CHAPTER 11- HOSPITAL

HUMINGA muna ako ng malalim bago pumasok sa kwarto ng hospital kung nasaan si Senyorito.

Maya maya ay ooperahan na siya.

Kinakabahan ako! Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng operasyon!? Maaalala pa ba kaya niya ako? O tuluyan na niya akong nakakalimotan? Babalik na kaya siya sa dating siya, o mananatili parin siyang ganyan?

Iwan ko na talaga! Sa kinikilos ko ngayon parang ako ang ooperahan at hindi si Senyorito!

Mababaliw na talaga ak--- Napatigil ako sa pagiisip ng may biglang tumulak sa akin papasok!

Iritado ko itong binalingan at nakita kong si Senyorito Kian pala.

“Ano bang tinatayo tayo mo jan?” tanong nito. “Pumasok ka na”

“Ano kasi. Kinakaba—”

“Skyyyyyy!” kaagad na nabaling ang attensyon ko kay Senyorito ng marinig na tumawag ako nito.

Nakangiti ito habang nakahiga sa kama.

“Pumasok ka na” saad ni Senyorito at tinulak na naman ako papasok. “Isang oras nalang at ooperahan na si Liam.

Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa kanya. Aalis na ako” anito at bigla nalang umalis.

Humugot ako ng malalim na hininga habang naglalakad papunta kay Senyorito.

“Sky, tinusokan ako ng karayom ni Isaak kanina” sumbong nito ng makarating ako sa gawi niya.

“Dito oh” anito sabay pakita sa braso niya.

Umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay ni Senyorito. “Kahit na anong mangyari. Para sa akin, ikaw parin ang Senyorito ko na parati nalang akong binibigyan ng sakit sa ulo” nakangiting biglang saad ko.

“Ikaw din. Ikaw din ang Sky ko na palagi akong iniintindi at inaalagaan” saad din ni Senyorito habang nakangiting nakatingin sa akin.

Natatakot ako. Napalapit na sa akin si Senyorito. Paano kung hindi na nga niya talaga ako maalala pagkatapos nito?

“Sky, bakit parang malungkot ka ata?” tanong nito na ikinapukaw ng diwa ko.

Kaagad naman akong umiling.

“Hindi ako malungkot, sa katunayan nga, masaya ako para sayo. Kasi pagkatapos nitong operasyon mo.

Magiging normal na ulit ang lahat para sayo”

“Normal?” tanong nito.

“Hindi ko na pwedeng ipaliwanag sayo ng mas malalim kasi magugulohan lang ang utak mo” saad ko habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak sa kamay niya.

“Pagkatapos na ang operasyon ko.

E promise mo na ikaw ang pinakaunang makikita ko” saad ni Senyorito.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko malalaglag na ang luha sa mata ko!

Kailangan ko tong pigilan! “Promise” nakangiting pangako ko.

Maipapangako kong nandidito parin ako pagkatapos ng surgery niya.

Pero maalala mo pa kaya niya ako?

“Oras na” halos sabay kaming napabaling ni Senyorito sa may pinto ng marinig ang boses ni Doc Isaak.

“Kailangan na naming dalhin si Liam sa OR” anito at bigla nalang pumasok ang dalawang nurse na may dalang stretcher.

“Sir, kailangan niyo na pong lumipat dito sa stretcher” saad ng isang nurse na lalaki at inalalayan si Senyorito.

Tumayo si Senyorito at lumipat ng higa sa may stretcher.

“Sky” biglang kuha nito sa attensyon ko. “Huwag kang umalis ha.

Promise mo ulit sa akin” anito habang nakahiga na sa stretcher.

Humugot ako ng malalim na hininga.

“Promise”

“Dalhin niyo na sa OR si Liam” utos ni Doc Isaak na sinunod naman ng dalawang nurse.

“Bye Sky!” pagpapaalam ni Senyorito.

“See you later!”

“See you later Senyorito” Please alalahanin mo ako.

HINDI ako mapirmi sa kinauupoan ko! Limang oras na ang nakararaan pero hindi parin lumalabas si Doc Isaak!

Kinakabahan na ako!

5: 29 p. m. nagsimula ang operasyon at 10: 01 p. m. na ngayon.

“Sky, bakit hindi ka muna matulog?” biglang suhestiyon ni Kios na nakasalampak ng upo sa sahig.

Hindi kasi kami kasya sa mga upuan kaya umupo nalang sa semento si Kios, at Maximo. Habang kami naman nila Senyorito Kian, Markus, Kaito at Jake ay nakaupo.

Nasa chapel naman ng hospital si Madame. Nagdadasal.

“Mukha ba akong makakatulog sa sitwasyon nato?” tanong ko kay Kios.

“Aba malay ko sa iyo” kibit balikat na sagot nito habang sumasandal sa pader.

“Senyorito Kian” kuha ko sa attensiyon nito.

“Ano yun?” tanong nito.

“Paano kung makalimotan nga ako ni Senyorito?” puno ng pagaalalang tanong ko sa kanya.

Humugot naman ng malalim na hininga si Senyorito number 2.

“Sabi nga ni Isaak. 70% ang posibilidad na makalimotan ka niya.

Kasi kapag naging matagumpay ang operasyon ni Liam. Ang huli niya daw na maaalala ay yung araw na maaksidente siya” pagpapaliwanag nito. “At hindi rin natin pwedeng sabihin sa kanya ang mga pangyayari nung isip bata pa siya kasi magugulohan lang ang ala ala niya”

“In short, wala talagang forever” biglang pagsingit ni Jake.

Tiningnan ko ng nakamamatay na tingin si Jake.

“Tumahimik ka nga. Hindi ka na nakakatulo—” Halos sabay sabay kaming napatayo lahat ng biglang lumabas sa OR si Doc Isaak!

“Kumusta na si Senyorito?”

“Kumusta na si Liam?”

“Kumusta na ang kakambal ko?”

Sabay sabay na tanong naming lahat.

Isa Isa kaming tinitigan ni Doc Isaak.

Maiihi pa ata ako dahil sa kaba!

“Isaak! Bakit ba napakatagal mong lumabas sa OR? Kumusta na si Liam?” tanong ni Max.

Humugot ng malalim na hininga si Isaak. “Kanina pa natapos ang operasyon. Hinintay ko muna na magising si Liam bago ako lumabas” imporma nito sa amin. “Successful ang operasyon at gising na si Liam” saad ni Doc Isaak na ikinapanatag ng diwa ko.

Salamat sa Diyos.

“Bumalik na ba ang dating Liam?” excited na tanong ni Isaak.

Tiningnan muna ako ni Doc Isaak.

Mas lalo tuloy akong kinabahan!

At ganun nalang ang panlalamig ng tuhod ko ng biglang tumango si Doc.

“Oo, bumalik na ang dating Liam”

“Naaalala pa ba niya si Sky?” biglang tanong ni Senyorito Kian.

Naaalala pa ba kaya ako ni Senyorito?

“Iwan ko. Si Liam lang ang nakakaalam ng bagay na yan.

Hindi ko muna siya tinanong dahil kakaopera palang niya” sagot ni Isaak.

Senyorito? Naalala mo pa ba kaya ako?