Chapter 59
Carmella
Sunod-sunod na ring ng bell ang narinig nya mula sa pinto na tila ba nagmamadali. sinulyapan nya ang orasan sa side table mag aalas onse na ng gabi.
"Ano naman gagawin ni Shawn ng ganitong oras dito?" tanong nya at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at naglakad palapit sa pinto. at natigilan sya ng nasa harapan na sya ng pinto. ewan nya pero bigla syang kinabahan. pakiramdam nya hindi si Shawn ang nasa labas, dahil hindi pumupunta si Shawn ng ganoong oras, isa pa tatawag o mag tetext ito kung pupuntahan sya nito sa unit nito na pinahiram sa kanya.
"I know you are there Carmella, open this fucking door ang talk to me!" galit na boses ng nasa labas ang narinig nya kasabay ang sunod-sunod na pag pindot sa door bell ng pinto. natuptop nya ang bibig ng marinig ang pamilyar na tinig, hindi sya maaaring magkamali, hinding-hindi nya pwedeng makalimutan ang boses na yon.
"Carmella please let me in"
"Aiden" anas nya at napatulo ang luha at wala sa loob na hinaplos ang tiyan na tila ba may nararamdaman na sya roon.
"Carmella please let me talk to you, we need to talk, we need to fix this together" pagsusumamo ni Aiden na nanatili sa labas.
"Aiden" bulong nya. miss na miss na rin nya si Aiden at aaminin nyang kailangan nya si Aiden, kailangan nila ng magiging anak nya si Aiden. Pero paano na ang pamilya ni Aiden. saka na nya iisipin muna yon, hahayaan na muna nyang makita si Aiden kahit ngayon lang, kahit saglit lang.
"Carmella please" pagsusumamo parin ni Aiden. daan-daan nyang binuksan ang pinto, kaagad tinulak yon ni Aiden pabukas, muntik pa syang tamaan sa pagaakala marahil ni Aiden na isasara nya muli ang pinto.
"Oh my god Carmella, you scared me!" bungad nito at hinila sya payakap.
"I miss you Carmella, I miss you so much" habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.
"Aiden" bulong nyat pumatak ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan. at gumanti rin ng mahigpit na yakap kay Aiden.
"Are you crying? bakit ka umiiyak?" tanong nito ng kumalas ng pagkakayakap sa kanya. hinawakan sya sa mukha
"Do you miss me?" sunod-sunod na tango ang sagot nya habang panay tulo ng mga luha nya.
"Oh god Carmella, don't cry"
"I'm sorry, I'm sorry Aiden, sorry talaga" umiiyak na sabi nya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap kay Aiden. Walang araw at gabi na hindi nya iniisip si Aiden. Laging tinatanong sa sarili kung kailan kaya nya ito muling makikita't mayayakap muli. Halos gabi-gabi syang umiiyak dahil miss na miss na nya si Aiden at wala syang ibang hangad kundi ang muling makasama ito.
Matapos syang mapakalma ni Aiden sa pag-iyak, naupo sila sa sofa at kaagad na pumunta si Aiden sa may kusina, kumuha ito ng tubig at iniabot sa kanya.
"Uminom ka muna, kanina kapa umiiyak dyan" malambing na sabi nito at ngumiti. Nagtatalon naman sa tuwa ang puso nya ng muling masilayan ang matamis na ngiti ni Aiden na lalong nagpapagwapo rito. Pero hindi matago ang pangingitim sa ilalim ng mga mata na tila tulad nya hindi rin ito nakakatulog ng maayos, napansin din nya ang tila pagliit ng katawan ni Aiden ang tila pagkabawas ng timbang nito. Marahil tulad din nya ay hindi ito nakakakain ng maayos. Napakagat labi sya dahil tila sya nakokonsenya, dahil sa kanya naging problemado si Aiden, dahil sa ginawa nyang pag alis ng San Miguel.
"Salamat" nahihiyang sabi nya ng maubos ang laman tubig ng baso. naupo naman sa tabi nya si Aiden.
"Hanggang kailan mo ba ko balak taguan?" seryosong tanong nito. sinulyapan nya ito at ibinaba ang baso.
"I'm sorry Aiden, hindi ko kase alam kung anong gagawin ko at kung-"
"I know, pero sana man lang sa akin ka tumakbo at hindi kay Shawn" sagot nito, nahimig na inanakit. nagyuko sya ng ulo, dahil nahihiya sya rito, pero wala naman talaga syang choice, hindi sya maaaring manatili sa San Miguel, at hindi sya pwedeng tumawag ng tulong kay Aiden dahil ayaw na nyang madamay ang pamilya nya. Naipit sya sa sitwasyon, kahit na alam nyang kung tumakbo sya kay Aiden ay hindi sya pababayaan nito, lalo na't dinadala nya ang anak nila.
"Paano mo nalaman na andito ako?" Nahihiyang tanong nya
"Kung hindi pa ko nagmakaawa kay Shawn, hindi nya sasabihin sa akin" sagot nito, napakagat labi sya.
"Nagkita kayo?" Alanganing tanong nya, naisip kase nyang baka nagaway ang dalawa, pero wala naman syang nakitang ano mang pasa sa mukha si Aiden, marahil naging maganda naman ang pag-uusap ng dalawa at hindi umabot sa sakitan.
"Yes, sa Bar, and I know naman na wala kang ibang malalapitan kungdi si Shawn" sabi nito at hinawakan sya sa kamay.
"Please Carmella stay with me, ipaglalaban kita, ihaharap kita sa pamilya ko, sa buong San Miguel, hindi mo kailangan magtago rito, hindi mo kailangan magtago sa akin" seryosong sabi nito.
"Pero Aiden, paano si-"
"Kilala ko sina Papa't Mama sooner or later matatanggap din nila"
"Pero, malaki ang galit nila sa Pamilya ko, lalo na kay Ate Grace"
"Naging kasangkapan lang ang Ate Grace mo ni Mrs. Alvarez, kung tutuusin wala syang kasalanan nadamay lang kayo. I need you Carmella, wala akong ibang iniisip kundi ikaw, halos ikamatay ko ng malaman kung mag-isa kang umalis sa bahay nyo without any trace, halos nalibot ko na ang buong San Miguel sa paghahanap sa iyo, andito ka lang pala sa San Sebastian"
"I'm sorry, hindi ko na uulitin"
"Talagang hindi na, sa palagay mo pakakawalan pa kita, hindi na kita hahayaang mawala sa tabi ko, kaya kahit gusto mo pa kong takasan hindi kana makakarakas pa, I won't let you go again, kung kinakailangan ikulong kita Carmella gagawin ko" litanya nito na may himig ng pagbabanta na tila naghatid ng kilabot at excitement sa katawan nya.
"Aiden hindi na rin naman ako mawawala sa tabi mo, ayoko na, hindi ko kaya" ang umiiyak na sabi nya. Hinawakan sya sa mukha ni Aiden.
"Don't cry it's killing me" malambing na sabi nito habang daan-daan nitong pinupunasan ang mga luha nya sa pisngi.
"I love you Carmella" He whispered at tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Hindi naman na sya tumanggi pa. Gumanti sya ng mas mainit na halik kay Aiden. He miss him so much, walang gabing hindi nya dinarasal na sana'y muling mayakap at mahagkan si Aiden.
Naramdaman nya ang unti-unting paghiga nya sa sofa kasunod si Aiden, at alam na nya ang susunod na mangyayari kung sakaling magpadala sya sa sitwasyon, maaaring may mangyari sa kanila ni Aiden sa sofa mismo ni Shawn at nakakahiya ang bagay na yon. At isa pa she's pregnant kahit alam nyang hindi pa naman masasaktan ang bata sa sinapupunan nya. Nais sana muna nyang sabihin kay Aiden ang sitwasyon nya ngayon.
"I miss you so much" he breathed and buried his lips on her neck, habang naglalakbay naman ang mga kamay nito sa katawan nya na tila sinisilaban na sa bawat haplos ni Aiden. She moaned again and again, nais nyang tumutol pero nanghihina ang katawan nya, tila may sariling isip ang katawan nya na sumusunod sa bawat haplos at halik ni Aiden.
"You are so sweet Carmella, I can't get enough of you" he whispered and kiss her more passionately. And god forgive her dahil hindi nya magawang pigilan ang nangyayari sa kanila. Halos isang buwan narin mula ng huling may mangyari sa kanila ni Aiden kaya marahil ganito sila kasabik sa isat'isa.
"Oh god Carmella" bulong nito ng maghiwalay ang kanilang mga labi, at nakatunghay sa kanya ang gwapong gwapong si Aiden na magulo na ang buhok, at halos magbanggaan ang kanilang mga dibdib dahil pareho nilang habol ang kanilang paghinga.
"Aiden" tawag nya rito at sinuklay sa daliri ang malambot na buhok nito.
"I love you"
"I love you more Carmella, but first we can't do this here, it's kind akward" alangin sabi nito na kinatawa nya ng malakas, hindi nya napigilan ang pagtawa sa sinabi nito, dahil sya din yon ang nasa isip.
"Tumayo ka na dyan, hindi magbabago ang isip ko, I won't take on Shawn's Sofa, anong malay natin kung dyan din gumagawa ang mag-asawang yon" natatawang biro ni Aiden at tumayo mula sa pagkakaibabaw sa kanya. Nanatili naman syang tumatawa sa sitwasyon nila.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nya ng makaupo na ang inayos ang damit na halos nahubad na rin naman.
"Uuwi na tayo ng San Miguel Carmella" seryosong sabi nito at liningon sya, nanatili syang walang kibo ng ilang saglit at ngumiti.
" I'll go with you Aiden, kahit saan sasama ako"