Chapter 58

Aiden

"Aiden tama na yan" saway ni Harvey sa kanya, nakakarami na kase sya ng inom. Wala syang ibang kaibigan na handang makinig sa kanya si Harvey lang kaya naman ito lagi ang kasama nya sa inuman, at sa tuwing nais nyang maglabas ng sama ng loob.

Halos mag iisang buwan na syang walang balita kay Carmella, hindi nya ito matawagan, at hindi rin alam kung nasaan ito. Nakakailang balik na sya sa bahay ng mga ito, pero wala ito roon at laging sinasabi ng Nanay at mga kapatid nito na hindi na babalik si Carmella sa San Miguel. Alam nyang dahil sa mga magulang nya kung bakit umalis si Carmella sa bayan nila. hindi kase matanggap ng mga ito ang relasyon nya kay Carmella. Pero mahal nya si Carmella at gagawin nya lahat maibalik lang ito sa San Miguel. hindi sya basta-basta susuko, ihaharap nya sa pamilya at buong San Miguel si Carmella.

"I will find her" bulong nya.

"Of course you will, basta tigilan mo muna nyang kakainom mo ng alak at paglalasing, for sure mahahanap mo sya"

"I can't live without her"

"Yan na sinasabi ko eh, kaya ayokong ma in love eh" maktol ni Harvey. natawa sya sa sinabi ng kaibigan, sa pagkakaalam nya wala pa itong seryosong relasyon, ni minsan hindi pa ito pumasok sa commitment, puro pambababae lang ang alam nito, tipong mga one night stand lang tapos wala na.

"Duwag ka kase"

"Ayoko lang ng sakit ng ulo"

"Makakahanap karin ng sakit ng ulo mo, and pag nangyari yon maiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito"

"No way" mabilis na sagot ni Harvey at inilayo sa kanya ang bote ng alak ng balak pa nyang lagyan ang kopita.

"Enough Pare, kung ako sa iyo hanapin mo na si Carmella, don't waste your time here"

"Yeah" malungkot na sagot nya at sa di kalayuan nakita nya si Shawn na papasok sa pintuan. kumunot ang noo nya.

"Hindi pa ba bumabalik si Hainna?" tanong nya kay Harvey na kay Shawn ang tingin.

"She's back why?" At sinundan ng tingin ni Harvey ang tinitignan nya.

"What Shawn doing here alone?" tanong nya kay Harvey at sinulyapan ang kaibigan. nakita nyang nagtihim bagang ito na tila na may galit kay Shawn. bumuntong hininga lang to at tinuloy ang iniinom.

"Anyway, hindi ba sabi mo close sila ni Carmella? bakit hindi mo sya tanungin kung sakaling may alam sya kung nasaan si Carmella" Sabi ni Harvey at inubos ang laman ng kopita nito at bago pa sya makasagot, mabilis na itong tumayo mula sa kinauupuan at tinapik sya sa balikat.

"Mauna na ko Pare, see you next time" Mabilis na paalam nito na hindi man nya nagawang sumagot sa bilis ng paglabas nito.

"Bakit naman sya nagmamadali?" Tanong nya at muling liningon si Shawn sa may dulo ng Bar umiinom mag isa. at naalala ang sinabi ni Harvey na maaaring may alam si Shawn kung nasaan si Carmella.

"Well I will ask him" bulong nya at tumayo sa kinauupuan bitbit ang sariling kopita palapit kay Shawn.

"Alvarez" Sinulyapan sya nito at tila nagulat pa ng makita sya nito.

"What are you doing here alone?" tanong nya at tumabi sa upuan nito, nilapag ang bitbit na kopita.

"Eh ikaw bakit ka mag-isa?" balik tanong nito at inubos at laman ng kopita. tila gaya nya nais din ni Shawn na magpakalasing, may problema din ba ito? may problema ba ito at si Hainna? sa bagay ano bang alam nya kay Shawn, masyadong pribadong tao si Shawn mula pa noon lalo na ngayon.

"Well, sa totoo lang kailangan ko ang tulong ng alak para makalimutan ko kahit sandali ang problema ko" sagot nya dahil alam nyang alam ni Shawn ang nangyayari sa kanya at kay Carmella, alam ng buong San Miguel na may namamagitan sa kanila ni Carmella at alam ng buong bayan nila na sukdulan ang pagtutol ng pamilya nya kay Carmella.

"Bakit hindi mo sya hanapin kesa sa nag-iinom ka dyan!" may galit na sabi ni Shawn sa kanya. kumunot ang noo nya at sinulyapan ito na seryoso ang mukha.

"Isang beses lang kitang tatanungin Shawn, at hindi ko na uulitin pa" simula nya bago inubos ang laman ng kopita.

"Marahil alam mo namang nawawala so Carmella, halos nahalughog ko na ang buong San Miguel pero hindi ko parin sya mahanap kung saan-"

"Baka dahil wala sya sa San Miguel" putol nito sa sasabihin pa nya.

"What?!"

"Del Castillo, gaya ng sabi mo nahalughog mo na ang buong San Miguel at wala kang nakitang Carmella, Don't you think na she might not here?"

"What do you mean?"

"Nothing"

"Alam mo ba kung nasaan sya?"  Galit na tanong nya. sinulyapan lang sya ni Shawn at tumayo sa kinauupuan, tatalikod na sana ito ng pigilan sya nito sa balikat.

"Alam kong malapit sa iyo si Carmella, ikaw lang ang taong madalas nyang lapitan sa tuwing may problema sya, bakit ba hindi ko kaagad naisip na maaaring alam mo kung nasaan sya ngayon" litanya nya habang malalim na nakatingin kay Shawn.

"Kung sakaling alam ko man kung nasaan sya, sa palagay mo sasabihin ko sa iyo?"

"Bakit hindi?"

"Like what you've said kaibigan ko si Carmella, at bilang kaibigan nya na saksi sa bawat sakit na dinulot ng pamilya mo sa kanya at sa buong pamilya nya, sa palagay mo hahayaan ko pa syang masakta nyo?"

"What?"

"Think again Del Castillo"  sabi nito at marahas na tinabig ang kamay nya sa balikat nito at mabilis na naglakad palabas ng Bar.

"Sandali" habol nya at sinundan ito palabas ng Bar.

"Shawn! Shawn!" tawag nya rito pero hanggang sa makalabas sila hindi sya nito linilingon.

"Damn!" mura nya at mabilis na hinila ito sa balikat ng makalabas na ng Bar.

"Just tell me kung may alam ka kung nasaan si Carmella?" galit na tanong nya rito, nais nyang malaman kung alam nga ba ni Shawn kung nasaan si Carmella, nais nyang malaman kung maayos ba ang kalagayan nito, kung ok lang ba ito, kung hindi pa ito umiiyak, natatakot sa mga nangyayari sa kanila ngayon, nais nyang malaman kung nasaan ito, dahil nais nya itong yakapin ang at iparamdam ang pagmamahal nya rito, at sabihing handa syang ipaglaban ito sa pamilya nya at sa buong San Miguel.

"Just tell me kung alam mo kung nasaan si Carmella?"

"Ano bang gagawin mo pag nakita mo sya?"

"God damn it Alvarez!" galit na sigaw nya at tinulak ito. umagaw ng pansin sa ilang mag naroon at pinagtinginan sila.

"Ayokong madamay sa gulo mo Del Castillo, dahil may sarili rin akong gulo na kinahaharap" Banta nito at liningon ang mga taong nakatingin sa kanila.  Alam nyang mahilig din sa gulo si Shawn pero gulong barkada at pambabae lang. at alam nyang hindi pa alam ni Shawn ang tungkol sa Mama nito at Papa nya, at isang malaking eskandalo yon kung sakaling malaman ni Shawn na ang Mama nito at kabit ng Papa nya. pero hindi na muna yan ang nais nyang problemahin dahil hindi na rin naman nakikipagkita ang Papa nya kay Mrs. Alvarez isa pa nangako na itong puputulin na ang relasyon nito kay Mrs. Alvarez.

"Just aswer my Damn question Alvarez! do you know where she is?"

"Yes I know where's Carmella"