Chapter 26: Graduation

Rumored 26:

( Graduation )

"Congrats love," salubong na bati sa akin ni Chase noong natanggap ko yung diploma ko.

"Thank you!" Masayang saad ko at niyakap siya ng mahigpit, napatingkayad pa nga ako dahil sa tangkad niya.

Mas nauna akong grumaduate kesa sa kanya, next year pa kasi siya. And to think na mag-me-medicine course pa siya for four years ulit? Ang sakit sa bangs noon. Chase improved a lot since naging kami. Yung legit na kami talaga ah. Hindi na siya gaano kasuplado ngayon, unlike noon. Kasi napapangiti ko na siya kahit papaano. Pero minsan pag mag-isa siya emotion less pa rin kaya siguro takot yung iba na batiin siya because he look like unapproachable.

Sabi ko kasi sa kanya, "Chase pag magkasama naman tayo ngumiti ka naman, oh? Parang hindi ka naman masaya na kasama mo 'ko e', parang napipilitan ka lang?" Sabi ko sa kanya noon sa nagtatampong tono.

Although alam ko naman na gano'n siya pero kasi... Alam niyo 'yon? Napapatingin ako sa mga ibang mag nobya at nobyo pag may nakakasalubong kami na nagtatawanan. Tapos ako parang kasama ko robot. Gets niyo ba point ko? So 'yon. Sinabi ko 'yon kay Chase. Ako kasi yung tipo ng tao na pag may gustong sabihin sa isang tao, sasabihin ko talaga without any doubt. Pero hindi naman siya nagalit mas naintindihan pa nga niya ako eh.

Kaya naniniwala talaga ako sa nabasa ko na may 5 keys for a successful relationship. Una na doon ang communication, trust, respect, loyalty and honesty kasi pag wala n'yan 'di ba? Paano magw-work nang maayos yung relationship, right?

Kaya iyon ngumingiti na siya pagkasama ko siya. Improving naman kahit papaano. Masyado ba akong demanding? Hindi naman siguro? Kasi ang gusto ko lang naman makita siyang ngumiti. Tumawa na kasama ako. Yung gano'n ba? Kasi sabi ni Tita, masiyahin daw 'yang si Chase dati. Kaya gusto ko makita ulit siyang gano'n.

Napahawak ako sa toque ko malalaglag na kasi sa ulo ko dahil sa pagyakap ko kay Chase kanina. Napangiti ako na siya na ang nag-ayos no'n. Napaka-seryoso pero napaka-gwapong nilalang talaga nitong nasa harap ko. Binigay niya sa akin yung hawak niya na carnation flowers.

"Ayos na," sabi niya kaya napahawak ulit ako sa ulo ko para pakiramdaman kung mahuhulog ba yung toque ko.

"Picture tayo?" Masayang ani ko.

Hindi siya tumango o ngumiti, pero alam ko naman na payag siya noong nilabas niya yung cellphone niya, mula sa bulsa ng pantalon niya.

Memories din kasi 'to at sayang naman ang pag brush-up niya ng buhok niya. Ang pogi kaya niya ngayon, well, palagi naman e', atsaka hindi na bago iyon.

Mga blockmate ko nagsisi-hagikgikan sa gilid namin at panay pagpapa-cute sa kanya, pero hindi naman sila pinapansin ni Chase. Yung bakla ko ngang blockmate napatingin lang si Chase sa kanya para na siyang hihimatayin kaya natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

"Gwapo naman ng boyfriend ko. Nahiya naman ako," natatawang sabi ko sa kanya sa unang picture namin pero nginisian niya lang ako. "Nothing new," mayabang na sagot naman niya kaya napa-irap ako.

"Ikaw nga mag hawak ang pangit ng kuha ko pag ako yung kumukuha eh," maktol ko kaya kinuha naman niya agad yung cellphone niya at siya na ang kumuha ng picture namin.

He's wearing a navy blue polo-shirt and a white pants with belt on it at naka loafer shoes. Pero grabe. Napaka-strong ng aura niya at bagay na bagay sa kanya yung suot niya ngayon. I mean lagi naman siyang ganyan e', na kahit anong isuot bagay sa kanya na kahit kurtina na lang yung damit ni Chase gwapo pa rin. Basta siya yung magsusuot.

Namilog mata ko when Chase approached Kuya Kris, na nandito rin ngayon along with my strict Kuya na si Kuya Kenzo, "Hayop. Naging instant photographer pa nga," iling na sabi niya pagka-abot niya ng cellphone ni Chase.

"Pero sige. Five-hundred singil ko sa isang maayos na picture," saad niya na kinalaki ng mata ko. Napaka-negosyante talaga nitong isang 'to.

"Kuya!" Saway ko kay Kuya Kris, kaya natawa siya sa reaksyon ko. "Joke lang, chef!" Sabi niya kaya napa-irap ako.

"Ayos na. Compress! Ano ba 'yan parang hindi naman kayo mag jowa n'yan! Magdikit pa nga kayo!" Utos ni Kuya Kris sa amin, kaya ginawa naman namin 'yon ni Chase.

"Hands-off!" Pigil agad ni Kuya Kenzo noong akbayan ako ni Chase kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ikaw naman Kris, dikit na dikit na sila wag mo na sila pag-compress-in," inis na sambit ni Kuya Kenzo kaya napangiwi ako.

Si Kuya Kenzo talaga kahit kailan na kasama namin ang kill-joy! Ayaw niya ng holding hands, ayaw niya ng kiss sa lips o sa cheeks at kahit na rito sa picture bawal akbay? Seryoso? Akbay lang bawal? Jusko! Ilan taon na ba ako para pag bawalan niya?

Umismid si Chase, at umiling sa tabi ko. "tssk" rinig ko na sabi niya.

"Seryoso ka ba Kenzo? Ang protective mo naman masyado. Wag ka nga ganyan!" Natatawang sabi ni Kuya Kris, "Hala, gagi nag-walk-out." Lumaki mata ni Kuya Kris noong nagwalk-out si Kuya Kenzo, ano ba problema no'n at napaka-kill-joy at bugnutin ata ngayon?

"Sundan ko lang ah," sabi naman ni Kuya Kris noong iabot nito sa amin pabalik ang cellphone ni Chase.

"Pa-picture na nga lang tayo sa iba," sabi ko habang nakatingala na nakatingin kay Chase kaya tumango siya.

"Sir Chase," sabay kaming napatingin kay Mang Benny na driver nila na nakangiti na papunta sa direksyon namin.

He's wearing his casual uniform na puting polo at itim na pants. Looking at him para na siyang nasa going to 60's na. Pala-ngiti at masasabi kong may pagka-friendly itong si Mang Benny. I heard apat na dekada na siyang nagta-trabaho sa mga Monteverde, kaya itong si Chase parang anak niya na rin kung ituring.

"Mang Benny," bati ni Chase sa kanya. "Bakit kayo nandito?" Kunut-noong tanong ni Chase sa kanya noong nasa harapan na namin siya.

Akala ko alam niya kung bakit siya nandito, hindi rin pala.

"Nabalitaan kasi ng Mommy mo na graduation ng nobya mo ngayon, kaya naman iniimbitihan ang pamilya ni Kaylle na mag-dinner sa mansion." Paliwanag sa kanya ni Mang Benny sa kanya na kinatango naman naming dalawa ni Chase.

"Uh, Mang Benny? Pwede bang mag-request?" Tanong ni Chase sa kanya kaya tumango naman ang matanda.

"Pwede niyo ba kami kuhanan ni Kaylle ng picture sa cellphone ko?" Nahihiyang saad niya kay Mang Benny, gusto ko matuwa kasi kung saan-saan siya tumitingin habang sinasabi niya iyon at alam ko, nararamdaman ko na nahihiya talaga siya.

"Sus! Nahiya ka pa, sige akin na!" Nakangiting sabi ni Mang Benny, kaya naman itong si Chase marahang tumango. Hindi man ngumiti yung mga labi niya but his eyes tell it so.

Naalala ko tuloy si Yaya Emily, wala na kasi siya sa bahay. Umalis na siya.

"Ang unfair talaga! Ang gwapo mo!" Maktol ko habang nakabusangot kaya pinisil niya yung ilong ko.

Ayos naman mga kuha namin compared sa kanina pero gwapo talaga si Chase e', hindi talaga makakaila paglikas at natural.

"Araaaaay, naman!" Angal ko at hampasin yung braso niya.

"Dami mong reklamo e', ayos naman 'to ah?" Sabi niya sa akin, habang tinitingnan mga kuha namin sa cellphone niya.

May parang kunwari candid na tumatawa ako, while si Chase naman nakatingin lang sa akin. Tapos may isa pa na naka-peace-sign ako habang sa isang kamay ko naman hawak ko yung bouquet of flowers na binigay sa akin ni Chase kanina habang siya naman naka-akbay sa akin at yung isang kamay niya nakapamulsa.

"Hindi naman ako nagrereklamo. Naiinis lang ako kasi ang gwapo mo, pwede ba bawasan mo pagiging gwapo mo?" Inis na sabi ko sa kanya kaya inirapan niya ako.

Minsan pag sumusobra yung papuri ko sa kanya naiinis siya sa akin at bumabalik siya sa pagiging suplado niya.

Kasama namin sila Kuya Kris, Kuya Kenzo papunta sa mansion dahil nga raw gusto ni Tita na i-celebrate yung accomplishment ko with my family and Chase's Family. Sabi naman niya maliit na handaan lang daw 'yon kaya pumayag ako.

Sinalubong kami ng ilang katulong pagkaparada ni Mang Benny sa tapat mismo ng main door nila, "ang sosyal" rinig ko na sabi ni Kuya Kris, habang nakangisi at halatang amazed siya sa mansion nila. Ako rin inaamin ko ganyan din ako nung unang punta ko rito.

"Where's Mom?" Tanong ni Chase sa isang katulong na sumalubong sa amin. "Nasa kusina po, sir," kaya naman iginayak ni Chase ang ulo niya papunta sa kusina kaya naman tumango ako at sinundan siya.

"Chase," masayang sabi ni Tita noong nakita niya ang anak niya. "Kaylle, congratulations may regalo ako sa'yo pero mamaya ko na ibibigay basa kasi kamay ko," nakangiting sabi niya kaya tumango ako.

I smiled noong napagtanto ko na nagluluto pala siya.

"Nag-abala pa kayo," ani ko.

"S'yempre naman," napatingin siya sa mga Kuya ko na nasa likod ko kaya agad ko silang pinakilala.

"Tita mga Kuya ko po sila, ito po si Kuya Kenzo," turo ko kay Kuya Kenzo, "Siya po yung panganay sa amin," paliwanag ko kaya tumango siya.

"Ito naman si Kuya Kris," turo ko kay Kuya Kris, "pangalawang Kuya ko," ani ko.

"O'sya, sige doon muna kayo sa sala. Tawagin na lang namin kayo paghanda na ang hapag," sabi ni Tita kaya nagsitanguan kami.

"Chase, kamukha mo Mama mo," sabi ni Kuya Kris noong makapunta kami sa sala. "Laki ng bahay niyo ah, ilang hectaria 'to? Atsaka magkano kaya 'to pagsinanla no'?" Sunud-sunod na tanong niya kay Chase kaya pinalakihan ko siya ng mata kaya tumango-tango siya at nanahimik.

Napatayo kaming lahat noong may isang matandang agaw pansin ang pumasok sa mansion, gusto ko magulat kasi hindi expected pagdating niya.

"Gagi! Si Don Harrison ba 'yan?" Kalabit sa akin ni Kuya Kris sa tabi ko.

"Lo," nagmano si Chase, sa lolo niya. Kaya nagdadalawang-isip ako kung magmamano rin ba ako o ano.

"Magmamano rin ba tayo?" Tanong ni Kuya Kris sa akin sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ito kasi yung unang kita ko sa Lolo niya. Noong birthday kasi ng Dad ni Chase, out of town siya due their business pero ngayon nandito na siya kaya medyo kinakabahan ako.

"Magandang gabi po," lakas loob na sabi ko sabay mano sa lolo niya.

"Girlfriend ko po, lo si Kaylle," pakilala ni Chase sa akin.

"Kaylle si Lolo," pagpapakilala niya sa amin.

"Magandang gabi po, Don Harrison," bati naman nila kuya.

"Mga kaibigan ko naman po sila, Lo, si Kenzo at Kris," pakilala naman ni Chase sa mga kuya ko kaya tumatango-tango itong matanda.

"So, totoo pala yung tsismis na may nobya ka nga," iling na sabi ni Don Harrison na kinatango naman ni Chase, I can feel na hindi ako gusto ng Lolo niya para sa kanya.

Hanggang sa lumabas mula sa likuran ng Lolo niya si Vanessa.

"What are you doing here?" Agap na tanong ni Chase, kay Vanessa, noong makita niya ito na sumulpot sa kung saan.

Bakit iba na-fi-feel ko? Iba yung kaba ko ngayon kumpara kanina.

"Surprise!" Nakangiting tugon nito sa kanya at sa akin.

"I invited her to eat with us this dinner," sagot naman ng Lolo ni Chase sa tanong niya kanina.

"But why?" Kunut-noong tanong ni Chase rito.

"Akala ko kasi wala kang nobya. Nalaman ko na may pagtingin ang anak ng kaibigan ko sa'yo, kaya naman gusto ko kayo ni Vanessa ang magkatuluyan kung sakali. Sa totoo lang she is perfectly fit for you. Nag baka sakali lang ako na paglapitin kayong dalawa," tugon ng lolo ni Chase sa kanya na para bang wala ako sa harapan niya.

Hindi pa pala alam ni Don Harrison, yung tungkol sa amin ni Chase. Plano kasi ni Chase noon na ipakilala ako ng personal sa Lolo niya, pero dahil nga busy yung Lolo niya, naudlot 'yon nang naudlot hanggang sa ito na nga nagharap nga kami, pero mukhang wrong timing naman ngayon. Dahil mukhang mas gusto niya si Vanessa para sa apo niya.

"Dad, Chase have a girlfriend," his Dad snapped kaya napatingin kami roon na kakarating lang din.

At pagkasabi na pagkasabi 'yon ng Dad niya ay agad akong hinawakan ni Chase sa kamay, "Lo, you don't need to set-me-up to anyone because I have a girlfriend," marahang sabi ni Chase sa Lolo niya.

Napalunok ako dahil sa kaba noong pasadahan ako ng tingin ng Lolo niya, from head to toe.

Wala naman akong dapat ikatakot 'di ba? Knowing na nandito si Chase sa tabi ko, alam ko na ipagtatanggol niya ako, kahit kanino o kahit na sino man. Sana...

Lumipas ang ilang minuto at nasa harap na kami ngayon ng hapag, tahimik na kumakain.

"Hija, ano ang kursong kinukuha mo?" Lahat tuloy na nandoon nakatingin sa akin, lahat ng mata nasa akin.

"Tapos po ako ng Culinary," sagot ko sa lolo niya.

"Culinary Arts?" Ulit niya sa sagot ko kaya napatango ako. "Masarap magluto si Kaylle, Lo, kung matitikman mo luto niya para ka nang kumain sa mamahaling restaurant pang-five-star e'," segunda ni Chase kaya napangiti ako.

"Totoo 'yon Dad, nakakahiya man aminin pero sa kanya nga ako nagpapaturo mag-bake," sabi naman ni Tita.

"How about your parents? Nasaan sila? What they do for living?" Tanong ulit ni Don Harrison sa akin.

"OFW po sila sa Singapore," sagot ko.

"Talaga bang kayo?" Singit ni Vanessa sa usapan kaya napatingin kami ni Chase sa kanya.

"Don't get me wrong huh? Nakakapagtaka lang na noong na tsismis kayo ni Kaylle, kinabukasan biglaan na lang namin malalaman na kayo na pala? Add the fact that I heard Kaylle used to liked Connor, kaya sobrang bilis lang nang pangyayari," kibit-balikat na ani niya.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa sinabi niya, bakit ngayon niya pa tinanong 'yan? Ano ba problema niya? Naiingit ba siya?

"So, kayo pala talaga? Akala ko, tsismis lang lahat 'yon. Grabe, hindi pala totoo mga nasasagap ko." Ani ni Vanessa, na humahagikgik habang nag-ku-kwento.

Ramdam ko ang pag-igting ng panga ni Chase sa tabi ko, at halatang naiirita na rin siya kay Vanessa sa mga pinagsasabi niya.

"Sorry, Tita, Tito, and Lo, I heard kasi na... Chase used to date Kaylle kasi gusto lang ni Chase ipakita sa inyo na move-on na siya, kaya siguro he uses Kaylle to pretend as his girlfriend." Kibit-balikat na kwento ni Vanessa habang umiiling-iling.

"Saan mo ba narinig 'yan?" Inis na tanong ni Chase sa bisita na si Vanessa, kaya nagkibit-balikat lang ito.

"Narinig ko lang," ngising tugon niya kay Chase, kaya naman itong katabi ko halatang gusto nang sumabog sa inis niya sa babaeng nasa harapan namin.

"Totoo 'yon," napayuko ako at napakagat sa labi ko.

Siguro ito na ang tamang oras para malaman nila 'yon? Alam ko kasi na malalaman din nila 'to might as well unahan ko na sila, right?

Ramdam kong nakatingin sa akin si Chase sa tabi ko, hindi lang naman siya. Halos kasi silang lahat hinihintay yung sunod na sasabihin ko. "Chase and I, are enemies before hindi ko masabi na kaibigan ko siya, kasi pag magkikita kami lagi kami nag-aasaran, lagi kami nag-aaway." Kwento ko sa kanila noong nag-angat ako ng tingin.

"Pero kasi may nag pakalat na isang isyu na hindi naman totoo kaya 'yon. Napilitan kami at sinakyan na lang naming dalawa ni Chase, yung isyu na iyon. Na akala namin ikakatahimk na ng ilan pero hindi naman namin alam na magkakagustuhan din pala kami habang patagal ng patagal yung pagpapanggap na 'yon. Ang cliche no'?" dagdag na kwento ko.

"You mean to say na hindi talaga kayo?" Tanong ni Don Harrison.

"Opo, dati po," matapang na sagot ko.

"Ano ba ang pakielam niyo sa buhay ko?" Inis na tanong ni Chase rito kay Vanessa, "Believe what you want to believe if it's true or not wala naman kayong pakielam doon dahil wala naman kayong ambag sa buhay ko," dagdag ni Chase.

Napatingin ako sa paligid namin, sila Kuya Kris at Kuya Kenzo bakas sa mukha nila na naguguluhan na sila. Sina Tita at Tito naman tahimik lang at nagkakatinginan hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa mga utak nila ngayon.

"M-mag c-cr lang ako," pagpapaalam ko sa kanila noong tumayo ako. Halos manginig tuhod ko noong makatayo ako at nakahulog pa ako ng kubyertos.

"Sorry," ani ko noong pupulutin ko yung kutsara na nahulog ko pero pinigilan ako ni Chase, napa-angat ako ng tingin sa kanya hanggang mag tama mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagso-sorry...

Sorry kasi sinabi ko yung totoo sa kanila.

Sorry kasi hindi gano'n kataas ang pinag-aralan ko.

Sorry kasi mukhang hindi ako tanggap ng Lolo niya.

Gusto kong umiyak nang umiyak pero kailangan ko pa lumabas kaya naman inayos ko ulit sarili ko, paglabas ko sa banyo rinig ko mga sagutan nila na halos ikadurog ng puso ko...

"Iyan ba ang tinuro sa'yo ng babaeng 'yon? Ang sumagot-sagot?" Si Don Harrison.

"Hindi, ho, gano'n ang kapatid ko," giit ni Kuya Kris.

"Hindi gano'n si Kaylle," pagtatanggol ni Chase sa akin.

"Kung ganyan lang ho kayo mabuti pa si Chase, yung pahiwalayin niyo sa kapatid namin," saad ni Kuya Kenzo.

"Magkano na ba nabigay na pera sa inyo ng apo ko?"

"Dad," awat ni Tita sa kanila.

"Hindi ko akalain na matapobre rin ho, pala kayo pero h'wag kayong mag-alala. Wala pa naman binibigay ang apo niyo na tulong sa amin, saka kung meron man hindi rin namin matatanggap 'yon lalo na kung sa kagaya niyo lang 'yon mangangaling," si Kuya Kenzo.

Noong nakita nila ako ay natahimik sila saglit hanggang sa agad tumayo ang dalawang kuya ko.

"Kaylle," tawag ni Chase sa akin. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang kailangan niya gawin para pigilan kami nila Kuya na umalis doon.

"Mabuti pa Kaylle, umalis na tayo rito," untag ni Kuya Kenzo at hatakin ako palabas sa mansion nila.