Chapter 17: Jealousy
Rumored 17:
( Jealousy )
Kinabukasan halos yakapin ko si Zeah noong makita ko siya. Napaatras siya ng mga dalawang hakbang habang gulat na gulat sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Gaga ka! Ano naman nangyari sayo?" Gulat na tanong niya. Habang tinatapik balikat ko.
Napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya at napatingala saglit dahil sa nagbabadyang luha na gusto kumawala sa mga mata ko.
Napasinghap siya at umiling, "Nag-away ba kayo ni Chase? Parang kahapon sabi ko ang sweet niyo kasi niyo tapos ngayon may LQ chuchu eklabu na kayo?" Nakangiting usal niya, pero umiling ako.
Pumunta kami sa comfort room at hinintay ang mga babae doon na magsi-alisan hanggang sa kami na lang dalawa ang natitirang tao sa loob. Nag taas ang dalawang kilay niya habang nakasandal ang pwetan sa may sink habang nakahukipkip na nakatingin sa akin.
Bumuntong hininga siya bago magsalita, "Okay...?" She bgean while she gesture her right hand bumaba ng konti sa braso niya ang bracelet na suot niya, "So, anong drama 'to? Kinakabahan akong gaga ka ha! Don't tell me buntis ka?!" Singhal niya sa akin habang pinanlalakihan ako ng mata.
"Zeah gusto ko na siya," garalgal na sabi ko dahil naiiyak ako.
Naguguluhang umiling si Zeah na hindi niya ma-gets yung sinabi ko.
"Si Chase? Well, what's not to like? Saka isa pa boyfriend mo naman 'yon di ba? So anong kaso doon?" Naguguluhang tanong niya sa akin, kaya napayuko at napangiwi ako dahil doon. Kasi nga totoo naman what's not to like? E' na sa kanya na nga halos ang lahat. Pero ang masakit doon hanggang dito lang kami.
"Zey, hindi naman totoong kami e', sinakyan lang namin 'yon kasi gusto niyang tigilan na siya ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya, na-convince ako kasi crush na crush ko noon si Connor kaya iyon, napapayag ako." kwento ko sa kaibigan ko.
Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko, "Zeah gusto ko na si Chase! Anong gagawin ko?!" Naguguluhang tanong ko sa kaibigan ko. Hinila niya yung hibla ng buhok ko, "Gaga ka! Hindi pala kayo!" Singhal niya sa akin.
"Pero kung ako sayo aminin mo na gusto mo siya!" Payo niya habang supladang nakahukipkip na nakatingin sa akin. "Hindi ko pa rin akalain na peke lang kayo!" Dagdag na turan niya habang dismayadong umiiling sa nalaman.
"Pero ayoko maging katulad sa ibang babae na ni-reject niya!"
"Hindi 'yan!" Inis na turan niya sa akin.
"Paano mo naman nasabi?"
"People change like climate change pak-ganon! Parang ako kay Carlo. Hindi ko naman siya gusto dati 'di ba? Kasi patay na patay ako noon sa first love ko, na parang ikaw ngayon kay Connor. Pero kasi naramdaman ko na lang bigla na si Carlo, siya na yung true love ko. Sabi nga nila na though signs may misled you, true love will find you. At alam kong si Carlo na talaga at siya na yung end game ko." Madamdaming pahayag ng kaibigan ko.
"Alam ko at sa nakikita ko, gusto ka ni Chase. The way he look at you iba eh, at saka the way he smiled pag nandiyan ka? Kahit pasimple lang 'yon, alam kong masaya siyang kasama ka. Hindi naman siya gano'n sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya, wala nga siyang hinahayaan na ibang babae na makalapit sa kanya bukod sa'yo. Kaya nga naiinis ako kasi isa ako sa mga na-uto niyo!" Dagdag na anya niya kaya napangiti ako dahil doon.
Matapos namin mag-usap na mag kaibigan, bumalik na kami sa kanya-kanyang klase namin. Pero sa pag-ikot ko sa kabilang banda kung saan ang klase ko, nahagilap ng mata ko si Chase at ang kaibigan niyang si Moon. Sa karaniwang pinag tatabayan nila na mag kakaibigan. Nasa may ilalim ng puno at hindi lang silang dalawa ang nandoon dahil may kasama silang isang babae. At the way na mag-usap silang tatlo parang close sila. She's also wearing all white uniform pero mukhang hindi nag-aaral dito sa AU dahil sa ID lace niya. Maybe she's from Helix University na halos ilang metro lang ang pagitan mula sa Aristotle.
Siya kaya yung someone na tinutukoy ni Chase?
The way kasi na mag-usap sila ngumingiti siya sa mga kwini-kwento sa kanya noong babaeng kaharap niya ngayon. Tuwing mag kausap kami ni Chase puro pag ngisi lang siya pero iba dito sa babaeng kaharap niya ngayon.
Hindi ko maintindihan sarili ko nang bigla akong makaramdam ng inis sa sistema ko habang nakatingin sa kanila mula dito sa kinatatayuan ko.
Bagsak ang balikat ko hanggang sa makarating ako sa klase ko. Bakit gano'n? Nag-seselos ba ako? Napasapo na lang ako sa ulo ko hanggang sa tumabi sa akin si Carlo.
"Sakit sa ulo ng pag-ibig no'?" Nakangising turan niya sa akin, noong tabihan niya ako.
"Nasuyo ko na best friend mo tapos na LQ namin kaya sana naman sana wag na siya magselos jusmiyo!" Iling na ani niya.
"Good for the both of you," Ikling tugon ko sa kanya.
Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin at pinag mamasdan ang mukha ko, kaya inis ko siyang binalingan ng tingin na 'ano' look.
Nagkibit-balikat lang 'to, "Nakita mo na ba boyfriend mo? Nakita ko kasi siy- " Sinamaan ko siya ng tingin. Kailangan pa ba talaga sabihin iyon sa akin?
He raised his both hands in the air na para bang nag susurrender, "Pero buti hindi ka selosa, gaya ng bestfriend mo," dagdag na tanong niya sa akin kaya napa-iling na lang ako. Kahit naman na nagseselos ako ng very light wala akong karapatan dahil wala namang kami.
Napabaling naman sa iba yung tingin ko ng makita ko si Geralyn na kinausap si Carlo at nag patulong sa isang bagay kaya naman hindi ko na lang sila pinansin pa.
Hanggang sa matapos ang klase yung babaeng kausap ni Chase yung naiisip ko. Sino kaya iyon? Siya na ba talaga yung someone na gusto niya? Mestiza, matangkad, matangos ilong, may kurba ang pangangatawan at maamo ang mukha.
Medyo kasing ganda ni Ysabelle at kasing classy ni Vanessa at siguro kasing talino niya yung babaeng iyon. Kaya anong laban ko doon? E' simple lang naman ako.
"Kaylle!" Nakangiting bati sa akin ni Connor noong maabutan niya ako. I can smell his manly cologne, noong makalapit siya sa akin. He's wearing an orange neon tee at sweat shorts na naka black rubber shoes na pang soccer niya. I think they have a practice?
"Connor," nakangiting bati ko din sa kanya.
He clasped his hands noong magsimula kaming mag lakad, "Uhm, Kaylle puwede ka ba this Friday night?" Kinakabahang tanong niya sa akin, kaya naman binalingan ko siya ng tingin.
"Uhm, birthday ko kasi and uhm.. Punta ka sana?" He nervously smile at me habang nakatingin sa akin looking at my reaction.
He shrugged his shoulder while he gesture his hands a lot while talking, "I know you're not fund of parties but uhm... I rent a bar somewhere to celebrate my birthday this Friday, so iyon hopefully makapunta ka," malapad ang ngiti niya habang nakatingin sa akin like he's nervously waiting for my answer.
Marahan akong tumango ako sa kanya, "Sure, sige pupunta ako." Nakangiting ani ko sa kanya.
Ngumiti siya ng napakalapad, "Yes! I mean, yes. Don't worry hindi kita hahayaan ma-OP doon. And uhm may mga taga st. Claire naman ako na ininvite na kasing batchmate natin noon, I already invite your friend too na sila Zeah sabi niya she will try daw e' but hopefully makapunta siya, and uhm I want to confess something sana sayo that day... Kaya sana makapunta ka talaga," agad akong kinabahan dahil doon.
"Sa Friday ko na sasabihin sayo iyon kung curious ka at gusto mo malaman ang sasabihin ko," nakangiting agap niya kaya tumango ako at hindi na nagtanong pa.
"Sige, text mo na lang ako kung saan gaganapin at pupunta ako." Ani ko sa kanya.
Napasinghap na lang ako at iling noong makalayo na siya, pinakiramdaman ko din yung dibdib ko dahil parang dati lang grabe mag harumentado itong puso ko, pag nagkakasalubong o nag kakausap man kami ni Connor pero ngayon parang wala na lang ito.
Napatigil ako sa paglalakad noong makasalubong ko si Chase na naglalakad habang may tinitipa sa phone niya, maybe he's texting the girl he was talking kanina? Natigil siya mag lakad noong nakita niya ako, nginitian ko siya at akmang mag lalakad na ako pero noong halos malalagpasan ko na siya bigla siyang nag salita na ikinatigil ko.
"Mag bi-birthday crush mo, invited ka?" He bitterly asked.
Ngumiti at tango ako sa kanya, "Oo, kanina lang niya ako inivite," Sagot ko, noong balingan ko siya ng tingin sa tabi ko. His jaw is clenching habang nakatingin sa ibaba.
"Sige, Chase uwi na ako." Nakangiting usal ko sa kanya pero bigla ulit siyang nagsalita.
"My Mom is inviting you to have a dinner with us are you free tonight?" Matabang na tanong niya sa akin bago ako lingunin sa tabi niya.
"Huh?" Hindi makapaniwalang tugon ko. Habang naka-kunot ang noo kong nakatingin sa kanya.
"I said are you free tonight? My Mom is-"
"Oo, alam ko pero bakit daw?" Kinakabahang tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya. Hindi ba wala na kami? Kagabi lang sabi niya ayaw niya na akong maging girlfriend tapos ngayon may pa dinner with his Parents!?
"I don't know." Masungit na tugon niya bago pumamulsa sa pants nito. "So are you coming or not?" Masungit na tanong niya ulit, kaya tumango ako bilang sagot. I can't say no to Tita e'.
Noong makapunta kami sa mansion nila halos kabahan ako dahil sa first time ko lang na makapunta dito. Garahe palang malaki na, paano pa kaya ang loob? Noong makababa ako sa sasakyan niya doon ko lang napasadahan ng tingin ang laki ng mansion nila. Halos mapangaga ako dahil medyo madami-dami silang luxury car na nakapark sa garahe nila mga bente mahigit ata lahat ang nandito?
Sa kanila ba lahat ng ito? Hindi ko alam pero somehow nakakapanliliit din yung karangyaan nila.
Dirty white ang kulay ng Mansion nila sa labas at ang lalaki ng mga bintana at pintuan.
Yung main door nila is double door at 10 feet ang laki no'n. Binati kami ng mga iilang katulong na sumalubong sa amin. Kaya naman nginingitian ko 'yon pero si Chase dinidedma lang.
"Chase!" Masayang bati noong isang babae na lumabas kung saan.
"Hey, what are you doing here?" Gulat na tanong ni Chase sa babaeng kausap niya kanina lang sa school.
"Well, you're Mom invited me here!" Excited na sagot noong babae sa kanya.
"Grabe ha! Kanina ka pa, parang ayaw mo 'ko makita! Huwag ka mag-alala hindi ako nag-cut!" Nagtatampong dagdag na sabi nito kay Chase.
"It's not that." Agap naman na sagot ni Chase sa kanya, napaiwas ako ng tingin sa kanila at pinag masdan ang napaka laking receiving area nila. "Kalma, Kaylle. Okay ka lang. Magiging okay ka. Hindi ka nag seselos! Wala kang karapatan." Yan ang paulit-ulit kong pinapasok sa utak ko. Habang nakatingin sa kanila.
"Chase, Kaylle nandito na pala kayo," Si Tita na kakababa lang gamit yung mala-gintong elevator nila.
Agad akong napangiti doon sa babae na kausap ni Chase kanina noong malaman niya na hindi pala nag-iisa si Chase na pumunta dito.
"Hi," nahihiyang bati ko sa kanya. Ang ganda pala talaga niya sa malapitan. Kabog din dito si Vanessa.
Tinaasan niya ako ng dalawang kilay, "You're Chase friend, right?"
"Naku, hindi she's Chase girlfriend hija," Nakangiting tugon sa kanya ni Tita.
"What?!" Gulat na sabi noong babae.
"You have a girlfriend!?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Chase na seryosong nakatayo lang sa pagitan namin.
"Ako pa talaga ang nag pakilala kay Kaylle na girlfriend mo kay Loraine!" Sita ni Tita kay Chase.
"I was planning to but inunahan mo 'ko," Sagot ni Chase sa Mommy niya.
Ramdam ko ang pagtitig ni Loraine sa akin at halatang hindi siya masaya sa nalaman. Kaano-ano ba niya siya? I have a feeling they're not blood related.
So 'yon kaya pala ako pinapunta ni Tita dito kasi gusto niya mag paturo sa akin na mag bake for her husband mag a-anniversary kasi sila ni Tito kaya she wants to try something at ang naisipan niya yung pagbi-bake.
"Thank you, Kaylle!" Sobrang sayang sabi ni Tita kaya napangiti na lang ako.
"Wala po 'yon." Matamlay na sagot ko sa kanya.
"May LQ ba kayo ng anak ko?" Bulong na tanong ni Tita sa akin, marahan akong umiling. "Hindi po," sagot ko kaya tumango-tango na lang siya at hindi na nagtanong pa.
Matapos kaming kumain, napapayuko na lang ako whenever na tanging yung si Loraine at Chase lang ang nag-uusap.
Grabe, hindi ko alam pero noong mga oras na iyon, parang ang tagal ng oras at parang umikli ang pasensiya ko.
Nagpaturo agad si Tita sa akin kung paano gumawa ng brownies kaya naman tinuruan ko na lang din siya and habang nag ku-kwentuhan kami ni Tita napunta kay Loraine yung usapan naming dalawa. It's already 7pm pero uuwi din ako agad pag natapos namin 'to ni Tita.
Chase is with her sa may pool area na kitang-kita kung nasaan kami ni Tita na nag-bi-bake. Kita ko ang pag ngiti niya paminsan-minsan pag tinitignan ko siya. Hindi ko maalis sa isip ko yung saya niya pag magkasama sila. Yung sungit kasi ni Chase nawawala pag yung si Loraine ang kausap niya.
"She's Raine. Chase and Moon childhood's friend." Panimula ni Tita kaya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang tahimik na nakikinig sa kwento niya.
"14 years old siya noong nag migrate sila ng parents niya sa England and tuwing occasions lang siya umuuwi dito, minsan hindi pa nga." Kwento ni Tita kaya naman napangiti ako ng pilit.
Kinuha ko na yung naluto na brownies mula sa oven pero napaso ako noong nag-tangkang kunin ko yung isang tray.
"Araaaay!" Singhal ko habang hawak ko yung daliri na napaso. Nabalik tuloy ako sa wisyo ko.
Napa-iling si Tita at tinapik yung balikat ko, "Nagseselos ka ba sa nalaman mo?" Nakangiting tanong ni Tita sa akin kaya namilog mata ko. Nagseselos nga ba ako?
"H-hindi po," Tanggi ko.
"Wag kang mag-alala, kilala ko 'yang si Chase. He's steady. Pag ikaw ang gusto niya wala kang dapat ikabahala dahil ikaw lang talaga. He got that trait to his father kaya nga galit na galit Daddy niya sa kanya noong panahong hindi niya kaya mag move-on kay Ysabelle, kasi nakikita niya sarili niya kay Chase noon pero buti na lang dumating ka sa buhay niya." Ani Tita noong balingan ang anak niya na kasama ang childhood friend niya.
Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya pero hindi naman kasi totoo 'yon eh. Na hindi naman dahil sa akin yung pag-mo-move-on niya. Atsaka alam ko naman na tinulungan rin ni Chase sarili niya kasi syempre di ba? Sino ba gusto ma-stuck sa past? Atsaka kasal na taong mahal niya. Kaya syempre dapat move-on na talaga. Hindi lang ako yung may dahilan no'n. Siguro naging gabay niya lang ako.
Napatingin ako sa direksyon nila Chase na nakatingin din sa amin, kaya napangiti na lang ako ng hilaw. Bago mag patuloy sa ginagawa ko.
Sana makatagpo siya ng babaeng mamahalin siya at hindi na siya lolokohin. Kasi kung magkataon man na meron at sinaktan lang siya? Baka ako makalaban no'n.