Chapter 27: Disappointed

Rumored 27:

( Disappointed )

"Magpaliwanag ka nga, Kaylle! Ano yung mga nalaman namin kanina?" Bulalas ni Kuya Kenzo, pagkarating namin sa bahay. Pinigilan siya ni Kuya Kris, pero sa mga ganitong sitwasyon alam kong hindi siya mapipigilan. Dahil pag galit siya, galit siya.

"Kuya..." Hahawakan ko sana yung braso niya kaso iniwas niya 'yon.

"Ano 'yon Kaylle? Ano yung nalaman namin kanina? Totoo ba 'yon? Bakit ka nagsinungaling sa amin?" Sunud-sunod na tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kung paano ko iyon lahat sisimulan. Ano 'yon? Sasabihin ko na, "sorry, Kuya, kasi napaka-desperada ng kapatid mo e', gusto ko si Connor," yung mga luha na naiiyak ko kanina sa mansion nila Chase, meron pa pala at to be continued pa rin pala 'yon.

"K-kuya, sorry..." Pagtangis ko, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin 'yon lahat-lahat.

"Kaylle, alam mo na-disappoint ako sa'yo. Sa inyo ni Chase," seryosong saad ni Kuya Kris, "Akala ko future-brother-in-law ko na 'yon eh, peke lang pala kayo," dagdag niya.

"Kuya totoo yung nararamdaman namin. Mahal namin ang isa-"

"Cut the crap, Kaylle! Walang kayo. Anong alam mo sa pagmamahal? E', hindi ka pa naman nagmamahal 'di ba?" Ani ni Kuya Kenzo sa akin noong humarap siya sa akin, kaya napakunut-noo ko siyang tiningnan.

Anong alam ko sa pagmamahal? Minamaliit ba niya ako kasi alam niyang hindi totoo yung sa amin ni Chase? Almost 1 year and 2 months ko nang kilala si Chase, sabihin na natin na maikling panahon lang 'yon para sa iba. Pero kahit gano'n masasabi kong minahal ko siya. Hindi ko alam kung paanong nangyari. Siguro dahil lagi kami magkasama noong nagpapanggap pa lang kami. Atsaka Chase wasn't hard to love, kahit na suplado siya. Kahit snob siya at times. Hinding-hindi magbabago na he still the best boyfriend for me. Hindi dahil siya ang first boyfriend ko, pero dahil 'yon sa mga simple gestures niya na sobrang na-touched ako.

Chase treat me like a princess, wala akong masabi simula noong nagpapanggap pa lang kami hanggang sa naging kami. Chase is really a boyfriend material. A boyfriend that anyone can wish for. Gusto niya lagi akong comfortable sa lahat ng bagay. Ayaw niyang nakikita akong nahihirapan. He has a long patience.

I can't give up this love so easily. Dahil alam kong he's worth for a fight.

"Kuya mahal ko si Chase, mahal ko siya. Hindi niyo naman alam yung mga nangyari dati eh, kung paano ako napunta sa ganoong sitwasyon. Magalit ka sige, tatanggapin ko. Oo, alam ko na hindi biro yung pamilya nila para sa ganoong kalokohan. Pero kuya, yung sabihin mong hindi ako marunong magmahal? Grabe ka naman. Ikaw ba Kuya Kenzo, nagmahal kana? Ano ba sa'yo ang pagmamahal?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Kasi para sa akin, ito yung taong mabibilang mo sa mga panahong kailangan mo nang masasandalan, yung mga panahong gusto mo na sumuko o umiyak kasi akala mo tinalikuran ka na ng lahat?" Naalala ko tuloy noong kasal ni Ysabelle at ni Chance, ramdam ko talaga yung sakit na nararamdaman ni Chase noon at dito rin ako unting-unti na nahulog sa kanya.

Kahit hindi niya noon sabihin alam kong masakit pa rin para sa kanya yung nangyari, kaya nga kinulit-kulit ko siya. The funny thing about it is, pag nagtatanong ako ng kung "ayos ka na ba? Nakapag move-on ka na ba?" lagi 'yon may halong panlalandi, pero ang nakakatuwa naman doon ay sinasakyan niya lahat ng sinasabi ko.

"At kailan ka tinalikuran ng lahat?" Balik tanong ni Kuya Kenzo sa akin kaya umiling ako. "Hindi ako Kuya, si Chase" sagot ko.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit yung naramdaman niya noon. Noong mga panahon na nalaman niya na yung Kuya niya ang nakabuntis sa girlfriend niya," kwento ko sa dalawa kong Kuya na nasa harapan ko ngayon.

Naalala ko ulit tuloy noong birthday ni Tito Haze, iyon ang unang kita ko sa first love niya. Alam ko noong mga panahon na iyon hindi pa siya move-on at siguro mahirap pa rin para sa kanya na tanggapin iyon. Pero anong magagawa niya kung buntis na si Ysabelle, at magpapakasal na sila ni Chance?

Ito na rin siguro yung isa sa mga totoo kong reason, kung bakit pinagpatuloy namin 'to. Kung bakit pinayagan ko siya na maging Rumor Girlfriend ako, pinayagan ko siya na maging panakip butas ako. Dahil gustong-gusto ko siya na makita ulit ngumiti. Feeling ko kasi sobrang lungkot niya.

"I'll let him to be his rumor girlfriend, nang sa gano'n makatulong kahit papaano sa kanya, kahit walang kapalit," hindi ko naman talaga i-ni-expect na magkakagusto siya sa akin noon kasi nga parang langit siya, lupa ako.

"It's unconditional and it makes me feel good on the inside. Kuya, iyon ang nararamdaman ko noong tinulungan ko siya, pero ito na nga... He moved-on at naging kami," napangiti ako ng mapait na nakatingin sa dalawa kong Kuya, "pero mukha atang mabubuksan pa yung isyu na iyon kung bakit ba naging kami and they will take it as a bad thing," saad ko sa kanila.

"Iilang buwan pa lang siyang nagiging masaya sa piling ko. Iilang buwan palang simula noong umamin siya sa akin. Kuya Kenzo, Kuya Kris, sana h'wag naman iyon masira dahil sa nalaman niyo," pagsusumamo ko sa dalawang Kuya ko na pinapagalitan ako. Alam ko naman kasi na Monteverde sila, at matunog sila sa larangan ng media. Pero sana naman maintindihan nila yung side ko.

Wala silang naging tugon sa mga sinabi ko kaya umaakyat na ako sa taas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na 'to. Akalain mo nga naman? It's my graduation at ito pa yung naging regalo sa akin. Napakaganda.

Napa-ayos ako nang higa noong tumunog ang cellphone ko, napangiti ako noong mapag-alaman ko na si Chase yung tumatawag. It's a video call.

Mabilis ko iyon sinagot at kumunot ang noo ko noong makita ko ang itsura niya. "A-anong nangyari sa'yo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. He have bruises at kitang-kita iyon dahil maputi siya. May sugat din siya sa bandang labi niya.

"It's nothing," tugon naman niya kaya sinamaan ko siya ng tingin sa camera kaya napayuko ito at umiling-iling. "Nagkasagutan lang kami ni Chance," pag-amin niya. Na tigilan siya ng ilang segundo at napasinghab.

"Ang epal e," dagdag niya noong mag-angat siya ng tingin.

"How about you? Mukhang kinagat ng ipis magkabilang mata mo ah?" Asar niya sa akin, hindi ko alam pero naiiyak ako habang pinagmamasdan ko siya. Siguro kasi na-gi-guilty ako sa nangyari sa kanya ngayon. "Are they mad?" Dagdag na tanong niya.

"Hey, Did I say something wrong? Hey, what happened? I'm sorry..." Hingi niya ng tawad pero umiling ako at pinunasan ko yung mga luha ko na tumatakas sa mga mata ko. "No, you don't need to say sorry. Kasalanan ko naman kasi 'to," hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi habang sinasabi iyan.

"It's not your fault. Hush now," pagpapatahan niya, napangiti ako kasi pinupunasan niya pa yung camera ng phone niya para kunwari siya yung nagpupunas ng mga luha ko.

"Hindi naman tayo maghihiwalay 'di ba?" Tanong ko sa kanya na kinakunut-noon naman niya, "napaka-simpleng bagay lang nito love," wika niya kaya kahit papaano gumaan pakiramdam ko.

"They are all disappointed sa mga nalaman nila kanina, but it doesn't change the fact that you bring me to life again, you know that. Don't you?" Napanatag kahit papaano yung loob ko sa sinabi niya kaya napa-ngiti na rin ako kahit papaano.

"Landi mo no'," kaya napangisi siya sa sinabi ko.

"Kinilig ka naman ayos lang 'yan," pagmamayabang niya kaya napa-irap ako.

"Hindi ah! Kapal ng mukha," tugon ko sa kanya kaya mas lalo lumapad ngiti niya pero ngumiwi rin siya at napahawak sa pisngi niya na nasuntok, "iyan kasi ang landi-landi" pangaral ko sa kanya.

"Ang sakit parang kailangan kita rito ah," pagpaparinig niya habang hawak-hawak pa rin mukha niya at nag-iinarte na masakit yung pisngi na nasuntok sa kanya kanina.

"Can you come over?" Tanong niya sa akin habang patuloy ang pag-iinarte niya sa harap ng camera sa harap ko. "It hurts here," nakapikit na sabi niya habang hawak-hawak yung pisngi niya.

"Para kang timang! Gabi na," sita ko sa kanya kaya napadilat siya at ngumoso. Ang dami talaga nitong alam. Nakakainis kasi hindi ko siya matiis pag nagpapa-cute siya.

"I miss you," napasinghab ako at napa-iling. So, ganito pala ang in love na si Chase ang clingy niya.

He won. Hindi ko kasi talaga siya natiis. Tahimik akong bumaba at nakahinga ako ng maluwag noong makababa ako na hindi nakakagawa ng kahit anong ingay. 10pm na kasi ng gabi at sarado na lahat ng ilaw sa bahay sila Kuya Kenzo, at Kuya Kris kasi may pasok pa bukas kaya alam kong tulog na sila. Hindi naman nila malalaman kung umalis ba ako kasi maaga pa lang aalis na sila sa bahay.

Halos mapatili ako noong may humigit ng braso ko, "saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Kris sa akin.

"Kuya Kris," napatingin siya sa bag ko kaya naningkit mga mata niya.

"Magtatanan kayo?" Bulalas niya kaya binawi ko yung braso ko nahawak niya, "ano? Kuya ano ba 'yang pinag-iisip mo hindi no! Atsaka ang ingay mo baka marinig ka ni Kuya Kenzo," saad ko sa kanya.

"Eh, saan ka pupunta? Bakit may dala ka pang gamit? Kay Chase ka pupunta no'? Magtatanan kayo," bintang niya.

"Hindi kita papayagan, Kaylle yari kami kila Mama," napahilot ako sa sentido ng ulo ko at umiling-iling. "Kuya Kris ang OA mo talaga! Hindi nga kami magtatanan pupuntahan ko lang si Chase sa condo niya," paliwanag ko pero hindi siya kumbinsido.

"Hindi gawain ng matinong babae ang pumunta sa lugar ng lalaki nang ganitong oras," pinitik niya noo ko at humalukipkip. Parang sign na ata 'to para umatras at hindi na tumuloy pa. Kaya bagsak ang balikat ko at lumungkot mukha ko habang nakikinig sa kanya. May point naman kasi siya.

"Kamusta na raw ba iyon si Chase?" Tanong niya sa akin, "sabihin mo sa kanya disappointed kaming dalawa ni Kenzo sa ginawa niyong pagtago nang ganoong sikreto. At kung kayo talaga dapat humarap siya sa amin ni Kenzo, patunayan niya sarili niya sa amin." Saad ni Kuya Kris at huminga siya ng malalim. "Sige na umalis ka na, basta umuwi ka rin ah, wag kayo magtatanan," dagdag niya kaya napa-angat ang tingin ko sa kanya at lumapad ngiti ko at masayang niyakap siya pero agad din siyang kumalas at umarteng parang nandiri sa ginawa ako at ang loko pinagpagan pa ang braso niya na parang nabahiran iyon ng dumi.

"The best ka talaga ngayon Kuya Kris, sige sasabihin ko iyon kay Chase," masayang ani ko.

"Tssk, inuto mo pa ako. Wag nga ako, Kaylle," irap niya sa akin kaya napangiwi ako. "Basta may kondisyon ako, h'wag kayo magtatanan saka wag kayo gumawa ng kababalaghan mamaya. Alam ko naman nasa edad na kayo pero isipin mo na lang si Kenzo, uunahan mo pa edi sobrang bitter na no'n," minsan talaga hindi ko maintidihan si Kuya Kris.

"Hindi naman namin gagawin 'yon Kuya, ang dumi ng isip mo," inis na sabi ko sa kanya kaya tumango-tango siya, "siguraduhin niyo," tugon niya na parang naghahamon kaya napa-irap ako.

Agad sumalubong ang sasakyan ni Chase sa harap ng subdivision namin, kaya agad ako pumasok sa shotgun seat noong makita ko iyon.

"Hi," bati ko pagkapasok ko sa sasakyan niya pero nginisian niya lang ako. He's wearing a plain white t-shirt at black stripes pajama, ito yung kanina niyang suot noong nagvideo-call kami.

Nasabi ko sa kanya mga pinagsasabi sa akin ni Kuya Kris, kanina habang nag-da-drive siya pero nginingisian niya lang iyon at iling.

"What if your brother is right?" balik na tanong niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin, noong maparada niya yung sasakyan sa parking lot ng condo niya. "Paano kung may gawin nga ako sa'yo?" tanong niya na kinabilis ng pintig ng puso ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Chase!" Saway ko sa kanya pero pagak siyang tumawa na mas kinabilis ng pintig ng puso ko. "What? You're my girlfriend and you expect me to behave?" Saad niya na kinabilis ng puso ko na para ba akong aatakihin sa puso. Nakakabingi ito sa lakas at bilis ng pagtibok ngayon.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko sa pagpunta sa lugar niya ng ganitong oras, para kasing mali pero at the same time tama?

Tahimik kaming naglakad papunta sa condo niya kasi kinakabahan ako, iniisip ko pa lang yung kababalaghan na sinasabi ni Kuya Kris, pinagpapawisan na ako. Paano pa kaya kung gawin 'yon ng live 'di ba? Nakakaloka.

Napapamura na lang tuloy ako sa naiisip ko kung bakit ba ako nag-iisip ng mga gano'n. Nung sinarado niya pinto roon ako mas lalong kinabahan.

"Are you okay? Bakit parang naninigas kana d'yan?" sabi niya noong malagay niya yung susi ng kotse niya sa lagayan nito at tingnan ako na nandito ngayon sa sala niya na nakatayo at para nga talagang nanigas na sa kinatatayuan ko. Napasinghab ako at binaba ko ang bag ko sa center table at humalukipkip bago humarap sa kanya.

Marahan siyang umiling at ngumisi ng nakakaloko, "are you nervous?" tanong niya noong mag tama mga mata namin pero agad ko rin iniwasan niya yung mga mata niyang mapanuri.

"Bakit naman ako kakabahan?" Matapang na tugon ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko iyon na hugot ngayon. Kasi nga kinakabahan talaga ako.

"Bakit nga ba?" Balik na tanong niya sa akin sa napapaos na boses kaya napabaling ulit ako ng tingin sa kanya.

"Are you afraid of me?" He whispered but it is enough para marinig ko. Hindi ko namalayan na malapit na siya sa akin at hawak niya na ang magkabilang kamay ko.

The small space between us makes my heart want to explode. Pag kinakabahan talaga ako, literal na lang na napapa-english ako.

Napatingin ako sa mga mata niya na namimilog at nangungusap. "Bakit naman ako matatakot?" Marahang tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang napaka-gandang mukha nito na nasa harapan ko.

Hindi ko tuloy hindi mapigilan na sabihin sa sarili ko na "ang swerte ko talaga."

How can I not love this beautiful creature?

Those beautiful dark brown eyes that make me lost in his world.

Those sweet and soft lips like a mallows.

Parang may kusang utak ang mga kamay ko noong masuyo ko siyang hinawakan sa pisngi at walang alinlangang inangkin ang labi niya. My heart is unstoppable. Hindi ko siya ma-kontrol. This feeling is kinda new to me. He started to answered my kiss in passionate way, while his both arms trail around my waist.

I can feel my body pressed against his. I couldn't help it. My arms slowly cling around his neck to deepen the kiss.

"S-sorry," hinihingal na sambit ko pagkatapos namin magsalo sa isang marubdob na halik kaya napangisi siya at masuyong hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Habang ang mga mata naman niya ay namumungay na nakatingin sa mga mata ko.

"I love you," paos niyang sabi at inangkin ulit ang mga labi ko noong makabawi kami sa pag hinga.

His lips makes me crazy and weak. Bawat galaw ng labi niya parang sabik na sabik siyang hagkan ito.

"You're driving me crazy, Kaylle" he said noong pagdikitin niya ang noo naming dalawa while his eyes are closed.

I can feel his heavy breathing, "I know and I like that." Sagot ko sa kanya.

"I love you too, Chase" dagdag ko na kinangiti niya hanggang tainga.

"Dapat lang," saad nito sa napapaos na boses.

Tumaas ang sulok ng labi niya at humiwalay ng konti sa akin para tingnan ang reaskyon ng mukha ko, "so sino sa atin ngayon ang mas maharot?" tanong niya kaya uminit ang magkabilang pisngi ko.

Ako pala talaga ang unang sumunggab sa kanya.

"You kissed me first. So that means you can't resist my charm, right?" Malokong sabi niya kaya naningkit mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

I want to defend myself pero paano? E', totoo naman. Naakit ako ng mata niya. Na tukso tuloy ako na halikan siya.

Kinulong niya ako sa mga braso niya at hinalikan ang noo ko, "It's okay love," he whispered on my left ear.

"As long as ako lang yung lalandiin at haharutin mo ng ganito. You can kiss me all you want, anytime, anywhere," dagdag niya.