Chapter 10: Sick
Rumored 10:
( Sick )
The wedding went well kahit na nauna na kami umalis ni Chase umalis bago pa mag reception. Yung mga kaibigan niya iba ang mga ngisi nung nalaman na nauna kaming umalis doon.
At isa pa yung si Chase! Ako ba naman yung ginawang dahilan para bumalik agad sa hotel na tinutuluyan namin?! Hindi ko na lang pinansin pa mga katyaw ng mga kaibigan niya na iyon sa amin, kasi wala naman nangyari! Wala naman talagang mangyayari dahil tinulugan ako ni Chase!
Hindi naman sa may gusto akong mangyari or what pero sana naman di ba? Hindi niya ako hinayaan ma-bored sa kwarto habang natutulog siya. Bisita pa rin naman kasi ako kahit papaano.
Pinakain niya lang ako sa isang restaurant saglit tapos bumalik na kami sa hotel at natulog na siya habang ako bagot na bagot doon! Naghihintay kung ano oras siya magigising.
Four days. Mag aapat na araw na rin simula noong kinasal sina Ysabelle at Chance. At sa apat na araw na iyon hindi ko na nakikita na nagkakalat si Chase dito sa AU yung mga kaibigan niya lang.
Ano na kayang nangyari roon ngayon?
Dami kayang nakaka-miss sa kanya na mga admirers niya dito. Except ako syempre! Hindi naman ako fan no'n sa pagiging face-genius niya.
Pero realtalk. Sana ayos lang siya...
Bagsak ang balikat ko habang papunta sa klase ko pero halos atakihin ako sa puso nang biglang may sumigaw sa pangalan ko.
"KAYLLE!!!"
Sabay-sabay na tawag ng mga kaibigan ni Chase na sila Moon, Rocky at Kaven kaya agad ko silang sinamaan ng tingin noong lingunin ko silang tatlo na tumatakbo papalapit sa akin. Napatingin ako sa mga ilang tao na nagbubulungan ngayon dito sa may hallway.
"Swerte ni girl parang f4 datingan."
"Mapapa-sana all ka na lang talaga."
"Nag-stick lang kaya iyan kay Chase? Knowing na napapaligiran siya na mga ganyang lalaki? I doubt her loyalty."
"Hayaan mo sila, wag mo sila pakinggan." Ani Moon na hawak dibdib niya at hinihingal.
"Hindi namin alam na sa liit mong taglay na 'yan ang bilis mong maglakad," asar ni Rocky na nakangisi sa akin habang nakapamewang at hinihingal rin.
"Hiya naman ako sa inyo? Grabe ka maka-maliit sa akin 5'5 ako uyy! Matangkad lang kayo pero matangkad na rin ako sa lagay kong 'to!" Irap ko sa kanilang tatlo.
5'5 maliit pa sa kanila?
Nagtawanan naman silang tatlo sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon? May nakakatawa ba doon?
"Ano ba kailangan niyong tatlo sa akin? Bilisan niyo na! Tingnan niyo nga yung mga admirers niyo sama na ng tingin sa akin!" Kunot noong tanong ko sa kanila.
"It's about Chase," sabi ni Moon kaya namilog mga mata ko at kinabahan ng marinig ang pangalan niya.
"Alam mo ba kung saan yung condo ni Chase?" Kunot noong tanong ni Kaven sa akin. Kaya marahan akong tumango bilang sagot.
"Bakit?" May nangyari bang masama sa kanya?
"Hindi kasi namin siya ma-contact, cannot be reach phone niya," ani naman ni Rocky na palinga-linga at kini-kindatan mga babaeng bumabati sa kanya.
"Bakit hindi niyo puntahan?" Kunot-noong tanong ko sa kanilang tatlo.
"Bakit hindi ikaw pumunta? Ikaw girlfriend, eh! Tropa lang kami. Saka Ikaw mas kailangan no'n ngayon." Saad ni Moon kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
Alam ko naman kasing alam nila na peke lang relasyon namin tapos ganito sila kung makatulak sa akin kay Chase? Ang supportive ha.
"Ano ba sasabihin niyo sa akin? Pakibilisan na nga! 15 minutes na lang vacant ko," reklamo ko sa kanilang tatlo noong tingnan ko yung relo ko.
"Hayaan mo, hahatid ka na lang namin pag na late ka malakas kami sa lahat ng Prof dito." Pag mamayabang na sabi ni Rocky na nag wink pa sa akin. Ewan ko ba pero bigla akong kinilabutan sa wink niyang iyon.
Don't get me wrong... Gwapo si Rocky, mala-anghel at napaka inosente ang mukha. Pero mukhang marami-rami na rin ang napaiyak na babae kaya nakakatakot.
"Ikaw na nga swerte kasama mo kami, kung iba iyon nag-cutting pa." Saad naman ni Moon kaya napangiwi ako.
"Hindi naman kasi ako sila," katwiran ko.
"Bagay talaga kayo ni Chase ang sungit niyo pareho magsama na nga kayo!" Saad uli ni Moon sa naiinis na tono. Kaya napailing ako.
"So 'yon na nga! Balik tayo kay Chase," saad ni Kaven kaya bumalik yung tingin ko sa kanya. Inayos niya yung eye glasses niya bago magsalita.
"Kaylle, pwede mo bang puntahan si Chase sa condo niya? Hindi kasi siya nagre-reply sa amin tapos hindi rin siya pumasok kahapon at ngayon nag-aalala na kami," seryoso na sabi nito habang nakatingin sa akin.
Gusto ko rin siya makita kung ayos lang rin ba siya.
Nag iwas ako nang tingin bago tumango. "Sige, susubukan ko"
"Alam mo? Boto kami talaga sayo kaya nga binubugaw ka na namin sa kaibigan namin na iyon." Si Moon nanaman kaya inirapan ko lang siya at naglakad palayo sa kanila at ang tatlong loko nag tawanan lang pag-alis ko.
Lutang ang isip ko hanggang sa matapos ang klase, hanggang sa makauwi ako sa bahay. Hindi ko maiwasan ang hindi ang mag-alala roon kay Chase.
Ayos lang kaya siya?
Ano pupuntahan ko ba siya?
Napahilamos ko na lang yung kamay ko sa mukha ko. Damn this! Bakit ba siya ang naiisip ko?
Hindi naman niya ako iisipin kung ako yung nasa sitwasyon niya eh!
Namilog mga mata ko noong naalala ko bigla yung itsura niya noong mga naka ilang araw. May pahampas-hampas pa siya sa railings ng tulay noon! At halata talaga sa mukha niya yung sakit na nararamdaman niya doon sa kasal. Hindi kaya...
Kumaripas ako nang takbo papunta sa banyo para maghilamos at magbihis. Kinakabahan ako sa naiisip ko pero wag naman sana... Kahit kasi suplado at mayabang 'yon si Chase masasabi kong mabait rin naman siya minsan. Pero suplado nga lang talaga.
Pumunta ako sa condominium niya, pero hinarangan ako ng dalawang security guard na nag babantay doon.
"Sino pupuntahan niyo, Miss? Ngayon ko lang kayo nakita rito." Sabi ng security guard sa akin. Habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Girlfriend ako ni Chase Monteverde," pakilala ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako noong sinabi ko 'yon. At mas lalong harangan at hindi papasukin.
"Sorry, Miss, marami na po kasing nag-ki-claim na girlfriend ni Sir, Monteverde at lahat ng iyon denied pag hinarap namin kay Sir," sabi naman noong isa pang guard habang umiiling-iling, agad akong kinabahan sa sinabi nilang iyon.
"Girlfriend talaga ako ni Chase Monteverde!" Pilit ko pero inilingan lang nila ako!
"Mabuti pa po siguro na umuwi na lang kayo," saad noong security guard sa akin.
"Kung kayo talaga ni Sir, Monteverde tawagan niyo siya sa cellphone para ipaalam na nandito kayo at mapababa niyo siya dito." Patay! Wala akong number niya. Wala rin akong Messenger at Facebook para mag message sa kanya!
"Ganito na lang mga kuya! Samahan niyo 'ko papunta sa kanya. Hindi naman ako manggugulo. Tapos pag dineny niya ako, ayos lang. Aalis ako! Basta makita ko lang siya kuya manong guard! Please? Kailangan ko kasi talaga siyang makita kung ayos lang ba siya!" Pagsusumamo ko sa dalawang guard na kaharap ko kaya tinawanan nila akong pareho bago umiling.
"Mga kabataan nga naman ngayon..." Iling na sabi nung medyo may katandaan na Guard sa akin.
"Basta Miss, wag mo kaming susungitan kung ipahiya ka ni Sir, Monteverde ha," sabi nung isang Guard na bata-bata kaya mabilis akong tumango.
Sinamahan ako ni kuyang guard paakyat sa 8th floor at pagtungtong namin doon agad akong humarap sa may pinto at kumatok pero naka-ilang katok na ako hindi niya binubuksan yung pinto. Kaya mas lalo akong kinabahan.
"Umalis ba si Chase?" Tanong ko sa guard noong lingunin ko siya sa may gilid ko pero nagkibit-balikat lang ito. Na wari'y hindi niya alam.
Sinubukan kong pihitin yung doorknob pero kusa itong bumukas at nakita ko si Chase na nakabalot ng comforter. Kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko siya. Buti naman ay ayos lang siya. Nag-alala ako dun ah!
Agad akong napatingin sa KSP na guard sa gilid ko. "Sorry po Sir, Monteverde. Grabe, po kasi mag maka-awa na papasukin namin siya at nag pakilala pa nga siya na girlfriend mo raw at gusto ka raw niya makita kung ayos ka lang daw. Alalang-alala siya sa inyo kung alam niyo lang," pag laglag ng security guard sa akin. Tinanong ba siya? 'di ba hindi naman?!
Napamura na lang ako sa isip-isip ko at ininda na lang lahat ng iyon. His eyes widen dahil sa kwento ng guard at marahan na lumipat ang tingin sa akin. Kaya napa-iwas ako ng tingin sa mga mapanuring tingin niyang 'yon.
"Mukhang... Okay naman siya..." Kibit-balikat na ani ko nung pasadahan ko si Chase ng tingin, "Aalis na ak-" Naputol ko sasabihin ko ng bigla itong parang matutumba kaya hindi ko napigalan sarili ko na lapitan siya para alalayan.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya ng mahawakan ko braso niya. Mainit siya!
Pero binawi niya rin ang braso niya na hawak ko, "You may now leave," sabi nito sa mahinang tono. Napakagat ako sa lower lip ko sa narinig mula sa kanya. Pero mainit siya! Sinong nagbabantay sa kanya?
Ngumisi yung security guard na nasa gilid ko. Kaya hindi ko maiwasan na hindi mahiya!
"Sabi ko naman sa'yo Ma'am eh, masasaktan ka lang walang girlfriend si Sir, Monteverde." Sabi noong bata-batag guard sa akin.
Napatingin ako kay Chase at tumabi ako sa kanya at hinarap yung guard, "Kuya! Girlfriend nga ako nitong si Chase! Dapat kung gusto niya ako paalisin dapat kanina pa!" Katwiran ko.
Kaya napatingin ako kay Chase at pinanlakihan siya ng mata.
Namimilog ang mga mata niya na tumingin sa guard at tumango, "I mean... You can go, she can stay... If she wants and... She's telling the truth, she's my girlfriend."
"Talaga?! Sir?" Hindi makapaniwalang sabi nung guard at tumingin pa nga sa akin bago kay Chase!
Gulat na gulat yung guard sa narinig pero nakabawi rin siya at iwan kaming dalawa dito. Sobrang saya ko! Sa totoo lang kasi akala ko mapapahiya ako! Buti na lang sinegunduhan ako ni Chase!
Pagkasarado ng pinto agad ko siya inalalayan papunta sa sala niya at pinaupo doon. Amoy hospital dahil amoy alcohol siya! Naligo ba siya ng bote na ganon? Tapos may bulak pa na nasa center table niya!
Napapikit ito bago magtanong sa akin at sakto rin na nagsalita ako.
"What are you doing here?" Si Chase.
"Nilalagnat ka!" Ani ko at hindi na sinagot pa yung tanong niya.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko muli sa kanya pero umiling lang siya. While his eyes are still closed.
"I don't want to eat. Wala akong panlasa."
"Hindi pwede kailangan mo kumain, para makainom ka ng gamot. Teka saglit ipagluluto kita," inayos ko yung blanket na nakabalot sa kanya bago pumunta saglit sa kusina.
Pero halos manlumo ako na walang laman halos yung ref niya at wala siyang stock na mga pagkain at tanging mineral water lang ang meron siya. Ang yaman-yaman walang laman ang ref?
Kompleto nga siya sa materyales nang mga panluto pero wala siyang pagkaing panluto! Haist.
Nakita ko yung thermometer na nasa center table kaya naman bumalik ulit ako sa kanya at chineck ko kung ano ba body temperature niya.
Ilang araw na ba siyang ganito? Ilang araw na siyang nilalagnat? Kumakain ba siya? Sumasakit ulo ko sa pag-aalala ko sa kanya sa totoo lang!
Okay, kahit papaano naman concern ako sa mga tao sa paligid ko no'!
Ilang saglit rin tumunog na yung thermometer kaya nagulat ako ng 39c yung body temperature niya.
Pumunta ako sa kwarto niya at nag hanap ng towel para basain iyon at ilagay sa noo niya. Kaya marahan itong napadilat sa ginawa ko.
"Hintayin mo ako. Bibili lang ako ng pagkain at gamot mo, sandali lang ako." Sabi ko kaya napapikit ulit siya bago marahang tumango.
Buti na lang sa baba ng condo niya may drugstore at grocery store kaya hindi na ako nahirapan. Pagdating ko sa condo niya agad akong nag luto ng sopas.
Binalikan ko siya sa sala para palitan yung towel na nasa noo niya. Kumuha rin ako ng bagong t-shirt niya para makapag palit siya sa pinag pawisan niyang damit at kumuha na rin ako ng panibagong towel para punasan yung pawis sa katawan niya.
Pumasok ako sa walk-in closet niya na mas malaki pa kung tutuusin sa kwarto ko. Very masculine ang design. Puti at itim ang tema ng pintura. Itim ang mga drawer, cabinet at naka chandelier at split type na aircon pa! Take note closet niya lang 'to ha!
Sa bungad ng closet pagpasok ko may drawer na kulay itim at doon makikita mo yung mga shorts, briefs, socks, handerchiefs and tshirts na mga pambahay. Pero kung mas papasok ka pa ng konti makikita mo agad yung sa right side yung length mirror, at painting ng isang bata na nakatalikod habang namimitas ng bulaklak. 'yan ang makikita bago yung kabuuan ng closet niya na napaka organized. Color coding siya pero mas marami siyang puti at itim na damit. It has 3 layers kaya it looks like boutique shop sa dami niyang mga damit.
Habang doon naman sa kaliwang dulo sa may gilid is may isang puting leather square na upuan, dahil malapit banda doon yung lagayan ng mga sapatos niya. Yung sa kabilang dulo naman banda is yung mga mamahalin na pabango niya na katabi lang halos ng Aircon kaya medyo mabango yung singaw. Bali yung mga accessories niya is nasa gitna. May pa rectangle na maliit na cabinet tapos dito nakalagay yung mga relos, necktie, bracelet at mga singsing niya.
Halos lahat talaga na sa kanya na.
Binalikan ko ulit siya matapos ko ikutin yung nakakawindang niyang closet.
"Chase, bumangon ka nga muna saglit ano kasi... K-kailangan kitang p-punasan para ano... Ahm, makapag palit ka na ng damit," masuyo naman itong sumunod sa utos ko at agad niyang hinubad yung t-shirt niya! Napalunok at kurap pa ako ng ilang beses bago ako matauhan sa ginawa niya!
Alam kong madalas ako makakita ng abs dahil sa mga kuya ko pero kasi... Iba kay Chase! Hindi ko naman kasi siya kapatid!
Bakit ko ba tinotorture sarili ko ng ganito?
Siya yung una kong pinag punas. Kaso habang pinapanuod ko siya hindi ako makuntento sa ginagawa niya kaya ako rin ang gumawa no'n.
Maingat kong pinunasan yung magkabilang braso niya, grabe kahit pawis na siya at lahat wala siyang amoy! Kahit nga amoy asim wala kang maamoy sa kanya.
Mabango siya. Naamoy ko pa rin nga sa kanya yung mamahalin na pabango niya na para bang nakakapit na yung amoy na iyon sa katawan niya.
Sunod ko pinunasan yung likod niya, papunta sa leeg pababa sa dibdib. Naka-ilang mura na ako sa isip ko hanggang sa punasan ko pababa sa may tiyan niya na matitigas, jusko! Nakailang buntong hininga ako sa pag punas ko sa kanya ngayon grabe!
Inabot ko yung damit niya at inaalalayan siya sa pag suot non kasi nanghihina nga siya, "Mamaya ka na humiga. Kumain ka muna pinagluto kita ng sopas." Sabi ko bago ako pumunta sa kusina at pagsandukan siya sa mangkok.
Maingat na ibingay ko yon sa kanya. Nakapatong yung mangkok sa unan na nasa hita niya.
"Ubusin mo iyan ha, dapat walang matitira para lumakas ka agad."
"Y-you don't need to do this."
"Hindi ko naman gagawin 'to kung wala ka namang-Huuy! Ano ba kasing ginagawa mo?!" Nagulat ako ng bigla siyang na paso.
"Ano ba 'yan, baby? Amin na nga ako na! Susubuan na kita!" Sabi ko ng abutin ko yung mangkok at kutsara niya hinipan ko iyon bago isubo sa kanya yung kutsara.
"I-I c-can do it." Naiilang na sabi niya pero hindi ko siya pinansin hanggang sa sabihin niya na busog na siya.
"Tatlong subo na lang Chase! Sige na ubusin mo na 'to." Utos ko habang pinipilit ko sa kanya isubo yung kutsara. Pero iniiwas naman niya yung ulo niya na parang bata!
"I'm full."
"Ubusin mo na! Iilang subo na lang naman eh!" He was going to say something pero agad ko siyang sinubuan, kaya sinamaan niya ako ng tingin. Hanggang sa maubos niya na rin.
Dami pang arte uubusin rin naman pinahirapan pa ako!
Pagkatapos niyang uminom ng gamot pinapunta ko na siya sa kwarto niya at pinagpalit ulit ng damit para makapag pahinga na siya. Hindi na rin siya gaano mainit unlike kanina pagdating ko rito.
"Wag ka na umuwi gabi na. Dito ka na lang muna mag palipas ng gabi mo." Sabi niya sa napapaos na boses. Habang nakahiga na siya sa napakalaki at napakalambot na kama niya.
I checked my wrist watch and it's now 11:17PM wala na rin masasakyan na mga ganitong oras na jeep ngayon at nakakatakot mag lakad mag isa.
"I don't trust any strangers up there kaya bukas ka na lang umuwi. Ako na maghahatid sayo." Bigla siyang napadilat at tumingin sa direksyon ko na nasa may paanan niya.
"I have an extra room there, but if you wanna share with me in one bed-"
"Hindi na. Ayos na ako roon sa isang kwarto." Ngumisi itong tumingin sa akin.
"What's with that? Parang first time mo naman akong makakatabi sa pagtulog mo." Ani nito kaya napairap at halukipkip ako.
We did share in one bed before noong kinasal kapatid niya at wala naman nangyari. Pero kasi halos mag harumentado puso ko noong mga oras na iyon. Dahil iisipin ko pa lang nababaliw na 'tong puso ko.
Tumagilid ito bago pumikit, "you can also change your clothes and borrow mine if you want?" He suggest.
"Oo na sige, matulog ka na nga! Hindi ba may lagnat ka?" Naiinis na sita ko kaya napa-ngisi ulit siya habang nakapikit.
"Goodnight, Kaylle," sabi niya kaya tumango-tango ako.
"You're making me want you to steal you from your crush," hindi ko na inintindi pa 'yon nang masarado ko na ang pinto ng kwarto niya.