Chapter 18: Birthday

Rumored 18:

( Birthday )

Tahimik ang biyahe habang nasa sasakyan kami ni Chase, ni-isa walang kumikibo sa amin. Napabuga ako ng hangin habang nilalaro ang strap ng seatbelt na nakasuot sa'kin. Marahan akong lumingon kay Chase na nag-da-drive ngayon.

"Akala ko ba tapos na yung pagiging girlfriend ko sa'yo?" Panimula ko habang tinitingnan siya na seryosong nakahawak sa manibela.

"Yeah, we're done. But I didn't told my Mom yet. Give me a week, so I can tell her? Sa ngayon sakyan mo muna," marahan akong tumango at ibinaling ang atensiyon sa bintana sa gilid ko. My head is clouded dahil nga roon sa someone na sinasabi niya. Na alam kong si Loraine 'yon kahit hindi niya sabihin. Alam kong siya 'yon. Nararamdaman ko.

"Bagay kayo ni Loraine," puna ko. I try to not sound a jealous friend or what! Pero kasi hindi ko mapigilan yung sarili ko na sabihin 'yon ngayon. Halos mag salubong ang kilay niya noong humarap siya sa akin.

"What are you saying?" Bakas sa tono niya na naguguluhan siya sa pinagsasabi ko, bago tumingin ulit sa harapan ngunit naka-kunot-noo pa rin. He wet his lower lip using his tongue.

"Si Loraine yung tinutukoy mo 'di ba? Yung babaeng gusto mo?"

"What? Ano bang nakain mo why you saying such a nonsense thing?" Ani niya na halatang naiirita na sa mga pinagsasabi ko.

I crossed my arms to my chest noong samaan ko siya ng tingin. "Stop denying!"

"What?" Itinigil niya ang sasakyan sa may gilid ng kalsada, bago niya ako balingan ng tingin. Napahilot siya sa may noo niya at halatang na-stressed sa mga panata ko sa kanya.

Bakit ba kasi ayaw niya pa aminin na gusto niya yung kababata niya? Gusto ko maamin niya iyon sa akin ng harap-harapan para naman alam ko kung hanggang saan lang ako. At para rin hindi na ako umasa pa.

"Hindi siya yung tinutukoy ko," madiing sabi niya while trying to catch my gaze. Sus, utot niya. Hindi ako naniniwala.

"Sus, deny ka pa," pabulong na sabi ko kaya naman napa-iling itong napahawak sa manibela. At napakagat sa ibabang labi habang pinipigilan ang pag ngiti.

"Why you are sudden curious about the girl I liked? Are you jealous?" His face start to light up.

My eyes widen. Hindi ko alam pero biglang nag-init magkabilang pisngi ko. Dapat pala hindi na ako nag-side-comment pa about doon sa babaeng nagugutushan niya. Ano ba kasing pakielam ko? Kahit naman na gusto ko siya hindi naman niya ako gusto. Masyado na talaga ako lumalagpas sa boundaries.

"Hindi no', bakit naman ako magseselos?" Napayuko ako habang nilalaro ang mga daliri ko na nasa may hita ko. Dapat kasi nanahimik na lang ako.

"Bakit nga ba?" Balik tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Para kang timang hindi nga ako nagseselos!" He chuckled.

"Okay, fine you're not." Ani niya habang mala-demonyong nakangisi pa rin.

"But just so you know hindi siya yung babaeng nagugustuhan ko," dagdag na sabi niya. Habang namimilog ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

Sa darating na Friday birthday ni Connor kaya naman sumama ako sa kay kuya Kris, na mamimili rin ng damit niya para sa aattend-an niyang batch reunion nila sa st. Claire na sa friday din. Half day lang kami kaya nakasama ako sa kanya.

"Sino ba 'yang mag-b-birthday sa Friday ha? Bakit may pa-regalo ka pa sa kanya? Samantalang kami na kapatid mo ni-hindi mo mabilhan ng mga ganito," maktol ni Kuya Kris sa akin noong makapasok kami sa department store at kasalukuyang nasa men's wear.

"Ang OA mo kuya nireregaluhan ko kaya kayo!" Medyo OA at epal lang talaga 'tong kuya ko. Wala kasing girlfriend.

"Lalaki ba reregaluhan mo? Alam ba 'yon ni Chase? Buti hindi yun seloso? Sabihin mo sa kanya may laro kami sa sabado wag siya mawawala bibigkwasan ko siya pag drawing siya," sunod-sunod na sabi niya kaya napangiwi ako.

"Alam mo, akala ko hindi si Chase yung lalaking magiging boyfriend mo. May i-ne-expect kasi kami na iba," kwento ni Kuya Kris habang nagtitingin siya ng polo shirt.

Kumunot ang noo ko na tumingin sa kanya, "gawa kwento eh," ani ko sabay irap na kinatawa naman niya. Wala talaga akong tiwala dito sa kuya kong 'to malakas kasi siyang man'trip.

"Seryoso! Alam mo ba dati may nakita kami ni Kenzo, na stalker mo noon? Nahuli kaya namin iyon!"

"Kuya!" Singhal ko sa kuya ko. Kaya tumawa ulit siya. Nakakainis talaga siya. Kung si kuya Kenzo, yung magsabi n'yan baka maniwala pa ako, pero pag kay kuya Kris talaga nanggaling parang ayoko maniwala?

"Totoo nga! Tapos inamin niya sa amin may crush siya sayo at nag paalam pa sa amin na gusto ka niya ligawan," nakangising tugon niya habang tumataas-baba ang kilay nito na tila nang-aasar.

"Pero syempre bilang striktong kuya mo na si Kenzyo sabi niya 'pag 18 ka na lang' ang bata niyo pa kasi no'n mga 4th year ata kayo or 3rd year highschool?" Dagdag niya kaya napa-irap na lang ako.

"Utot mo kuya pwede ka na maging writer!" Kaya natawa nanaman siya.

"Bakit hindi ka ba naniniwala? Akala nga naming iyon yung lalaking ipapakilala mo sa amin kaya medyo nagulantang talaga kami ni Kenzo noong si Chase yung pinakilala mo na boyfriend mo," napa-iling na lang ako. Sino naman kaya yung naumpog ko sa alindog ko?

Napahawak siya sa baba niya at umaktong nag-iisip. "Si ano yun e', si... Ano bang pangalan ulit no'n," napa-iling na lang ako habang sinusundan niya ako mula sa likuran ko. Bumili ako ng dalawang itim na statement t-shirt may nakalagay na 'STRONGER' sa gitna yung design ng isa while yung isa naman is 'No bad days' pero maliit ang font at nasa may left side yung design.

Alam ko kasi mahilig siya sa may mga statement shirt nakagaya nito nag additional na lang ako ng medyas at towel. Dapat nga sapatos yung ibibili ko sa kanya kaso hindi ko alam kung ano yung size ng paa niya.

"Si Connor!" Napahinto ako noong lingunin si Kuya kris na bigla-bigla na lang nagsasalita.

"Oo, siya nga. Connor pangalan no'n yung lalaking may gusto sayo!" Sabi ni kuya Kris na may malapad na ngiti sa labi dahil sa naalala niya. Napakurap ako ng ilang beses bago mag-sync-in iyon sa utak ko. Hindi ko naman kasi kwinento kila kuya Kenzo at kuya Kris yung about kay Connor. Tangging si Yaya Ems lang yung pinag sasabihan ko noon nung highshool. Hindi naman siguro sasabihin iyon ni Yaya Emily, kila Kuya?

Pero impossible naman 'di ba? Kung matagal niya na akong gusto sana... Sana matagal na siyang umamin. Dapat nagtapat na siya sa akin. Hindi yung ang dami ko pang nababalitan na nilalandi niya na babae. Saka bakit ngayon ko lang iyon malalaman kung kalian pa na unti-unti na akong nawawala sa kanya?

"S-si Connor?" Hindi makapaniwalng tanong ko kay kuya Kris, kaya tumango ito na parang wala lang iyon.

"Sure ka kuya si Connor 'yon?" Tanong ko ulit kay Kuya Kris kaya nag kunot-noo niya akong tiningnan.

"Luuh, unli ampota!"

My head is clouded hanggang sa dumating ang Friday. Gusto ko magtanong kay Connor about sa sinabi ni kuya Kris sa akin. Pero at the same time ayoko rin baka kasi sabihin ni Connor napaka-assuming ko.

I download my social media again sa phone ko at nag-sign-in sa mga account ko, and so far nag lie-low na yung isyu tungkol sa akin noon. I was surprised noong i-add ako sa Facebook ng mga kaibigan ni Chase at sunod-sunod pa talaga sila ha! Napangiwi ako noong hindi man lang ako i-n-add ni Chase. Grabe taas ng pride ayaw ako i-add kahit sa Facebook? It's been months ni-cellphone number niya hindi ko alam! Siya na! Siya na talaga.

Padabog akong nagpunta sa account niya at ako na mismo ang nag-add sa kanya sa Facebook. Ako na nag-adjust para sa kanya. Ilang saglit lang noong in-accept niya 'yon. Tingnan mo iyon. Nag-o-online naman pala sa Facebook pero hindi niya ako magawang i-add? Kumukulo talaga dugo ko sa kanya ngayon. Pigilan niyo 'ko.

I opened my message noong biglang nagtext si Connor sa akin.

Bebe Connor:

See you on Friday night.

Bebe Connor:

If you want to invite someone, go ahead.

Binitawan ko ang phone ko at nagtaklob ng kumot noong maalala ko yung sinabi niya na may gusto siyang sabihin sa akin.

8:30 pm. Noong sinundo ako ni Zeah along with her badass car at sabay na nag punta doon sa bar na sinabi ni Connor.

Zeah's wearing a black v deep shirt crop top and white high-waist pants and heels. Naka-high ponytail na mala-Ariana Grande at light make-up. She's too sexy and fierce sa suot niyang 'yan.

Habang ako naman is naka-off-shoulder pink crop top with black high waist ripped pants at heels at nakabuhaghag ang buhok na hanggang balikat but I have two hair clips para ipirmi yung side bangs ko, I didn't put much of make-ups tanging foundation at lipgloss lang ang nilagay ko sa mukha ko dahil mukha akong clown pag nag-ba-blush-on.

Noong makapunta kami sa Bar na sinabi ni Connor, marami kaming na-meet na batch mate namin na nag-aaral sa St. Claire noon. The place is dim. May mga ilaw naman kaso medyo nakaka-color blind kasi papalit-palit. Sobrang lakas din nang tugtog at pang-party talaga na mahihikayat ka talaga na sumayaw.

"Jamie!" Masayang bati namin ni Zeah noong makita namin si Jam na nandito rin ngayon.

"Kamusta? Ang ganda natin ngayon ah? Inspired ba?" Si Zeah kaya nagtawanan kaming tatlo.

"Tagal na!" Sagot ni Jam habang nakangiti ng sobrang lapad.

"Don't tell me, Gage pa rin?" Kunot noong tanong ni Zeah sa kanya kaya kinikilig itong tumango.

"Luh? Pangit mo kiligin!" Sita ni Zeah kay Jam, kaya sinamaan niya si Zey ng tingin.

"Ikaw? Carlo na?" Balik tanong sa kanya ni Jam, kaya naman mabilis na tumango si Zeah. Bigla naman akong binalingan ni Jam ng tingin. "Ikaw Connor pa rin?" Nang-aasar na tanong niya sa akin.

"Chase na 'yan!" sabad ni Zeah, kaya namilog ang mga mata nito.

"Chase? You mean Chase Monteverde?" Gulat na tanong ni Jam sa akin.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang ani Jamie sa akin. Hindi ako sumagot at tanging ngiti lang ang na itugon ko.

Pero kinilig pa rin siya roon at kinurot pa ang tagiliran ko, "oh? Edi kayo na parehong may Monteverde," irap ni Zey sa amin ni Jamie. Kaya nagtawanan kaming tatlo.

Jamie Thompson she's our classmate since grade 5 at hanggang sa mag high school doon sa St. Claire. Ngayong college sa Aquinas College siya nag-aaral. She's tall, her brow was on fleek, matangos ang ilong, maputi, may halong britania kaya medyo iba ang itsura. Sa aming tatlo ako lang yung medyo kinapos sa height kasi si Zeah 5'6 ang height si Jamie naman 5'8 habang ako naman is 5'5.

They talked about their jowa habang ako naman walang ma-I-open sa kanila. Kasi wala naman talaga akong jowa! May gusto nga ako kaso wala... May iba siyang gusto. Yung ex-crush ko naman wala rin. Parang nag fade yung pagka-gusto ko sa kanya. Napa-iling na lang ako habang ininom ko yung shot ko. Hindi masyado mataas ang tolerance ko sa pag-inom ng alcohol kaya naman talagang binibilang ko yung shot ko at naka-isa na ako ngayon.

Nagpasya muna ako na kumalas kila Zeah at Jamie noong mahagilap ko si Connor na nasa may kabilang table hindi kalayuan sa amin kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa na puntahan siya roon.

"Kaylle!" Nakangiti niyang bati sa akin noong makita niya ako, pagkatapos malagok ang shot na pina-inom sa kanya ng mga kaibigan na pinuntahan sa table. His face is red now at halatang naka-inom na pero maayos pa rin siyang kausap.

"Happy Birhtday!" Bati ko sa kanya noong iabot ko sa kanya yung regalo ko. He look so surprised ng ilahad ko sa kanya yung regalo ko pero nakabawi rin noong nginitian niya ako.

"Uy, salamat nag-abala ka pa," turan niya habang nakangiti pa rin.

"Wala 'yan ano ka ba!" Nakangiting sabi ko.

"Ahm, Connor ano nga pala ang gusto mo sabihin sa akin ngayon?" Agad siyang natigil ng ilang segundo bago ngumiti. Pumunta kami sa counter at humingi siya ng tubig.

"Ahm, gusto mo na malaman? As in ngayon na?" Sabi niya kaya naman bigla akong kinabahan, ano ba 'yon? Bakit ang intense ata?

"Ohhhhhh!"

"Invited ang mga ACES!"

"Totoo nga na ang gu-gwapo nila sa personal!"

"Fuck I want to get laid. Sino ba pwede d'yan?"

"Available ba silang lahat?"

"Si Chase Monteverde ba 'yon? Napaka-hot naman niya."

Napabalikwas akong ng tingin at sakto naman na nakita ko ang mag kakaibigan na kakarating lang at nakipag fist-bomb ang mga ito sa ibang mga kakilala nila na nandito ngayon. Tumikhim si Connor kaya naman napabaling ako ulit sa kanya ng tingin at ngumiti ng hilaw. But then...

"Aww, may girlfriend na!"

"Ayy, taken na yung si Chase?"

"Sayang bet ko pa naman 'yon."

"Hindi ba may girlfriend si Chase? Bago 'yang babaeng iyan?"

"Break na ba sila noong girlfriend niya na taga AU?"

Muli akong napatingin sa direksyon nila at sakto naman nalumingkis sa braso niya si Loraine, habang ang mata ko ay na kay Chase na parang may hinahanap sa lugar na 'to. Hanggang sa mapunta ang mga mata niya sa direksyon namin ni Connor. I smiled at him but he did not do the same. Hanggang sa umiwas ako ng tingin sa direksyon nila at pumihit paharap kay Connor na kasalukuyang nakatingin sa reaksyon ko. He smiled bitterly.

"You like him don't you?"