Chapter 57
Carmella
"I have no where to go" malungkot na sabi nya kay Shawn habang palabas ng ospital.
"What?" tanong nito. hindi pa nya nasasabi kay Shawn kung anong ginagawa nya sa San Sebastian at kung bakit bitbit nya ang mga gamit.
"Hindi na ko pwedeng bumalik ng San Miguel" sagot nya.
"Pero bakit?" nagtatakang tanong ni Shawn habang inilalagay ang mga gamit sa likod ng kotse.
"Long story Shawn" malungkot na sagot nya at pinasakay na sya ni Shawn sa passenger seat. paano ba nya sasabihin kay Shawn ang lahat, ang pag alis nya ng San Miguel, ang katotohanang wala syang matitirhan, isama pa ang tungkol sa Mama nito at sa Papa ni Aiden. ang daming gumugulo sa isip nya, lalo na ngayong nalaman nyang buntis sya, anong gagawin nya ngayon?
"I'm willing to listen" sabi ni Shawn habang tinatahak nila ang kalsada.
"Hindi ko alam kung paano sisimulan Shawn" naiiyak na sagot nya.
"Simulan mo kung saan kita pwedeng ihatid"
"Wala akong mapupuntahan" sagot nya at naiyak muli.
"Carmella, makakasama sa baby mo ang pag-iyak"
"Pero yon ang totoo Shawn, hindi ako pwedeng umuwi sa amin, dahil ayokong madamay ang pamilya ko, pinaaalis kame ng San Miguel ng Papa ni Aiden, pero dahil hindi na kaya nila Nanay at mga kapatid ko na magsimula muli, ako nalang ang aalis ng San Miguel para makalayo kay Aiden, para hindi na guluhin pa ng mga Del Castillo ang pamilya ko" umiiyak na litanya nya kay Shawn. mabilis namang itinabi ni Shawn ang kotse ng marinig ang kwento nya.
"Anong sinabi mo?" naguguluhang tanong nito.
"Hindi ako tanggap ng pamilya ni Aiden, ayaw nila sa isang tulad ko" masakit na sabi nya at umiyak ng umiyak sa sama ng loob at kawalan ng pag asa kung ano ang dapat nyang gawin sa sitwasyon nya ngayon, hindi lang ang sarili nya ang dapat nyang isipin dahil may batang nabubuo sa sinapupunan nya na kailangan nyang protektahan.
"I can't believe this, paano na ngayong buntis ka? hindi pwedeng hindi malaman ni Aiden ang katotohanan" sabi ni Shawn na bakas ang pag-aalala sa kanya.
Laking pasalamat nya at si Shawn ang tumulong sa kanya, dahil kung hindi ewan nya kung gigising pa sya ulit. Sinabi ni Shawn na may Business meeting ito kanina sa San Sebastian kaya ito naroon at nagkataon naman na nakita sya nitong bumaba ng tricycle kaya linapitan sya nito. pero bago pa nga nya ito makita nawalan na sya ng malay. laking pasalamat nya kay Shawn dahil andoon ito ng panahong yon.
"Anong gagawin ko?"
"Just relax, ako nang bahala sa matutuluyan mo, I have a condo unit here sa Saavedra Tower, doon kana muna pansamantalang titira, habang inaayos mo ang tungkol sa inyo ni Aiden" sabi ni Shawn na lalong nagpaiyak sa kanya. ano nalang mangyayari sa kanya kung wala si Shawn.
"Nakakahiya man Shawn pero, hindi ako tatanggi dahil wala akong ibang malapitan" nahihiyang sagot nya
"I'm willing to help Carmella, para na rin sa batang dinadala mo"
"Hindi ko tuloy alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan mo sa akin"
"Just be safe Carmella kayo ng baby mo, at sana maayos mo ang tungkol sa inyo ni Aiden" seryosong sabi nito at napansin ang pagsulyap nito sa daliri nya. pasimple nyang tinago yon dahil suot parin nya ang engagement ring na bigay ni Aiden.
"Engaged na kayo ni Aiden?" tanong nito. napalunok sya at sinubukang iwasan ang tanong nito.
"It's ok, if you won't want to tell, ang mahalaga ang baby mo" sabi nito at muling inistart ang sasakyan. Hindi sya kumibo nanatili syang nakatingin sa labas ng bintana. at hindi mapigilan ang pagpatak ng mga luha. hindi sya iyakin, matatag sya pero ngayon tila talaga bibigay na sya sa sunud-sunod na pangyayari sa buhay nya. Ilang araw syang naging masaya kay Aiden pero eto naman ang naging kapalit ng lahat, pero aaminin nyang hindi sya nagsisisi sa mga nangyari sa kanila ni Aiden. mahal nya si Aiden mahal na mahal at naniniwala syang mahal din sya ni Aiden. Sinulyapan nya ang singsing na suot, doon sya kumukuha ng lakas ng loob, sa tuwing nakikita nya ang engagement ring sa daliri nya alam nyang andoon parin si Aiden at andoon parin ang pag-asang maayos ang lahat sa kanila, lalo na ngayong magkakaanak na sila ni Aiden.
Sa isang mataas na building sila pumasok ni Shawn, nagiisang Condominium Building sa Bayan ng San Sebastian ang Saavedra Tower.
"Nakakahiya man Shawn, pero hindi ako tatangi, wala na kase akong mapuntahan" sabi nya habang nasa elevator sila.
"Huwag ka ng mahiya, para sa inyo ito ng magiging baby mo" nakangiting sagot nito.
"Salamat Shawn" sabi nya at pilit na ngumiti.
Pagpasok nila sa unit ni Shawn sa 5th floor tumambad sa kanya ang napakagandang condo unit nito. Yon ang unang condo na napasukan nya, at masasabi nyang tila na mansyon yon sa paningin nya, sa laki at ganda ng pagkakaayos, isama pa ang mga modernong kagamitan.
"Wow" bulalas nya at kaagad na sumilip sa veranda ng silid. mula sa taas nakikita nya ang lawak at ganda ng paligid.
"Mas maganda dito pag gabi, makikita mo ang mga ilaw na nakabukas sa bawat gusali" sabi ni Shawn ng mapansin ang excitement nya sa lugar.
"Madalas ka ba rito?" tanong nya at tinulungan ito sa mga gamit nya.
"Pag gusto kong mapag-isa dito ako tumutuloy" sagot nito at naglakad papunta sa may kusina. sumunod sya rito at ginala ang mga mata sa mamahaling mga kagamitan. pakiramdam nya gamit palang nito sa kusina eh presyo na ng bahay nila.
"Kumpleto pa naman ang laman ng ref, at kung may gusto kang kainin pwede kang mag order sa baba, ako ng bahala" sabi ni Shawn habang binubuksan ang mga cabinet.
"Sobrang nakakahiya na Shawn, laking abala ko na sa iyo"
"Hindi ka na iba sa akin Carmella, para na kitang kapatid" sagot nito at ginulo ang buhok nya.
"Hulog ka ng langit sa akin Shawn, hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung hindi kita nakilala" seryosong sabi nya. Yon naman ang totoo paano kung wala si Shawn, paano nya haharapin ang mabigat na hamon ng buhay na ito.
"Everything happened for a reason" sagot nito.
"Ang swerte siguro ni Hainna sa iyo" sabi nya humila ng silya at naupo.
"She's not lucky" sagot nito at inabutan sya ng pineapple in can.
"Bakit naman?"
"Hainna is not the topic here" sagot nito at kumindat sa kanya.
"I can't stay any longer, may pupuntahan pa kase ako, I guess I have to go" sabi nito na tila nais lang umiwas na mapag-usapan ang tungkol kay Hainna.
"Aalis ka na? kailan ka babalik?"
"Just call me if you need anything" sagot nito tumango sya at sumunod rito papunta sa sala.
"Ikaw na ang bahala rito, and Carmella please don't do anything stupid, you have a baby to take care of"
"I know"
"And if makapag isip kana, I'm hoping na ipaalam mo kay Aiden ang sitwasyon mo, beside I can't keep you here forever" sabi nito tumango sya, alam naman nya yon hindi sya pwedeng magtagal rito, nakakahiya kay Shawn at isa pa may asawa rin si Shawn, kahit pa sabihing wala si Hainna ngayon dito, hindi parin magandang tignan na nasa Condo unit sya ni Shawn.
"Pasensya na Shawn" paumanhin nya.
"Hihilingin ko sana na huwag mong sabihin kay Aiden ang sitwasyon ko, lalo na sa baby at kung nasaan ko" patuloy nya.
"Yeah, I won't do that, ikaw dapat ang magsabi ng mga bagay na ya kay Aiden"
"Salamat Shawn"
"Basta if you need anything just call me ok?" sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng pinto.
Nang masara nya ang pinto napasandal sya sa likod ng pinto at hindi nanaman napigilan ang mapaiyak. umiyak sya ng umiyak at tila sya kandilang nauubos hanggang mapaupo sya sa sahig. hinaplos nya ang tiyan at lalong napahagulgol ng iyak.
"Kaya mo yan Carmella para sa magiging baby mo" sabi nya sa sarili at tumayo pinunasan ang mga luha. Kinuha nya ang cellphone sa bag naka off yon mula kanina pa dahil ayaw muna nyang makatanggap ng tawag kanino man, isama pa na balak na nyang ibenta yon kanina. ilang beses muna syang bumuntong hininga bago ini-on ang cellphone, alam nyang maraming messages ang papasok galing kay Aiden. sunud-sunod na tunog nga ang narinig nya at lahat ay galing kay Aiden.
"Ano bang gagawin ko?"