Chapter 17: Mahal na mahal kita

“So ano pang sunod na sinabi mo? Sinabi mo na jontis ka na?”

Umiling agad ako sa tanong ni Carmen. Kinukulit na naman niya ako dahil nakita niya pala ang ma-dramang scene namin ni West doon. Nang makita ko ang mukha niya kahapon ay para siyang kamatis na namumula sa sobrang kilig. Grabe pa ngumiti!

“Hoy ano na kase next na nangyari…” pangungulit niya pa. “Bakit hindi mo sinabi? Magandang timing ‘yon oh.”

“Heh! Kakasagot ko lang sasabihin ko agad? Baka atakihin sa puso ‘yon!” exaggerated na sabi ko rito. “Tsaka wala naman tayong puso, remembrance? Kaunting dugo lang nanigas bago pa tayo manlamig. Puro dead blood cells.”

“Eh kahit na!” Pagpupumilit niya. “Sayang. Kailan mo ba talaga sasabihin sa kanya? Excited na ‘kong sabunutan si Shivani!”

“Bakit naman nadamay rito si Shivani?” kinagat ko ‘yung kinakain naming chichirya para kainin.

“Nagpustahan kami no’n dati wala ka pa rito. Sabi niya kung sino raw magiging girlfriend ni West kasi masyado siyang malamig. Sabi niya si Celine or nakilala na niya tapos sabi ko makikilala pa lang.” sagot niya tsaka kumagat din ng chips.

Inagaw ko agad iyon sa kanya tsaka ko siya sinimangutan. “Nakilala na rin ako ni West eh!”

“Hoy itong buhay na ‘to kase! The struggle having multiple lifetimes and remembering each. Ugh! Ka-stress.” Paliwanag niya. “So kapag pinagkalat iyon ni West malalaman ni Sunny tapos makukuha ko na ‘yung sa pustahan namin.”

“Magkano ba pustahan niyo?” tanong ko.

“Bente.”

Nalaglag ang panga ko kasabay ng kinakain ko. Kinuha niya agad iyon tsaka siya kumain ulit.

“Bawal ‘to sa buntis.” Dugtong niya.

“Bente?” Exaggerated kong tanong sa kanya. Mahina kong hinampas ang braso niya. “Anak ng tokwa naman Carmen! Bakit bente? Pinagpustahan niyo na nga lang ako eh tapos bente lang? Paano natin mahahati ‘yan ngayon?” Gigil na sabi ko sa kanya.

“Huh?” Clueless niyang tanong. “Twenty divided by two is ten. So if hahatiin ay tig-sampo tayo. Paanong ‘paano mahahati’?” Tanong niya pa.

Naku. Lutang ‘to.

Natampal ko ang nuo ko. “Hindi---” huminto ulit ako at marahas na bumuntong hininga bago ko hinigop ang straw para uminom ng juice. “Alam mo, ‘wag na lang. Hindi worth it.”

“Moveon diyan sa lovelife mo. Sa seryoso naman tayo. Nasabi mo na ba sa kanila ‘yung babala?” Tanong niya. Nakatanggap agad siya ng sagot dahil sa mga mata ko. Napabuntong-hininga siya. “Ito ang talagang importante. Paano kung malapit na talaga sila? Paano natin map-protektahan ‘yang bata at ‘tong isla kung hindi natin sila sasabihan?”

Natahimik ako. May point siya.

“Dapat ba ngayon ko na sabihin?”

“Baka tulog na---ay hindi nga pala kami natutulog. Baka nagpapahinga na ‘yon. Bukas na lang. Sabihin mo na ah.”

“Sige. Goodnight, Carmen. Thank you sa lahat.”

“Goodnight Rackhie. I love you.” Nakangiti niyang sabi. “Thank you rin.”

“I love you?” mahina akong tumawa. “Love mo na ako? Nafall ka na?” Biro ko sa kanya.

“Sira hindi kasi!” Masama niya akong tiningnan. “I love you as a friend.”

“Syempre alam ko na ‘yan. Hindi ka nakisabay na trip ko!” Tumawa ulit ako. “Bukas na lang ulit. Pahinga muna tayong lahat.”

Pabalik ako sa bahay-ko. Hindi ko pa nahahawakan ang door knob ay may gumalaw agad sa likod ko na kung ano. Agad akong napatalikod para tingnan kung ano ‘yon. “Sinong nand’yan?” tanong ko rito.

Walang sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagbukas ng pinto. Papasok pa lang ako ay biglang may humila sa kamay ko. Ang isang kamay niya ay nasa ulo ko.

“Hoy! Sino ka?” sigaw ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ng kung sino. “Sasampalin kit---West? Ikaw ba ‘yan?”

Tinanggal niya iyong hoodie niyang itim tsaka unti-unting tumango. “Hi po, good evening,”

“Anong ginagawa mo rito? Nakakagulat ka naman. Akala ko kung sino na.” napabuntong-hininga ako bago ko binuksan ang pinto. “Pasok ka.” Sabi ko rito.

Pagkapasok ko sa loob ay sumunod na rin siya. Binuksan ko ang ilaw dahil nakapatay ‘yon kanina. Umupo agad ako sa sofa.

“So anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Nakatayo pa rin siya roon sa gilid ng pinto at mukhang wala talagang balak umupo. “Dito ka nga,” itinuro ko ang espasyo sa tabi ko.

Sumunod naman siya agad.

Bakit dati ang sungit niya tapos ngayon biglang bait siya? Hindi ko talaga siya ma-gets minsan.

“Ah… Hindi ko naman talaga gustong pumasok.” Hindi siya makatingin sa akin nang maayos. “Babantayan sana kita. Tsaka a-ano… I missed you…”

“Huh? Wala pa nga sigurong isang oras noong huli kitang nakita. Miss mo na ako agad?” gulat ko siyang tiningnan. “Okay lang ‘yan, na-miss din kita.” Nginitian ko siya at niyakap. Nanigas ulit siya sa kinauupuan niya. “Huy, okay ka lang?”

“R-Rackhie…”

“Ano..?” nakayakap pa rin ako sa kanya.

“You’re playing m-my heart,” nanginginig pa ang boses niya. Yumakap din siya pabalik sa akin kaya abot tenga ang ngiti ko. “Even if you’re really playing, keep doing it please. I love it so much.”

Malakas akong tumawa sa sinabi niya. Napatakip pa ako ng bibig dahil baka makita niya na ang ngala-ngala ko. “Grabe,” kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. “Kailan ka pa natuto magsalita ng mga ganyan?” tanong ko sa kanya.

“Ng alin?”

“Ng ganyan! Nako! ‘Wag na nga!” tumayo ako para uminom ng tubig.

Sumusunod siya sa akin kahit saan ako magpunta. Nang makaramdam ako na naiihi ako ay dumiretso agad ako sa cr. Pero ang loko, kahit sa cr ba naman gusto sumunod!

“Hep hep! Hoy huminto ka!” Saway ko sa kanya. “Iihi lang ako. Pati ba sa pag-ihi ko gusto mo kasama kita?”

“Huh… kahit saan pwedeng may mangyari…” palusot niya. “Pwedeng may biglang lumabas sa bintana, may maglaho papunta r’yan or baka biglang may lumabas sa bowl!”

Natampal ko ang nuo ko. “Walang lalabas sa bintana dahil wala naman akong bintana sa cr! At kahit na may maglaho rito, hindi nila ako sasaktan! At lalo namang walang lalabas sa bowl! Sira ‘to! Bakit ba gusto mong sumama? Gusto mo ‘ko makita umihi?”

Nagulat siya sa sinabi ko. Agad siyang umiling. “No! No! It’s not like that. I never thought about that though… I won’t look anyway-but okay fine, just be careful okay?”

“Overprotective mo ah! Hindi naman ako bunt—” natigil agad ako sa sasabihin ko.

“Hindi ka naman ano?”

“Buntot! Hindi naman ako buntot!” palusot ko na lang. Kinabahan ako roon! Muntik na ako!

“Buntot? Anong connect ng pagiging overprotective roon?” takang tanong niya. “Pero sige… Tutal ikaw naman ‘yan, syempre may connect ‘yan kasi sa ‘yo galing.”

Tinawanan ko na lang siya bago ako pumasok sa cr. Isinarado ko agad ang pinto.

“Layo ka nga muna!”

“What? Why?” tanong niya mula sa labas. “Is there something wrong?”

“Wala! Nagsasalita kasi ako kapag umiihi ako. Baka marinig mo ang sasabihin ko eh!”

“Oh okay…” nakarinig ako ng yapak palayo kaya napabuntong-hininga ako.

“I’m doomed…” napahilamos ako sa mukha bago ako tumingin sa salamin na nasa harapan ko. “How am I supposed to tell him?”

-

“Good morning! Gusto mo na ba kumain?”

Mariin akong napapikit nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Tinakpan ko agad iyon gamit ang mga kamay ko. “Shit.” Nang maging maayos na ang paningin ko ay naaninag ko na ang mukha ni West.

Abot langit ang ngiti niya.

Napaupo agad ako mula sa pagkakahiga. “Huh…” kinusot ko ang mga mata.

Nakatingin lang siya sa akin bago niya tanggalin ang muta ko sa mga mata. Hindi ko iyon napansin agad! Hindi pa nga ako nakakapag-cr kaya hindi ko nakita sa salamin!

“Hala…” nakaramdam agad ako ng hiya. “Bakit hindi mo na lang sinabi? Nakakahiya…”

“Ay… Sorry hindi ko na uulitin… Also… don’t be shy. That’s normal and I really don’t mind.”

“Eh kahit na…” Sumimangot ako. “Kanina ka pa rito? O dito ka nagstay mula kagabi?”

“I stayed until four am and left. I returned as soon as I finished breakfast, five am,” sagot niya. “What do you want to eat?”

“Anong oras na?” imbes na sagutin ang tanong niya ay ako naman ang nagtanong.

“Seven AM,” sagot niya. “What do you want to eat? I’ll get you everything you want.”

“Weh?” natatawa kong tanong. “Get me a Zillion Dollar Lobster Frittata.” Pabiro kong sabi.

Sa ibang bansa lang kasi meron no’n. Mahal pa ang mga ingredients at total price no’n. Imposible namang makakuha kami no’n nang hindi lumalabas sa isla.

Nanlaki agad ang mga mata ko nang tumango siya agad at kinindatan ako. “Okay.”

Wala pang ilang minuto ay hinain niya na ‘yon sa harapan ko. Laglag ang panga ko habang nakatingin doon. Zillion Dollar Lobster Frittata, naka-serve sa harap ko! Nasa isang tray ‘yon at inilapag niya sa table na nasa harap ko. Sina mommy at daddy lang ang may interes sa mga mamahaling pagkain. Minsan na silang bumili nito kaya alam kong ganitong-ganito iyon!

“Hoy? Saan mo ‘to nakuha?” gulat na tanong ko sabay turo sa pagkain. “Mahal ‘to ah? Atsaka bakit ang bilis? May magic kang ginamit ‘no?”

Nagkamot siya ng tenga kaya nakumpirma ko na agad iyon. Tumabi siya sa akin.

“Don’t tell me you stole this!”

“Of course not!” sagot niya agad. Maging siya ay napataas na rin ang tono ng boses. “I got that with my own money!”

“Gumastos ka ng $2, 000 para lang sa breakfast ko na ngayong araw ko lang makakain?”

“Yes. Why not? You asked for it.” Bale walang sabi nito kaya mas lalo akong napangaga. “Tell me if you need anything or more.”

“Seriously… this is crazy… Where did you get that amount of money? Ganoon ba kalaki ang sweldo mo sa pag-a-artista?” gulat pa rin akong nakatingin sa kanya.

“Actually…” he licked his lips again! “The day when you kissed me… That’s the time when our franchise closed.”

“Hala,” iyon na lang ang nasabi ko. “Tapos hinalikan pa kita! Pasensya na!” Paumanhin ko.

“It’s fine…” sagot niya at binigyan ako ng matamis na ngiti. Pinisil niya pa ang pisngi ko. “I loved it anyway.” Sabi pa niya.

Ang straight forward niya!

“Talaga lang ah…” ngumisi ako. Tiningnan ko siya sa mata hanggang sa ilong… papunta sa…

“You’re so beautiful,” sabi niya bigla.

Napabalik tuloy ang tingin ko sa mata niya.

“Ha?”

“Your eyes, your nose, your… lips. Your soul, your hair, your ears, your heart, your---”

“Ang dami naman. Pinupuri mo ‘ata ako masyado!” Natatawa kong sabi.

“I could give you a billion reasons why you’re so beautiful.”

“That’s impossible. You have to repeat everything.”

“Thank you.”

“Thank you for what?” tanong ko.

“For choosing me.”

“That’s fine. As long as you don’t say I deserve better.” Tatawa-tawa kong sabi nang maalalako ang mga palusot noon ng mga ex ko sa akin bago kami maghiwalay. “That’s bullshit.”

“I’m the best so you don’t deserve better,”

Nagkatitigan kami saglit dahil sa sinabi niyang iyon. “How can you be so proud…”

“I’ll do my best to be the best for you,”

“Hindi mo lang dapat sinasabi ‘yan…”

“Of course.” He chuckled. “I have a favor,”

“Ano? As long as hindi mahirap at kaya ko. Ano ba ‘yan?”

“Listen to the song and take a look at the lyrics.” May ibinigay siya sa aking nakatuping papel tsaka isang mp3 player. “I just… I no you don’t like gifts that much---”

“I like gifts! Specially expensive ones!” putol ko agad sa kanya. Makapal na kung sa makapal ang mukha ko pero iyon ang katotohanan. Who wouldn’t want to have expensive gifts?

“Then I’ll buy you whatever you want.”

“Seriously, where did you get those money?” curious na tanong ko. “Kailangan ko rin niyan.”

Tumawa lang siya bilang sagot bago niya ginulo ang buhok ko. “I saved them all for my future. Since I see my future with you, it’s for you, too,” sagot niya. “Just tell me if you want something…”

“You’re really serious with that huh…”

“Syempre. Mahal kita eh.” Supalpal pa niya. “So here it is, this is my first gift-should I call this a gift? I’m giving this so even the future… No matter what happens… You’ll listen to this and you’ll remember me.”

“Ano ba ‘to?” binuksan ko ‘yung papel. “Lyrics?”

“Yup.” Itinuro niya naman ‘yung mp3 player. “I know you already have a phone but I still want to give that to you. Remember the time when you found out what really I am?”

“The day I played the song ‘Say you won’t let go’? What about that?”

“I really hate that song… I used to. I don’t know why… A girl keep appearing in my dreams. I always hear that song. Then one day I suddenly forgot about her face and I never dreamt about her anymore. So I… It kinda made me sad… That mp3 player is the one I used. I want to forget about her now. I want to replaace those memories with you.”

“So that’s the reason why you’re mad at me?”

“I’m not mad! Ikaw ‘yan, bakit ako magagalit sa ‘yo? I’m just pissed to hear that song again.”

“So if til now naaalala mo pa rin ‘yung babae hindi tayo mapupunta rito… Maganda siguro siya.”

“You’re the most beautiful creature in this universe.” Mabilis niyang supalpal sa sinabi ko.

“May bala ka talaga palagi, ‘no?”

“Enough of that. Read it now! I’m so excited!”

Sinimulan ko na itong basahin kasama nang pagplay ko sa kanta. Nasa tabi ko pa rin si West at pinagmamasdan akong pakinggan at basahin ‘yung ibinigay niya sa akin.

Birds – Imagine Dragons

Two hearts, one valve

Pumpin’ the blood, we were the flood

We were the body and

Two lives, one life

Stickin’ it out, lettin’ you down

Makin’ it right

Binabasa ko lang iyon habang siya ay tahimik pa rin siyang nakatingin sa akin. Tsaka lang siya sumabay sa pagkata nang nasa pre-chorus na.

Seasons, they will change

Life will make you grow

Dreams will make you cry, cry, cry

Everything is temporary

Everything will slide

Love will never die, die, die

Then chorus.

I know that ooh, birds fly in different directions

Ooh, I hope to see you again

Sunsets, sunrises

Livin’ the dream, watchin’ the leaves

Changin’ the seasons

Some nights I think of you

Relivin’ the past, wishin’ it’d last

Wishin’ and dreamin’

Seasons, they will change

Life will make you grow

Death can make you hard, hard, hard

Everything is temporary

Everything will slide

Love will never die, die, die

“I’ll make you understand every word, sentence.”

“Lahat?”

“Yes. Saan mo ba gusto simulan?”

“Uhm… Simula sa simula.”

He chuckled. “Okay fine.”

Akala ko ay babasahin niya muna iyon bago magsalita pero mukhang kabisado na niya ang lyrics dahil hindi na siya tumingin doon.

“I want you to remember… That even if we’re not yet married, we’re one. Two hearts, one valve. If you can’t see it clearly, I’ll be your eyes. If you can’t feel it, I’ll tell you how it feels like. If you can’t hear, I’ll show you what it’s sound like. Even if I let you down, I promise to make it all right… in the right timing…” paliwanag niya.

“Vow na ‘ata ‘yan ah?”

“I have a million choices of vows to choose. It’s all from the bottom of my heart.”

“Heh! Ang sweet mo naman!” namumula na agad ang mukha ko.

“Okay next…” he hugged me. “As long as you can remember, please remember. I’ll cherish you forever. Seasons may change: you may change, I may change. Our life will make us grow, we’ll grow together. We may fail and cry but everything is temporary and it’ll go away. Love will never die.”

Pinapakinggan ko lang siya habang nagpapaliwanag siya.

“I’ll let you realize the pre-chorus your own.”

“Huh? Bakit hindi mo na lang sabihin?”

“Basta! Okay next…” nag-isip siya saglit. Mga fifteen seconds lang siguro. “Hmm… I’ll just leave it on your mind. Para mas lalo mo akong maalala.”

“Eh.”

Bumuntong-hininga siya. “Okay fine. I’ll explain---”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang yakapin. “I don’t need it anymore. Mas maganda kung mags-stay ka palagi sa utak ko. Thank you… I love you, West.” I kissed his cheeks.

“I love you more. Mahal na mahal kita.” He kissed my forehead.

Seasons, they will change…

Life will make you grow…

Death can make you hard, hard, hard…

Everything is temporary…

Everything will slide.