Chapter 16: Four lifetimes

Magkatabi lang kami ni Carmen ngayon. Kanina niya pa ako kinukulit na sabihin ko ang tungkol sa pagbubuntis ko sa anak namin ni West. Kanina pa siya ganiyan!

“Huy teka nga,” sabi ko rito tsaka inayos ang damit na lukot-lukot na dahil sa kakagalaw niya rito. “Paano ko sasabihin? Mukhang wala rin siyang maalala eh.”

Napaisip siya saglit. Maya-maya ay muli siyang nagsalita. “Meron akong paraan…”

“Anong paraan?” tanong ko sa kanya. “Sana naman matino na ‘yan, ah. Tsaka sana ‘wag mo muna ‘to sasabihin sa iba. Ako na lang magsasabi sa kanila.”

“Oo. Promise!” Itinaas niya pa ang kamay niya para manumpa. “Mamatay man ako!”

“Buntis? Buntis ka rin?”

Sabay kaming lumingon ni Carmen sa nagsalita sa likod. Nakasilip sa maliit na bintana si Lester at magkasalubong ang dalawang kilay.

Agad na naglaho sa tabi ko si Carmen. Pumunta siya sa pwesto ni Lester at dagli siyang ipinasok sa loob ng bahay niya.

Tumabi agad sa akin si Lester. “Weh? Totoo?”

Kinotongan siya ni Carmen. “Malamang.”

“Eh paano ‘yun? Sino ba ama niyan? Gaano na katagal?” Sunod-sunod na tanong niya.

“Iyon nga eh, hindi ko alam kung gaano na ‘to katagal. Pero ‘yung tungkol sa ama… Hindi ko pa pwedeng sabihin sa ‘yo eh.” Bumuntong-hininga ako. Magkaibigan sila. Hindi naman sa wala akong tiwala pero ang unfair kila Landrice kung hindi ko ‘yon sasabihin sa kanila.

“Ay,” tumango-tango ito. “Naiintindihan ko naman.”

“Alam mo rin na buntis si Siquiera?” tanong ko pa sa kanya. Sinabi niya kasi ang salitang ‘rin’ kaya sigurado akong si Siquiera ang tinutukoy niya.

“Iyon ba?” Tumawa siya saglit. “Tagal ko nang alam. Ako pa nga ‘ata nauna makaalam kesa kay Siquiera. Lagi ba naman nag-aanuhan sa public. Rinig pa ‘yung mga ungol.”

“Hala,” napatakip ng bibig si Carmen. “Sila ni Lycus ‘yon? Akala ko guni-guni ko lang.”

“Naririnig mo rin?” Tanong ko.

“Oo. Nagluluto ako no’n para sa party tapos bigla akong nakarinig ng ungol. Akala ko talaga guni-guni ko lang kasi madalas akong nakakarinig ng ungol no’n.”

“Ay…” Iyon na lang ang nasabi ko tsaka ako muling bumaling kay Lester na mukhang may gustong sabihin dahil hindi siya mapakali.

Gulo-gulo rin ang buhok niya. Nakasando pa rin siyang puti. Medyo nangangayayat din siya. Alam kong hindi requiered matulog sa kanila pero pagod na pagod na ang mata niya. Mukhang seryoso ang mga nangyari rito noong tulog ako.

“Uhm… May sasabihin sana ako. Kaya ako pumunta rito para personal kong masabi sa inyo bago ako umalis. Hindi ko inaasahan na pati rito may surprise.” Pabiro ulit siyang tumawa tsaka umubo-ubo nang mapagdesisyonang magseryoso. “Aalis kasi muna ako. Dumaan ako rito kasi may gusto akong ipasabi sa inyo para kay ano…”

Kilala ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

“Saan ka naman pupunta?” tanong ni Carmen.

“Aalis ako ng isla pabalik sa labas kasi hindi ko napasa ‘yung bar exam. Tsaka kapag nandito kasi nagkakailangan kami. Hindi nakakakilos nang maayos si Ravenne kaya limitado lang ‘yung nagagawa niya. Kaya aalis muna ako. Kapag tinawagan niyo naman ako pag may kailangan, babalik ako.”

“Hindi ka man lang ba magpapaalam sa kanya?” tanong ko. “Baka magtaka ‘yun…”

“Kaya ako nandito para sana humingi ng pabor. Gusto ko sanang kayo na ang magsabi no’n kay Ravenne. Sinubukan ko rin naman kaso talagang mailap na siya. Hindi ko naman siya masisisi… Babalik din ako, aayusin ko lang ‘to.”

“Kapag balik mo rito iku-kwento mo dapat lahat ah?” malungkot na sabi ni Carmen. “Ingat.”

Nginitian siya ni Lester. “Oo naman. Kayo rin dito, ingat. Pasabi kung may kailangan siya… o kayo. Basta babalik agad ako.” Humarap naman siya sa akin. “Si West pala… May gusto ‘yon sa ‘yo matagal na. Kaso buntis ka pala… sinabi ko lang sa ‘yo kasi baka gusto mong i-reject na kasi baka mas lalong masaktan. Umiiyak kaya ‘yon nung nakakita ng dugo sa ‘yo nung naaksidente ka.”

“Ha?” kunwari’y clueless na tanong ko. “Ako? May gusto siya sa ‘kin? Matagal na?”

“Oo nga!” Natatawang sabi niya. “Matagal ka na niyang gusto. Muntikan na nga siyang makaladkad kasama niyo ni Landrice sa guidance. Doon ka niya unang nakilala eh.”

“Hoy?” Gulat akong tumingin dito. “Nakakaalala ka na rin?” nanlalaki ang butas ng ilong at ang mga mata ko.

“Duh,” hinawi niya pa ang invisible na mahabang buhok niya. “Papunta pa lang tayo rito sa isla naalala ko na. Nanghihina ako noon eh pero hindi naman kasing lala nung sa inyong dalawa ni Carmen na halos isang linggo. Ngayon ‘ata bumabawi, sakit ng buong katawan ko eh. Shete.” Tumawa-tawa ulit siya.

“Samahan ka na kaya namin?” suhestiyon ko sa kanya. “Baka kung anong mangyari sa ‘yo.”

“Oo nga.” Sabi pa ni Carmen.

Ginulo ni Lester ang buhok ko. “’Wag na. Kaya rin ako aalis para makapagpalakas ulit. Maraming hayop sa labas. Tsaka buntis ka. Baka mapano ka pa. Nakita mo naman ‘yung nangyari sa ‘yo, ‘di ba?”

“Lester ang totoo kasi… si West ‘yung ama.” Napapikit pa ako saglit para hindi ko agad makita ang reaksyon niya. Nang dumilat ang mga mata ko ay masayang-masaya siya.

“Congrats. Alam mo na ba ‘yung gender niyan?”

“Ewan ko pa eh. Ngayon ko nga lang nalaman.”

“May idea ako kapag nag-isip ka ng pangalan.” Nakangiting sabi niya.

“Ano naman?” sabay na tanong namin ni Carmen.

“Kapag lalaki Lestero tapos kapag babae Ester.”

Hinagisan agad siya ni Carmen ng tissue sa mukha sa inis. Tatawa-tawa lang ang luko-luko.

“Seryoso na. Goodluck diyan. Sana sabihin mo na rin kay West. Matutuwa ‘yon, sure na. Sana pagbalik ko makita ko na ‘yan pati ‘yung inaanak ko kay Siquiera. Siguradong mga magagandang nilalang ‘yan kasi nagmana sa’kin.”

Nginiwian ko siya. “Napaka-kapal naman ng mukha mo. Seryoso pa raw amp.”

“Bye! Alis na ‘ko! Paki-ingatan ang baby ko!”

“Malaki na ‘yon!” Pahabol ni Carmen nang palabas na ng pinto si Lester.

“Ingat Lester kumag!” natatawang sigaw ko.

Nang mawala na siya ay dali-dali akong nilapitan ni Carmen at niyakap. “Narinig mo ‘yon? Gusto ka talaga niya oh! So ano? Kailan mo balak sabihin? Excited na ‘ko!” para siyang teenager na kinikilig sa love story na nasa isang nobela. Kumikinang pa ang mga mata niya sa saya.

“Teka lang naman!” Pati ako ay natatawa sa kanya. “Mamaya siguro! Babalik naman tayo roon ‘di ba? Pagkakita ko sa kanya mamaya, sasabihin ko na.”

-

NAKALABAS na kami ni Carmen sa bahay niya. Ang mukha agad ni Ravenne ang bumungad sa akin. Hindi siya mapakali at parang may hinahanap doon sa kakahuyan.

Nagsalita ako. “Hindi mo siya maaamoy riyan,”

Gulat naman siyang napatingin sa akin. Hindi ko pa nadadagdagan ang sasabihin ko ay niyakap na niya ako agad. Napangiti muna ako bago ko siya niyakap pabalik.

“Huy, hindi mo ‘ko pinuntahan agad! Gabing-gabi na oh. Hinahanap ka namin kanina. Party sana para sa ‘yo ‘yon kasi katulad ka na namin.” Binigyan niya ako ng downward smile.

“Hinanap kaya kita! Kaso mukhang busy ka kaya nag-usap muna kami ni Carmen,” paliwanag ko. Hinawakan ko ang mukha niya dahil nawala na ang mapulang kulay ng labi niya. Namutla na ‘yon at mukha siyang pagod. “Anong nangyari sa ‘yo? Kumusta na?”

Bakit halos lahat sila pagod? Dahil ba ‘to sa breakup nila o talagang may nangyayari nang hindi ko alam?

Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya tsaka ako muling nginitian. Pilit na ngiti. “Okay lang naman ako.”

“Sus.” Niyakap ko siya ulit. “May sasabihin nga pala ako sa ‘yo.”

“Hindi ba pwedeng mamaya na lang? May ipapakita ako sa ‘yo!” Hinila niya ang kamay ko papunta roon sa may mga ilaw-ilaw.

Bumungad sa akin si Celine na nakangiti, nasa mini stage siya at nag-aayos ng mic. Nakangiti rin sana ako pero agad na nawala ‘yon nang nakita ko si West na nakangiti rin habang nakatingin sa kanya.

Pakiramdam ko, bumagsak ‘yung tiyan ko.

“Rackhie tara! Kakanta sina West at Celine. Marami akong iku-kwento sa ‘yo na na-miss mo.” Nakangiti pa rin si Ravenne at walang kaalam-alam na tumingin sa direksyon na tinitingnan ko. “Bakit? Anong meron?” tanong niya bago mawala ang ngiti niya.

Naka-tshirt lang na itim si West na walang polo. Nakapantalon siyang itim na bahagyang kupas. Nakataas din ang buhok niya.

“Wala… Tara. Saan tayo pupunta? Mamaya na tayo makinig, gusto ko muna kayo kumustahin ni Landrice.” Pilit ko rin siyang nginitian.

Bumalik ang ngiti niya. “Akala ko naman kung ano na!” hinila niya ako ulit papunta roon sa isang upuan. Nandoon pala sina Sunny, Landrice, Siquiera at Aia. Mukhang close na close na sila dahil naghahampasan pa sila habang tumatawa.

“Huy!” Napatayo si Landrice sa upuan nang makita ako. “Hellooo! How are you?” Bakas ang pag-aalala sa tono niya habang tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nang mapansin niya ang tingin ko ay nagsalita ulit siya. “Don’t get me wrong! I was just checking how are you! I’m sorry if you got the wrong idea.” Depensa niya.

I chuckled. “Bakit? Wala naman akong sinasabi ah! Okay lang naman na ako. Gulat nga ako nagising akong ganito eh,” pagsisinungaling ko. Tumawa ako ulit tsaka ko siya niyakap. “I missed you,” nakangiting sabi ko habang magkayakap kami at nakatingin ako sa mga kaibigan naming nasa likod niya.

Namiss ko talaga si Wendy-Landrice. Highschool pa lang kami ay lagi na kaming magkasama. Si Ravenne kasi ay paiba-iba ng circle pero sure naman akong ang circle namin ang main niya. Extrovert kasi si Ravenne, ‘di tulad namin ni Wendy na laging nasa room. Nahawa lang kaming lahat sa kakulitan niya.

Nandoon sila noong first love, heartbreak, first time pinayagan sa gala at iba pang firsts ko.

We never knew we’re going to be supernatural.

“Bati na kami,” singit ni Shivani-Sunny nang hindi kami maghiwalay sa pagkakayakap. “Naipaliwanag ko na lahat. Sana tayo rin, magkabati na, Rackhie. I’m sorry.”

Humiwalay ako kay Wendy bago ko niyakap sina Shivani at Midnighte. Hindi na kami ganoong kaclose ngayon pero kaibigan ko pa rin sila. “I understand, apology accepted.”

Nagtatawanan lang kami roon at nagk-kwentuhan. Wala talaga sa kanila ang nakakaalala sa past lives namin. Gusto ko mang sabihin kina Landrice at Ravenne ang babala pero hindi ako makatiyempo dahil masyado silang masaya.

“Hello,” napunta ang atensyon ng lahat sa nagsasalita sa stage.

Nawala ulit ang ngiti sa labi ko dahil nakita ko ulit sila sa stage. Nagtama ang mata namin ni West dahil nakatingin din pala siya sa akin. Nangungusap ang mga mata niya pero hindi ko maintindihan.

Iniwas ko ang tingin ko at ibinalik na lang ang atensyon sa mga kaibigan ko.

“Gusto mo siya ‘no,” bulong ni Ravenne. Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Masyado kang halata. Akala ko nung una feeling ko lang eh. Truelalu na pala.” Sabi niya habang nakatingin sa stage.

“Ha? Sinong kinakausap mo?” tanong ko kahit alam kong ako ang tinutukoy niya.

Humarap siya sa akin. “Hindi ka pa umaamin?”

“May sasabihin nga pala ako sa ‘yo,” pag-iiba ko sa usapan. “Pumunta si Lester kanina sa bahay ni Carmen, eh, nandoon din ako kaya pati ako pinakiusapan niya na sabihin sa ‘yo na aalis siya rito sa isla.”

“Huh?!” Gulat na sigaw niya. “Umalis siya ng isla? Saan siya pupunta? Sa labas?” tanong niya pa. “Lokong ‘yon kaya pala hindi ko makita,” she frowned.

“Oo. Kapag daw may kailangan ka sabihin ko lang daw sa kanya.”

“Nako!” sigaw niya ulit. “Bahala siya sa buhay niya! Wala na akong kailangan! Edi umalis siya! Saksak niya sa puso niya mga pangako niya! Bulok! Yuck!”

Napangiwi ako sa reaksyon niya. Kilala ko naman ‘tong babaeng ‘to. Marupok ‘to sa mga nakakarelasyon niya eh, kaya laging naloloko. Pero lagi siyang gumaganti.

“Sundan mo kaya siya? Sasamahan kita.” Suhestiyon ko.

“’Wag na!”

Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang speaker.

“Hi. This celebration is for our left-hand and my bestfriend Rackhie. I know we all don’t like what we are so there’s no reason for this to celebrate but my friends and I also made this celebration for this one guy…” huminto siya saglit at inilayo ang mic para tumawa. “Torpe siya super.” Dugtong niya. “Hindi ko na papatagalin. Ang kantang ‘to ay para sa pinakamamahal niyang babae rito at para sa… lalaking hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan. For those two who accepted our demons.”

Babaeng pinakamamahal ni West? Si Celine siguro ang tinutukoy niya… Nakalimutan niya na talaga ang lahat nang meron sa amin dati.

“Demons by Imagine Dragons.” Magka-antabay na sabi nila bago tumunog ang instruments.

Unang kumanta si Celine para sa verse one.

“When the days are cold… and the cards all fold and the saints we see are all made of gold… When your dreams all fade and the ones we hail are the worst of all, and the blood runs stale…” pagkanta niya.

Alam kong member ng choir noon si Ravenne pero hindi ko akalaing mala-anghel din pala anf boses ni Celine. Ngayon ko lang siya narinig kumanta.

Si West naman ang kumanta. “I wanna hide the truth, I wanna shelter you-but with the beast inside there’s nowhere we can hide… no matter what we breed… we still are made of greed… this is my kingdom come, this is my kingdom come…”

Sabay silang kumanta sa chorus habang may hinahanap ang mga mata ni Celine at si West naman ay… bakit siya nakatingin sa akin?

“When you feel my heat… look into my eyes… It’s where my demons hide, It’s where my demons hide… don’t get too close, it’s dark inside…” sabay nilang kanta habang si West ay nakatingin pa rin sa akin. Tinitingnan ko rin siya habang kumakanta siya. “It’s where my demons hide… it’s where my demons hide…”

Kakanta pa sana sila pero umalis na agad ako roon. Sinundan agad ako nina Ravenne at Landrice pero ang sinabi ko ay matutulog na ako kaya huminto rin sila.

Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na tinurn off na nila ang Bluetooth sa speaker. Nakarinig din ako ng nakabibinging tunog. May nakahulog ‘ata ng mic.

“Teka lang! ‘wag mo muna akong iwan ulit!”

Nanlalaki ang mga mata ko nang pagkatalikod ko ay nakita ko si West na hinihingal. Hinabol niya nga ako.

“B-Bakit mo ako sinundan?” Nagtatakang sabi ko. Pilit na itinatago ang kaba sa boses ko.

“I thought you knew already…” bumuntong-hininga siya tsaka nag-ayos ng pagkakatayo. “I-I don’t know where to start so I’ll just go straight to the point.”

“Huh? May sasabihin ka ba?” tanong ko. “Bakit mo iniwan si Celine roon? Hindi ba, hindi pa kayo tapos kumanta?” hayan na naman. Selos na naman.

“Stop pushing me to her. We never really had relationship and… I never liked her. Promise.” Itinaas niya pa ang kamay niya.

“Why are you suddenly saying this to me—”

“I want to clear things first before I say it. I’ve changed my mind,” ibinulsa niya ang kamay niyang… nanginginig ba ‘yon? “Can you perhaps tell me why do you keep leaving me?”

“Ha? Ako?” Itinuro ko ang sarili. Ako pa ang nang iiwan? “Hindi naman kita iniiwan ah.”

“I hope you’re jealous,” dinilaan niya ang babang labi. “But I hope not too.”

“Hindi talaga kita maintindihan,” magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. “Uminom ka ba? Wala ka ‘ata sa katinuan mo.”

“I already cleared things between Celine and I. She… She likes someone else and I like someone too-not her, uh, I already told you I never liked her romantically…”

“And..?” Atubiling tanong ko.

Ganoon na lang ang gulat ko nang lumuhod siya sa harapan ko. Parang nagmamakaawa. Nagpanic agad ako at agad ko siyang pinatayo pero nagpabigat siya kaya hindi ko siya mabuhat pataas.

“Hoy ano ba ‘to! Tumayo ka riyan! Rurumi ‘yang pantalon mo!” sinigawan ko siya. “Bakit ka ba nakaluhod? Hala huy. Okay ka lang ba talaga? Seryoso?”

“I…” napayuko siya saglit bago niya hinawakan ang kamay ko. Nanigas ako sa ginawa niya. “C-Can I… court you-no-c-can I be your boyfriend… No. I’ll court you. Can I..? Court you?”

Natahimik ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may pumito sa tenga ko at hindi ako makarinig nang maayos. Napanganga ako sa sinabi niya. Nanigas ako. Pakiramdam ko ay pati siya ay ganoon din kasi nararamdaman ko ang mas lalong panlalamig ng kamay niya.

“A-Ano?” Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.

Naaalala ko lahat ng pag-amin niya pero hanggang ngayon ay palakas pa rin nang palakas ang tibok ang puso ko kapag umaamin siya. Akala ko talaga gusto niya si Celine.

“G-Gusto kita, Rackhie,” nauutal niyang sabi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa nang makita ko ang halos mangiyak-ngiyak niyang mata. Mas lalo tuloy nagtubig ang mga mata niya.

“Hoy! Okay ka lang ba?” lumuhod din ako para makapantay siya. Tumatawa pa rin ako habang nakatingin sa kanya.

“N-Nirereject mo ba ‘ko?” kinakabahang tanong niya.

Mas lalo akong natawa tsaka ko pinunasan ang tubig sa mata niya bago pa man ito tumulo. “Nasaan ang pride mo ngayon, Mr. Mendoza?” tanong ko. “Saan na napunta?” tanong ko pa.

“Ewan ko…” Tumayo siya. “Nireject nga ako…” bulong niya pero ngayon ay rinig ko na.

Kasama sa kakayahan namin ang makarinig ng mga bulong kahit na malayo pa ang kausap namin. Mas malakas kasi ang pandinig namin kesa sa pandinig ng isang tao.

Tiningnan ko lang siya nang maglakad siya palayo.

Hindi ko siya pinansin. Hindi niya ako madadaan sa ganyan. Tumalikod din ako at nagsimulang maglakad palayo.

**

[1st lifetime | gymnasium | 4th year highschool]

“Rackhie!”

Nasa gymnasium kami ngayon. Walang gaanong tao rito dahil half day lang kami. Nakaupo kami ni Ravenne sa bleachers habang sa huling tingin ko ay nasa baba pa ng bleachers si West dahil nagp-practice sila ng kaklase niyang si Liam ng basketball.

Lumingon ako sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang sumakto ang pisngi ko sa labi ni West. Napalayo ako sa kanya. Muntikan ko pa siyang masampal dahil sa gulat!

Kahit gusto ko naman.

“Ano ba! Ang bastos mo!” kunwari’y galit na sigaw ko sa kanya.

“Liligawan kita, gusto mo?” tanong niya habang nakangiti sa akin.

Nginiwian ko siya. “Ikaw, manliligaw?”

“Manliligaw ka? Hindi ka pa nga ‘ata tuli eh!” Natatawang singit ni Ravenne kaya sinamaan siya ng tingin ni West at binatukan. “Hoy! Masakit ‘yon ah! Gusto mo sapakin kita?” Sinamaan niya rin ng tingin si West.

“Lul! Bastos ng bunganga mo. Anong konek no’n sa panliligaw? Tsaka tuli na ako uy! Saan mo nasagap ‘yang fake news na ‘yan!” Depensa ni West sa sarili.

“Hindi ako nagpapaligaw, sorry,” pagtanggi ko kahit na gustong gusto ko siyang manligaw sa akin. Ilang taon ko na siyang gusto!

Sana naman magpumilit siya!!

“Ay…” Bulong niya. “Sige…”

Nagsalubong ang kilay ko nang tumakbo siya palabas ng gymnasium kaya nagkatinginan kami ni Ravenne bago siya tumawa.

“Takot sa rejection! Bulok hahaha!” Mas lalong lumakas ang tawa ni Ravenne to the point na napapahawak na siya sa tiyan niya.

Napabalikwas kaming dalawa sa pagkakaupo nang biglang pumasok ulit si West at nagt-tumbling papalapit sa amin. Parehas na hulog ang panga namin ni Ravenne sa nakikita namin.

“Straight ba talaga ‘yan?” Natatawang tanong ni Ravenne sa akin.

“Ewan ko.” Pati ako ay natawa na rin.

“Talagang pursigidong ligawan ka.”

**

[2nd lifetime | school clinic | 1st year college]

“Okay ka lang ba, Wends?” Tanong ko kay Wendy nang makita ko siya na nakahiga sa isang kama sa clinic. “Bakit mo kasi hinagis pati ‘yung katawan mo? Bola lang hinahagis sa volleyball uy. Pati katawan mo lumipad.”

“Flying Wendy hahaha…” Natatawang biro pa ni Ravenne kaya sinamaan siya ng tingin ni Wendy.

“Rackhie may sasabihin nga pala ako sa ‘yo.” Nakangiting sabi nito sa akin. “Crush ka ni Kuya!”

Nanatili lang ang tingin ko sa kanya.

Matagal ko nang alam na may gusto sa akin si West. Kada-tatlong araw ba naman ay may nag-o-order ng isang sakong bigas para sa amin. Hanggang ngayon ay hindi maubos-ubos ang bigas namin kaya ‘yung iba ay ibinenta na namin ni Ruigi. Minsan ay nakita ko pa ang resibo roon at tumambad sa akin ang buong pangalan niya. Kung hindi naman bigas ay may nag-iiwan pa ng mga kambing sa labas ng bahay namin.

“Gusto ka ‘ata ligawan. Nasa parking lot, inaabangan ka.”

“Yaan mo siya.” Natatawang sabi ko.

“Hala nireject ako agad!” Napatingin kaming lahat sa gilid namin nang gumalaw ang kurtina at bumungad sa akin ang mukha ni West na papaiyak na.

Tumakbo siya papalayo kaya napabuntong-hininga na lang kaming tatlo. Wala pang ilang minuto ang nakalilipas ay bumalik siya sa harap namin.

“Sundan mo’ko sa labas please.” Taliwas sa tono niya ang mukha niyang naiinis at papaiyak na kung ano.

**

[3rd lifetime | outside the univ | 3rd year college]

“Sino gusto kwek-kwek?” tanong ko kina Siquiera at Ravenne. “Bili tayo sa labas. Mahal ng mga pagkain sa cafeteria eh. Lasang kalawang naman.” Reklamo ko sa kanila nang makita ko ang nagtatanong nilang mga mata.

“Ay true sis!” Pag-antabay pa ni Ravenne. Inilabas niya ang wallet at binilang ang natitirang pera roon bago niya tinulak si Sunny gamit ang pwet niya. “Tara na Sikitots. Libre kita.”

“Di baaa!” Pamimilit ko kay Siquiera na kumakain pa rin ng lasang banana ketchup na spaghetti ng cafeteria. “Sige na Siq!”

“Sige na nga!” Natatawang pagpayag ni Siquiera bago kinuha ang bag na nakalagay sa batuhan at itinapon sa isang sako ang kinain. “Lasang ketchup nga huhuhu. Kung hindi lang ‘to favorite ni ano eh.”

Nasa kanan ko si Siquiera at si Ravenne naman ang nasa kaliwa. Syempre, ako ang nasa gitna.

Papalapit pa lang kami nina Ravenne at Siq sa nagtitinda ng kwek-kwek nang biglang may humarang na lalaki sa harap namin. Nanigas si Siquiera nang makita ang pamilyar na mukha nito. Kumakanta iyong lalaki ng verse one ng ‘Just The Way You Are’ ni Bruno Mars. Nakasandal siya roon sa poste malapit doon sa stall.

Hindi pa kami nakalalayo roon sa lalaking nasa likuran namin kanina ay isang lalaki na naman ang nagpipigil ng tawa habang kumakanta ng chorus ng ‘Just The Way You Are’ nang magkatinginan sila ni Ravenne ay parehas silang nanigas sa kinatatayuan nila. Sabay pa silang nag-iwas ng tingin sa isa’t isa.

“Mukha kang t*te, Lycus!” Pahabol niya pa roon sa lalaking nauna sa kanya tsaka malakas na tumawa.

Muntik na kaming matalisod nang isang lalaking nakaupo na naman ang nagpahinto sa amin.

“Renzo!” Sigaw ko. “Anong ginagawa mo rito?”

Imbes na sumagot ay kinindatan niya lang kami at katulad ng mga kasama niya ay kumanta siya ng verse two ng ‘Just The Way You Are’. Kung siguro ay kasama ko si Landrice ay nahimatay na ‘yon sa kilig.

Akala ko ay makakakain na kami nang maayos pero biglang lumabas galing sa kung saan si West. Sabay sabay kaming napaatras ng mga kasama ko sa gulat.

“Ano bang meron dito? Jumpscare?” Inis na sabi ni Ravenne.

“Epal ‘to! Ikaw ‘yung jumpscare mukha kang pwet!” Inis na sabi ni West sa kanya pero ngumiti rin nang makita niya ako. “Hi Rackhie k—Hi. Ganda mo so much always.” Matamis pa itong ngumiti bago niya kantahin iyong chorus.

“When kaya… Kailan kaya tayo makakakain?” hindi na natiis ni Siquiera na makisingit.

Sumimangot si West at hindi na tinapos ‘yung kinakanta. “Sige pwede na kayong kumain. Anong gusto mo, Rackhie? Libre na kita.”

“May pera ako.” Nilagpasan ko siya.

“Gusto kita.”

Ako naman ang nanigas sa sinabi niya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko habang nakahinto ako. Ang mga kaibigan ko ay inilibre na ng mga lalaking nakasalubong namin kanina. Tama nga ang hinala ko, may mga boyfriend na nga sila at hindi pa nila sinasabi sa akin.

Hinarap ko si West. “Pinlano mo ba ‘to lahat?”

“Ha?” Kunwari’y clueless na tanong niya. “Ah eh… Oo. Medyo? Siguro.”

Inirapan ko lang siya bago ko siya tinalikuran at pinigilan ang sariling tumili.

“Gusto mo rin ba ako?” Matapang na tanong niya sa akin.

**

[Present]

Napahinto ako nang biglang may yumakap sa bewang ko. Si West iyon at umiiyak na talaga siya. Basang-basa agad ang damit ko kahit kaka-lagay pa lang ng mukha niya roon.

Katulad pa rin siya ng dati. Iyakin kapag umaamin.

“S-sorry…” Para siyang nakuryente at napabitaw sa pagkakayakap sa akin.

“Sige.”

“W-What?” Tanong niya.

“H’wag ka na manligaw.”

Nanlaki ang mga mata niyang basang-basa. “H-Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“Parang sira ‘to, ‘wag na nga.” Kunwari’y bawi ko tsaka nagsimula ulit maglakad palayo pero hinila niya ang kamay ko.

“Hala ‘wag!” Sigaw niya tsaka ihinarap ako sa kanya. “Seryoso ka ba?”

“Oo?” Patanong na sabi ko tsaka napangiti.

Agad niya akong niyakap. “Boyfriend mo na ako ngayon… I’ll court you forever.”

“Sus! Korni!” Pang-aasar ko pa.

“Seryoso!” Natatawang sabi niya bago ako yakapin ulit. Doon ko lang ulit naramdaman ang mainit niyang katawan.

Uminit na naman ang katawan niya… Kung siguro ay hindi pa ako naaksidente, iisipin ko na imposible iyon pero tutal naaalala ko na ang lahat ay hindi na ako nagtataka. Siya ngayon ang nagulat.

“D-Did you feel that?” Gulat na tanong niya nang maghiwalay ang katawan namin.

“Huh? ‘Yung ano? Init?”

“Oo? ‘Di ba? Paano nangyari ‘yon?”

**

[1st]

“H’wag ka na magtumbling diyan! Sinasagot na kita!” Natatawa kong sigaw sa kanya.

[2nd]

“May surprise ka pa ba sa baba? ‘Wag na ayoko na no’n. Sinasagot na kita.” Agaw ko sa atensyon niya nang maunahan niya akong maglakad pababa ng Ospital.

[3rd]

“Matagal na kitang gusto. Hindi mo rin ba halata? Manhid mo naman uy.”

[4th]

“H’wag ka na manligaw.”

Fourth time. He hugged me with warmth in our fourth lifetime. I’ll trust him this time. This may or may not be our last lifetime but I know we’ll try our best to be the best.

At para hindi na maulit lahat ng masasamang nangyari sa amin sa tatlong beses na iyon.