Chapter 30: until I found you

Until I Found You

Song by Em Beihold and Stephen Sanchez

Prente akong nakaupo sa monoblock chair. Magkaharap kami ni West. Si Sandy naman ay hiniram muna ni Wendy at Farrah para maigala rito sa Bulacan. Para rin makapag-usap kami ni West nang kaming dalawa lang. “Why did you come here?” I asked.

“Why? You don’t want to see me?” He looked at me. He’s still smiling for fuck’s sake. Like there’s something that’s really funny. I don’t find anything funny.

I rolled my eyes.

“Hey, are you mad at me?” This time, his facial expressions became soft. “Is it okay for you to tell me what’s wrong? Or why did I do wrong?”

“Apologize,” mahina kong sabi.

“How can I apologize if I don’t know why I should apologize to, Rackhie? Please tell me what is it. I’ll change it, I promise. What is it, mahal?” He hugged me and kissed my cheeks.

Nanatiling seryoso ang mukha ko. “Don’t you love me anymore?” I asked him, it’s almost whisper.

“I don’t want to say I love you because that does not prove that you really love that person. For me, Rackhie, I love you, I cherish you, I admire you for being the best woman and mother in the whole world. I’m trying my best. Tell me what should I change… I’m still learning…”

Hinarap ko siya. Tumulo na ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya. Sasabihin ko na sana roon ang dahilan pero naduwag pa ako. Parang naipit ang dila ko at hindi ako makapagsalita nang maayos.

Tumingin na lang ako sa kanya habang naluluha. “Just tell me you love me. Promise me that you love me.”

“I love you, I like you, I admire you and I cherish you. There’s more many things I could say than just that three words. I’d prove it to you.” He just stared at my eyes like he was lost at it. “Tell me what can I do so you won’t overthink anymore.”

“Can we tell it to the public now..?” Kumalma ang boses ko. Medyo nahihiya rin ako sa hindi malamang kadahilanan. “I just think we should share it to the public so you can prove to me that you… you love me and you’re proud of me to be your girlfriend.”

He kissed my forehead. ”You want that?” He asked and I nodded. “You got it.” He kissed my lips.

“Kailan mo sasabihin sa kanila?” Para na akong tanga na iyak-ngiti rito. Para akong bata na umiiyak kanina pero nang binigyan ng kendi ay nanahimik na ako. “Tinatanong ko lang, ah… Hindi naman ako nagmamadali.”

“Hindi mo pa pala sineseryoso…” He smiled.

“Na ano?” Clueless kong tanong.

“Matagal ko nang sinabi sa kanila ang tungkol sa atin, mahal… Matagal ko na ‘yong sinasabi sa iyo pero hindi ka naniniwala sa akin na kaya ko ‘yong gawin.”

“H-Huh?” Takang tanong ko. “Weh? Asan? May article? News? Patingin ako!”

Binigay niya sa akin ang phone niya pagkatapos niyang kalikutin ‘yon nang ilang minuto. Kinuha ko naman agad iyon at agad na binasa ang laman. It was posted five months ago. It’s a picture of me, Sandy and West on a beach.

“Screenshot?” Tanong ko sa kanya nang mapansing hindi iyong galing sa isang website kundi sa cellphone gallery niya mismo.

Nagkamot siya ng tenga. “Akala ko ayaw mo munang ipaalam sa publiko so pinadelete ko. Tinulungan ako ni Lycus.”

“You… You thought I don’t want to… I don’t want to let them know we have a thing..?”

“Y-Yes,” kinamot niya ulit ang nuo niya. “I just wanted to ask you first but you keep on saying you don’t believe me. Atsaka, marami ka pang work so ayaw ko munang makadagdag sa stress. Gusto ko munang ipaalam sa ‘yo.”

Doon na talaga ako humagulgol sa kilig. Halos masakal na siya sa yakap ko kaya iyak tawa ako habang nakayakap sa kanya. Siniil ko agad siya ng halik tsaka muling niyakap ulit.

“I think I love you,” I whispered.

“I think I love you more,” he said kissing the side of my cheeks. “Let’s eat, beautiful. What do you want to eat?”

“Pandesal.”

“And..?”

“You…” Biro ko sabay ngisi.

Ganoon na lang ang tawa niya. “Two in one naman ako. Pwede iyon.” Itinaas niya pa ang sando niya! Bumungad sa akin ang naghihimutok niyang eight pack abs. Pinigilan kong maglaway roon dahil nakakahiya.

Pabiro ko na lamang siyang sinampal samantalang siya ay tawa lang nang tawa.

“Grabe ha!”

“What?” Tumawa ulit siya tsaka ako niyakap. “After we eat, let’s go somewhere. I want to show you something…” He kissed my forehead.

Para kaming mga tinedyer kung maglandian habang kumakain ng pandesal. Panay pa ako hagikhik dahilan para ma-cringe-an ako sa sarili ko. Para akong tanga. Ano bang ginagawa ko?

E kasi naman, hindi ko mapigilan.

Hindi te, malandi ka lang talaga. Hirit ng intrimitidang bahagi ng isipan ko.

“Saan mo ako dadalhin?” Tanong ko sabay hagikhik ulit. “Sa langit?” Dagdag ko pa dahilan para masamid si West sa iniinom niyang kape.

Nagpunas agad siya ng bibig gamit ang dulo ng sando niya kaya sumilip na naman ang abs niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin doon.

Tukso na naman! Layuan mo ako! Bad ka!

Nang matapos kami kumain ay inubos ko agad ang kape ko dahil nanunuyo ang lalamunan ko kapag nakikita ko ang abs na ‘yon. Wews. Grabe namang abs ‘yon, nakakalaglag panty.

Haliparot Rackhie! Ang tanda-tanda mo na!

Natulala na lang ako sa kawalan dahil sa kabaliwan ng isip ko. Napakahalay naman!

Sus, parang ‘di mo pa natitikman. Singit ulit ng bwisit na isipan ko.

“Isa! Punyeta!” Napasigaw ako sa hiya sa sarili kong boses.

“What?” West looks confused. “What’s wrong?”

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak ko. Shet, nababaliw na talaga ako. Baliw na talaga ako! Para akong tanga.

“Wala!” Sigaw ko pa. Halos pagalit ang tono.

Nakasubo ang pandesal sa bunganga ni West habang nakatingin pa rin sa akin. Tila nagtataka kung ano ang nangyari sa akin.

“Okay lang ako. Nababaliw lang.” Sabi ko sabay higop ng kape.

“Do you want a kiss?” He asked.

Sa gulat ay nasamid ako. Lumabas iyon sa ilong ko. Gulat na gulat talaga ako roon! Hindi ko talaga inaasahan. “Hoy! Ano ba naman ‘yan! Nakakagulat ka naman!” Todo takip ako sa bibig at ilong ko dahil nakakahiya talaga. Sobra. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa hiya.

Mas lalo akong nahiya para sa sarili ko nang hinubad niya bigla ang sando niya at pinunas sa bibig at ilong kong puno ng kape. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang kanang kamay niya ay nagpupunas sa ilong at bibig ko samantalang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa likod ng ulo ko. Suporta.

Kakatapos niya lang sa pagpunas noon at tuyo na ako kaya hindi ko inaasahan nang bigla niya akong halikan. Lumayo muna ako para huminga saglit. Pagkatapos noon ay ako na ang humalik sa kanya.

Wala siyang pang-itaas. Ako naman ay nakapajama. Red satin blouse at red satin pajama.

He caressed my face and starts kissing me passionately. It’s our first intense kiss together. We never shared that intense kiss in years they’ve been together. I kissed him tenderly. He’s licking my lips, my neck… my soul.

We’re both hungry for each other. I was starting to remove my pajamas when he stopped.

“Love…” He kissed my lips once again. “I promised you we’ll only do this once we get married right…” Habol niya ang hininga habang gamit ang nakalalasing niyang tingin sa akin.

“We already made Sandy…”

He chuckled. “Not this lifetime though, she’s a miracle. I don’t know how she got here.” He kissed my forehead. “I respect you, Rackhie… And I promise you that respect would never disappear. I love you with all my heart.”

I smiled. “I love you too,” ganti ko. “Sayang, bitin.” Bulong ko nang tumalikod ako sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya sa likuran ko. Narinig niya ‘yon.

Hapon na at wala pa rin sina Wendy, Farrah at Sandy kaya tinext ko sila at sinabing aalis lang kami saglit. Sabi kong hindi ako aabutin doon ng dalawang oras at nagreply naman sila na kahit daw doon na lang tumira si Sandy ay okay lang sa kanila. Nagtipa naman ako at sinabing may pupuntahan lang ako kaya ako aalis saglit.

Nasa kotse kaming dalawa ni West. Nakatakip ang mga mata ko gamit ang isang panyo habang siya naman ay nagd-drive. Nasa shotgun seat ako. Naka bistida ako ngayon na puti. Si West naman ay simpleng pantalon lang, putting t-shirt din at itim na simpleng tsinelas ang suot.

“Saan tayo pupunta?” Excited na tanong ko.

“Secret, stay patient please,” kalmadong sabi nito.

“Okay…” I behaved. Baka masira ko pa ang ipapakita niya sa akin.

Tahimik lang akong nakikiramdam sa paligid nang biglang may tumugtog na kanta.

♪ Georgia

Wrap me up in all your

I want you in my arms

Oh, let me hold you

I’ll never let you go again like I did

Oh, I used to say ♪

The radio sounds vintage. It’s so calming.

The chorus started playing. There, West started to sing it too.

“I would never fall in love again until I found her…

I said I would never fall unless it’s you I fall into

I was lost within the darkness, but then I found her… I found you…”

He’s so good at singing. Kaya pala walang talentong napunta sa akin dahil kinuha agad ng nilalang na ito. Nasa kanya na ang lahat, eh! Aba, napakaswerte ko naman.

Korique ka riyan sis! Ready na akong magpaanak sa kanya mga bente lang gano’n o hanggang ma-tegi ako. Singit ulit ng baliw kong parte na isipan.

Maya maya ay nakarinig ako ng gitara. Umulit iyong kanta. Recorded iyon at nakalagay sa ‘di kalayuan base sa pagkakarinig ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya kumapa-kapa ako hanggang sa makapa ko si West.

“Rackhie, wrap me up in all your… I want ya in my arms…” pagkanta nito. Binago niya pa ang pangalang Georgia sa pangalan ko. “Oh, let me hold ya… I’ll never let you go again, like I did

Oh I used to say…”

Kinakanta ko rin ‘yon sa utak ko. Alam ko kasi ang kantang ‘yon. And that’s my favorite song…

“I would never fall in love again until I found her… I said, ‘I would never fall unless it’s you I fall into’… I was lost within the darkness, but then I found her… I found you,” pagpapatuloy niya pa.

Nagulat ako nang boses ko ang marinig ko sa Verse two. Saan niya nakuha iyon?!

“Heaven, when I held you again… How could we ever just be friends? I would rather die than let you go… Juliet to your Romeo…. How I heard you say…” It’s me singing and I don’t remember anything. Kailan pa ‘yon?!

“Oh my, where did you get that? Nakakabingi.” Komento ko at napapikit nang mariin kahit na nakablindfold naman na ako.

“Ang sarap kasi pakinggan, eh… Ringtone ko ‘yan. Hindi mo naririnig?” Tanong niya sabay tawa sa tabi ko. “Tara,” inabot niya ang kamay ko. Umalis na kami sa loob ng sasakyan.

“Eh saan mo nga ‘yon nakuha?”

“Nagtime travel ako,” biro niya sabay tawa kaya napanguso na lamang ako.

“Pwede na bang tanggalin ‘to?” Tanong ko sabay turo roon sa blindfold. “Ano ba kasing meron? Huhu… Sorry, to be honest nakalimutan ko kung kailan ang monthsary natin. Ang tagal na kasi… Happy Monthsary…”

“I-It’s not our monthsary today,” he said. “It’s my mom’s death anniversary…”

Parang gusto ko na lang ilibing nang wala sa oras. Natahimik ako at hindi na nagsalita pa.

“But thank you for saying that. Tomorrow’s our monthsary. I just couldn’t remember when it all started. Four lifetimes for fuck’s sake… But I still want it.. hehe.”

“So pwede na nga bang tanggalin?” Tanong ko ulit sa kanya. “Yes or no lang ha!” Dagdag ko pa.

“No… Not yet. Wait…” Inalalayan niya ako paakyat sa isang hagdan. Kabado ako dahil kahoy iyon at mukhang marupok lang katulad ko, charot. Marupok lang talaga kaya napakapit ako ng sobra kay West. Nang huminto kami ay nagsalita siya. “Okay, you can take it off now.” Huminga siya nang malalim.

Dahan-dahan kong tinanggal ang blind fold. Bumungad sa akin ang pamilyar na puno.

“Halaaa!” Pinigilan ko agad ang maiyak nang matandaan ko agad ito. Napatakip ako sa mukha ko habang nakatingin doon. Napaupo ako sa sahig. Nagiging emosyonal. “How could you…” Tumingin ako kay West na abot langit ang ngiti sa akin.

Mas matamis pa nga yata ang ngiti niya kesa sa kendi ni Sandy na minsan ay nakikihati ako.

There’s the tree we used to go whenever we’re sad and there’s a drawing of us that time when he promised me something. Sa tabi noon ay isang malaking bahay. Bago lang ‘ata iyon. Ngayon ko lang nakita.

Medyo nalungkot ako kasi roon ko ipinangako sa parents ko noong four year old ako na roon ko itatayo ‘yung bahay. Pero hayaan mo na… masaya na naman siguro sila mama sa Heaven ngayon. Ang dalawa kong mama at ang dalawa kong mga papa.

“Rackhie Sun Agustin Mendiola… Mendoza.” Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. “I’ll be the best for myself, for you, for our future. I’ll plan everything. Papakasalan kita.”

“Hindi ako magpapakasal hanggat hindi ko pa natutupad ang pangako ko kila Mama at Papa. I mean… my real mom and dad… biologically. I already know that I’m not my mom’s real child so I promised myself I won’t get married til I build them their own house and lot and a car.”

“Well,” West licked his lips. “I assure you we could do something more than that.”

“A-Anong ibigsabihin nito…” Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. Sobrang saya ko kasi talaga.

“Uhm… Those days when I always leave our room and I keep telling you I’m doing something… This is what I’m doing,” nagkamot siya ng dulo ng labi. “Honestly I have no idea how to make this more special so… Muntik na akong abutin ng taon kakaplano rito.”

“W-What do you mean?” May clue na ako. Pero ayaw kong mag-assume.

“I promised you, myself, your parents and our creator. That I’d do what you want me to do… everything. Before I…” Nag-iwas siya ng tingin. Nang medyo umangat ang mukha niya ay napansin ko ang kaunting luha na tumulo mula sa mga mata niya. “I can’t express how I feel. I want to be a part of you, Rackhie Sun. And I want you to be a part of me too.”

Teka, nagp-propose ba siya?! Hala, hindi ako ready! Ni hindi manlang ako nakapagsuot nang matinong damit! Huhuhuhu.

“So you mean… are you asking me to marry you?” Kunwari ay clueless kong tanong.

“Wait, hindi pa ako tapos sa speech ko,” tumawa siya. “Seriously Rackhie, I wanted to be with you for a long time. I’ve been in love with you for years. I keep laughing in my head everytime you do something. Kahit na ‘yung mga bagay na hindi naman nakakakilig sa iba pero nakakakilig sa akin. Niyayanig mo ang sistema ko, eh.”

“Magp-propose ka ba or nagpapakasal na tayo nang hindi ko alam…” bulong ko.

“Grabe, hindi talaga makapaghintay na ikasal!” Sigaw nang isang babae. Nang tingnan ko ay bumungad sa akin ang loka-lokang si Farrah. Katabi niya si Wendy na buhat-buhat si Sandy na nakatingin sa amin at nakangiti.

“I promised you that I’d marry you once we both reach our dreams. Kapag may napatunayan na ako sa ‘yo, sa sarili ko, sa kapatid ko tapos ngayon, sa anak natin.” Itinuro niya ‘yung malaking bahay na nakita ko kanina ‘di kalayuan sa pwesto namin. “Renzo helped me build that house and…” May kinuha siya saglit sa bulsa niya. Nang makita ko ‘yon, isa pa lang susi ng kotse.

Everyone gasped.

“Grabe West palimos naman!” Sigaw ng isang babaeng blonde ang buhok. Nakita ko na siya somewhere pero hindi ko alam ang pangalan niya. I’m pretty sure that girl is West’s friend.

Nagsitawanan ang mga tao. Roon ko lang nalaman na marami pa lang tao roon pero puro kaibigan lang namin at malalapit na tao sa mga puso namin.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Siquiera na napakalaki ng pinagbago. Mas pumayat siya ngayon pero mas maganda ‘yon tingnan. Ngumiti lang siya at kumaway sa akin.

Nandoon din si Lycus, Lester, Renzo, Midnighte, Shivani, Carmen at iba pa naming kakilala. Nandoon din si Kat at Miko!

“And… I want you to meet someone again.”

Kinalikot niya ang phone niya saglit ang nagtipa ng kung ano roon. Wala pang ilang minuto ay may taong gumalaw roon sa isa pang puno.

Bumungad sa akin ang isang lalaking mahaba ang kayumangging buhok. Sobrang puti at nakasalamin. Nakasuot ito ng long sleeve polo at naka-pantalon.

“Hi, sis,”

Napatakip ako ng bibig tsaka dali-dali siyang niyakap. “Ruigi! Oh my god!” Mas lalo akong naiyak nang yakapin ako nito pabalik. “How are you? Huh? Where did you go? Are you okay?” Chineck ko ang katawan niya.

Tumango tango siya nang parang bata. “Don’t worry about me. They took care of me so well, Ate. I missed you so much.” He hugged me again.

Saglit lang ang pag-uusap namin ni Ruigi dahil may ilang kakilala rin kami na nagv-video. Malamang ay ipopost sa social media. Kaya nagmadali na lang kami.

Hanggang sa lumuhod si West sa akin. Hindi lang isang paa. Dalawang paa niya ang nakaluhod na para bang nagmamakaawa siya sa akin.

“Can I be your husband, Rackhie? Would you take my surname? Will you marry me, Rackhie?” He asked, still kneeling.

Natulala ako roon. Ni hindi na makapagsalita nang maayos sa sobrang saya. Naiyak ko na talaga lahat simula pa kanina pa lang. Si West naman ay nakatingin lang sa akin at nakangiti, naghihintay ng sagot.

“I’d be grateful to marry you, Mr. Mendoza,” I answered.

Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Ang sana lang, tinakpan nila Wendy ang mata ng anak namin.

But there, we shared our first kiss after he put the engagement ring. And that’s one of the happiest memory I’ve ever had in my entire lifetime.