Chapter 12: sealed with a kiss
Para i-celebrate ang pagdating at pagkikita naming lahat, gumawa ng announcement si Landrice. Magkakaroon kami ng party rito sa isla para makapagcelebrate. Pagkatapos daw no’n ay magpaplano na kami kung paano namin lalabanan ang Ridge clan, mga kamag-anak nila—pero hindi sa dugo.
Nakaupo ako ngayon dito sa harap ng pintuan ng isang bahay. Wala raw kasing tao rito. Mas gusto ko kasi sa tahimik na lugar kaya dito ko naisip pumunta.
“Racks nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap,” biglang lumitaw si Landrice sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinatayo ako. “Punta tayo kay Darlene, kaya niyang gumawa ng kahit anong damit gamit lang ang isip. Magpapasukat tayo saglit tapos sabihin mo na sa kanya ‘yung gusto mong isuot para bukas ng gabi.”
Naglakad ako kasunod niya habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Huminto kami sa isang pila. Ang sabi ni Landrice ay maghintay na lang daw muna ako rito habang wala pa siya. May pupuntahan daw siya saglit. Kapag daw ako na ang tatanungin ni Darlene, gayahin ko na lang daw ang ginawa ng mga nauna sa akin sa pila.
‘Di nagtagal at isang tao na lang ang nasa harapan ko sa pila. Wala pa rin si Landrice kaya pinakinggan ko na lamang ang sinasabi noong nasa harapan ko.
Pero wala akong marinig. Nagtititigan lang silang dalawa—o hindi? Kakaiba ang titigan nila. Para silang nag-uusap. Nag-uusap sa isipan.
Noong ako na ang itatanong tuloy ay wala akong maisagot. Hindi ko malaman dahil hindi naman ako pamilyar sa tanong na ‘yon at hindi ko naman narinig ang boses noong nauna sa’kin kanina para magkaroon ako ng ideya sa isasagot ko.
“You know she’s a human, right?” Biglang lumitaw si Ameer sa tabi ko. Matalas ang tingin niya roon sa Darlene at sa babaeng nasa harapan ko kanina. “Hindi naman siguro kayo ganoong katanga para hindi malamang hindi siya marunong makipag-usap o makinig sa usapan gamit ang utak.”
“Eh ano naman? Hindi nga dapat siya nandito! Tao lang siya!” Galit na sigaw nung babaeng nasa harapan ko kanina.
“Envy, Georgia?” biglang dumating si Shivani. Matalas din ang tingin niya roon sa babae. Mukhang narinig niya ‘yung sinabi ni Ameer. “Do you know who did you just called, ‘tao lang’? She’s Landrice’ left-hand,” seryosong sabi ni Shivani rito.
Nakita ko ang gulat sa mata noong Georgia pati noong Darlene. Agad silang yumuko at lumuhod sa harapan ko kaya nataranta ako kung ano ang gagawin. Bakit sila lumuhod?
“Hala!” pinatayo ko sila agad. “Bakit kayo lumuluhod?”
“We’re sorry, Ma’am,”
“Ma’am?” Takang tanong ko. “Bakit ba kayo nagso-sorry? Hindi naman problema ‘yon! Pero thank you at nag-apologize kayo!” Awkward akong ngumiti sa kanilang dalawa.
“Let them apologize, they deserve a punishment,” binulungan ako ni Shivani.
“That’s enough, Shivani,” nagsalita ulit si Ameer.
Tanging ngiti lang ang isinukli ni Shivani sa kanya tsaka nakapamulsang umalis sa tabi naming dalawa ni Ameer.
“I’ll call someone to assist you, stay here. It’ll be fast so don’t worry,” ngumiti sa akin si Ameer tsaka siya dire-diretsong umalis sa harapan ko.
D-Did I just saw him smile?
Natulala ako habang naglalakad siya palayo. May nakasalubong siyang babae, may sinabi siya roon. Sa una ay parang inis na inis sa kanya ‘yung babae pero lumambot ang ekspresyon nito nang may sinabi ulit si Ameer. Hindi ko nga lang alam kung ano, syempre.
Lumapit sa akin ‘yung babae. Ang nakakagulat, bigla niya akong inakbayan na para bang close na close kami.
She’s wearing a bikini but she don’t have the tan. Hindi nga sila umiitim kahit magbabad pa sila ng isang linggo sa ilalim ng araw. Normal na siguro sa kanila ‘yon.
Mahaba ang buhok niya na straight, kulay black ‘yon. Nakahati ang buhok niya pero hindi ‘yon pantay. Malaking parte ang nasa kaliwa at kaunti naman ang nasa kanan. Para siyang model. Kakaiba rin ang mata niya, may lahi siguro siya dahil may European features siya.
“Uh…” hindi ko malaman ang sasabihin.
“Calm down. I’m helping you…” she smiled.
“Inutusan ka ba ni Ameer? Pasensya ka na sa abala ha. Okay lang naman talaga ako tsaka kaya ko na naman na so kung may gagawin ka pa—” pinutol niya ang sasabihin ko.
“Girl, I’m here to help you. I volunteered and I insist. So please don’t push me away,” she chuckled as she removed her arms in my shoulders. “Do you have any idea what you want to wear for the party tomorrow?”
Nadadala na ako sa kaka-ingles niya, ha.
“Uhm? Ano bang pagpipilian?” tanong ko.
Tumawa siya. Natahimik tuloy ako. Nakakahiya ‘yon! Kahit naman may ideya ako kung ano ang gusto kong suotin ay nahihiya akong sabihin. Hindi tulad noon nung kasama ko ang mga magulang ko ay nagsh-shopping lang ako kasama ang mga bodyguard ko. Sila ang ginagawa kong ‘yes or no’ option.
“What’s your favorite color?” tanoning niya. Parang may pumasok bigla sa isip niya bago pa ako makasagot kaya nagsalita ulit siya. “I forgot to tell you my name! My name is Carmen, Carmen Azul Gómez. You’re, Rackhie.”
“Yes. Nice to meet you,” ngumiti ako sa kanya. “Favorite color? Black, red, white and gold.” I want to look elegant. That’d be perfect. Mom told me those colors fit me well.
“That’s a nice choice.” Kinagat niya ang labi at tumingin sa taas. May iniisip siya.
Iniisip niya ba kung ano ang susuotin ko?
“I have an idea! You don’t need to worry about me!”
“Girl, I’m not. This is on me. Trust me with this one. I just really like customizing—specially you look perfect. Even without makeup. Modeling industry would love you to be a part of them!”
Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Para tuloy akong sinabihan ng crush ko na ang ganda-ganda ko sa prom. Pero sa totoo lang, doble ang kilig na nararamdaman ko dahil babae ang nagsasabi noon sa akin.
Female validation.
“Let’s go!” hinila niya ang kamay ko at dinala ako sa kung-saan. “I have unused dresses in my house. I’m sure you would love them.”
We just finished finding dress to wear. Inabot kami ng halos isang araw ni Carmen kakahanap ng perfect na susuotin. Perfectionist pala siya. Bukod doon, nagsukat pa kami at inayos niya pa ang sukat noong dress para kumapit nang maayos sa katawan ko. Maganda naman ang kinalabasan noon kaya todo pasalamat ako sa kanya.
“Ang bilis nila magprepare,” bulong ko habang tinitingnan namin ni Carmen ang venue ng party. Kapag sa amin siguro ‘tong mga tao, aabutin pa kami ng tatlong araw bago maayos ang ganitong ka-garbong selebrasyon—kahit na gumamit pa ng several helpers. Halos wala pa nga silang plano rito.
“I know right, perks of being a vampire.” Nginitian ako ni Carmen. “We only have 3 hours to get ready so… See you! Make sure to wear what I made huh!” tumayo siya.
“Pinapaalis mo na ako?” pabirong sabi ko.
“Huh? Of course not! You can stay here if you want. Mas mabuti nga ‘yon eh, ayusan natin isa’t isa,” tumawa siya. Ang hilig niya tumawa! “Pero alam kong kailangan mo rin ng privacy kaya ko sinabi ‘yon.”
“Joke lang naman!” tumawa rin ako. “Aalis na ako ha! Doon lang ako sa kubo ko! Maliligo pa ako eh! Salamat ulit sa tulong!”
“Okay! You’re welcome! Tell me if you need anything!”
**
Lumalagabog na ang sahig nang matapos akong maligo. Napakalakas kasi ng tugtugan sa labas. Naka-tuwalya pa lang ako ay nakikita ko na ang mga tao sa labas na nagkkwentuhan at nagtatawanan. Ang gaganda pa ng mga kasuotan nilang lahat. Hindi mo aakalaing bampira sila.
Nagdryer muna ako bago ko ikinulot ang dulo ng buhok ko. Binigyan din ako ni Carmen ng makeup kahapon. Marunong naman na ako magmakeup kaya kaya ko na ‘to.
Naglagay ako ng primer, foundation, concealer para sa pisngi, nuo at baba ko. I put the eyeliner first before I curled my lashes and put some mascara. A red lipstick, an eyebrow pencil and I’m done.
Hindi naman kailangang dumaan ng dress ko sa mukha ko kaya inuna ko na ang makeup ko.
I stared at the dress Carmen gave to me.
It’s a black satin mini dress, a luxuriously soft satin fabric and cut to a figure-hugging fit with cowl neckline. It’s with a extra long mesh sleeves and mesh boned corset detailing. I partnered it with my black stiletto. Nag-dangle earrings din ako. Kulay silver. Bigay rin ni Carmen sa akin ito.
After wearing those, I looked at the mirror just to see myself so… perfect. I look hot!
Nagtitili na ako sa utak ko. Kinikilig ako kasi ang ganda-ganda ko. Nagpo-pose-pose pa ako roon sa harap ng salamin na parang model. Tinawanan ko na lang ang sarili ko bago ako sumilip sa labas. Medyo nahihiya ako eh.
Bakit ba? Nahihiya ako pero ang ganda ko talaga shuta ipagmamayabang ko talaga ‘to kaso ayaw ko. Ay basta! Nakakaloka!
“Huy gagi ang ganda!” muntikan ko nang maisarado ang pintuan, muntikan pang maipit ang kamay niya. Sumulpot ba naman sa harapan ng pintuan ko si Ravenne!
“Gaga ka muntikan ko na maisarado! Ipit ‘yang kamay mo!” singhal ko sa kanya pero hindi niya ‘yon pinansin.
Pinasadahan niya ako ng tingin bago siya unti-unting ngumiti.
“Pakshet ang ganda mo! Maling behavior ‘yan tol! Nakakabakla ‘yan!” Nagtatalon pa ang loka-loka bago ako pinaikot. “Hala ang ganda mo talaga sis! Nakakainggit!” peke pa siyang umiyak kaya mahina ko siyang hinampas sa mukha.
“Loka loka ‘to, ikaw nga ‘yung maganda r’yan! Pero dahil sinabi mo na maganda rin ako, maganda tayong magkakaibigan, ‘no!” para kaming baliw na dalawa dahil sa lakas ng tawa namin.
Pinagtitinginan na nga kami ng mga babaeng dumadaan. Iyong iba ay nakikitawa na rin. Nakakahawa kasi ang tawa ni Ravenne!
In-offer niya ang braso niya sa akin kaya tatawa-tawa kong tinanggap ‘yon.
She’s wearing a red off-shoulder ruffle mini dress. Her ears are proudly showing her golden Bajoran earrings. Her hairstyle? It’s a bun plait. She looks so perfect. Para siyang modelo! As in! Pwede na siyang maging cover girl sa ganda niya at matangkad pa siya.
Natatapatan kami ng ilaw sa mukha pero si Ravenne lang ang hindi pumipikit. Hindi siguro sila nasisilaw sa mga ganoon katulad naming mga tao. Kakaiba talaga sila!
Nagsasayawan lang ‘yung iba kasama ang mga kaibigan nila. Puro babae lang naman kasi kami rito. Iyong mga kasama lang naman namin ang mga lalaking nakapasok dito sa isla. Hindi na ako nagtaka noong may maghalikang babae ‘di kalayuan sa pwesto namin.
“Nasa’n sina Landrice at Shivani?” tanong ko.
“Ako hindi mo hanap?” biglang may tumalon pababa rito sa pwesto namin. Galing siya roon a pinakamataas na puno rito sa isla. Tinalon niya lang!
“Hi, Midnighte,” bati ko.
“What about Aia?” ngumisi siya sa akin. Tumayo siya para ipakita ang suot niyang black satin mini dress.
“Hi, Aia,” ulit ko.
Ngumiti siya sa akin bago ako tiningnan, “Ang ganda, ah,” puri niya. “Sayang at walang lalaki rito. Pagkakaguluhan ka ng mga ‘yon,” natatawang sabi niya.
“’Di mo sure,” bulong ni Ravenne sa tabi ko.
“Gotta go!” Biglang naglaho si Midnighte.
Alam kong sina Lester, Renzo, Lycus at Ameer ang tinutukoy ni Ravenne na mga lalaki rito. Hindi ko alam kung sasama sila rito dahil nawala rin si Ameer saglit sa isipan ko. Para sa akin ay mas mabuti na ‘yon kesa naman maloka ako dahil sa pagkakagusto ko sa kanya.
Speaking of the devil…
“Hey,”
Natahimik kaming dalawa ni Ravenne nang bumungad sa aming dalawa sina Lester at Ameer. Naka-tuxedo silang dalawa na itim. Parehas na parehas talaga sila ng isinuot! Para silang kambal. Nakataas nga lang ang buhok ni Ameer pero ‘yung kay Lester ay ibinaba.
“Ang gwapo…” bulong ng katabi ko tsaka unti-unting ngumiti.
Samantalang ako ay nakatulala pa rin habang nakatingin kay Ameer. Nakatingin lang din si Ameer sa akin. Bumubuka ang bibig niya na para bang may sasabihin siya pero tumitiklop ‘yon palagi. Ang awkward tuloy.
“Insanely beautiful…” His mouth fell open.
Kinalabit ako ni Ravenne. Nakakawit na pala ang kamay niya roon sa braso ni Lester. Traydor talaga ‘tong babaeng ‘to. Sigurado akong may ideya na siya na may gusto ako kay Ameer kaya niya ginagawa ito.
“Girl mauuna na ako ha. Usap muna kayo. Kitakits!” nagflying kiss pa ang loka-loka bago isinandal ang ulo kay Lester at naglakad sila palayo sa aming dalawa ni Ameer.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ramdam ko pa rin kasi ang tingin sa akin ni Ameer, eh.
Napapangitan ba siya? Para niya kasi akong hinuhusgahan sa tingin niya sa akin kanina. Kinakabahan tuloy ako.
“Do I look… ugly?” Ibinalik ko sa kanya ang tingin ko nang sinabi niya ‘yon.
“Ha?” balik tanong ko sa kaniya.
“There,” ngumiti siya. “Pangit ba? Ako? Iyong suot ko?” tanong niya tsaka tiningnan ang kasuotan niya. “Ouch,” bahagya siyang tumawa.
“Huh? Hindi ah! Ang gwapo… mo… nga eh.” Paputol-putol ang sinasabi ko.
Sa isip isip ko ay gusto ko na lang tumakbo nang tumakbo rito sa buhanginan at ilibing ang sarili ko nang buhay. Hindi mapakali ang tiyan at puso ko dahil sa kanya. Parang kinikiliti ang alaga ko sa baba.
Natahimik kaming dalawa. Tanging ang malakas na beat lang ng music ang naririnig namin. Wala naman ‘ata siyang sasabihin.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang bigla siyang nagsalita.
“You’re so beautiful today…” he said. “Don’t get me wrong, you look beautiful everyday. You’re just better today—no, everyday you get better. Beautiful than ever—I mean…” hindi niya malaman ang sasabihin.
“You mean?” pinipigilan kong matawa dahil sa ekspresyon niya. Para siyang batang kinakabahan na pagalitan siya ng magulang niya dahil lumabas siya nang hindi nagpapaalam.
“I better shut up,” he chuckled.
GIRL HE DID NOT! HE CHUCKLED SEXILY!
“Kanina ka pa nandito?” tanong ko sa kanya para bahagyang kumalma ang puso ko. Baka marinig niya ‘yon!
“Hindi, kalalabas lang namin ni Lester doon sa isang kubo. Pagkalabas namin natanaw agad namin kayong dalawa ni Ravenne,” sagot niya.
Parang kakaiba siya ngayon. Mas marami na siya kapag nagsasalita siya at ngumingiti na rin siya—o baka naman ngayon lang ‘to kasi maganda ako sa makeup at dress ko?
“Is something wrong? You look occupied,”
“Huh? Wala, wala. Wala naman,” sagot ko sa kanya.
“Rackhie!”
Papalapit na sa pwesto namin sina Landrice, Shivani at Siquiera. Pare-parehas silang naka-halter neck mini dress pero iba iba ang kulay. May glitters ang kulay gold na dress ni Landrice, kay Shivani naman, kulay black at kay Siquiera, naka-kulay white siyang dress. Siya pa lang ‘ata ang nagsusuot ng kulay putting dress.
Ang gaganda nilang lahat!
Halos lahat na lang ‘ata ng nakikita ng mga mata ko ay may potential sa pagiging model! Pati sina Lester at Ameer. Ang gwapo nila!
“Uy ang ganda oh,” puri ni Landrice sa akin. Tumingin siya sa likuran ko at nakita niya si Ameer doon. Nanunuya ang ngiti niya habang nakatingin sa kuya niya. “Hi kuya, ganda ng date mo ah,” sabi ni Landrice dito. Hindi ko makita ang reaksyon ni Ameer pero tinawanan lang siya ng kaibigan ko.
“Okay, I need to go. Have fun, ladies,” paalam ni Ameer.
“Hoy kuya! Nangako ka kay Carmen na kakanta ka mamaya ah!” pahabol pa ni Landrice.
“Nasaan pala si Celine?” tanong ko.
“Ay, nagpapaayos pa ‘ata kay Darlene.” Sagot ni Siquiera. “I heard you, Darlene and Georgia fought. Why?” tanong niya sa akin.
“Huh?” takang tanong ko. Doon lang pumasok ko ang nangyari kahapon doon sa pila. “Ah, ‘yon ba? Misunderstanding lang. Hindi naman kami nag-away.” Sagot ko.
“That’s good then,” she smiled. “Have you seen Carmen?” Tanong niya naman sa akin.
“Three hours ago pa nung huli kaming nagkita, sabi niya pupunta raw siya rito eh,” sagot ko.
“That’s weird,” her brows furrowed. “Usually, kapag may parties. Lagi siyang nauuna.”
“Baka naman nagkaproblema lang sa dress or what… gano’n?” singit ni Shivani.
“Maybe. I hope so,” bumuntong-hininga si Siquiera. “Let’s dance!”
HILONG-HILO ako nang makaupo ako sa isang putol na punong kahoy. Napakarami ng ipinainom sa akin nina Landrice. May truth or dare pa kasi silang ginawa roon kaya palihim na lang akong umalis.
Napahinto ako sa pagtatanggal ng heels ko nang may makita akong isang kwarto. Nakabukas ang pinto.
Tahimik akong lumapit doon hanggang sa may marinig akong magsalita.
“What? Why? That’s so sudden!”
Oops! Boses iyon ni Ameer! Mukhang may kausap siya. Sino naman kaya ‘yon?
Wala pa rin akong ibang boses na narinig bukod sa boses ni Ameer.
“I-I’ll just call you back,” nanginginig ang boses ni Ameer. Mukhang hindi niya kausap sa personal iyon. May kausap siya sa telepono. “Y-Yes, yes. Thank you.”
Sinilip ko siya roon sa may pintuan. Umiiyak siya!
Fire exit pala ‘to. Naaalala ko tuloy noong sinabi niya sa akin na sa fire exit niya lang nafi-feel na safe siya. Iyong nakaupo kaming dalawa tapos umuulan.
Aalis na sana ako para bigyan siya ng space nang bigla siyang magsalita. “Who’s that?”
Tinanggal ko muna ang heels ko at binitbit ‘yon. Tsaka ako pumasok sa loob ng fire exit. Natagpuan ko siyang nakaupo roon sa hagdanan at nagpupunas ng luha.
Ano kayang meron?
“Rackhie? What are you doing here?” tanong niya sa akin.
Kung hindi ko siya nakitang umiiyak kanina ay hindi ko aakalain na umiyak siya. Nawala kasi kaagad ang pamamaga ng mga mata niya.
“Uhm… Ano… Nagtatanggal lang sana ako ng heels dito kasi tahimik. Medyo nahihilo rin ako kaya umupo ako roon sa may punong kahoy,” itinuro ko ‘yung inuupuan ko kanina. “Tapos nakita kita. Aalis na nga sana ako kaso tinawag mo ako. Hindi ko naman sinasadyang mapunta rito at mapakinggan ‘yung usapan niyo nung kausap mo sa phone…”
“Oh. It’s fine. You should leave.”
“Luh pinapaalis agad ako,” sinubukan kong magbiro. Parang bagong Ameer ang nakikita ko ngayon. Sa totoo lang, parang parehas kaming dalawa na may bagong personality.
“Then I’ll just leave---”
“Huh! ‘Yan ang h’wag mong gagawin! Ako ang nakikiepal dito pero hindi rin ako aalis. Magstay na lang ako rito kasi ang ingay masyado sa labas eh.”
“I have to do something there—” tatayo na sana siya nang gamitan ko siya ng pwersa paupo.
“Dito ka muna. Saglit lang, five minutes.”
Tinabihan ko siya sa inuupuan niya kanina.
Umupo rin siya. “Okay…”
“Umiyak ka ‘no? Bakit?”
“Huh?” medyo nagulat siya roon sa sinabi ko. Pinanlakihan niya pa ako ng mata. “Napuwing lang,” palusot niya.
“Para kang babae,” tumawa ako. “Compliment ‘yon ah! Kapag gusto mo para kang protective na lalaki tapos matapang pa. Minsan naman parang kasing lambot mo ‘yung mamon. Para kang babae, napansin ko nangyayari ‘yon kapag nasasaktan ka.”
“That’s bullshit,” nagmakeface pa siya.
“Hindi pa kasi ako tapos,” I clicked my tounge. “Dalawang beses na kitang nakitang umiyak eh. Hindi ba, ang sabi ko sa ‘yo dati, make me your safe place? Hindi naman kita pinipilit na gawin ‘yon pero kung pwede, kung kumportable ka sa akin at wala kang ibang masabihan. Nandito naman ako. Magkaibigan tayo, ‘di ba?”
Magkaibigan.
“Kailan pa tayo naging magkaibigan?” tinaasan niya ako ng kilay.
“Oh lumabas na ang old personality mo! Minsan mas prefer ko ‘yan eh. Pero ayos din ‘to, nakakamangha naman kasi makakita ng lalaking umiiyak,”
“Malapit nang matapos ang five minutes,”
“Ito Ameer, seryoso na. Kung ano man ‘yang problema na dinadala mo, alam kong kaya mong malagpasan ‘yan. Hindi naman tayo binibigyan ng problema noong kaitaasan kung hindi natin kaya. Alam kong kayang-kaya mo ‘yan kasi matapang ka, ‘no.” Ngumiti ako. Nakaramdam ako ng ka-cheesy-han doon kaya nag-isip agad ako ng idadagdag. “Kahit na minsan ang sungit mo sa ‘kin. Tapos kinulong mo pa ako sa bahay niyo!”
“Bakit ka kasi nagpapatugtog ng mga ganoon?” tanong niya. “Ah, salamat sa advice.” Boring na sabi niya sa akin.
Ewan ko kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla ko siyang niyakap.
“You don’t need to tell me what’s bothering you—or what your problem is. You don’t need to come to every fire exit just to feel safe. We can hug you everytime you feel alone.”
Naramdaman ko ang suka na palabas na sa bibig ko. Bago ko pa man ‘yon mailabas…
I kissed him.
I kissed Ameer Graye’s lips.
“Please make me your safe place. Please let me help you,” hinawakan ko ang mukha niya bago ko isinandal ang nuo ko sa nuo niya. “I want to help you, Ameer—”
“West… Call me West,” he whispered when I finished kissing him. His ears are red.
“West, let me help you with this one… please.”