Chapter 25: Don Harrison Monteverde

Rumored 25:

( Don Harrison Monteverde )

{ Special Chapter }

From;

Vanessa Garcia

[ Point Of View ]

I couldn't express how happy I am. Noong nalaman kong dito na nag-aaral si Chase. Like at first it is just a false rumors na pinakalat ng kung sino. Pero noong nakita ko siya personally halos ma-shock ako. Like you know? It was so unexpected! Blockmate ko pa talaga siya at same course pala kami? I thought he's studying some businesses thing but I was so surprised ng Medicine pala kinuha niya.

He look like an actual angel dahil sa napaka-ganda at amo ng mukha, but then kung ano ang ganda ng mukha niyang iyon. 'yon ang kabaliktaran ng ugali niya. He have a strong and cold persona that's why sobrang na-a-attract ako sa kanya.

And watching those girls in front of him, hindi ko mapigilan ang hindi lalo ma-challenge dahil sa pag-reject niya sa mga ito.

I know all of the Aces pero sa kanilang magkakaibigan mas gusto ko si Chase, he have something that got me na hindi ko ma-explain? Maybe because he's cold and kinda mysterious too? Gusto ko siya na mas makilala pa.

Nangangatog man ang mga tuhod ko lakas loob pa rin akong lumapit sa kanya para kausapin siya. My heart is beating so fast lalo na noong pumayag siya na mag lunch kaming dalawa. Sobrang saya ko at talagang wala akong mapag lagyan nang kasiyahan ko.

Napaka tipid niyang sumagot sa mga tinatanong ko. Talagang pag magkasama kayo kailangan mong maraming bala ng tanong. I'm not used to this dahil sa ibang tao naman sila pa ang gumagawa ng topic para makausap ko sila kaya talagang nakakapanibago!

"Ano nga pala sports mo, Chase?" Masayang tanong ko sa kanya. Kaya nabalik ang atensyon niya sa akin. He's texting someone before he put his phone back on his pocket at sinagot ang tanong ko.

"Swimming." He answered casually.

He's really a man of few words huh and I can say that he really doesn't talk that much. Dahil sa napaka-tipid niya talaga magsalita. Kung hindi ko lang siguro siya gusto hindi ako magkakaganito in front of him.

Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa canteen all eyes on us. Syempre dahil kasama ko si Chase, he really walks like a model. I can't describe it. Dahil ang lakas talaga ng charisma niya. I'll introduce him to all of my friends na nakakasalubong namin. I thought at first susungitan niya ang mga ito but thankfully nakipagkilala pa rin siya sa mga kaibigan ko.

"Sige, guys, punta muna kami ng canteen." Pag papaalam ko sa mga co-dancers ko, I was in the cheering squad before until I quit. Hindi ko na siya nakaya dahil sa time at bigat ng course ko.

"Iba ka Vanessa! First day of school, nakuha mo agad atensyon ng isang Chase Monteverde? Hindi na kami magtataka if somehow mabalitaan na lang namin na kayo na, swerte mo!"

I was so speechless noong sinabi ni Ellie iyan. I wasn't expecting it but kinilig din ako roon dahil na-realized ko na totoo ang sinabi niya.

"H'wag mo na pakawalan 'yan, he's a big catch. Ikaw lang kaya pinansin niyan na babae dito sa Aristotle kaya nga I envy you na eh," bulong naman ni Sasha sa akin kaya napatingin ako kay Chase and he look pissed sa aura ng mukha niya.

"Guys ano ba! Nakakahiya kay Chase!" Saway sa mga kaibigan ko. At pa-simple akong bumaling ng tingin kay Chase at ngumiti. "Pasensiya na," ani ko sa kanya noong mag salubong mata namin pero hindi niya na ako kinibo. Nainip ba siya?

Bago kami kumain pinakilala ko rin siya sa mga kaibigan ko na binati ako at naki-table sa amin pag pasok namin ng canteen. S'yempre sino ba kasi ako para tumanggi? They also want to know Chase like me, pero napansin ko rin ang panlalamig ni Chase sa tono ng pananalita niya pag tinatanong siya ng mga kaibigan ko.

Noong matapos na siyang kumain agad siyang tumayo at nag-paalam sa akin, but I held his left arm para pigilan siya dahilan kung bakit siya napatingin doon sa kamay ko bago sa mga mata ko. Damn, that sharp eyes nakakatakot. He intimidates me at nakaramdam ako ng hiya kaya naman binitawan ko yung kamay niya.

"Sandali lang Chase, matatapos na rin ako. Hintayin mo ako para sabay na tayo?"

"No need. Thank you." Halos manlambot ako na walang likod-tingin na iwan niya ako dito na mag-iisa. Iba talaga siya sa mga lalaki na nakilala ko. And it makes me want him more.

And it makes me more want him.

Kahit na ilang beses niya akong dedmahin hindi ko pa rin siya sinusukuan. Napapatanong na nga ako lang ako sa sarili ko na hindi naman ako ganito dati ka-desperada! Anong nangyari!? Hindi ko ugaling maghabol sa lalaki pero hindi ko akalain na magiging isa akong ganito.

"Chase do you have a girlfriend?" Tanong ko sa kanya.

May kumalat kasi na tsismis kinabukasan na kaya raw siya nag-aaral dito kasi nandito raw ang current girlfriend niya? Kasi kaya nga raw siya nag-aral sa Helix University noon because of his ex-girlfriend.

Noong una hindi ako naniwala pero I saw a photo of them, at sumakay pa iyon sa sasakyan nila. I didn't saw her face dahil nakatalikod yung babaeng iyon. But I'll make sure na malalaman ko rin kung sino 'yon.

I don't care if I may sound like a bitch or what pero wala pa akong gusto na hindi ko nakukuha and I'll make sure Chase will going to like me too. I'm claiming it.

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan na dinededma lang ako ni Chase, hindi ako sanay na may taong ayaw nang presensiya ko. Is he really in love with that woman na hindi niya na kayang lumingon pa sa iba? Lahat ng lalaki gusto nila makuha ang atensyon ko pero itong si Chase? Dinededma lang ako? Ganito ba talaga siya ka-heartless? To be honest ang dami ko nang ginawa para mapansin niya ako! But it wasn't enough for him ano pa ba ang kailangan kong gawin? I may sound desperate but I can not help it! Siya ang gusto!

Until the day that I decided to confess my feelings to him, it was actually my first time confessing my feelings to a guy! Pero itong si Chase parang wala lang iyon sa kanya and it's frustrating me!

Ano pa ba ang kulang sa akin? Maganda naman ako, mayaman kagaya nila, matalino! Ano pa ba gusto niya?

"Chase, I like you! Bakit ba napaka-manhid mo?!" Asik ko sa kanya noong sundan ko siya dito sa may rooftop. Halos hanginin ang mahaba kong buhok at gano'n rin siya.

His face is still blank and unreadable. Ni-hindi ko man lang siya nakitaan ng kahit na anong emosyon. Ganito ba talaga siya?

"Chase, please give me a chance? I like you, I like you a lot." Pagsusumamo ko sa harap niya. Wala akong pakielam kung napaka desperada ko ngayon sa harapan niya. This is what it is. Lulunokin ko na lang ang pride ko.

Pero inilingan niya lang ako sa pagka-dismaya. Niyakap ko siya pero agad niya rin tinaggal ang kamay ko at umatras ng ilang hakbang kaya napayuko ako.

This is so embarassing!

"Stop it, you're just wasting your time." Malamig na pagkakasabi niya, pero inilingan ko lang iyon at hinawakan ang kamay niya.

This is not me! Ano bang ginagawa ko sa sarili ko? Pinapahiya ko lang sarili ko sa kanya. Pero nadadala ako sa emotion ko at wala na talagang atrasan 'to.

"Please, Chase, I'll be a better girlfriend for you. Please give me a chance?" Pagmamakaawa ko.

Ito na yata ang karma ko? Dahil pinapaasa ko ang mga nagkakagusto sa akin tapos itong kaharap ko na siya ang pangarap ko bi-na-by pass lang ako?

Umiling-iling si Chase, "Stop it, Vanessa. I don't like you and I consider you as a friend and nothing more." He stated while his eyes were looking straight in mine.

Damang-dama ko ang bigat ng nararamdaman ko dito sa dibdib ko dahil sa sinabi niya, halos ma-iyak na talaga ako sa harap niya! Friend? A friend iyan lang ba talaga ang turing niya sa akin? Wala na bang lalagpas doon?

"I don't feel anything for you hope you undestand that." Dagdag niya pa kaya hindi na napigilan ng luha ko yung mga luha ko na tumulo sa pisngi ko pero naudlot 'yon ng may bumagsak na na kung ano sa hindi kalayuan kung nasaan kami.

Pipigilan ko sana si Chase dahil hindi pa kami tapos mag-usap at pusa lang naman 'yon pero he can't be stopped. Until I realized na isang tao pala 'yon and what surprised me is hinawakan siya ni Chase sa braso at iniwan ako rito.

And it hit me when I start to recognized the girl.

That girl. She's his rumored girlfriend.

Since that happened hindi ko alam kung paano humarap kay Chase, dahil sa kahihiyan pero parang wala lang iyon sa kanya. At parang sanay na sanay na talaga siyang mambusted ng mga babae sa harap niya and I am not an exemption to it.

Noong makilala ko ang babaeng na-li-link sa kanya. I make a fake-source tungkol sa kanya tulong ng kaibigan kong I. T siya yung babaeng nasa rooftop na nakita ko if I'm not mistaken. Masaya na ba siya sa nakita niya na-ni-reject ako ni Chase? Akala ko making her bad in a fake source gi-give-up na siya as his girlfriend pero parang mas lalo lang sila naging malapit sa isat-isa.

"This is a stupid move, Vanessa!" I told myself bago ibato yung tablet ko sa may kama ko noong maayos nila ang issue tungkol doon na walang kahirap-hirap.

"Sis! Anong nangayari? Bakit ang cold ng pakikitungo sayo ni Chase?" Tanong ni Mary Chris sa akin kaya mas pinalungkot ko ang mukha ko sa tanong niyang 'yon.

"Hey, what happen?" Tanong ng mga kaibigan ko. Kaya napa-iling ako trying to make myself kawawa.

Napatakip siya ng bibig habang nakatingin sa akin. "Oh, my! Don't tell me na basted ka rin sa kanya?!" Gulat na gulat na pagkakasabi ni Mary Chris.

I told them na magco-confess ako kay Chase, that day kasi akala ko it will turn-out well, pero akala ko lang pala 'yon. Kasi kasama rin ako sa list ng mga babae na ni-reject niya.

"Vanessa Garcia? Rejected din kay Chase?"

I know na ganyan ang magiging reaksyon ng mga ilan pag nalaman nila ang ginawa niyang pang turn-down sa akin. In my side natutuwa ako na kalat 'yon sa buong AU dahil gusto ko iparating doon sa babaeng girlfriend niya kung ano yung pinagpalit ni Chase sa kanya.

"Mahal niya talaga Girlfriend niya." Mapait at malungkot na sabi ko.

When it comes to hot-issues or news number one na ata itong school na 'to. We kinda have our own page at isa ako sa mga admins, so lahat ng bagong tsismis narito. Kaya walang takas sa akin noong nakarating sa akin na nagkagulo raw sa canteen at dahil 'yon sa akin at sa Girlfriend ni Chase.

Naiinis ako kasi ano ba nakita niya roon sa babaeng 'yon? She's not even in the same level of mine. Kahit nga sa mga kaibigan ko na lang eh. She's out of his league. Kaya hindi ko alam kung paano ba sila nagkakilala. As a matter of fact hindi naman siya kasali sa mga circle of friends ng mga elite rito.

"Peke lang ang relasyon nila?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa dalawang lalaki na nasa harapan ko.

Of all these months it's all fake?

"Anong ginagawa mo rito Vanessa?" Gulat na ani Connor sa akin.

"Kanina ka pa ba nandito?" sunod na tanong niya.

"Hi, Vanessa!" Bati ni Ivan sa akin.

"Sino yung peke ang relasyon?" I want to hear it clearly from them again pero alam kong hindi na nila uulitin pa 'yon.

"Huh? Wala kaming sinasabing gano'n!"

"kung yung mga ibang babae naloloko niyo ibahin niyo ako." Ako pa talaga ang lolokohin nila ah? You guys mess the wrong girl.

"Narinig ko ang pinag-usapan niyo. Totoo bang peke lang ang relasyon ni Kaylle at Chase?" Tanong ko ulit. If so, hindi na mahirap para sa akin na paghiwalayin sila. Kasi at the first place wala talagang sila.

"Bakit ka ba nakikinig sa usapan nang may usapan? At bakit ka ba nandito? Hindi mo ba alam na bawal ka rito?" Inis na sabi ni Connor sa akin pero hindi ako nagpatinag sa kanya.

"Don't worry hindi naman ako magtatagal. Saka nandito lang naman ako para i-abot yung damit ng pinsan ko," nakangising tugon ko noong nag tuloy-tuloy ako sa pagpasok at inilagay sa loob ng locker ng pinsan ko ang damit niya na inutos sa akin ni Tita.

"Hindi ko akalain na may tsismis pala akong masasagap sa inyong dalawa," malokong dagdag ko na tila nang-aasar noong balingan ko sila nang tingin.

Hinigit ni Connor ang braso ko dahilan para mahatak niya ako papalapit sa kanya. "Huwag na huwag mong ipagkakalat ang mga nalaman mo," sabi ni Connor sa nagbabantang tono. Pero tinawanan ko lang siya ng mahina at binawi yung braso ko na hawak niya pero mas lalo niya akong nilapit sa katawan niya.

"Tinatakot mo ba ako, Anderson?" Taas ang dalawang kilay na tanong ko.

Akala ba niya matatakot ako sa kanya? I know Connor, at hinding-hindi niya kaya manakit ng babae. That's what I feel. Kaya malakas ang loob ko na inisin siya lalo.

"Pwes hindi ako natatakot sayo. You will not hurt a lady like me, won't you?" Pang-aasar ko. Kaya naikuyom niya ang kanang kamao niya kaya mas lalo akong ginanahan na inisin siya.

"Saka isa pa gusto mo naman si Kaylle 'di ba? Why don't you use her secret against them?" Payo ko sa kanya.

My friends told me na may gusto raw si Connor sa girlfriend ni Chase, kala ko nga hindi 'yon totoo but then dahil sa reaksyon niya na natanggap ko totoo pala talaga and add the fact that they have history together? Akalain mo? My friends told me na yung babae na girlfriend ni Chase used to liked Connor? Pero I still didn't get it, na hindi 'yon niligawan ni Connor noong mga panahon na 'yon. Why? Is it because her puberty wasn't hit her that time? But who cares?

Pasalamat nga yung babaeng iyon that I don't have any plan to put their secret on the school page kasi kung nagkataon kawawa talaga siya sa mga babaeng nagkakagusto kay Chase. I will just use it against my will.

Nagsalubong ang dalawa niyang makakapal na kilay niya at umiling-iling dahil sa narinig mula sa bibig ko, "Naririnig mo ba sarili mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at halatang sobrang inis na siya dahil sa tono ng pananalita niya. But that's good to know.

"Hindi ako makasarili kagaya mo. Sa tingin mo ba pag pinag kalat mo 'yang sikreto nila makukuha mo yung taong gusto mo? Lalo ka lang niyang aayawan," inis na inis na sabi niya kaya matalim ko siyang tiningnan.

That hit me. Pero kung hindi niya ako kaya magustuhan edi sa pilitan na lang ang gagawin ko.

"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mo sabihin pero hindi mo 'ko mapipigilan sa gagawin ko." Marahas kong hinila yung braso niya at nilapit siya sa akin.

"Gawin mo kung anong gusto mo pero once na masaktan si Kaylle, ako makakalaban mo."

"Siya na ba ang anak mo Fernando? Ang laki na ah," natutuwang sabi ng matandang hula ko nasa 80's na pero ang lakas-lakas pa rin. May PA siya na nasa gilid niya na bawat pitik ng daliri niya umaabante para sa ipag-uutos niya.

He looks expensive and also medyo may pagkakahawig sila ni Chase but you know? He's the older version of him and he also looks intimidating at the same time.

"Oo, Don Harrison. Siya nga ang kaisa-isang anak kong babae," masayang sagot ni Dad sa matanda niyang kausap.

It's my Dad's birthday at may mga ilan na artista, senators, mayors, businessman/woman na invited ngayon na dumating. At laking gulat ko na lang na isa sa invited ang pinaka sikat na business tycoon na Lolo ni Chase na si Don Harrison Monteverde. If you wouldn't ask, my Dad is a mayor in town at sikat na sikat siya sa mga kabataan, mga Nanay, tambay sa kanto dahil may pagka-cool ang Dad ko at gwapo kahit na medyo may edad na.

He's planning to run as governor next eleksyon kaya ngayon pa lang he's start to promote himself sa mga kaibigan niya na tatakbo siya next year.

"Mukhang habulin itong anak mo. Manang-mana sa'yo." Natutuwang sabi ni Don Harrison kay Dad noong bumaling siya ng tingin sa akin kaya napangiti ako dahil doon.

"Kaya nga eh," sagot naman ni Dad kaya nahihiya akong napayuko para lang matago ang hiya ko.

"May boyfriend ka na ba hija? H'wag mong sabihing wala pa." iling na tanong sa akin ni Don Harrison kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

"Sa totoo nga lang po wala pa po. Pero Don Harisson, meron akong isang taong nagugustuhan" sagot ko na kinatango niya.

"Aba'y dalaga na talaga ang anak ko," nai-iling na singit ni Dad sa gilid ko.

"Bantayan mo mabuti at maganda 'yang anak mo," komento naman ni Don Harrison.

"Sino ba 'yang nagugustuhan mo? Kilala ko ba 'yan?" Tanong sa akin ni Dad kaya napayuko ulit ako at ipinirmi yung ayos ng buhok ko sa likod ng tainga ko.

"Dad kasi..." Napakagat ako sa labi ko na umarteng parang nahihiya sa sasabihin ko.

"Apo kasi ni Don Harrison yung nagugustuhan ko. Si Chase po." ani ko sa kanila.

"Pero po kasi..." Bigla kong pinalungkot yung boses ko. "Balita ko may girlfriend na raw si Chase," dagdag ko kaya natawa ang matanda.

"Wala akong nababalitaang may girlfriend ang apo kong 'yon. Hayaan mo at kakausapin ko siya para sa'yo hija, gusto kita para sa apo ko," natutuwang sabi ng matanda na kina-ngisi ko.

"Talaga po? Maraming salamat po. Don Harrison," pag papasalamat ko.

Humanda ka Chase, kasi whether you like or not magiging sa akin ka. Akin.