CHAPTER 14- THE TWINS
MABILIS pa sa alas kwatro akong bumangon. “Alam mo Senyorito Kian, hindi naman talaga ganun ang—”
“Anong tingin mo sa akin duling?” pamimilosopo nito na ikinatahimik ko. Mas mabuti pang manahimik nalang ako dito.
“Bakit ka ba nandidito?” biglang tanong ni Senyorito.
“Bakit? Bawal ba ako dito?” balik tanong ni Senyorito Kian.
“You’re an Asshole” buntong hiningang puna ni Senyorito.
“If I’m an Asshole, you’re an idiot”
Hindi rin nagpatalo si Senyorito number 2.
“Moron!”
“Stupid!”
“Airhead!”
“Blockhead!”
“Fool!”
“Dummy!”
*Dimwi—”
“Tatahimik kayo I iuumpog ko yang ulo niyo sa isat isa!?” pag awat ko sa kanilang dalawa
Ang iingay!
“Fuck you!”
“Fuck you!”
Sabay na saad ng dalawa na ikinakulo ng dugo ko!
Tumayo ako at hinarap sila.
“Minumura niyo ba akong dalawa!?”
“No baby, si Kian ang minumura ko!”
“Hindi ikaw ang minumura ko Sky, kaya huwag kang mangialam!”
“Bakit niyo ako tinataasan ng boses!?” nakataas ang kilay na tanong ko.
Bigla namang kinuha ni Senyorito ang extrang unan at bigla nalang itong binato kay Senyorito Kian.
“Lumabas ka nga dito! Ikaw pa ang magiging dahilan kung bakit kami magaaway ng baby ko!”
“Baby mo? Ang lakas mang angkin wala naman kayong label!” balik sigaw ni Senyorito Kian habang hawak hawak ang noo niya na natamaan ng unan.
Biglang natahimik si Senyorito at binalingan ako. “Edi liligawan ko siya” kagat labing saad nito na ikinalambot ng tuhod ko!
Kaagad akong nagiwas ng tingin kay Senyorito.
Jusko puso! Kalma ka lang!
Nagbibiro lang yang si Senyorito.
“Panliligaw?” biglang tanong ni Senyorito Kian. “Alam mo pala ang salita na yan” natatawang saad nito.
“Sa pagkakaalam ko kasi magaling ka lang manligaw sa kam—” Biglang naputol si Senyorito Kian ng unan na talaga ni Senyorito ang binato niya.
“Ang dami mong alam!”
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang unan na binato ni Senyorito. Pinulot ko ito at bumalik sa pagkakaunan kay Senyorito.
“Huwag ka ngang malikot.
Kakagaling mo lang sa opera—”
“Panda, papayag ka naman na ligawan kita, diba?” naglalambing na tanong nito.
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Anong Panda?” nakataas ang kilay na tanong ko habang inaayos ang pagkakaunan niya.
“Ang cute mo kasing magalit.
Para kang Panda” nakangising saad nito.
“Iwan ko sayo”
“Papayag ka naman na ligawan kita, diba?” tanong na naman nito.
Napabuntong hininga nalang ako.
“Magpagaling ka muna bago mo isipin ang bagay na yan—”
“Pero magaling na ako” may diin na saad ni Senyorito.
“Talaga?” biglang singit ni Senyorito Kian. “Sige nga. Kung magaling ka na talaga, pumunta ka nga sa banyo magisa”
Bigla namang sinamaan ng tingin ni Senyorito ang kakambal niya.
“Ang sarap mo talagang isako” anito.
“Isasako mo ang pagmumukhang to?” nakangising tanong ni Senyorito Kian habang tinuturo ang pagmumukha niya.
“Mukhang tsunggo!”
“Magkamukha lang tayo”
Bumuga naman ng iritadong hininga si Senyorito.
“Basta, liligawan kita Panda sa ayaw at gusto mo”
“Can you please turn down your voices a bit. Nabubulahaw ang mga pasyente sa katabing kwarto dahil sa kaingayan niyo” Halos sabay kaming napabaling na tatlo sa may pinto ng marinig ang boses ni Doc. Isaak.
“Hi, Doc” nakangiting bati ko.
“Panda, huwag mong ngingitian ang kupal na yan. Nagseselos ako” biglang saad ni Senyorito.
Napabuntong hininga nalang ako.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mabwibwiset.
“You’re jealous?” biglang tanong ni Doc. Isaak.
“Oo, ano naman ngayon” nagsisiga sigaang sagot ni Senyorito.
“Sana pala kinuryete ko nalang ang utak mo para hindi ka na makaalala” mahinang saad ni Isaak pero naririnig ko parin.
Mga baliw talaga tong mga kaibigan ni Senyorito.
“May sinasabi ka, Sak?” biglang tanong ni Senyorito.
“Nothing” bored na sagot ni Doc.
“Oh, right” anito na parang may naaalala. “Sky, may sasabihin pala ako sayo”
Kunot noo kong binalingan si Doc.
“Ano yun Doc?”
“Hoy, Sak! Anong sasabihin mo kay Sky!?” biglang singit ni Senyorito na parang natataranta sa kinahihigaan niya.
“Bakit parang natatakot ata tayo kapatid?” mapangasar na tanong ni Senyorito Kian.
“H-hindi ako natatakot” nauutal na sagot ni Senyorito.
Ano bang nangyayari sa lalaki nato?
“Sky, Panda, Baby, kahit anong sasabihin niyang si Isaak. Promise nakaraan na yun. Hindi ko na ginagawa yun, at hindi ko na gagawin ang ang mga bagay ba—”
“Anong bagay yang sinasabi mo, Senyorito?” putol ko sa kanya.
“At pwede ba, mag hunos tili ka jan sa hinihigaan mo at baka malaglag ka pa” awat ko sa kaniya.
Para kasi itong kiti kiti sa kinahihigaan niya.
“What’s happening to you, Liam?” malamig na tanong ni Isaak.
“Nagpapahalata ka lang talaga”
“Nagpapahalata na?” singit ni Senyorito Kian.
“Nagpapahalata na may maitim kang tinatago” pagpapatuloy ni Doc.
“Wala akong tinatago” mabilis pa sa alas kwatrong saad ni Senyorito.
Humugot ako ng malalim na hininga.
“Anong tinatago ba yang pinagsasabi niyo?” pagsingit ko.
“Panda, nakaraan na yu—”
“Yun bang pagiging babaero mo dati”? putol ko sa kanya.
Bigla namang natahimik si Senyorito na animo’y naputolan ito ng dila.
“Liam has been slain!” natatawang saad ni Senyorito Kian.
Napabuntong hininga nalang ako ng makitang hindi makatingin sa akin ng deretso si Senyorito. Marunong din palang mahiya ang kupal nato.
Nilapitan ko siya at umupo ako sa kama.
“Wala naman akong pakialam kung babaero ka dati” biglang saad ko dahilan upang napatingin sa akin si Senyorito.
“T-talaga?” tanong nito.
Nginitian ko siya. “Oo naman” nakangiting sagot ko. “Basta huwag mo lang susubukang mambabae ulit, kasi babalatan talaga kita ng buhay” saad ko habang mas lalo pang lumapad ang ngiti ko.
Nakita ko namang napalagok ng laway si Senyorito. “Nakakatakot” mahinang sambit nito.
“May sinasabi ka, Senyorito?” may babalang tanong ko.
“Ang sabi ko, kiss mo ako” nakangusong saad nito.
“Ehem! Label muna, Label” biglang singit ni Senyorito Kian.
“Bawal sayo ang extreme mix of emotion, Liam” paalala naman ni Doc.
“Baka bigla ka nalang mangisay jan sa kinahihigaan mo”
“Bakit ba napaka inggitero niyong dalawa?” nakataas ang kilay na tanong ni Senyorito.
“Bakit naman kami maiingit sa walang label na—”
“Liligawan ko nga si Panda” putol ni Senyorito. “Magkaka label kami, magkakaanak tapos magpapakasal” anito na ikinataas ng kilay ko.
“Teka nga” singit ko.
“Bakit Panda? Ayaw mo ba na-----
“Hindi naman yun” putol ko sa kanya.
“Ang pinagtataka ko lang, bakit nauna ang anak kaysa sa kasal?” kunot noong tanong ko.
Bigla namang ngumisi si Senyorito.
“Advance ako Panda” nakangising saad nito. “Maghintay ka lang kapag nakalabas na ako dito”