Chapter 16: Someone

Rumored 16:

( Someone )

Nasa canteen kaming tatlo nila Zeah at Carlo pero ni-isa sakanila walang umiimik, kaya tahimik lang din ako na nakikiramdam habang palipat lipat ng tingin sakanila.

Tumikhim si Carlo kaya nag angat ako ng tingin noong tumayo siya, "Tapos na ako kumain. Mauna na ako may practice pa kami," paalam niya habang nakatingin sa girlfriend niya. Pero ang gagang best friend ko walang imik at parang hindi siya yung kinakausap.

LQ talaga sila ngayon!

Tumango ako kay Carlo at ngumiti pero yung loko inisnob ako at mabilis na nag lakad paalis sa amin. "Mauna na ako may practice pa kami," Zeah mimicking his boyfriend kaya nabalik atensyon ko sakaniya.

"Sus gusto niya lang makita si Geralyn!" Naiinis na sikmat niya habang padabog na kumakain ng macaroni.

After na mailunok ang sinubo, tumingin siya sa akin at kumunot ang noo, "Nagseselos ako best! Ang arte kasi at napaka pabebe noong kaklase niyo!" Inis na usal niya.

"Bwisit! Bakit kasi gentleman yung si Carlo! Mahinhin? Sus, mukha niya! Papansin lang siya sa boyfriend ko. Husay niya lumandi, tangina sarap ihampas sa kanya yung trophy pag nanalo sila!" Dagdag na sabi niya pa. Sabi ko na nga ba at mag seselos siya doon kay Geralyn.

"Alam ko mahilig ako sa gwapo pero kahit kailan naman hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sino!" Madamdaming saad ni Zeah.

"Talaga kahit si Jere-"

"Sige ituloy mo yan F. O tayo!" Banta niya sa akin.

"Move-on na ako doon! Tapos babanggitin mo pa! Saka, irita din talaga ako sa pangalan niya!" Inis na asik niya sa akin.

Lahat naman tayo may mga first love kaso yung kay Zeah gwapo nga pero sobrang babaero.

"Wag ka na nga magselos doon kay Geralyn, tagal niyo na ni Carlo ngayon ka pa magseselos sa mga babae na nalilink sakaniya?"

She rolled her eyes on me, "Hello?! Sino ba nalink na babae kay Carlo noong High school tayo? Si Seika lang naman diba? Pero duuh 'di naman siya type no'n basted kaya si Carlo doon. Saka iba type ni Seika no'," si Zeah.

"Ngayon lang! Ngayong lang talaga ako nagkaroon ng threat and I kennat best! Sobrang selosa ko pala!" Iling ni Zeah habang sapo ang ulo niya, kaya natawa ako pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Makatawa ka naman diyan, pasalamat ka at bago palang kayo ni Chase kaya sweet pa kayo!" Irap niya sa akin kaya napakunot noo ko.

"Luuh? Bakit nadamay kami?"

"Bruha ka e'!" inis na sagot niya.

We talked and stayed here for awhile until Zeah has to go dahil may klase pa siya habang ako naman is wala pa. Kaya pumunta muna ako ng rooftop. Halos lahat yata ng selos ng kaibigan kong si Zeah nalabas niya na kaka-rant doon kay Geralyn. Pabalik balik kasi topic namin sakaniya kaya sorry nalang kung nasasamid na siya dahil sa amin.

Pagpunta ko sa rooftop sumalubong sa akin ang napaka lakas na hangin. I'm not even surprised noong makita ko si Chase na nandito na nakatayo at nakapamulsa habang sinasalubong ang lakas ng hangin.

He looks like he was deeply thinking something...

Lumingon siya sa direksyon ko at namilog ang mga mata niya noong makita ako pero muli niya rin binalik ang tingin sa mga ibon na nag liliparan ng sabay-sabay.

"Hi," kinakabahang bati ko.

"Nag lunch ka na?" Tanong ko ulit, hindi naman siguro pa-fall yung sinabi ko 'di ba?

Tumango siya bilang sagot bago mag likod tingin, "How about you?" Nakataas ang dalawang kilay nito.

His eyes met mine. Kaya napakurap pa ako ng ilang beses bago tumango ng paulit-ulit. Masyado akong naaakit sa mata niya. He has dark brown eyes at kitang-kita iyon at buhay na buhay pag ganitong maliwanag.

Napangiti ako noong may naalala ako rito sa may rooftop at bumaling sa nakatalikod na si Chase na seryosong nakatingin sa malayo.

"Chase naalala mo ba noong first day of school natin? Yung una nating pagkikita dito sa rooftop?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Marahan siyang tumango, "how can I forget that?" Seryosong tugon niya. "Nakakainis ka noong mga panahon na iyon," dagdag niya.

"Wow, ha?" Singhal ko.

Ako pa talaga yung nakakainis?

"Nakakainis ka rin kaya no'n!" Sabi ko sabay turo sa kanya noong lingunin niya ako. Pero nagkibit-balikat siya bago niya ako pasadahan ng tingin.

"You're attracted to my face when we first met, right?"

Napakurap ako ng ilang beses dahil doon, "H-hindi sa gano'n..." Tanggi ko.

"Tell me Kaylle, what part of my face that you are attracted to?" Tanong niya ulit habang nakataas ang dalawang kilay niya.

Eyes is the most attractive part of his face and nose also dahil pulido ang pagiging pointed but my goodness! Ano ba 'to?

Napalunok ako ng humakbang siya palapit sa akin, na siya naman ang kina-atras ko ng ilang beses, dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hanggang sa maramdaman ko na sa likod ko yung pintuan paalis sa rooftop.

Halos mag liparan buhok ko dahil sa lakas ng hangin at ganoon din yung sa kanya, naamoy ko rin yung mamahaling pabango niya ng lumapit siya ng konti sa akin at ipirmi sa likod ng tainga ko ang mga takas na buhok na nakaharang sa mukha ko.

Isinandal niya ang kanang kamay sa pintuan habang yung kaliwa naman niya ay ginamit niya para iangat ang baba ko.

"Girls that attracted to me can't even look straight to my eyes for seconds," he uttered. Habang tinitingnan ako sa mga mata ko.

A-ano naman kinalaman ko rito? Hindi na nga ako attracted sa kanya 'di ba? Hindi na nga! But damn, that eyes! Para akong tinutunaw paunti-unti.

"N-nakakatingin naman a-ako sa mga mata mo e'," ani ko at ngumiti ng hilaw sa kanya at tinapik siya sa balikat.

"Ah... Chase atras ka nga konti ang l-lapit mo," pakiusap ko, pero nginisian niya lang ako.

"Bakit naiilang ka?" Maang na tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay niya. At halos mag alburoto puso ko sa ginawa niyang pag lapit sa akin.

Na-corner na rin ako ng mga braso niya, "How about this?" Mga tungki ng ilong namin halos magdikit na sa sobrang lapit namin sa isat-isa.

Namumungay ang mga mata niya, while he's checking my face na kulang na lang i-memorized niya yung bawat pigura ng mukha ko. Hanggang mapunta sa labi ko at mga mata niya at muling tumingin sa mga mata niya.

Halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang lapit niya. Ano bang na sa isip niya? Bakit ba siya ganyan? Idagdag pa ang sikat ng araw kaya ang hot talaga! Pinag papawisan na ako at nangangatog na rin mga tuhod ko. Pigil-pigil din ako sa paghinga ko, kasi na-co-conscious ako sa hininga ko, kung maamoy man niya.

Iniisip ko tuloy yung mga kinain ko kanina. Nag-mouth-wash naman ako, pero jusmiyo! Bakit ko ba iniisip 'yon sa mga oras na 'to? Ano ba feeling ko, hahalikan ako nitong si Chase?

"Dream on, Kaylle," sabi ng utak ko.

Hindi ko maiwas yung tingin ko sa kanya dahil lagi niya akong pinapatingin sa kanya at konting maling galaw ko lang sa position namin mahahalikan ko siya. Ramdam ko yung init ng paghinga niya sa labi ko.

Binasa niya ang ibabang labi niya, na parang may balak siyang halikan ako habang nakatingin sa mga labi ko.

Oh my goodness! Kaylle, Ang dumi mo mag-isip! Pero hahalikan nga ba niya ako? Nababaliw na puso ko, habang yung utak ko lumilipad at hindi na makapag-isip pa ng tama dahil sa position namin ngayon.

"To answer your question last two days ago..." He paused.

"Alam ko na marami d'yan nagkakagusto sa akin at pwede ko rin sila magustuhan kung gugustuhin ko, dahil nga move-on na ako pero ayoko," sabi niya sa napapaos na boses.

Idinikit niya ang noo niya sa noo ko saglit bago lumayo ng konti at tumingin ulit sa mga mata ko. His eyes, damn that eyes! Ang daming emosyon pero hindi ko mapangalan kung anu-ano ang mga iyon.

"Ayoko dahil nakakadala noong una but now here I am..." He laughed a bit habang pinapasadahan niya ako ng mga makakahulugang titig.

"... liking someone," he continued.

"Wala na akong pakielam pa sa iba maliban sa isa," kung kanina grabe makapag-hysteria ang puso ko ngayon naman parang may kung ano sa puso ko ang bumara at dumagan dahil sa narinig ko mula kay Chase.

He like someone. He finally liked someone!

I should be happy, right? Pero bakit parang kabaliktaran pa 'yon ng nararamdaman ko? Bakit hindi ko kaya maging masaya?

Natauhan ako nang bigla siyang magsalita, "How long you want to stand there?" Nakapamulsang tanong niya sa harapan ko na parang walang nangyari.

He peek on his wrist watch, "I got to go, may klase pa ako." Sabi niya kaya naman umalis ako sa pagkakasandal sa pintuan at padaanin siya pero bago niya buksan 'yon nilingon niya ako.

"Hindi ka pa bababa?" Tanong niya sa akin kaya napabuga na lang ako ng hangin at sumunod sa kanya.

Habang tahimik na inaalala yung sinabi niya na may nagugustuhan na siyang iba.

Uwian at hindi pa rin bati si Zeah at Carlo, gusto kong kausapin si Carlo at pag batiin sila kasi sa totoo lang ako yung nahihirapan pag mag kaaway sila, kasi nga pareho ko silang kaibigan.

"Hey..." Bati ni Connor na biglang sumulpot sa tabi ko, na may malapad na ngiti sa labi niya. Kaya naman napangiti na lang din ako.

"Hi," nahihiyang bati ko sa kaniya.

Naamoy ko pabango niya noong bigla umihip ang hangin at sabay kami naglalakad. Na-conscious tuloy ako sa amoy at itsura ko ngayon, ang bango kasi ni Connor at ang fresh tingnan.

He's just wearing a plain black tee and jeans. Napaka simple, pero gwapo pa rin. Gaya ni Chase.

"Pwede ka ba ngayon Kaylle? Tara kain tayo sa pares? Libre ko," Masiglang aya ni Connor sa akin.

Gusto ko magtaka kasi of all the girls he know bakit ako pa 'di ba? Ano 'yon? Natauhan na ba siya? Pero sa huli pumayag na lang din ako, gusto ko din i-refresh yung mind ko about doon sa kanina.

Ilang araw na rin since we exchanged numbers at naging magtextmate kami at ito na nga! Parang dati pangarap ko lang, pero ngayon ito na nasa tabi ko na yung crush ko.

Sa panaginip ko lang kasi 'to madals mangyari. Yung date with Connor tapos ngayon ito na totoo na talaga ang bilis ng mga pangyayari...

Napangiwi ako sa iniisip ko, assumera talaga ako. Wala naman sinabi si Connor na date 'to. Pumunta kami sa isang Pares na hindi kalayuan sa school namin, mainit at maraming tao ang nandito ngayon, karamihan studyante na kakatapos lang siguro ng klase, at may iilang teachers din.

Habang hinihintay namin yung pagkain, hindi ko maiwasan na hindi mag tanong sa kanya.

"Nakakapagtaka naman na ako ang niyaya mo rito," sabi ko sa kanya.

"I was planning to, matagal na pero ngayon lang ako naglakas ng loob." Nakangiting sabi niya.

"Lahat naman ng kakilala ko na nag-aaral sa Aristotle, ayaw kumain sa mga ganitong lugar," dagdag na sabi niya kaya napatango ako. Isa rin 'to sa mga traits kung bakit nagustuhan ko si Connor, dahil simple lang siya at down to earth kahit na mayaman sila.

Habang naghihintay kami sa order namin, nag-fast-talk muna kami ni Connor.

To get to know each other ba? Parang gano'n?

"Sweet or Spicy?" Mabilis na tanong ko sa kanya.

Napakamot siya sa batok niya, "Uhm... Ano... Pareho?" Sagot niya, kaya natawa at iling ako.

"Isa lang," ani ko kaya napakagat siya sa ibabang labi at umaktong nag-iisip.

"Spicy, spicy na lang." Sagot niya kaya napatango ako. At naisip si Chase, hindi siya mahilig sa spicy.

"Tea or coffee?" Tanong naman niya sa akin.

Umiling ako bago sumagot. "I don't drink both," sagot ko.

Ilang saglit din kaming natahimik noong dumating na yung pagkain namin.

"You wouldn't mind kung sabihin kong date 'to?" Agad akong natigilan sa pagsubo ng kanin ng bigla siyang magsalita.

"H-ha?" Agad naman 'tong ngumiti ng napaka lapad at umiling.

"Masyado ka naman kabado joke lang!" Nakangiting sabi niya kaya napakurap na lang ako ng paulit-ulit.

Kinabahan kasi ako roon at aaminin ko na kinilig din ako doon ng konti.

Napadako yung tingin ko sa bata na kumakain ng burger at may inaalis na kung ano doon at nilalagay sa plato ng Mommy niya yung mga ayaw niya na kainin.

Naalala ko tuloy si Chase, noong unang kumain kami sa isang burger restaurant at treat ni Chase 'yon. Nag-crave kasi siya bigla na kumain ng burger tapos iyon. Sinama niya ako, pauwi na ako noon galing sa condo niya kakakita lang din namin ng student portal namin noong mga panahon na 'yon.

Wala akong bagsak habang siya naman pulido ang cinco sa grades niya kaya 'yon. Cinco pinakamataas na grades sa AU habang uno naman sa bagsak.

Kaya 'yon nag celebrate kami. Na kaming dalawa lang. Malaki yung burger na inorder niya, good for 5 people nga siya kung tutuusin. Pero nagkataon kasing gutom kami no'n at as in talaga nawala poise namin while we were eating. Hindi nga siya makapaniwala no'n e', kasi ang laki talaga ng burger na 'yon, tapos ang bigat pa sa tiyan at naubos namin.

Naalala ko rin noon na ayaw na ayaw niya yung lasa ng kamatis, kaya bago niya kainin yung burger todo check siya roon sa burger tapos ibibigay niya sa akin yung mga kamatis na nasa kanya, sabi ko kasi sa kanya ibigay niya na lang sa akin yung mga kamatis kung ayaw niya.

At naalala ko rin na pag pinapanuod niya akong kumakain ng kamatis na binibigay niya sa akin, his face was so priceless! Hindi mo alam kung nandidiri ba o ano...

Hindi ko mapigilan hindi mapangiti noong maalala ko 'yon. Nabalik ako sa wisyo ko ng biglang ngumiti rin si Connor sa harapan ko na nakatingin sa akin, agad akong nakaramdam ng hiya.

"What's so funny?" Tanong nito sa akin noong mapabaling ako sa kanya, napamura na lang ako sa isip ko.

Si Connor kasama ko ngayon pero si Chase yung iniisip ko.

"Wala may naalala lang..." Sabi ko habang umiiling, kaya tinanguan lang niya ako.

"So, Kaylle tell me more about yourself, kanina pa ako nag-ku-kwento sayo ng about sa akin." Ano ba ang pwede kong i-kwento sa sarili ko? Lumilipad utak ko.

"Ano ba gusto mo malaman?" Tanong ko sa kanya as I sip my lemon tea.

Nagkibit-balikat siya, "Anything you want to share, aside from cooking and baking ano pa ang hilig mong gawin any specific? Like what sports you like? Family?"

"Hindi ako mahilig sa sports. Pagluluto at pag-bake lang talaga ang nakahiligan kong gawin," tugon ko habang nilalaro ko yung straw sa may baso ko sa harapan ko.

"Yung sa both Parents ko naman, naka-destino sila pareho sa Singapore, pero kahit gano'n hindi nila na isip na mag migrate kami roon." Dagdag na anya ko, kaya tumango ulit siya.

"Kaylle, can I ask you a question if you don't mind?" May pagka-seryosong ani niya.

Marahan akong tumango, "Uhm, sure go ahead." Medyo kinakabahang sagot ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kanya. Agad akong napalunok ng matigilan siya ng ilang segundo.

"You and Chase seems so close together. Ano ba relasyon niyong dalawa?" Kuryusong tanong niya na halos kunin lahat ng enerhiya ko, should I tell him the truth?

Pero bago naman akong mag-agree rito sa agreement namin ni Chase noon, sinabi ko naman sa kanya na labas si Connor dito.

Napabuga nalang ako ng hangin, bago umiling, "Complicated e'," ikling sagot ko sa kanya.

"Pero hindi kami, walang kami sinakyan lang namin yung isyu," Pag amin ko kaya tumango siya like he's not surprised at all.

Inamin ko 'to kay Connor dahil paano ko malalaman kung may gusto si Connor sa akin? Hindi naman sa assumera, pero paano siya manliligaw sa akin? Kung nakatatak sa isip niya na kami talaga ni Chase?

"So, hindi talaga kayo?" Marahang tanong niya, kaya dahan-dahan akong tumango at ngumiti ng pilit.

"Connor can you keep that as a secret?" Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Huh, bakit?" Kuryosong tanong niya sa akin habang naka-kunot yung dalawa niyang makapal na kilay.

"Basta! Can I trust you on this?" Tanong ko sakaniya, ilang segundo bago siya tumango.

"Sure... Oo naman," tugon niya, "So ibig sabihin pala, I still have a chance to court you?" Dagdag na sabi niya. Habang malapad ang ngiti nitong nakatingin sa akin.

Dapat kinikilig na ako 'di ba? Kasi ito na 'yon! Pero bakit... Bakit iba nararamdaman ko? Taliwas ito sa mga gusto ko at nararamdaman ko.

Si Chase na ba talaga?

Napapikit ako ng mariin habang hinihilot ang sentido ng ulo ko, dahil there's a part of me na parang nagsisisi ako na sinabi ko yung totoo kay Connor, pero there's a part of me rin na nagsasabi na tama lang ang ginawa ko. Hindi ko alam. Ang gulo! Naguguluhan ako!

Ano bang nangyayari sa akin?

Almost 10pm na noong makauwi ako, at saktong pagtapat ko sa bahay nakita ko ang sasakyan ni Chase na nakaparada sa tapat ng bahay namin kaya napakunot noo akong pumasok sa bahay.

Sa screen door pa lang agad ko nang natanaw si Chase na nasa may living room na nakaupo na nag scroll ng phone while patay yung ilaw sa may sala tanging ilaw lang sa kusina yung nakabukas saka sa may hagdan.

Tulog na yata si Yaya Ems?

I took a deep breath bago ako tuluyang pumasok sa loob. He stopped checking his phone at inilagay niya 'yon sa center table noong narinig niya yung pagbukas ng screen door at nakita akong pumasok.

He still wearing his all white uniform. Hindi paba siya umuuwi? Ano ba kasing ginagawa niya rito? His both arms crossed to his chest. His face is serious habang pinag mamasdan bawat galaw ko.

Sa mga tingin niya rin sa akin ngayon nakaramdam nanaman ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko na para akong hinahabol ng kung sino!

Hindi ko 'to naramdaman kanina kay Connor. Iniwas niya yung tingin niya sa akin noong magsalita siya.

"So how was it? How was your date with your crush?" Sarkastikong sabi niya sa akin.

Kumunot noo akong bumaling sakaniya ng tingin, "Paano mo-,"

"I granted your wish," putol niya sa sasabihin ko noong mag iwas siya ng tingin sa akin.

Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko o ano? Dahil sa pagkabigla ko. Napayuko ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin pero hindi na siya nag salita kaya nag-angat ako muli ng tingin sa kanya. His face is blank and serious but I can tell that he is pissed. His eyes tell it so. Pero bakit?

"T-that's good to know sinabi ko na kasi kay Connor yung totoong status nating dalawa. Na w-wala talagang tayo, na hindi naman talaga t-tayo, labas naman siya sa pag papanggap natin hindi ba?" Napakagat ako as may ibabang labi ko. Habang hinihintay ang magiging tugon niya sa sinabi ko. He took a deep breath bago niya ako pasadahan ng matatalim na titig.

Sa totoo lang habang sinasabi ko iyon na 'wala naman kami' parang may kung ano sa akin na parang ang hirap tanggapin 'yon. At parang dinudurog rin ako. Mas okay na rin siguro 'yon para makasama niya na rin yung someone niya?

"You don't need to explain yourself to me. Kasi nga gaya ng sabi mo wala namang tayo 'di ba?" Walang kaabog-abog na tugon niya sa akin na mas lalong kinadurog ng puso ko. Hindi ko alam kung na disappoint ba ako sa sinabi niya o ano.

"Uhm, kanina ka pa ba nandito?" Pag-iiba ko ng usap. Dahil sa bumigat yung nararamdaman ko. Alam ko naman kasi 'yon. Pero bakit pag sa kanya galing masakit? Hindi niya sinagot ang tanong ko nang magsalita siya na kinanigas ko sa kinatatayuan ko.

"Let's cut it here now," Malamig na pagkakasabi niya.

"W-what about us?"

He smirk without humor, "There's no us." Kung malamig ang pagkasabi niya noong una mas malamig ngayon. Tinapunan niya ako ng tingin his face is turned emotionless once again na parang noong una ko siyang nakita.

"Let's put a false break up," seryosong sabi niya na kina-durog ng puso ko. Ang sakit. Okay lang naman kami kanina 'di ba?

Hirap man ako sa paghinga, tumango pa rin ako at nginitian siya ng pilit, "S-sure, we can still be friends, right?"

Kinuha niya ang cellphone na nasa center table saka tumayo sa pagkakaupo,"Ex can't be friends, Kaylle." iling na sabi niya bago ako balingan ng tingin.

"It's your chance Kaylle, make a move. My role here is done, hope you'll be happy." Huling sabi niya bago ako iwan dito sa sala namin.

Sa pag-alis niya sa bahay, kasabay no'n ang pagpatak ng mga luha ko na hindi ko inaasahan na tutulo pala. Halos manlambot ang mga tuhod ko habang rinig ko ang sasakyan niya na papalayo sa bahay.

False break up? Bakit ang sakit? Bakit parang totoo?

Napasuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko habang tahimik na nakatingin sa kisame at doon ko lang na amin sa sarili ko na gusto ko na pala talaga siya...

Siya ang gusto ko denial lang ako.