Chapter 12:Bonding
( Bonding )
"You wish Monteverde, kay Connor lang ako."
"Well let's see? I can treat you better," pagmamayabang niya, bago siya tuluyang pumasok sa magarang kotse niya at paandarin 'yon.
Akala ko aalis na talaga siya pero huminto yung kotse niya sa gilid ko. He rolled down his window sa passenger seat at kumunot noong tumingin sa akin.
"Hindi ka ba sasabay?"
"Hindi na. Mag-go-grocery pa kasi ako," nahihiyang saad ko.
Gusto ko muna dumaan doon kasi gusto ko ipagluto sila Kuya tapos saka ko sila sisingilin sa mga binili ko. Nag-crave kasi si Kuya Kris sa chocolate moose na ginawa ko noong mga nakaraang-araw kaya iyon. Sabi niya gawa raw ulit ako no'n pag may time.
"Hop-in."
"Hindi na ayos la-"
"Papasok ka ba o ako pa mismo ang magpapasok sayo rito?" Bumaling siya sa akin na nakataas ang dalawang kilay. Kaya bumuntung-hininga ako bago ako pumasok sa shotgun seat, ramdam ko ang pag-angat ng dulo ng labi niya pero hindi ko na lang 'yon pinansin pa.
Everyone is staring at him noong makapasok kami sa grocery store, akala ko nga iiwan na niya ako rito pero ito sumama pa sa akin kaya 'yan apple of the eye siya ng ilan.
Well, sino bang hindi mapapatingin kung may isang; matangkad, maputi at gwapong nilalang na dumaan sa harapan mo 'di ba? He's wearing a medicine uniform. Naka all-white with an expensive wristwatch on his left wrist. At napaka-decent niya talagang tingnan.
"Chase ano bang favorite food mo?" Out of the blue na tanong ko sa kanya habang nagtutulak ng cart.
Napabaling siya sa akin saglit nang tingin at pumamulsa. "Why?"
Nagkibit-balikat ako. Kailangan ba talaga may explanation pag nagtatanong ako sa kanya? Ang hirap talaga niyang kausap.
"Wala lang. Gusto sana kitang ipagluto ng dinner ngayon. IF okay lang sa'yo? Well, KUNG gusto mo lang naman." Nahihiyang saad ko, while I gesture my hand a lot habang nakatingin sa kanya na naka-poker face.
"I'm not a picky eater. But I just don't eat spicy food," tugon naman niya kaya napatango ako.
So hindi pala siya kumakain ng maanghang? Common sense, Kaylle, kakasabi niya pa lang diba?
Masungit na inalis niya yung kamay ko sa may tulakan ng cart at siya na ang nagtulak no'n. "Ano ba gusto mo kainin ngayon?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Which food do you recommend?" Balik na tanong niya sa akin, nung lingunin niya ako sa gilid niya na nakataas yung dalawang kilay.
"Hmm, kahit ano? Basta ba ikaw ang gagastos ng mga bibilhin natin." Sabi ko kaya dumiretso muli ang tingin niya.
"Sure, basta siguraduhin mong worth it 'yan."
"Baka malimutan mo pa ang pangalan mo?" P agyayabang ko kaya marahan itong napa-iling.
"Pero ano bang mga klase ng pagkain yung mga kinakain mo?" Tanong ko ulit.
"Mexican and Italian food." Tipid na sagot niya, kaya napalingon ako sa kanya.
"Aside from Mexican and Italian food, any Filipino food you like to eat?" Kunot noong tanong ko.
Nagkibit-balikat siya, "I don't know about those. Nakatikim ako one time but I don't know what's exactly the name of the food that I tasted. Version kasi ni Mommy 'yon and the taste is so terrible." Hindi mapinta yung mukha niya while telling that kaya naman hindi ko mapigilan ang hindi matawa.
"It's not funny though. Pinaubos kasi niya sa amin iyon ni Dad at Chance." Dugtong niya, kaya napa-iling ako.
"I have my own version also ng Adobo, kasi I'll make it a little bit special." Kaya napatingin ito sa akin, he was going to say something pero inunahan ko na siya.
"Ikaw na lang ang mag judge mamaya kung masarap ba o hindi," I have my own version of Adobo. Nilagyan ko kasi 'yon ng nilagang itlog ng pugo at saba na saging. Tapos may pinya pa, medyo may pagka-matamis rin pero hindi naman gaano. Minsan kasi medyo may pagka-maalat ako magtimpla.
Pumunta kami sa mga meat section at bumili ng tatlong kilo na baboy at dalawang kilong manok pero wings and thigh part lang.
Siya yung magbabayad ng mga pinamili namin kaya naman sinulit ko talaga yung mga kailangan na ingredients na kakailanganin ko para mamaya.
I was planning to make him Tacos, Italian pasta, chicken enchiladas, chocolate moose at blueberry cake na medyo master ko na.
Pero alam ko rin na hindi niya mauubos 'yon ng isang araw kaya stock ko muna yung mga 'yon sa napaka-laking ref niya. Pag pumunta na lang ulit siguro ako sa condo niya ipagluluto ko na lang siya?
Hobby ko na kasi talaga ang pagluluto. Buti na nga lang at hindi ako tabain.
Pag nag luluto naman kasi ako sa bahay namin nasasayang lang kasi sila Kuya Kenzo at Kuya Kris, minsan hindi kumakain sa bahay.
Bali si Yaya Emily lang talaga yung naging foodtrip buddy ko at taster na rin sa mga niluluto ko. Kaso minsan nagrereklamo na rin siya sa akin na tumataba na daw siya.
Kasi iilang beses siyang nakaka-kain sa isang araw pag nasa bahay ako nag-stay, kasi luto ako nang luto tapos si Yaya naman napapakain rin. Bali ito talaga yung pinaka bonding namin ang kumain, kaya siguro si Chase pag lagi ko 'tong nilulutuan tataba siguro 'to?
Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa ibang tao na napapatingin sa kasama ko. Habang nakapila kami sa may cashier para magbayad sa mga pinamili namin.
Minsan nahuhuli ko sila na nakatingin kay Chase, na parang kinikilig na ewan. Si Chase naman wala lang pakielam.
Hindi ko rin naman masisi yung mga taong humahanga sa kanya. Kasi inaamin ko na ako rin mapapatingin kung may kasing gwapo na tulad ni Chase na nandito ngayon sa grocery store. Ang rare kasi na may gwapong nilalang na nag go-grocery sa kalagitnaan ng hapon! Alam ko kasi tuwing gabi lang sila nagsisilabasan!
His face is a visual, kahit nga may asawa o boyfriend yung iba napapatingin pa rin sa kanya. Kasi nga kung titignan mo siya parang hindi siya tao dahil sa pagiging magandang lalaki niya.
Yung iba pa nga na mga ka-edad-an namin halos nagpapa-pansin na sa kanya. Kaya iyon napapatingin minsan si Chase sa kanila, at ramdam ko ang kilig nila pag mapapatingin si Chase sa kanila. Kasi gano'n rin ako kay Connor kaya medyo relate ako sa kanila. Pero sana naman wag OA ang kalat kasi tingnan.
Matapos namin mamili dumiretso na kami sa condo niya. Binati ako ng mga guard na humarang sa akin dati kaya nginitian ko na lang sila.
Pagkadating namin sa loob ng condo niya, naamoy ko agad yung lavander scent na sumalubong sa akin pagpasok ko kaya napapikit pa ako noong maamoy ko 'yon ang bango kasi.
Dumiretso si Chase sa kwarto pagkatapos niya ilagay lahat ng mga pinamili namin sa kusina. Halos hindi ako magkanda ugaga dito dahil nagsimula na rin akong mag-bake ng blueberry cheese cake habang pinapakuluan ko yung adobo, at naglalaga ng itlog para doon.
Bumalik ulit si Chase sa kusina dala ang makakapal na libro niya at umupo siya sa may high chair na nandito sa counter kaharap ko kung saan ako nag-bi-bake.
Hindi ko maiwasan na hindi mapasulyap sa kanya kasi akala ko magbabasa siya pero nakatingin lang siya sa ginagawa ko.
"Gusto mo tumulong?" Tanong ko kaya napa-angat siya nang tingin sa akin.
"I can't. I don't know how?" Sunod-sunod na iling niya.
"Madali lang siya. Wag ka mag-alala tuturuan naman kita."
So, 'yon, inalalayan ko siya to measure out the dry ingredients and place them into the stand mixer bowl. We slowly add the chunks of softened butter until it is all added. I let him mix it until the batter resembles coarse sand.
I guide him when he start to add the milk/oil mixture all at once to dry the ingredients and mix on medium (speed 4 on kitchenaid) for 2 full minutes.
Kitang-kita ko sa mukha niya yung pagka-amaze niya. He can't help himself din na amuyin yung mini-mix niya sa bowl kaya hindi ko mapigilan na pasimpleng ngumiti habang pinagmamasdan siya dahil para talaga siyang bata sa inaasta niya but I find it totally cute.
Noong maluto yung adobo, sinimulan namin na balatan isa-isa yung itlog ng pugo.
I can't help but laugh at him pag napapaso siya, kasi ang cute niya mag-react! He didn't say ouch, or aray mapapatingin ka na lang sa kanya sa reaction niya at sa mga low grunts niya.
But then pag tinatawanan ko siya sinasamaan niya ako ng tingin kaya napapa-iling na lang ako at iwas ng tingin sa kanya.
Excited kong tinawag siya para ipatikim sa kanya yung adobo na niluto ko. Kung ayos lang ba yung lasa? Kung maalat ba? Or masyado bang matamis ang pagkakatimpla?
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya hindi maiwasan ng puso ko ang pagtibok nito nang napaka bilis! Hinawakan niya rin yung kanang kamay ko na may hawak na sandok mabilis lang 'yon kung tutuusin, pero sa paghawak niya na iyon parang may boltaheng kuryente na dumaloy sa sistema ko.
Namilog ang mga mata niya at tumango-tango at nag thumbs up pa siya. Kaya hindi ko maiwasan ang hindi matawa.
"Ano ayos ba?"
"What's this food again?" Tanong niya. He took a step backwards kaya medyo nakahinga na rin ako ng maayos.
"Adobo 'yan," sagot ko na kinatango naman niya.
"Well, not bad." Aniya niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Not bad? 'yon lang 'yon? Not bad?
Ilang saglit din natapos din namin yung pagbi-bake ng blueberry cake, at tatlo yung nagawa namin na ganon. Kaya ni ref ko muna yung mga 'to para makain niya na 'yon mamaya pag nagutom siya.
"I didn't know that baking is fun!" Aniya niya kaya napangiti ako at tumango.
"Naman! Pwede mo na 'yon kainin mamaya pag lumamig-lamig na," tukoy ko sa blueberry cake noong magkatinginan kami.
"I surely will, thank you." Sabi nito at nginitian ako na kinagulat ko pa.
"Ngiti ka nga ulit!" Utos ko kaya kumunot noo niya.
"May dimple ka ba? Para kasing nakita ko meron eh. Ngiti ka nga muna saglit!" Utos ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Ayoko. Baka maging crush mo pa ako." Mayabang na anas niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pero napaiwas rin ako ng tingin sa kanya nung bigla niya akong kindatan. Nag haharumentado nanaman tuloy 'tong puso ko. Seryoso saan niya ba natututunan 'yan?
Noong matapos kami kumain, agad akong napatingin sa kanya noong bigla siyang magtanong.
"Pinag-luto mo na ba si Anderson?" He asked without staring at me, kaya naman napa-angat yung tingin ko sa kanya.
"Balak ko sana ipagbake siya minsan ng mga cupcakes. Kaso hindi naman kami gano'n ka-close, baka isipin pa niya na may gayuma 'yon or kaya naman hindi niya magustuhan." Napangiwi ako at nag baba nang tingin sa walang laman na plato ko.
"What do you like about him?" Sunod na tanong niya. Kaya napabaling ako sa kanya ng tingin and this time his eyes catches mine.
Parang nakalimutan ko tuloy kung paano ba ang huminga sa mga oras na 'to!? Pinanliitan ko siya ng mata.
"G-grabe ha! B-bakit ba ganito mga tanungan mo?" Aniya ko bago ibaling sa ibang direksyon ang tingin at uminom ng tubig na ha-hotseat ako ng wala sa oras! Jusme!
Nagkibit-balikat siya, bago muling magsalita. "Nothing. I'm just curious, of what do you like about that guy. I heard he's a player." Napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Mga judgemental lang yung nagsabi no'n! Hindi naman siya dati gano'n." Pagtanggol ko kay crush.
"Like you just said 'dati' iba na siya ngayon."
"Negative kasi yung puro nakikita niyo sa kanya, I know him since high school kaya nasasabi kong mabait siyang tao."
Bumuntong hininga 'to at tamad na umiling. "You really like that Connor guy aren't you?"
"A-ano naman masama kung gusto ko siya?" Kunot-noong tanong ko sa kaharap ko.
"Nothing. But all I can say is you can do better." Sabi nito sabay iwas ng tingin sa akin.
"Alam ko. Pero masisisi mo ba ako? Kung siya talaga gusto ko?" Sabi ko dahilan para mapatingin siya ulit sa akin na nakataas yung dalawang kilay nito.
"How sure of you na siya talaga ang gusto mo?" Tanong nito pero agad din siyang umiling.
"Tssk. Never mind." Sabi nito bago tumayo at mag dial sa telephone niya may sala, at nagulat na lang ako ng bigla niya papuntahin yung maid niya dito para... Maghugas lang ng pinggan!?? Seriously? Pwede naman na siya na lang ang maghugas no'n eh!
Noong bumalik siya sa kusina, nakataas yung dalawang kilay niya sa akin, "What?" Tanong nito noong magsalin siya sa baso niya ng tubig.
"Seryoso ka? Papupuntahin mo talaga yung maid mo dito para lang... Mag hugas ng pinggan? Pwede naman na ikaw gumawa no'n ah?" Hindi ko mapigilan ang hindi sabihin 'yon. Nakaka-windang lang kasi talaga siya!
"Nagkatulong pa ako kung ako lang rin naman ang gagawa non, I'll pay her service anyway kaya wala siyang karapatan na mag reklamo." He rolled his eyes on me.
"Pero paano kung may ginagawa yung tao? Taga-saan ba 'yon? Malapit lang ba 'yon dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kaya kumunot-noo itong tumingin sa akin at humalukipkip.
"Edi siya mag-adjust? Why do I care?" Hindi ko maiwasan ang hindi mapikon sa sagot niya kaya tumayo ako para mapantayan siya. Pero as if na mapapantayan ko nga siya sa tangkad niyang 'yan.
"Ano bang kinakaasar mo kung ayoko maghugas ng pinggan?" Tanong niya sa akin, kaya bumuntong hininga muna ako bago magsalita ulit.
"Paano na lang kung mag-isa ka na lang? Wala na si Tita at Tito? Wala kang anak o asawa? Hindi mo alam kung paano gumawa ng gawaing bahay... Hindi mo alam kung paano magluto ng pagkain mo o maghugas ng pinagkainan mo? Paano na lang kung maghirap kayo? Paano ka mabubuhay niyan? Sino mga gagawa ng mga iyon para sayo? Hindi naman ata pwede na iasa mo na lang iyon sa katulong mo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya. Pero nginisian niya lang ako.
"That's not going to happen." Iling na tugon niya.
"Pero paano nga??"
"You really love watching dramas don't you? That's not gonna happen. We're financially stable, we're filthy rich kaya naman napaka-impossible ng mga sinasabi mo." He stated.
"Pero paano nga kung-"
"Enough with that. And besides, I'm not going to grow old alone, I'll assure you that." Nakangising wika nito na para bang may naiisip na ewan, pero inirapan ko lang siya.
"So ano 'yon? Yung asawa mo pagagawain mo lahat ng gawaing bahay? Hindi ko pa kilala asawa mo pero naawa na ako sa kanya!" Singhal ko pero hindi na siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang.
"A-ako na maghuhugas ng pinggan wag mo na papuntahin yung katulong mo rito gabi na baka mapaano pa siya kung pupunta pa siya rito," sabi ko bago magligpit ng mga pinag-kainan namin.
"Kaylle, what's your ideal type?" Biglang tanong ni Chase sa akin.
Namilog pa mga mata ko nung tinanong niya 'yon sa akin. Kasi biglaan 'yon masyado! Hindi ako prepared.
"Bakit ihahanap mo ba ako ng jowa? Pass ako d'yan!" Biro ko sa kanya pero inirapan niya lang ako kaya natawa ako.
"Syempre gusto ko kagaya mo," sabi ko sabay hagalpak ng tawa kaya naman napa-irap siya.
"Ang ayos mo kausap." Inis na anas niya bago siya pumunta sa kwarto niya.
Napa-iling ako. Totoo naman eh, kaso syempre ayoko ng suplado gaya niya. Dinaan ko lang sa biro nagalit na! Haynako, Chase.