Chapter 11: Better
Rumored 11:
( Better )
8am nang umaga noong nagising ako at pumunta sa kwarto ni Chase, para sana tingnan kung maayos na ba siya, pero napadako yung tingin ko sa pinto nang banyo sa kwarto niya noong marinig ko ang agos ng tubig na nag mumula roon. Napaupo ako sa kama niya at kinusot ang mga mata ko.
Loko talaga 'yong si Chase, dapat hindi muna siya naligo baka mabinat siya! Ang tigas naman nang ulo ng isang iyon.
Muntik pa ako makatulog pero buti na lang agad rin siya natapos maligo. Gusto ko siyang pagsabihan at sitahin pero tumiklop ako noong makaharap ko siya. Parang lahat nang gusto ko sabihin bumara sa lalamunan ko nang makita ko siyang nakatapis ng puting tuwalya at nagpupunas ng buhok sa harapan ko.
His eyes landed on me, "you're awake." Casual na sabi niya noong makita niya akong nakatayo sa harapan niya.
Nakasuot ako ngayon ng damit na hiniram ko sa kanya na blue stripes pajama at puting t-shirt na may design na isang cute na malaking bear.
Bigla uminit magkabilang pisngi ko ng maalala ko yung pagpunas ko sa katawan niya kagabi! Nakita at nahawakan ko na abs niya kung tutuusin pero nahihiya pa rin ako at naiilang? Normal ba 'yon?
Huminga ako nang malalim at nag iwas ng tingin, "b-bakit ka naligo? B-baka mabinat ka!" I cursed my self for being too nervous sa harap niya.
Kumalma ka heart please!
"Don't worry, wala naman na akong lagnat noong naligo ako. Look. I'm totally fine. Magaling nurse ko eh."
Buti na lang wala akong iniinom na kahit na ano nung sinabi niya iyan, kasi panigurado akong masasamid ako sa banat niya.
Nag-angat ako nang tingin sa kanya at nginisian niya lang ako. He was going to say something nang biglang bumukas yung main door ng condo niya kaya pareho kaming napatingin doon sa may pintuan niya.
"It's my maid." Sabi nito noong balingan niya uli ako ng tingin. Kaya napatango ako sa sinabi niyang iyon.
Dumiretso siya sa walk-in closet niya at pagbalik niya naka damit na siya.
He's fully clothed now. And he's now wearing a sweatpants with black shirt on. Kitang-kita ang pagiging maputi niya sa black shirt niya to the point na nakakasilaw na siguro pag tinapat siya sa araw.
"What do you like to eat for breakfast? Do you like to eat something any specific? Oh, and by the way, you can take a bath. There's a heater inside." Sabi niya nung dinampot niya yung phone niya sa side table at umupo sa malambot nitong kama.
"So what do you want to eat? Me? I'm expensive." Malokong anas niya habang nakataas ang dalawang kilay.
Aba that confidence huh?
"Heh! Hindi ka masarap!" Pangbabara ko.
Kaya mas lalo ito ngumisi ng nakakaloko, "bakit? Natikman mo na ba ako?"
Luh?
"Ewan ko sayo!" Irap ko sa kanya kaya ang loko tawa nang tawa nung iniwan ko siya sa kwarto niya.
Wednesday. Sobrang naging busy ako nang mga nakaraang araw sa dami ng pinagawa sa amin ni Chef Anna.
Mula sa pag-bu-budget na mga ingredients para sa mga pagkain na kailangan naming gawin, tapos kailangan maging presentable at creative rin at kailangan din maging healthy sa body yung ihahanda namin na pagkain. Affordable yet classy nga raw dapat ang datingan sabi ni Chef Anna.
Sa darating kasing buwan may tatlong kilala na Chef na pupunta rito sa AU para tikman yung pagkain na ihahanda namin sa finals. At ang mapipili nila na grupo is maisasama nila sa bansa nila para daw mas ma-train at ma-enhance pa yung mga kaalaman sa larangan ng baking at mga luto-luto.
Anim kaming miyembro sa bawat grupo at sa akin naka-assign yung dessert, kaya gusto ko talagang paghandaan yung araw na iyon. Kaya minsan pag nasa bahay sila Kuya, nag-bi-bake ako, or kaya nilulutuan ko sila ng mga gusto nila. Sila kasi ang madalas mag-sponsor sa mga ingredients na binibili ko. If they crave something sinasabi nila sa akin tapos ako na ang magluluto.
Si Yaya Emily, napaka suportado ako sa mga niluluto at mga-bi-ni-bake ko at siya talaga yung naging number 1 na tiga tikim ng mga gawa ko. Minsan nag-a-assist siya sa akin, pag nag-bi-bake ako. Gusto niya rin kasi malaman kung paano at gusto niya rin i-pag-bake mga anak niya minsan.
Mga 3:30pm noong pinauwi kami dahil may conference meeting daw ang ibang Prof. Kasabay ko si Carlo umalis nang room namin.
Habang naglalakad kami ni Carlo may tumawag sa akin mula sa pangalan ko. Agad akong kinilig dahil sa familiar na boses na 'yon.
"Kaylle!"
Noong lingunin ko siya halos ma-estatwa ako dahil sa mga ngiting sumalubong sa akin mula sa kanya. I'm stunned by that smile.
Pasimpleng kinurot ko yung kanang hita ko. A weird habit of mine, pag kinikilig ako tapos pinipigilan ko. Hindi ko kasi kaya i-kalma sarili ko.
"Oy, Anderson! Kamusta praktis niyo?" Masigang tanong ni Carlo rito. Mag classmate kasi sila dati sa St. Claire ni Connor kaya hindi na ako nagtataka na medyo close sila.
Connor twitch his nose and my goodness ang cute niya! "Nakakapagod. Pero kailangan pa rin ibigay yung best lalo na may laban kami sa darating na sabado." Nakangiting tugon nito kay Carlo nang bigla niya ulit akong sulyapan ng tingin. Damn, heart kalma ka lang!
He gesture his hands bago uli magsalita, "Ay! Bago ko nga pala makalimutan may gaganapin kaming laro sa Saturday and I'm wondering kung gusto niyo pumunta or might I say kung makakapunta ba kayo?" Medyo nahihiya niyang sabi sa amin. Habang pareho niya kaming tinitingnan ni Carlo sa reaksyon ng mga mukha namin.
"Aba, syempre! Gustong-gusto 'yan ni Kaylle, number 1 fan mo kaya 'tong kaibigan ko!" Sabi nitong si Carlo na inakbayan pa ako at ngumisi ng nakakaloko. I cursed him in my head. Kung hindi siguro namin kaharap si Connor nabatukan ko na siya! Can he just shut up?
"Talaga ba?" Hindi makapaniwalang saad niya.
"Hanggang ngayon?" Nakataas ang dalawang kilay niyang tanong sa akin. Damn! Yung mga ngiti niya talaga yung nagdadala e'.
Naiinis ako kay Carlo pero damn it! Nawawala iyon pag nginingitian ako nitong si Connor.
The way he smile kita mo mapuputi at malalaking pantay-pantay na mga ngipin niya. Tapos yung malalim pa niya na dimples sa may kaliwang pisngi niya. Jusmiyo! That's my weakness.
Si Connor, kung titignan sa physical; Matangos ilong, makapal kilay, pinkish din yung lips niya, matangkad, moreno, at ang cute ng dimples niya! He's charming and totally an ideal Prince for me. Gentleman, matalino, caring... A full package boyfriend material kung hindi ako nag kakamali?
"Kung bibigyan ko ba kayo ng ticket para sa sabado makakapunta ba kayo sa laro ko?" Nakangiting tanong nito sa amin.
"I can't. May lakad ako sa Sabado." Agap na sagot ni Carlo, noong alisin niya pagkakaakbay sa akin.
"How about you, Kaylle? Makakapunta ka ba?" Tanong nito sa akin noong balingan niya ako ng tingin.
His eyes catches mine. Kaya napatango na lang ako without saying anything. My eyes can't get enough of him. Sinusulit ko na ang pagkakataon na 'to para matitigan siya nang mas matagal at habang nasa harapan ko pa siya.
Minsan lang naman kasi kami mag-usap nang ganito katagal.
"Huwag ka ngang ngiti nang ngiti d'yan Connor! Mamaya ako ma-fall n'yan sa'yo. Bahala ka!" Biro ni Carlo kay Connor, kaya natawa at iling 'to.
Habang ako naman umikot yung mata ko sa paligid at nanlaki mata ko nang mahagilap ng mata ko si Chase, kasama ang mga kaibigan niya na pa daan sa direksyon namin na nag-uusap at nagtatawanan.
Noong magkatinginan kami halos manghina ako. Lumipat rin yung tingin niya kay Connor, pero agad rin nitong iniwas ang tingin sa amin. Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam nang kaba sa hindi ko malaman na dahilan.
His face is common dahil naka-poker face lang naman siya parati, pero bakit ganito na-fi-feel ko? Hindi ko maintindihan?
Tumingin ulit si Connor sa akin at nginitian ulit ako. Habit niya na talaga ang pag ngiti pero parang wala na lang iyon sa akin noong makita ko si Chase! Ano ba 'to? Bakit parang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya?
"Kaylle, punta ka sa laro namin ha? I'll wait for you guys there, aasahan ko kayo doon lalo ka na Kaylle," sabi ni Connor sa akin. Bago ako tapikin sa kaliwang balikat ko at tingnan ulit at ngitian.
Binigay niya na sa akin yung tatlong ticket para sa laro nila sa sabado at damn! Kahit na umalis na siya ramdam ko pa rin ang kamay niya na humawak sa kaliwang balikat ko. Napahawak din tuloy ako sa balikat kong hinawakan niya.
"Buti na lang nabakuran ka na ni Chase, mula kay Connor," bumalik ako sa wisyo ko sa narinig ko mula kay Carlo. Sasamaan ko sana siya ng tingin pero nagsalita nanaman ito.
"Boyfriend mo oh!" Ituturo niya pa sana pero pinigilan ko siya.
Napatingin ulit ako sa direksyon nila at sakto naman na paglingon ko nasa harap ko na ang magkakaibigan
And for the second time, nagtama ulit mga mata namin ni Chase, hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano? Pero noong nginitian ko naman siya, irap yung naging tugon niya sa akin at nag-iwas pa siya nang tingin. Problema nito sa akin?
"Hi, Kaylle," bati ng kaibigan niya na si Moon, kaya tipid ko itong nginitian.
Nagpaalam si Carlo na mauna na siya sa akin, dahil susunduin niya na rin daw si Zeah at baka raw hinihintay na siya doon. Sumabay sa kanya si Kaven dahil nag-aaral din dito yung asawa niya at sabay silang umuuwi.
"Una na rin kami ayaw namin maging third at fourth wheel," nakangising inakbayan ni Rocky si Moon at nag simulang maglakad palayo sa amin.
Kaya ito. Kami na lang dalawa ni Chase yung naiwan. Napayuko ako at humugot ng hininga at pag-angat ko nang tingin nilagpasan niya na ako bago pa ako magsalita.
Napaka suplado talaga.
Napa-irap akong sumusunod sa likuran niya habang naglalakad. Hanggang sa huminto ito. Kaya napahinto rin ako.
"Did he invite you to watch their game?" He asked, habang nakapamulsa ang kanan nitong kamay sa puti nitong pants.
Habang yung isa naman nasa itim na strap ng bag niya. Nakatalikod pa rin siya sa akin, pero hindi ko mapigilan na hindi mapangiti at tumabi sa gilid niya bago tumango bilang sagot ko.
"Lame," he utterly said. At nagsimula ulit maglakad kaya sinabayan ko siya sa gilid niya.
"Grabe! Alam mo first time niya akong yayain sa game niya!" Masayang kwento ko. Habang siya naman wearing his signature look na naka-poker face.
"It's not only you na binigyan niya ng ticket sa laro niya, kaya if I were you hindi ako kikiligin." Kaya napabusangot ako dahil doon.
"Pero kahit na pupunta pa rin ako sa sabado. He invited me!" Sagot ko kaya bumuntong hininga na lang 'to bago niya ako lingunin.
"I'm coming with you then," sabi niya sabay kuha sa isang ticket na hawak ko.
"Huh? Bakit?" Kunot noong tanong ko sa kanya kaya binaba naman niya ang tingin niya sa akin.
"Because you're still my girlfriend," he stated.
"And? Parang manunuod lang naman ako saka hindi ka mag-e-enjoy doon." Sabi ko kaya napa-diretso ulit yung tingin niya. And here I am, admiring his side-view look. Ang tangos kasi talaga ng ilong niya pag naka-side-view! Mala number 7, tapos yung adams apple niya my goodness! Napaka-hot tingnan!
Binaling ko sa iba yung paningin ko. I am admiring him, yes. But, there's no way in hell na aaminin ko ang paghanga ko sa kanya. Wala naman kasi iyon patutunguhan.
Noong makalabas kami nang AU, napatingin ulit ako sa kanya. "Chase, can I ask something?"
"You already did." Taas ang kilay na sagot nito sa akin nung lingunin niya ako.
"Gusto ko lang malaman kung okay ka na ba ngayon? Kung nakapag-move on ka na ba talaga?" Natigilan siya sa tanong ko pero nakabawi rin ng ilang segundo at nag-iwas ng tingin.
I cursed myself for asking that question. Bakit ko ba natanong 'yon? Bakit ba ako biglang na-curious sa nararamdaman niya?
"I'll be lying if I said yes. So, no, I am not. But I'm trying. Thanks for asking." Casual na sagot niya at mabilis na naglakad papunta sa itim na kotse niya.
"Hayaan mo, Chase, makaka-move-on ka rin. Alam kong it takes time para d'yan, pero baka kasi malay mo? Hindi ka talaga para sa kanya? Kaya ganyan yung nangyari sa love story niyong dalawa?" Napatingin ako sa kanya na naka kunot-noo na nakatingin sa akin.
"Pero wag ka mag-alala may mas better ka pa sigurong makikilala kaya siguro nangyari 'yan sa'yo." Dagdag ko at nginitian siya.
Ngumisi siya, "better?" Kuryusong sabi niya na parang nag-iisip. Bago siya tumingin sa akin kaya marahan akong tumango.
"Who?" Tanong niya ulit habang nakatingin sa direksyon ko.
"You?" Dagdag niya bago muli umiling.
"May sinabi ba akong ako?" Naiinis na sabi ko sa kanya. Habang nakapamewang sa harapan niya nagkibit-balikat lang 'to, bago niya buksan yung pinto ng driver seat ng kotse niya.
"Well, it's seems like it."
"Bakit gusto mo ba akong i-try?" Paghahamon ko sa kanya habang nakatingin sa direksyon niya. Marahan siyang lumingon sa akin kaya napaiwas ako nang tingin at nagkibit-balikat.
"Well, I can assure you that I can treat you better." Lakas loob kong sabi sa kanya.
His eyes widened at halatang nagulat sa sinabi ko. Kaya hindi ko napigilan ang hindi matawa sa naging reaksyon niya. Ito na yata nagiging epekto sa pagsama ko kay Carlo? Nagiging siraulo na rin ako.
Patuloy ang pag-iling ko habang nakangiti, "Chase wag ka muna kiligin hindi pa kita pinapakilig!" Nakangising dagdag na sabi ko sa kanya.
"Tssk, you wish." Masungit na tugon niya sa akin kaya natawa na lang ulit ako.
"Baka pag ako ang nag pakilig sa'yo baka hindi ka na makapag salita." Sabi nito sa seryosong tono kaya natigil ako sa pagtawa ko.
"Kaya mo ba?" Paghahamon ko.
"Look someone's curious." Nakangisi sabi niya at umiling-iling, isinandal niya ang kanang braso niya sa bubong ng kotse niya bago bumaling ng tingin sa akin.
"If I'll do that kawawa naman si Anderson, baka ako na maging crush mo instead of him?" Mayabang na sabi niya.
Alam kong lokohan lang 'to. Pero bakit gano'n? Grabe mag-palpitate yung puso ko? At parang seryoso siya sa mga binibitiwan niyang salita? My goodness!
Na-pa-praning ka nanaman self!
"You wish Monteverde, kay Connor lang ako."
"Well, let's see? I can treat you better," He mimicked the words I said to him at ngumisi ng nakakaloko grabe talaga mang-asar ang lalaking 'to.