Chapter 28: not worthy enough

“When are you getting married, Millane?”

I chuckled. “I don’t know. No one asked to marry me anyway. Maybe in the future.”

It’s been a year. It’s time to reveal Sandy’s father and West and I’s relationship to the public since everybody wonders why we’re so close in public.

The movie blew up again, even more. It reached a lot of countries. Including Philippines. We’ll come back there sooner, but just a vacation. It’s too tiring to go from-pillar-to-post.

I became an actress, a model, an entrepreneur and a mother. I just hope that I’d be a wife too, sooner. But West and I haven’t talked about a wedding… We’re not yet engaged.

West and I haven’t talked about it yet… We’re still busy building our future with Sandy.

Kat sighed. “Seriously though, this is not an interview. Tell me about it.” She held my hand. Last month, she got married to Miko na kaibigan pala ni West. “I’m excited to see you in a wedding dress, we’re not getting any younger.”

“Yes but…” I can’t find anything to say. “I don’t know… I’m really not sure. West haven’t talked about it yet…” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko rin alam ang isasagot ko.

Bakit ba ako nahihiya? Okay lang naman na hindi makasal agad… Sa mga kaibigan ko, si Renzo pa lang ang ikakasal.

Matagal ko nang pinapangarap na ikasal sa taong mahal ko. Bata pa lang ako, ‘yon na ang pinapangarap ko. Nakikipaglaro pa nga ako kay West noon ng hari at reyna. Minsan naman, iyong parang ikakasal kami. Buong buhay ko kasi, siya na ang kasama ko.

“You should ask him about it.” Suhestiyon ni Kat.

“But I’m scared, Kat,” Sumimangot ako. “I don’t know what to do anymore and to be honest… I can’t… My pride can’t. He should be the one asking me, right? Not me. It’s his privelege to marry me…”

“Right, girl, that’s the spirit!”

But I’m really not sure.

After that day, West became more distant for unknown cause. I’m really confused. May babae ba siya? Hindi ba kami sapat ni Sandy?

Simula noong premiere night sa Canada ay hindi na niya ako masyadong kinakausap. Kapag tumatawag naman ako ay sumasagot siya pero halatang busy siya, tono pa lang. Parang pagod siya.

Pagod din naman ako, ah? Bakit ganoon…

Itinuon ko na lang ang oras ko sa mga bagay katulad ng pag-aalaga kay Sandy at pagpunta sa katakot-takot na castings. Nai-invite rin ako sa mga kasal, mga gatherings at iba pa, bukod sa invitation ng guestings for a show.

Kaya ko rin naman na wala si West. Kaya kung iiwan niya ako, wala akong paki. Kaya ko naman itaguyod si Sandy mag-isa. Kawalan niya ‘yon.

Kumakain lamang kaming tatlo ni Farrah at ni Wendy sa restaurant niyang kakasimula pa lang 4 months ago. Last year pa siya umuwi rito pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya. Ewan ko ba kung maganda ‘yon o hindi kasi wala talaga kaming makitang bakas, eh.

Nasa Pilipinas ako ngayon, nagbabakasyon.

“Anong pakiramdam ikasal, Rackhie?”

“Huh?” Balik tanong ko kay Wendy na seryosong nakatingin sa akin. Maging si Farrah ay natigil sa paghigop ng milktea niya. “Bakit mo ako tinatanong? Hindi pa naman ako kinakasal…” Mahinang sabi ko.

“Bakit hindi ka pa pinapakasalan ni Kuya?” Tanong niya pa sa akin. Nang magkibit balikat ako ay nagmakeface siya. “Unggo talaga ‘yon. Gusto mo tayo na lang magpakasal?” Dagdag niya pa.

“Huh?” Ngayon ay sabay na kami ni Farrah na nakakunot ang nuo. Hindi inaasahan ang sinabi ni Wendy.

Humalakhak naman ang gaga na parang tanga. “Testing lang. Pero hindi ako bisexual, ‘no. Si Farrah, Shivani at Midnighte lang ang bisexual sa akin. Labas ako.” Umubo-ubo pa siya. “Anyways, seryoso. Kung may kakilala kayong may experience about sa wedding please tell me. I’m really curious.”

Tumaas ang kilay ni Farrah na ngayon ay naubos na ang milktea niya. Ubos na rin ang pearls no’n. “Bakit? Ikakasal ka na?” Tanong nito sa kanya dahilan para mabilaukan ang loka loka.

Noong isang taon pa pala ‘yung kasal ni Renzo. Hindi kaming lahat dumalo dahil respeto pa rin sa namatay na puso ni Wendy. Siya lang ang um-attend doon. Ewan ko ba ryan, parang tanga. Ang sakit kaya no’n.

“G-Grabe ka naman, nakakagulat. Nagtatanong lang naman ako.” Wika ni Wendy tsaka uminom agad ng tubig.

“Why don’t you ask your acquaintances? Other models sa agency? Marami na ring kasal sa agency natin, e.” Suhestiyon ko sabay kagat sa fries na nakalagay lang sa isang paper plate. “Kapag may nasagap ka, sabihan mo ako ha. Curious lang din ako.”

“Nako, ‘wag na. Papakasalan ka na ni Kuya.” Sabi agad ni Wendy. Bago pa man umabot sa ulo ko ang dugo ko ay nagsalita rin si Farrah.

“Ay,” sarkastiko itong tumawa. “Hindi mo sure.”

“Napaka-kj mo! Bitter!”

“Baket? Bitter ka nga rin!”

“Hindi kaya!”

“Oo kaya!

“Girls, stop!” Saway ko sa kanilang dalawa sabay hilot ng sintindo. “Alam niyo, walang nagbago sa inyong lahat. Ang tatanda na natin, mga te. Malapit na mawala sa kalendaryo ang edad natin tapos ganyan pa kayo mag-away.” Natampal ko ang nuo ko.

“E bitter kasi ‘yang si Farrah e,”

“Ulol, atleast ako hindi ako nagce-celebrate ng monthsaries at anniversaries.” Ganti ni Farrah.

“Ulol din, atleast ako hindi nagpapakulay ng buhok kada-monthsary kahit wala na rin sila.” Supalpal pa ni Wendy sabay ngisi.

Napahawak naman sa dibdib si Farrah. Halatang na-offend sa sinabi ni Wendy. Umakto siyang galit at kunwaring sinabunutan si Wendy. “Buang kang bakla ka! Bakit mo sinabi? Ha?” Akala mo si Regive Velasquez ang kaaway mo sa sobrang taas ng boses ni Farrah. “Baklita ka talaga!”

“Nauna ka!” Humalakhak si Wendy.

Pati ako ay nakitawa sa kanilang dalawa.

“Bakit mo nga tinatanong kung ano pakiramdam ng ikakasal? ‘Yung totoo. Para matulungan ka namin.” Singit ko sa kanilang dalawa dahilan para bumalik ang mukha niya sa seryosong mukha.

“Seryoso rin ako, curious lang. Tsaka sinabi mo na, malapit nang mawala ang edad natin sa kalendaryo. Pokus ako sa career ko kaya wala akong time sa mga ganyan.” Seryoso niyang sabi tapos maya maya ay ngumiti rin. “Maliban na lang kung may poging matalino tapos mayaman at mabait na engineer ang lumapit sa akin. Pwede naman nating pag-usapan.”

“Ay same!” Nag-apir pa silang dalawa ni Wendy.

“Ay ‘wag ako te! Abogado gusto mo!” Sigaw ni Wendy.

“Oo nga! Akala ko ba, abogado ang gusto mo?” Tanong ko sa kanya habang tumatawa.

“Nagbago na ang isip ko! Ayaw ko na sa abogado. Baka mamaya ay manalo siya sa case tapos may gagong tao na magpapakita nf picture ko sa isang hitman sa Tondo tapos ipapatodas ako. Hindi kaya ng model body ko ‘yon, mga sis. Sabi sa astrology---”

“Hep, tigilan mo muna kami sa astrology,” pigil ko agad sa kanya. “Wala talaga kaming alam d’yan. Naniniwala ako sa mga readings mo sa amin dahil accurate ‘yon palagi pero wala talaga akong maintindihan sa mga planeta at houses na ‘yan kaya stop ka muna riyan.”

“Oo na, gusto ko na sa abogado…” Pag-amin ni Farrah tsaka sumimangot. “Pero ayoko sa kanya. Hindi ko na siya mahal.” Dagdag niya pa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Wendy at sabay na magmakeface.

“Pwede ba! Makisama kayo sa non-marupok version ko mga baklita kayo! Grabe kayo sa akin, hindi na ako marupok! This is Adeline Farida Abraham version two-point-o!”

“Te, kahit pwet ko hindi mo maloloko.” Tinapik-tapik ni Wendy ang balikat ni Farrah.

“Sana all talaga, Rackhie! Successful ka na at maraming pera tapos may cute, matalino, bibo, maganda at talented ka pa na anak. Tapos may West ka pa na may chance na pakasalan ka. Ikaw lang ‘ata tinalaban ng swerte rito.” Farrah frowned.

“Wala akong pera!” Depensa ko sa sarili ko.

“Rackhie, magkano dala mo ngayon?” Biglang tanong ni Wendy.

“Huh? Bakit?” Tiningnan ko ang wallet ko.”One thousand dollars.” Sagot ko.

“Hah! Wala pa lang pera!” Tinuro niya ako na para bang nahuli niya akong nagsinungaling.

Nakitawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ikakasal ba talaga ako.

“Hi Mommy!”

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong agad ajo ng yakap ni Sandy na nakaabang pala sa pinto. Muntikan na akong mapatalon sa gulat kanina nang may biglang gumalaw sa pinto. Siya lang naman pala kaya nakahinga ako nang maluwag.

“Hello baby!” I lowered myself to her level so I can hug her back. “How are you? Have you eaten, huh? I missed you so much, baby…” I kissed her forehead three times. “Here’s your pasalubong!” Agad kong inilabas ang favorite niyang Pancit Canton.

Medyo nakakapag-adjust si Sandy rito sa Pilipinas kahit na baluktot pa rin siya sa pagsasalita ng Tagalog. Purong Pilipino man siya, Russian naman ang accent niya na hinawa sa kanya ni Kat. Minsan ay nakita niya ang ngayon ay peyborit niya na tita na si Farrah, na kumakain ng isang banana cue at isang pancit canton, gusto niya raw i-try.

At naku, noong natikman ay araw-araw na akong kinukulit sa Pancit Canton at banana cue. Sinabi ko na sa kanyang hindi ‘yon mabuti sa kalusugan kung aaraw-arawin kaya nanahimik na lang siya. Kaya ngayon ay pinagbigyan ko na. Kawawa naman.

Kumikinang ang mga mata niya habang nakatingin doon. Nang tumingin siya sa akin pabalik ay tumulo na ang luha niya sa kabilang mata. Bago pa man siya makaiyak ay yumakap na agad siya sa akin at doon umiyak. “Mommy thank you po,” she hugged me so tight. “I loved it mommy salamat,” she even spoke salamat right for the first time.

“Wow, baby, can you say that again?” Sabi ko pa pagkahiwalay namin sa yakap.

“Sa-la-maught po mommy.” Ulit niya. “Salamat.” Ulit niya pa.

“That’s right! You said it right baby!” I kissed her so many times on the cheek and neck so she giggled so loud. “Because you said it right, let’s cook your instant pancit canton.” Tumayo na ako. Ikinawit ko ang kanang kamay niya sa hinliliit ko para makasunod siya sa akin pero agad ko rin siyang binuhat nang hindi na ako makatiis.

“Mommy where’s daddy?”

Natigil ako sa pagluluto dahil sa tanong ni Sandy. Nakaupo siya sa putting countertop malapit sa nilulutuan ko. Nakapigtails ang buhok niya at naka-pajama na puti. Nakapaa lang din siya.

“He’s still on Chicago, Sandy,” Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto. Saglit lang naman ‘yon dahil instant noodles lang naman. Nilagyan ko na lang ng itlog. “Do you want to eat now?”

“Mommy I miss daddy,”

I stared at her and sat beside her. “Daddy is working baby,” I kissed her cheeks. “Don’t you want to meet Tito Lester here?” I asked.

“Yes but I miss daddy, mommy,” ngumuso siya. “Okay… I’ll eat mommy…” Siya na lang ang bumaba roon. Medyo nagulat pa ako dahil dati ay nagpapabuhat pa siya para makababa roon pero ngayon ay siyang mag-isa na lang ang bumababa.

She’s getting older… I’m scared. Time’s flying too fast. She’s going to school this year.

It’s almost midnight when I received a message. When I checked who it was, it’s West. Kaninang alas-otso niya pa ‘yon sinend pero ngayong 12 midnight ko lang nareceive.

• Active 2 hours ago

From: West

How are you and Sandy?

From: West

Do you want anything?

From: West

I’ll go there tomorrow. I love you, Rackhie.

Sent from Messenger.

Seen.

I didn’t reply. I almost cursed myself when I saw him online again. He’s typing a message. Fuck, I forgot to turn off my active status. Tapos naseen ko pa ngayon. Hindi pa ako nagreply!

From: West

Babawi ako, mahal. Mahal na mahal ko kayo.

Agad na nag-init ang pisngi ko.

To: West

Thank you

Tumingin ako sa labas. Ang dilim dilim na. Ang tahimik ng paligid. Ako lang ang mag-isa sa kuwarto. Si Sandy naman ay nakahiwalay, nasa kabilang kuwarto siya.

Nagpatugtog muna ako ng mga kanta hanggang nag-2 am na. Nang hindi talaga ako makatulog ay tumulala na lamang ako at napaisip sa kung ano anong bagay.

Gaya ng; lumalaki na si Sandy, kung may babae ba si West, bakit hindi niya ako kayang ipakilala sa publiko, bakit hindi niya pa ako inaayang magpakasal at marami pang iba. Pumasok din sa isip ko si Siquiera. Si Wendy at Farrah pa lang ang nakakita sa kanya after ng insidente na bumago sa mga relasyon naming lahat.

After all, I’m thankful na nakarating ako rito at kahit papano ay kasama ko ang anak ko. Hindi baleng walang asawa, basta nandito si Sandy. Okay na ako. Malaki talaga ang tampo ko kay West dahil uma-attend kami ng mga kasal, hindi manlang niya ma-gets ang tingin ko sa kanyang sumisigaw na: ‘Ikaw? Kailan mo ako papakasalan?’ pero hindi niya maintindihan.

O baka naiintindihan niya pero nagpapanggap siyang hindi niya naiintindihan?

Kung iyon man, bakit ayaw niya?

Kapag nakatingin ako sa mga mata niya ay wala namang duda na mahal niya talaga ako. Pati sa mga ngiti naming tatlo, masaya kami. Pero may kulang para sa akin, eh. Kulang talaga.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko ay iikot-ikot pa ang paningin ko. Ayan tanga, Rackhie, puyat pa.

Pero okay na ‘to. Wala nang mas lalala pa noong time na nagsisimula pa lang ako sa modeling. Tangina, ginagabi pa kami sa pagshoot. Minsan umuulan, minsan, madaling araw pa.

Kumunot ang nuo ko nang mapansin kong wala sa kwarto niya. Kinusot ko pa ang mga mata ko para sigurado akong tama ang nakikita ko. Nang wala talaga akong makita, tiningnan ko kung nagtago siya sa higaan pero wala siya roon. Pati sa tabi ng drawer at sa loob ng cabinet pero wala siya roon.

Saan ‘yon nagpunta?

Nagsimula akong mataranta nang hindi ko siya makita sa labas. May gate kami at mataas ‘yon kaya sure akong hindi siya makakaraan doon. Saan siya pumunta?

Chineck ko ang banyo at kusina pero wala. Pumunta ako sa guest room at nakita kong bahagya ‘yong nakabukas.

May pumasok bang magnanakaw kagabi?

Mahina akong bumaba ng hanggan pero nagmamadali. Kumuha ako ng kutsilyo. Tinext ko rin ang mga kaibigan ko. Ang sabi ko, kapag hindi ako nagreply after 10 minutes ay tumawag na sila ng pulis.

Ihinanda ko ang sarili ko. Pagkapihit ko ng door knob ay bumungad sa akin ang dalawang tao.

Si West at Sandy. Nakahiga sila sa banig. Naka-comforter pa sila. Nakayakap si Sandy kay West. Parehas silang tulog.

Nakahinga ako nang maluwag. Nagtipa agad ako pabalik sa mga kaibigan ko at sinabing wala namang palang magnanakaw at nakita ko na si Sandy. Hindi sila nagreply, tulog pa siguro. Alas sais pa lang kasi ng umaga.

Naalimpungatan yata si West kaya siya nagising. Nakakunot ang nuo niya nang makita niya ako pagkabukas niya ng mga mata. Tumingin siya sa tabi niya at nang makita niya si Sandy ay ngumiti siya. “Hello, good morning,” bati nito kay Sandy. “Good morning, mahal,” bati niya naman sa akin.

Binuhat ko agad si Sandy. “Ang bilis mo,”

“Huh?” Tanong niya. “What do you mean?”

“You just texted me earlier that you’ll come here tomorrow. Now, you’re here already.” I explained.

“Ah, today is what I mean by tomorrow.” Ngumiti ito sa akin. “Kumain ka na ba? Teka, bibili ako ng pagkain. Anong gusto mo?” Isinuot niya ang itim tsinelas niya.

Ang simple tingnan ni West ngayon. Parang normal lang na tao na nakapambahay. Suot niya ang sando niyang puti tapos isang itim na shorts. Suot din niya ang silver niyang kwintas na may pendant na araw.

Napatingin din siya roon. “Sun. Rackhie Sun.” Ngumiti ito hanggang tenga. “Ah, I love your name so much.”

But not worthy enough for you to ask me to marry you.