Chapter 24: Truth Be Told
Rumored 24:
( Truth Be Told )
Connor Anderson
[ Point Of View ]
"You like him, don't you?" Bumuka bibig niya but she couldn't form any words to say, hindi man niya sabihin alam ko na ang sagot.
"C-connor..."
"Huwag mo na itanggi halata ko naman," I smiled at her para mapanatag siya na ayos lang iyon sa akin. Kasalanan ko naman kasi na pinatagal ko pa, kaya ito ako ngayon na nagsisisi sa isip ko.
Bumaling ako sa direksyon nila Chase kasama ng mga kaibigan nila na masayang nagkukulitan sa table nila.
Mga bata pa lang kami ni Chase hindi na kami magkasundong dalawa. Snobber at likas na talaga ang pagiging masungit niya. Whenever I tried to talk to him lagi niyang pinuputol yung usapan.
I don't hold grudges lalo na yung nalaman ko na yung Mommy niya is ex ng Dad ko. Kalat yung past na iyon sa cycle namin pero itong si Chase, daig pa ang mga Parents namin dahil mukhang hindi maka-move on. Which is kinda funny to me.
At ito ngayon hindi ko alam na history repeat itself. I like Kaylle, since we were highschool at gano'n din siya. The feeling is mutual pero ang tanga ko eh. Kaya 'yan nakilala niya pa si Chase.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. "I see the way you look at him," I paused noong balingan ko siya ng tingin. "And to believe it or not you used to look at me like that." I don't want to sound bitter pero alam niyo 'yon? Hindi ko mapigilan sarili ko. Dahil nanghihinayang talaga ako. I chuckled when I saw her face na teary-eyed kaya naman agad kong pinunasan iyon using my thumb.
"Nakakapagsisi pala talaga no'? At nakakapanghinayang din. Hindi pa ako nakakapag simula pero alam ko na rejected na ako," pabulong na wika ko noong pagdikitin ko yung noo naming dalawa habang sapo ko ang magkabilang pisngi niya.
"I like you, sorry if I took years to confessed."
"You don't need to say anything kasi alam ko naman na kung sino na ang nandiyan sa puso mo," Pag-amin ko bago ako dumilat at humiwalay sa kanya.
"Connor..." Ako ang lalaki kaya dapat ako yung nag-pi-first move sa mga ganito. At kung may dapat talaga na sisihin ako iyon dahil ang bagal-bagal ko.
Nagkibit-balikat ako, "Siguro kung ako pa rin ang gusto mo, hindi ako matatakot mag-confess ngayon kasi ako pa rin. But you know fate is such a crazy thing maybe we're meant to fall in love with each other but not meant to be together, yeah?" My chest tighten while saying that to her.
I should be happy noong birthday ko kasi nag-confess na sila sa isat-isa ng taong gusto niya. It broke my heart while hindi ko maiwasan ang hindi mag-eaves dropping sa pinag-uusapan nila sa parkehan ng sasakyan.
Sabi ko nga mag-mu-move on na ako pero ano ba 'tong ginagawa ko? Pilit pa rin akong dinadala ng mga paa ko sa kanya.
Minsan talaga no', we can't voice out the true feelings we have even how talkative we are.
Inaamin ko na it broke my heart into two pero para sa babaeng ginusto ko na lang ng palihim, pikit mata man. Magiging masaya ako basta ipapangako niya na magiging masaya siya sa taong gusto niya.
"Iuwi mo siya sa bahay nila," madiing utos ko kay Chase noong nakita kong wala nang malay si Kaylle sa passenger seat at nakatulog na ito dahil sa kalasingan.
"Importante si Kaylle sa akin," napahinto siya sa sinabi ko at tinapunan ako ng matatalim na titig. His jaw clenched at nagkasukatan kami ng tingin. He is now in front of me kaya napangisi ako.
"She's also important to me," He snapped kaya tinanguan ko siya na parang walang naririnig. "Wag mo siya papaiyakin. Alam kong inamin niya na ikaw na ang gusto niya pero wag mo rin kakalimutan na nandito lang ako para agawin siya." Paalala ko sa kanya kaya mas lalong sumeryoso yung mukha niya at tumalim ang mga titig niya.
"Kung nagustuhan niya ako noon, hindi 'yon malabong mangyari ulit." Pagbabanta ko.
"Thanks for reminding pero sa tingin mo ba? After ko malaman na gusto niya ako ibibigay ko pa siya sa'yo?" Sagot niya sa akin, bago maglakad at sumakay sa sasakyan niya.
Gusto ko itanim niya sa utak niya na nandito lang ako para kay Kaylle, gusto ko malaman niya na once na hindi niya trinato ng tama ang ang babaeng gusto ko nandito lang ako naka-abang. Siguro naman with that he will treat her better? I shouldn't be worry, kasi alam ko naman na Kaylle, is in the good hands. Wala naman kasing na issue kay Chase na ibang babae. Sa sungit ba naman no'n? Sino lalapit do'n?
I respect and support their relationship kung sila na nga. Pero syempre may kirot pa rin, nakipagkita ako sa kanya pagkatapos noong birthday ko. Wondering if they're dating for real now. Hindi naman malabong mangyari 'yon. The feeling is mutual at nasabi na nila yung nararamdaman nila sa isa't-isa last friday.
"Tungkol saan pala yung pag-uusapan natin?" Maang na tanong niya sa akin.
"Actually, it's about last Friday." Natigilan siya sa sagot ko kaya napangiti ako sa reaksyon niya. It was so really priceless!
"It's hard to love someone who's in love with someone else. You have to ignore the pain and swallow your pride just to be a friend. But I think that's all worth it because sometimes friendship lasts longer than love." I forced a smile.
Napa-iling ako noong lumungkot yung mukha niya, "Don't worry tanggap ko na iyon, let's be friends then?" I added.
"With no awkwardness?" Taas ang dalawang kilay niyang tanong kaya natawa ako. Kung ma-iinlove man ulit ako, pwede bang sa parehas ng ka-ugali ni Kaylle kung hindi siya pwede?
It's kinda funny to think na nangyari sa amin ang nangyari sa Parents namin noon, at nakakatawa lang din isipin na sa pangalawang pagkakataon sa Monteverde ulit mapupunta yung babaeng ginusto namin ng mga Anderson.
Pero naisip ko rin na para ngang mas better na ganito na lang kami ni Kaylle. No, awkwardness. Chill lang puro tawanan at biruan ang ginagawa namin. At ngayon ko nga lang nalaman na pikunin pala siya. Nakakatuwa, pero sana naman diba sa 3rd generation yung magiging anak ko hindi na ganito.
It's been 3 months and half now since nagyari 'yon noong Birthday ko, at masasabi ko naman na talagang inaalagaan naman niya si Kaylle. Natatawa nga ako pag pinag-seselosan ako ni Chase I can feel it though.
I don't want to brag pero sino ba kasing hindi magseselos lalo na matagal-tagal din akong nagustuhan ni Kaylle? Kung ako rin sa position niya siguro magseselos din ako sa sarili ko.
"Ano 'to? Bakit ganito?!" Anas ko habang nakakunot-noong nakatingin sa phone ko noong makita ko picture namin ni Kaylle, ngayon ko lang nakita yung picture namin simula noong nag Pageant kami. Ngayon lang kasi sinend sa akin ni Ivan.
"Ang pangit mo naman kumuha ng picture bawal ka mag girlfriend!" iling na dagdag ko habang dismaya akong nag swipe sa phone ko para makita yung mga iba pang pictures namin ni Kaylle na kuha ni Ivan.
Kung hindi naman kasi ako nakapikit, si Kaylle naman hindi nakatingin sa camera o kaya naman blurred. Isa lang yung picture na nagustuhan ko sa pitong kinuha niya!
Binangga ni Ivan yung braso ko pagkatapos niya uminom ng tubig. Kaya napatingin ako sa kanya habang nakataas ang dalawang kilay, "Nga pala. Akala ko ba noong birthday mo aaminin mo na sa kanya? Ano nga pala nangyari no'n?" Tanong niya noong tumabi siya sa akin. Nginitian ko na lang yung tanong niyang iyon at umiling.
Kakatapos lang ng praktis namin sa soccer kaya nandito kami sa locker room namin. It's all blue mula sa locker at mga upuan, while puti naman ang pintura at tiles. Pero the rest, lahat ng mga makikita dito sa kwartong ito ay puro Asul na, as in lahat kahit nga towel at mga tumblr na sponsor ng school Asul din.
"Anong?" Tanong niya sabay iling.
Loko talaga itong kaibigan kong 'to, sinusubukan ko na ngang mag-move on ganyan pa siya! Sige pa sa tanong.
"She like someone else now," madiing sagot ko sa sa kanya, kaya tumango-tango lang ito at nagkibit-balikat.
"Crush na crush ka no'n ni Kaylle, simula dati ah! Sino bang lalaki na nagustuhan niya ngayon?" Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko malaman niya na ayoko na pag usapan pa 'yon pero tae! Napaka-manhid nitong gunggong na 'to.
"Ang dami mong tanong," inis na singhal ko sa kanya noong kinuha ko yung towel sa locker ko at inilagay sa kaliwang balikat ko.
"Sino nga?" Mausisang tanong niya. Napaka-tsimoso talaga nitong lalaking ito daig pa babae sa pagiging tsismoso.
Paano ko nga ulit siya naging kaibigan?
Napabuntong-hininga ako bago ako humarap sa kanya. "Si Chase," simpleng sagot ko. Tumaas yung dalawang kilay nito na halatang nagulat sa sinabi ko.
"Chase? You mean.. Chase Monteverde?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya tinanguan ko na lang 'yon habang nakapamewang ako.
"Wow, nag-level up! Akala ko ba peke lang relasyon nila?" bulalas ni Ivan.
"Peke lang ang relasyon nila?" napalingon ako sa babaeng nagsabi no'n.
"Anong ginagawa mo dito Vanessa?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Kanina ka pa ba nandito?" Dagdag na tanong ko. Nagkatinginan kami ni Ivan bago lumipat ang tingin namin kay Vanessa.
She's wearing an all white uniform dahil nga sa Medicine ang course niya like Chase, at balita ko may gusto siya kay Chase and she's trying to flirt with him. Alam kong matagal na yung naging isyu na iyon pero ang marinig niya ang ganitong pag-uusap ay hindi maganda para sa taong gusto kong protektahan.
Sobrang daming may gusto kay Chase dito sa Aquinas. Hindi rin sapat ang may girlfriend siya para tumigil yung ibang may gusto sa kanya. Nangako ako kay Kaylle na yung sikreto nilang ito ay itatago ko kahit na sila o hindi maging sila sa totoo.
I want to curse my friend pero aksidente lang naman yung nangyari, malay ba namin na may papasok na ibang tao dito at surprisedly si Vanessa pa!
"Hi, Vanessa!" Bati ni Ivan sa kanya na may malapad na ngiti sa labi.
"Sino yung peke ang relasyon?"
"Huh? Wala kaming sinasabing gano'n!" nakangiting sabi ni Ivan. Habang nakatingin kay Vanessa pero nginisian niya lang kami.
Tiningnan niya kaming dalawa na parang hindi naniniwala sa itinanggi ni Ivan, "kung yung mga ibang babae naloloko niyo ibahin niyo ako." Iling na saad niya sa aming dalawa.
"Narinig ko ang pinag-usapan niyo. Totoo bang peke lang ang relasyon ni Kaylle at Chase?" Umiling ako dahil sa pagka-irita. "Bakit ka ba nakikinig sa usapan nang may usapan? At bakit ka ba nandito? Hindi mo ba alam na bawal ka dito?" Anas ko sa kanya.
"Don't worry hindi naman ako magtatagal. Saka nandito lang naman ako para iabot yung damit ng pinsan ko," nakangising tugon niya noong nag tuloy-tuloy siya sa pag pasok at may inilagay sa loob ng locker ng pinsan niya. "Hindi ko akalain na may tsismis pala akong masasagap sainyong dalawa," nakangising dagdag niya noong balingan niya kami ng tingin.
Aalis na sana siya noong hilahin ko siya pabalik, "Huwag na huwag mong ipagkakalat ang mga nalaman mo," sabi ko sa nagbabantang tono. Pero tinawanan niya lang ako at hinawi yung braso niya na hawak ko. "Tinatakot mo ba ako, Anderson?" Taas ang dalawang kilay niyang tanong sa akin.
"Pwes hindi ako natatakot sayo. You will not hurt a lady like me, won't you?" Pang-asar na ani niya sa akin, kaya naikuyom ko ang kamao ko.
"Saka isa pa gusto mo naman si Kaylle hindi ba? Why don't you use her secret against them?"
Oo, maganda siya. She's like a goddess, honestly. Maraming nagkakandarapa sa kanya ng mga lalaki dito Aquinas! But I can't believe this! Na sa likod nang gandang mukha niyang ito, hindi ko aaklain na ganito kabaho ang pag uugali niya!
Sa isip-isip ko buti na lang hindi ako nagkagusto sa kanya.
Umiling ako sa pagka-dismaya. "Naririnig mo ba ang sarili mo?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Hindi ako makasarili kagaya mo. Bakit? Sa tingin mo ba pag pinag kalat mo 'yang sikreto nila makukuha mo yung taong gusto mo? Lalo ka lang niyang aayawan," inis na singhal ko kaya matalim niya akong tinignan at halatang nagalit siya sa sinabi ko.
"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mo sabihin pero hindi mo 'ko mapipigilan sa gusto kong gawin." Marahas kong hinila yung braso niya at nilapit siya sa akin.
Gawin? Ano bang binabalak niya? Pero kahit na ano man 'yon I will make sure that Kaylle is safe.
"Gawin mo kung anong gusto mo pero once na masaktan si Kaylle, ako makakalaban mo." Banta ko, pero nginisian niya lang ako at marahas niya rin binawi ang braso niya at umalis sa locker room namin.
I was dumbfounded. Hindi ko alam ang gagawin ko! Dahil alam kong kasalanan ko kung bakit niya nalaman iyon.
Binalingan ko ng tingin si Ivan pero ayoko naman siyang pagbuntungan ng galit ko. Umupo ako sa upuan at napasabunot sa buhok ko.
I really don't know what to do now! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to, alam kong hindi na ako makakalapit pa sa kanya pero... Tae naman bakit ngayon pa?!
I need to fix this. Should I tell her?
"I'm sorry pre, hindi ko sinasadya! Anong gusto mong gawin natin?" Si Ivan kaya napabuga na lang ako ng hangin at nag-angat ng tingin sa kanya.
"Shot tayo?"