CHAPTER 12- HE’S BACK

KANINA pa ako humuhugot ng malalim na hininga dito sa labas ng OR! Isa isa lang kaming pwedeng pumasok sa loob. At kapag lumabas na si Kios, ibig sabihin ako na ang susunod!

Anak ng putakti! Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa loob!

Paano kung hindi na nga niya talaga ako makilala!? Jusko! Huwag naman sana!

Okay lang sa akin na bumalik sa pagiging aliporis ni Satanas si Senyorito basta huwag niya lang akong makalimotan. Sinabi na kasi lahat ni Senyorito Kian kanina ang mga kabulastogang pinanggagawa ni Senyorito noon. Pati na yung mga pamababae niya! Minus points to heaven siya dahil dun.

Jusko---

“Hindi kaya maubos na ang hininga mo niyan, Sky?” Kaagad akong natigilan ng marinig ang boses ni Kios!

Binalingan ko siya. “T-tapos ka na?” Kinakabahang tanong ko.

“Tapos na ako kaya pumasok ka na” bored na saad ni Kios.

“Ano kasi.. kinakabahan ak—“Naputol ako sa pagsasalita ng bigla nalang akong hinila ni Kios papasok!

Tangina!

“Huwag ka ngang praning at pumasok ka na jan. Aalis na ako” biglang pagpapaalam ni Kios.

Ano ba naman yan! Iniwan pa akong magisa dito!

“Kios! Samahan mo muna ako—”

“So noisy”

Kaagad akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni Senyorito! Bumalik na nga siya sa katinuan dahil may paenglish english na siyang nalalaman!

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago humarap sa kanya.

Bahala na si Batman!

Humarap ako kay Senyorito at nakita kong nakahiga ito sa hospital bed habang seryosong nakatitig sa akin!

N-naalala niya kaya ako!? Hindi ito nagsasalita at seryoso lang na nakatitig sa akin.

Iwan ko lang, pero bigla kong namiss ang isip batang Senyorito.

Sa ganitong pangyayari kasi, kapag nakikita niya ako palagi niya akong sinusugod ng yakap.

Hindi ganitong nakatitig lang siya sa akin!

Lumipas nalang ang ilang minuto.

Nakatayo parin ako sa may pinto habang nakikipagtitigan kay Senyorito. Wala talagang nagsalita sa aming dalawa! Baka maabutan nalang kami ng bukas dito dahil sa ginagawa namin!

Huminga muna ako ng malalim. Ako na ang uuna.

Tumikhim muna ako. “K-kumusta na ang ulo mo? Masakit pa ba?” tanong ko habang hindi makatingin ng deretso.

Nakabenda kasi ang ulo ni Senyorito.

Lumipas nalang ang ilang minuto at hindi parin ito sumagot!

Deretso akong tumingin sa mata niya.

Hindi na nga ba niya ako nakilala!?

“Ahhmm. N-nakikilala mo pa naman ako, diba?” Kinakabahang tanong ko.

“Senyorito?” Nakatitig lang ito sa akin at hindi sumasagot!

Nagsisimula ng maginit ang ulo ko dahil sa lalaking to! Oo at hindi lang naman ang sagot! Tapos ayaw niyang sumagot!? Tanggalin ko kaya ang dextrose na nakakabit sa kanya baka sakaling maalala niya talaga ako!

Humugot ako ng iritadong hininga.

“Ayaw kitang sermonan kasi kakagaling mo lang sa operasyon!” Nakapameywang na anas ko.

“Pero pinapainit mo na talaga ang ulo ko! Oo at hindi lang naman ang isasagot mo sa aki—”

“Who are you again?” Biglang tanong nito na ikinatahimik ko.

A-ano daw? P-pakiramdam ko biglang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa tanong na yun!

H-hindi na niya ako naaalala!?

Seryoso lang na nakatitig sa akin si Senyorito. Pakiramdam ko malalaglag na ang mga luha sa mata ko.

Ay mali! Mukhang ang mata ko na ata ang malalaglag!

Tinalikoran ko si Senyorito.

Lalabas muna ako! Kailangan ko munang ilabas tong mabigat na nakadagan sa dibdib ko!

Itutulak ko na sana pabukas ang pinto ng bigla nalang….

“You promise me”…. nagsalita si Senyorito! Kaagad ko siyang binalingan.

Seryoso parin itong nakatitig sa akin.

“Nangako ka” seryosong sambit ni Senyorito. “Na kapag pagkagising ko, mukha mo ang una kong makikita” anito dahilan upang nagsilaglagan na talaga ang mga luha ko.

Hindi niya ako nakalimotan!

Mabilis pa sa alas kwatrong sinugod ko ng yakap si Senyorito. Tinawid ko ang pagitan naming dalawa at niyakap siya ng napakahigpit.

Akala ko talaga nakalimotan na niya ako!

Kulang nalang ay daganan ko si Senyorito. Bahala siya sa buhay niya!

Basta masaya ako kasi hindi niya ako nakalimotan!

“Fuck!” Biglang malutong na mura nito dahilan ng pagkasira ng mukha ko!

Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng masama. “Anong sabi mo?” Nakataas ang kilay na tanong ko.

“Fuck” anito.

Aba at inulit pa talaga ng kupal!

Tinaasan ko siya ng kilay. “Minumura mo ba ak—”

“I’m not cussing at you” biglang putol nito. “Why would I cu—”

“Para saan yung pagmumura mo” Nakataas ang kilay na putol ko.

“I’ve been celebated for two years, baby” nakangising saad ng kupal!

“At dahil bigla mo akong dinaganan.

Biglang nabuhay ang pagkalalak—”

Bigla kong tinampal ang braso ni Senyorito dahilan upang napatigil ito sa pagsasalita.

“Napakahalay mo. Kutusan kaya kita jan!”

Mas lalo namang ngumisi ang kupal!

“Mali pala ako. Hindi pala ako celebated ng dalawang taon” nakangising saad ni Senyorito. “May isang beses pala na nilabasan ako kasi tinulongan mo akong makaraos—”

Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Senyorito! Nagkukulay kamatis na siguro ang pisngi ko ngayon!

Pati yun naaalala niya!?

Nakakahiyaaaa!!

Kanina puno ng pag-aalala ang systema ko, pero ngayon pakiramdam ko biglang naglaho ang lahat ng sabihin nitong hindi ako nito nakalimotan.

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig ni Senyorito.

Baka mabinat pa siya.

“Napakahalay mo” saad ko habang hindi makatingin sa kanya ng deretso.

Hindi ko gusto ang uri ng pagkakatitig niya sa akin. Masyadong malagkit!

“By the way, hindi pa tayo bati” biglang saad nito.

Kunot noo ko siyang binalingan.

Seryoso itong nakatingin sa akin.

“You promise before I--- Tinatawanan mo ba ako?” Biglang tanong nito.

Kinagat ko ang pangibabang labi para pigilan ang tawa ko. Natatawa talaga ako! Umiwas ako ng tingin kay Senyorito.

Natatawa lang ako kasi…kasi hindi lang ako sanayng marinig na nag eenglish si Senyorito! Baliw na siguro ak--- Ganun nalang ang pagsinghap ko ng bigla nalang akong hinila ni Senyorito at napasubsob ang pagmumukha ko sa dibdib niya.

Ipinihit niya ang beywang ko dahilan upang napatabi ako sa paghiga sa kaniya.

“Se-senyorito, baka mabinat—”

“Pasalamat ka at hindi pa ako pwedeng gumalaw galaw” putol nito sa akin. “Kasi kung nagkataon, hindi ka na talaga makakalakad” anito na ikinalaki ng mata ko!

Tiningala ko si Senyorito.

“Wawasakin mo ang paa ko?” May pagaalalang tanong ko.

Nakita ko namang napabuntong hininga si Senyorito, at kapagkuwan bigla nitong inilapit ang bibig niya sa teynga ko.

“Hindi paa mo ang wawasakin ko” biglang bulong nito. “Iba ang gusto kong wasakin”

“Ano ba talaga ang wawasakin mo!?” Nakataas ang kilay na tanong ko.

Bigla naman itong ngumisi.

“Yang kweba mo”

HAHAHA ang halay ni Liam!