos ga hibla nalang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa!

“Para mas maintindihan mo.

Ipapakita ko nalang sayo ang dahilan” anito habang matiim na nakatitig sa mga labi ko!

Jusko! May pagkamarupok pa naman ak—Ganun nalang ang pagsinghap ko ng biglang hinawakan ni Senyorito ang batok ko at hinila ito dahilan upang nagdikit ang labi naming dalawa!

Jusmi!

Para lang akong nakaestatwa sa posisyon ko habang nagsisimula ng gumalaw ang labi ni Senyorito sa pagitan ng mga labi ko.

Anong gagawin ko!?

Sa ganitong pangyayari dapat ay---

Parang biglang nagliyab ang katawan ko ng biglaang kinagat ni Senyorito ang pangibabang labi ko, na naghatid ng init sa buo kong katawan.

Mula sa banayad, biglang naging mapusok ang halik nito habang nagsisimula ng maglakbay ang kamay niya. Hindi ko na kayang pigilan ang tawag ng katawan!

Napaungol nalang ako ng biglang ipinasok ni Senyorito ang kamay niya sa loob ng blouse ko habang gumagapang na ang halik niya papunta sa aking leeg.

“Se-senyorito” impit na ungol ko ng bigla nalang nitong kinagat ang leeg ko.

“Fuck! Your moan is turning me on, baby” anito at sinipsip na naman aking leeg habang banayad nitong minamasahe ang aking dibdib.

Pota! Mababaliw na ata ak---

“Liam”

Ganun nalang ang panlalamig ng pagkatao ko ng biglang marinig ang boses ni S-senyorito Kian!

Napahinto naman si Senyorito sa ginagawa niya at bumaling sa may pinto.

“Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ni Senyorito.

“Wala sa bukabularyo ko ang salitang yan” anito. “At pwede ba, sa susunod huwag kayo dito sa hospital magkainang dalawa. Kakagaling mo lang sa operasyon pero umaandar na kaagad yang kahalayan mo. At dinamay mo pa talaga si Sky” Pangaral ni Senyorito Kian na ikinapula ng pagmumukha ko!

Panginoon! Kunin mo na po akoooo!!!